February 10, 2010

Akala Ko Black Jack, Yun Pala Pusoy

Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakatatabi.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakaka-usap.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong palaging nakakasama.
Hindi mo lang alam kung gaano kahigpit kitang gustong niyayakap.
Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong nagtutuluy-tuloy ka sa pakikipag-usap sa akin.
Hindi mo lang siguro pa alam kung gaano kita ayaw mawala sa buhay ko.
Hindi mo lang alam kung gaano kasakit na tumatagos ang bawat akala mong birong binibitawan mo sa harapan ko.
Hindi mo lang alam.

Pasensya na kung mahina ako sa pagbuo ng paksang pag-uusapan.
Pero gustung-gusto ko talaga kapag napapangiti kita nang sandali.
Pasensya na kung makabuo man ako nang paksa ay walang kuwenta.
Nakikita mo naman na kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig ko, marami akong sinasabi, nasasabi, malaman mo lamang na sinasabi ko na lang lahat kung anuman ang maisip ko, may masungkit ka man lang kahit isa para pag-usapan natin.
Pasensya na kung hindi ako tumitingin sa iyo kapag nagsasalita ka.
Handa akong makinig lagi sa'yo. Balewalain mo na lang kahit kumanta ako habang ika'y nagsasalita, pinapakinggan pa rin kita.
Pasensya na kung ang corny-corny ko magbitaw ng joke.
Masayang-masaya na ako sa mga boo mo.
Pasensya na kung wala akong kuwentang kausap.
Pasensya na kung nakakainis ako.
Pasensya na kung wala akong kuwentang tao.
Sa tuwing nasasabihan ako nang ganyan, ang translation agad sa akin ay sana hindi na ako pinanganak.
Ganoon man ako ka-sensitive (?) at kawalang respeto sa mga tao sa paligid ko, iniisip ko rin naman kaagad kung anong maiisp nila sa mga sinasabi ko.

Buti na lang sinabi mong joke lang yun. Paulit-ulit ko na kasi silang naririnig.