May 21, 2021

Sa umpisa, mayroong dalawang gustong manood ng mga pelikula. Iyon nga lang, nagkakaroon ng biglaang anghang kahapon pa para sa isang perpektong pagkakaluto ng matagal na ring 'di natitikmang spaghetti na may meatballs. Maririnig ang ingay ng vaccuum cleaner at ngawa ng munting tuta. Natatakot ito at mukhang mapapaihi sa pangambang baka lamunin siya ng ingay na ayaw niya nang makilala pa.

Napakagulo. Mayroon pa ring mga kasinungalingang nagpupumilit na magpaayos sa kanya-kanyang buhay. Matamis nang hiramin ng biyolin ang aking atensyon. Anyway, narito ako para maglaglag ng mga linyang magpaumpisa ng mga senaryong may kulit, may paghahanap sa mga halimaw, at maraming pagtatanong ng matatandang ulyanin na.

Ang mga lolo, lola, nagkakakitaan na lamang sa umaga. Nagbabatian ang kanilang mga bibig, namamaga, nagdurugo pa minsan. Sinasabi o ipinahahayag ang kanilang mga suliranin ng kahapon nang walang naririnig na background music, o 'di kaya'y may pagkabagot na sa paghihintay ng kamatayan.

Sa buong haba ng pinanood na mga pelikula, tumara na at humina ang boses ng mga natitirang tagasubaybay. Pakalidad nang pakalidad ang pagsasayang ng mga nakalap ng mga nagkakaisa lang namang boses. Ano pa kaya ang dapat na mahanap sa tulay ng mga sikat? Hello? Excuse me? Maaari mo ba akong pagalingin? Kung hindi, gusto ko sanang magkaroon pa ng mas maraming araw. Saka na lamang munang tangayin ng agos. Ayaw ko pa munang umuwi.