March 18, 2014

Biyahen Jeep

Mayroong sumakay sa jeep
Kong sinasakyan
Biglang sumikip
At naputol ang
Inaasam na idlip
Samyo ng gabi
Sa bilis ng takbo
Hanging kumakalabit
Sa pagod kong ulo
Nabuhayang muli
Tingin sa bawat kubli
Iniisip ang bukas
Hinayaan ang kahapon
Mayroong bumaba sa jeep
Iniwan ang kahapon
Nahawang muli ng idlip
Alaala'y muling naipon