December 28, 2019

Nagagalit ka ba sa mga bagay na naisip mo rin, o kailan ba magtatapos itong mga patamang walang maitama kung hindi magtama ng mga sariling tama nang tumama naman nang tama sa tama at ng tama na rin? Tama na ba, o tama na ba? Tama na. Ah, tama na. Sana tama na para tama na.

Katamarang maituturing at huling pagpapaumanhin sa taon. Panibagong taon para sa akin at pagtatapos sa maraming hindi ko pa ring kinikilala at inuunawa. Paumanhin. Lahat ay kinakailangang baka sakaling bigyan ng panahon at bigyan pa rin ng pansin. May bahid ng pagkaluma ngunit totoong huwag na sanang palipasin. Hindi rin maiwasang matakot sa mga inilalapag na baraha pero sadyang binubuhat pa rin ng sariling mga paa at kakaunting mga ngiti nang makalampas at makisabay sa naaabutang sabay-sabay na paglipad ng tren.

Hahanapin ang pagbati ng umaga sa banggaan ng mga langgam na hindi masigurado kung paano nga bang maaayos ang iniwan nang mga bakas ng kahapon. Pabalik-balik pa rin ang mga kunot ng kawalan, at sinasaka na pa rin ang madali namang mapagbigyang sopas sa ginaw ng damong tinapakan ng mga nagsisigawang bato.

Malaya kung malaya, ang daigdig ay walang pakialam. At sa pagtatapos ng dekada'y magkakamali na ang mga simbolong itinama.

Salamat!

December 21, 2019

Dala ng makasat na libog at uupuang umaga, sasambulat nang deretsahan ang kalam sa sikmurang makagagalit sa karamihan, ngunit pagkain at pepera lamang sa akin. Sa mga patihulog ng mga kumakalansing ay mistulang awiting matagal pa bago ako’y tuluyang mayamot at makalimot na kailangan ko nang matanggap na hindi nga pala ako katulad ng karamihan.

Mag-isang namumuhay, nagdidikdik na lamang at makikipag-usap nang magkaespasyo naman ang mga banig-banig na itinagping mga dahong pinaglipasan na ng tubig-ulan at halik ng sari-saring umaga. Ang kabunduka’y kaibigan pa ng aking mga kaibigan at magiging (at naging) kaibigan. Sisikatan ng liwanag at papuri. Hindi na makapagpipigil pang makinig sa papuri ng iba liban sa kanilang mga sarili at sarili ring mga kaibigan pa.

Paraiso ang sadya ng marami, katahimikan ang iilan. Sa pabugsu-bugsong bigla ng bagaheng bigay ng bagot, bagay sa gubat gumambala sa gabing ganado sa gabay ng bobo at gigil. Parating ihahambing ang nagkakasalubong namang mga araw. Sa huli’t huli’y sapat nang magpakawala ng mga eksenang magpapahina sa pag-ungol ng mga nagbabanta sa dilim.

December 14, 2019

Tanggap kayâ sa gilid ng mga párang at lipunan ang pagtitig, maligalig. Mukhang ayaw iwanan ng mga nakaw kong saglit, hinihingi mula sa iyo. Patawad, aking giliw, ‘pagkat mahina itong puso sa magayóng timpla, sa sirám ng hinahon ng iyong mukha, sa pagligpit sa akin ng mga panahon kong nawawala, nabibigla sa angkin mong hiwaga. Siya nga’t itong pusong mahina, tanggap mo rin kayâ?

December 7, 2019

Ay anupa't nalalapit. Hindi sukat-akalaing maaatim ang mumunting pangarap na sinipat. Sa bawat pagsipag ng umaga, hindi miminsan maiiwasan ang mga pakunwaring yamot, pag-aalalang kamalian, at iidlip na lamang sana.

Sumiklab papalayo sa nauna nang mga hugis, ngunit unti-unti ring binuo ang siyang tipa ng kasalukuyang sinusundan. May mga nagpapakilala pa ring mga parirala subalit tinuturing nang mga kaibigan. Paalam na sa galit, sa galit sa mundo, at sa galit sa sarili. May yapos sa pagtanggap sa kung anuman ang pagbigyan ngunit may yabang sa tuwina nang paglikha. Ang makalimot sa dating mga sarili ay hindi nangyayari bagkus ang sarili'y nakauunawang totoo na ang pag-alala'y pagbabalik-loob sa sarili.

Bawat titik ay bahagi na ng kasaysayan, at magiging bahagi pa. Sa takbo ng utak na makasat-kasat sa kahingian ng mga arbularyo at ermitanyo, ang manunulat ay walang takot na nakikisabay kahit na makitid ang dinaraanan. Ang malabo'y patuloy na palalabuin, huhugasan ang mga platong pinagkainan, sasabunin ang mga punyeta, at matutulog nang mahimbing 'pagkat ipinataal sa sariling hindi mabubuo ang danas kung ang danas ay hindi sisimulan.

