January 21, 2021

Pasalangit (nawa). Patago. Pagkaginaw. And I'm kind of all over the place. Fuck you, you fucking fuck. Sorry. Puta, ang ginaw. Shit. Kailan pa bang magkakaroon ng panibagong pag-atras, paghingi ng hinahon? Nasaan na ang mga hinahanap kong tala kapag kailangan ko na ng kakampi? Bakit ba sa tuwing nariyan, e nandoon naman ako?

Hala, hindi naman sa pagmamakisot pero ang gulu-gulo na naman ng pinagtatakluban mong mga pahinga. Nawala na ang mga pinag-umagahang abang upang magpaabot ng timyas ng aliwalas ng madaling araw. Nagbabagong bigla ang mga liwanag pero hindi pa rin nagsisimulang magkumahog ang pamamalit-piyesa. Puwera na lang sa mga nakasasawa nang pagrereklamo tungkol sa sarili na paikut-ikot lamang din mag-umpisa.

Waring bumangon na't nananadya ka pa rin, kahit pang humingi ka ng paumanhin, umiigpas pa rin ang pagkitil sa kasamahan ng sinubok na ng panahon. Ang bawat iniwang marka ay silbing patunay na hindi lahat ng kay titibay e boss lord na agad, at kung sakaling may aalalahanin pa, alam mong alam kong napagdaanan ko na ang salimuot ng pag-uulit. Nakakainutil kung paminsan. May mga kaparehang itinatapon na lamang pabigla't nakakagulat din at sa kung pasaang sumabog ay wala nang may pakialam.

Pagunaw, paumanhin (din) pero may premyo pa rin sa mga lumilipas na ihip. Pag-isipang matagal ang mga walang kuwentang bagay nang umibabaw ang siyang may-halagang paghikahos matapos magpaalam sa nakaraan.