August 28, 2023

07 Make Me

OVER BLACK.

Maririnig ang paghikbi ni ELY.

CUT TO:

INT. PINTUAN - UMAGA

Magpupunas ng luha si Ely, 25, habang nag-aayos ng mga bagahe sa likod ng taxi si JAMIE, 27. Hindi na siya muling nilingon pa ni Jamie hanggang sa makapasok siya sa sasakyan at ito'y umarangkada na papalayo sa bahay. Hihintayin ni Ely na tuluyang mawala sa kanyang paningin ang taxi.

Hihinga nang malalim si Ely. Sisilipin ang kanyang relo. Titingalain ang sikat ng araw.

(pintig)

Tuluyan na siyang papasok sa loob ng bahay at isasara ang pinto.

CUT TO:

INT. KUWARTO - UMAGA

Nakahiga lamang si Ely sa kama at walang kabuhay-buhay na nagsoscroll sa kanyang cellphone. Maya't mayang tinitingnan ang oras at ibang apps. Maya't maya rin magbubuntong-hininga. Maya-maya'y ipapatong na niya ang kanyang cellphone sa kama at pipikit.

CUT TO:

OVER BLACK.

ELY (V.O.)
(pintig) Pagod na 'ko. Ayoko na. Putang ina. Putang ina mo. Putang ina mo rin. Putang ina niyong lahat. Ayoko sa lahat yung nasasayang yung pinaghirapan ko. Palagi na lang. 'Tang ina talaga. Mali na naman. Ambobo ko. Bobo bobo bobo. Boboooooo. 'Tang ina mo, bobo mo. Sana 'di ka na lang pinanganak. Sana 'di na lang ako nabuhay. Putang ina, ayoko na. Bakit ba ako na lang lagi? Napapagod na 'ko mag-isip. Pagod na 'ko mabuhay. Sayang lang lahat. Ambobo ko sobra. Ambobo mo putang ina mo. Putang ina niyong lahat. Lalo ka na. 'Di ba sinabi ko na sa 'yo tantanan mo na 'yan? Ayaw mo kasing maniwala e. Sabi mo parang bago 'to. Sabi mo iba na. Sabi mo hindi na mauulit. Sabi mo okay naman, okay naman. Okay naman. Okay nga. 'Tang ina. Ang galing mo talaga, idol. Sobrang bobo mo. Putang ina mo shet pakyu putang ina fucking shit fuck fuck fuck fuck fuck fuck...

May kaunting pagtulo hanggang sa unti-unting matatabunan ng papalakas na pagbuhos ng malakas na ulan ang boses ni Ely.

Malakas na buhos ng ulan. May kaunting pagkulog.

(pintig)

Tumila na ang ulan. 

Maririnig ang isang message notification.

CUT TO:

INT. KUWARTO - HAPON

Iilaw ang cellphone ni Ely. Makakareceive ng panibagong message notification. Magigising si Ely at kukunin niya ang cellphone, kanyang bubuksan.

KIM (TEXT)
so...

KIM (TEXT)
how are you?

Kukunot ang kilay ni Ely. Binasang muling maigi ang mga message. Ibinaba niyang muli ang kanyang cellphone sa kama.

Maririnig muli ang notification. Titignan ni Ely ang cellphone. Nag-alangang saglit kung kukunin ang cellphone pero dinampot niya pa rin at binuksan ang message.

KIM (TEXT)
water you planning t do?

Nagtype ng message si Ely. Binura niya. Nagtype muli, at muling binura agad. Ibinaba niya ang kanyang cellphone muli sa kama. Nakatanggap muli ng message notification.

KIM (TEXT)
fun fact: ang kulay ng mirrors ay green.

Kukunot ang kilay ni Ely pagkabasa ng message. May kaunting udyok ng pagngiti ngunit kusang napipigilan pa.

ELY (TEXT)
Ulol.

KIM (TEXT)
oo nga gagi. fun fact: mamalasin ka pag nakabasag ka ng salamin.

ELY (TEXT)
Pa'no naging fact 'yan? At fun?

KIM (TEXT)
syempre

KIM (TEXT)
sakin nanggaling

KIM (TEXT)
😝

ELY (TEXT)
'Tang ina mo hahahaha.

KIM (TEXT)
fun fact: ang magkatapat na dalawang mirror ay gateway to another dimension

KIM (TEXT)
😱

ELY (TEXT)
Anong dimension? Papunta saan?

KIM (TEXT)
malay q

ELY (TEXT)
XD

ELY (TEXT)
(pintig) Thank you.

KIM (TEXT)
np

KIM (TEXT)
water u doing today

ELY (TEXT)
I don't know. I guess maglilinis ng kuwarto, and other things.

ELY (TEXT)
How are you btw?

KIM (TEXT)
all good

KIM (TEXT)
hey

KIM (TEXT)
take care of yourself okay

ELY (TEXT)
I'll try. Thanks again.

KIM (TEXT)
aight

Ibababang muli ni Ely ang kanyang cellphone sa kama. Muli siyang hihiga at pipikit.

CUT TO:

INT. BANYO - GABI

Pinupunasan ni Ely ang salamin. Mukhang pagod na pagod at katatapos lang linisin ang buong banyo. Magpupunas ng mangilang nangingilid na tulo ng pawis. Makikitang walang bahid na kahit na anong dumi sa salamin, ni katiting na alikabok. Makikita ni Ely ang kanyang repleksyon. Tititigan niya ito.

ELY
Putang ina mo ampangit mo. (pintig) Bobo ka na, pangit ka pa. 'Tang ina mo.

Ibabato ni Ely ang basahan sa salamin. Tititigan niyang muli ang kanyang repleksyon. Magbubuntong-hininga at isasara ang ilaw.

CUT TO:

INT. KUWARTO - GABI

Nakaupo sa harap ng laptop si Ely. Kausap si Kim sa chat.

ELY (TEXT)
Katatapos ko lang maglinis ng bahay. Dinamay ko na pati banyo.

KIM (TEXT)
eyy nayswan

KIM (TEXT)
water u having for dinner?

ELY (TEXT)
Wala. Tinatamad ako kumain.

KIM (TEXT)
srsly?

ELY (TEXT)
Yeah. I'm sorry.

KIM (TEXT)
hey dont b. its perfectly normal. magugutom ka rin in time im v sure of it

ELY (TEXT)
Tingin mo sa 'kin, patay-gutom? Hahahaha.

KIM (TEXT)
XD

KIM (TEXT)
anw fun fact:

KIM (TEXT)
doppelgangers spawn from newly-bought mirrors

ELY (TEXT)
Ulol.

SOMEONE ELSE (V.O.)
(umano'y kaboses ni Ely, paos)
Anong ulol?

Lilingon si Ely at manlalaki ang mata.

CUT TO:

OVER BLACK.

ELY
WHAT THE FU-