November 28, 2019

Pagkarikit ng usok tuwing magdirilim. Tila sumasabay sa naalimpungatang kumot at mga unan. Bahagyang aagos ang paiba-ibang timyas ng hangin. Nag-uumpisa na namang guminaw. Mararamdaman ang mapagkubling pag-iisa at pakikiisa, ngunit ni hindi minsang dadapuan ng hinagpis. Ang pagpapasyang makalayo muna sa ingay ng mundong paulit-ulit ay matagal na ring kinasabikan.

Hindi maisipan pa kung paanong sisimulan ang napipintong pagtatapos. Aayon na muna sa hagod ng kamuntikang masirang pagpapasahan. Laway ang nag-umpisa at sa laway rin magpapaalam, kapuwang nagkukuwetuhan ang mga pinagtapunan ng mga bangkay, pinagtaguang mga hibla, at babalikan pang mga pangungusap.

Ang galit ay napawi, ginusto nang makasakay muli. Isasarang dahan-dahan ang mga mata hanggang sa hilahin nang pailalim ng namumuting kakampi. Kaagapay ng mapanghusgang mga tala, ikaw na mismo ang maunang tumapos sa atin.

November 21, 2019

Masahol na naman ang kurot ng anyaya, pausok tungong pantayo mamaya. Hilig pa rin kung miminsan ang paglagok sa gabi-gabing kinasanayan na noong araw pa man. Sa mga sementadong tambayan at papahilagpos nang liwanag, naiinis na maya't maya ang guwardiyang limang beses nang inuutangan ng yosi, Marlboro nga po, pula.

Ha? Pula? Para ka namang ama niyan?

Gago, hindi ako taxi driver! Saan ba tayo mamaya?

Ahh, nagsisimula ka na naman ng kaputang inahan mo ah. Ano na bang natapos mo kanina?

Marami na rin, gago. Kanina pa ako pagod mapagod. Siyang saan nga ba tayo, putang ina ka?

Saglit, magyayaya pa ako sana.

At sa gayo'y maliwanag na maliwanag na nga. Kapuwa na naman nag-aabang ng kanya-kanyang pagpipitikan ng makasariling upos at baga. Ang sisig ay kakantiyawan kahit na babalik-balikan pa rin. Masasamid sa mga nakapalibot na anghang ngunit yayakapin ang bawat sandaling sasagi na lamang kung maaalala pa.

Ay sa kung minsan nga bang mga gabing bakit hindi pa pinagana ang pag-umpog sa mapakla! Sana'y puno pa rin ang langit ng ating mga pagtingala at pinagpag nang mga balat at asin ng mani, ng mga natapong bula, mga pinabayaang usok ngunit nauuwing luhaan, mapagpaumanhin, at umuunawa.

Gabi na naman, kaibigan. Saan na nga ba tayo?

November 14, 2019

Strukturalismo

Strukturalismo.

Hanep. Ano 'to? Sa pagkakaalala ko, una ko 'tong narinig sa subject tungkol sa mga teoryang pampanitikan noong nasa college pa lang ako. Sa pagkakaalala ko lang ulit, ang natatanging umukit sa akin mula sa mga binanggit ng prof ko tungkol dito ay yung (non-verbatim), "Kinakailangan nating malaman ang struktura ng isang akda nang madeconstruct natin ito at muling makapagreconstruct. Deconstruct and/to reconstruct."

Sa isip-isip ko, mukhang malabo? Nauunawaan ko yung puntong kailangan kong baklasin sa iba't ibang parte ang isang sulatin nang masuri nang mas maigi ang bawat bahagi pero bakit kailangan ko siyang buuing muli? Kailangan pa bang buuin ang siyang buo na?

Doon ako nagkamali. Saka ko lamang napagtanto yung maaga kong katangahan noong papalapag na galing Skyway yung sinasakyan kong bus, ilang linggo lamang din ang nakalipas...

Strukturalismo na yata yung isa sa mga bagay na nakakatakot pakinggan pero magagamit kung tutuusin. Baka hindi natin namamalayan, araw-araw o may mga panahong nagamit natin ito nang hindi natin namamalayan. Hindi lamang mga alagad ng panitikan, pilosopiya, etc. ang maaaring makinabang sa mga ganitong paraan ng pagtingin sa mundo at iba pang mga nasa paligid natin.

Sa ibang sabi, strukturalismo ang lenteng nagagamit sa tuwing hinihimay natin ang isang bagay nang baha-bahagi (struktura) na mababakas pa rin sa kapuwa o kapareho nito. Nang maipaliwanag pa nang mas mabuti sa sarili, sabihin na lamang nating kailangan mong maranasan ang isang bagay nang paulit-ulit bago mo mapansin ang mga nauulit nitong taglay na katangian.

