November 14, 2021

on snail mail's valentine (album), a pseudo-review

Hindi pa nasapit ang Nobyembre, sabik na sabik na akong mapakinggan kang muli - at hindi yung pagbalik sa may tumal nang nakaraan kundi sa bagong ikaw, sa iyong bagong pagkana, sa iyong gitara, ng iyong may lambing na boses, sa aking pusong may ngatal para sa lambing ng iyong boses.

Sa unang kinig ay tumipo ang pagkabahalang mukhang mayroong pagbabago mula sa iyo. At kung dahil ay inasahan naman, para akong napasasayang muli ng tsokolateng ngayon ko lamang ding natitikman. Para akong dinadala sa ibang lugar na pamilyar pa rin naman sa akin, dapat. Ibang-iba ang iyong boses mula sa nauna mo nang pasadya. May bahid mula rito, ngunit may senyas ding makabago.

Ang iyong pag-awit ay lalong pumaanyaya, may lagkit ng halika at kailanman, may haplos pang tila may galit pa rin sa pag-ibig kahit na paulit-ulit pa ring magbabalik. Bawat halik sa aking tainga'y tangay-tangay ako sa hindi na sana matatapos pang paglalayag. Pinaibig mong muli ako sa'yo, nang ilang libong beses pa. Napagtanto kong sa kabila ng lahat ng paninibagong ito, na hindi pa pala talaga kita kilala noon, na ang lahat ng paglalahad ng iyong buong sarili, buong-buo, ay siyang bumalandra't bumayaan, walang sinisino dahil kuntento sa sarili.

Ang pag-ibig ay sagrado, pag-ibig nang hindi mag-iibang sino, kundi kahit nang yumuyurak at nagpapakilala ng ibang ikaw, ikaw at ikaw pa rin mismo ang totoong umiikaw. Ang iyong paggigitara'y pumatok pa rin sa aking puso. Tipong may hatid pa ring hanep, holy shit, ano 'tong nangyayari sa akin? Hindi ko kailanmang naintindihan lahat ngunit ako at ikaw lamang din ang aking tinanggap, sa aking puso, nang buong-buo.

May pagsasanibang todo tama ang timpla, parang gin at pomelo sa hapon, sigarilyo at ash tray na mamaya-mayang babasagin ng hindi may-ari, parang iyong pag-awit sa akin gabi-gabi, pinapaubaya ko na lamang sa iyo ang aking bawat bilang, bawat paghinga, iyo na (muna) ako.

Bakas pa ri't umuukit ang iyong pagkamakata. Bawat linya pa'y ibinulalas nang masking may pabagu-bagong tiyempo't uliran, sakla-saklaw ang pagdidikit-dikit ng lahat ng itinumbas na danas. Walang halong kemikal, hindi naman talaga mapanganib. Ang pag-ibig na totoo ay walang sinusunod na batas ngunit nasa may pangyaring landas. Iniaayon na lang kung sino at ano ang mangyayari, ang mayayari.

Bawat awitin ay may tinding pagpapaalala ukol sa 'di na maipaliliwanag pang kalungkutan, pagpapahalagang muli sa mga panahon ng pagsasarili, at ang lubos na nais na mayaring muli ng pag-ibig, pagmamahal, nang dahil sa pag-ibig, sa kahit na ano, kahit na sino, 'di wari kung may lungkot o pagkawala sa sarili pang ganap na katotohanan.

My favorite tracks were: Glory, Forever (Sailing), Headlock, and Ben Franklin. Check out their Lush album too, and their EP, Habit.

PS: Mia was especially lovely to listen to, but only if you follow the album's track list order, from start to end. Kind of like how Rogue One (2016) would make sense if you watched the previous Star Wars films in order. 

Maraming salamat, Lindsey Jordan! Maraming salamat, Snail Mail!