Halimbawa na lamang, nagkataong nakakain na ako ng iba't ibang spaghetti sa buong tala ng buhay ko hanggang sa ngayon. Sa bilog ng partikular na danas na ito, nalalaman kong ang isang spaghetti, saan man nanggaling o sino man ang nagluto, ay mayroong (1) pulang sauce na may karne, (2) noodles, at (3) cheese (optional). Mayroong mga bahagi. Sa isip ko, bilang din namang pakilala ng realidad na kinabibilangan ko, lahat ng spaghetti na makakasalamuha ko ay mayroon dapat na ganitong struktura.

Ayon sa isang tropa noong araw (non-verbatim), "Mayroon lamang dalawang uri ng manunulat. Yung isa, naghihintay at nagbabasa ng marami bago magsulat. Yung isa naman, nagsusulat lamang nang nagsusulat."

Alam ko, walang koneksyon sa spaghetti pero makakarating din tayo roon.

Siguro, hindi lamang ako ang may ganitong pagtingin sa spaghetti. Malamang ay yung iba diyan, sinisiraan yung sauce ng birthday ng kapitbahay nila. Yung iba, dadagdagan nila ng cheese yung inilagay nila sa kanilang plato. Minsan, iba-iba ang karne, iba-iba ang timpla, iba-ibang opinyon, ngunit may iisa pa ring struktura.

Ngunit hindi tayo natatapos na lamang sa pagtikim o pagkain na lamang ng spaghetti. May ibang mga taong umaabot sa kanila mismong paglikha ng sariling version ng spaghetti. Maaaring mula sa pagkain nila ng maraming-maraming spaghetti, nagets na nila ang pinakastruktura nito, at sa tulong na rin ng simpleng pagtatanong at research ng recipe, lulutuin na nila ang spaghetti na gusto nila.

Ngayon ay maaari niyang matsambahan sa unang lagpak ang lasang hinahanap niya. Pero sa madalas ma't sapul ng mga tala, dadaan pa rin siya sa paulit-ulit na pagluluto ng spaghetti bago pa man makamit ang ninanais na timpla.

Bago pa man nating maunawaan nang buo ang isang bagay, kadalasa'y kailangang paulit-ulit nating maranasan ito. Sa panahon ng memes ngayon sa social media, halimbawa, madali nang mapansin at mabuo ang pattern na ipinakikita ng isang unique na meme. Sa paulit-ulit nating nakikita ang iba't ibang teksto ng iisang meme, paminsan pa'y nagagamit na natin ito sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.

Mula sa mga ito, hindi na masamang sabihing mayroong mangilang paraan para maibilad ang ating sarili sa isang bagay bago natin mapansin at buuin sa ating mga isip ang struktura nito. Puwedeng paulit-ulit tayong makakakain ng iba't ibang spaghetti, o paulit-ulit tayong magluluto ng sarili nating spaghetti. Puwedeng makakakita at makakakita tayo ng memes na may parehong dalumat, o puwede ring bubuo at bubuo tayo ng sarili nating meme ayon na rin sa dalumat na ating nakita.

Ngunit ang isa sa pinakamadadalas mangyari ay yung makakailang ulit ka munang makatitikim ng meme bago mo pa man subukang gumawa ng iyong sariling likha.

Mag-uumpisa 'yan sa paghahalaw, pangongopya nang walang pag-aangkin. Matutuwa ang sarili dahil kinakayanan sa mga unang hakbang pa lamang. Kung magiging pursigido pa, aabot sa antas na makakalikha na ng isang obrang malayo nang mabakas pa't maihawig sa mga inspirasyong pinagkamulatan.

Maigi kung nalalaman muna ang pagkakahimay ng struktura ng isang bagay dahil magagamit ang mga makikilalang katangian sa paghihiwalay ng dapat mula sa hindi, ng mahusay mula sa kailangan pa ng paglinang, ng karaniwan sa hindi karaniwan, at nang maging mas madali ang pansariling paglikha ng mismong bagay na pinaglaanan ng oras.

November 7, 2019

Malibog pa sa gabi ang pagtiwangwang sa akin ng araw. Ngingitian pa akong nangingirot sa aking kalamnan. Nagpapaalalang tila huwag ko lamang makakalimutang, ang aking paninilbihan ay saka lamang makapagpapabilang kung ako na ang tanging mayayamot sa buong panahong pakikipagpalitan ng kapaitan.

Pinalalapit pa ako't saka pupuluputan kung hindi pangganahan ng malakas na balandra ng tumutulong ginaw. Palilipasin kong maringal ang aking gutom at galit habang dahan-dahan akong dadapuan ng tuwang minsan ko na lamang makilala. Sa mga sandaling ito'y hihilingin kong maging pagong na lamang akong lalangoy kung hindi mapagbibigyan, maglalaslas kung madudulas, at mangingiyak na rin kung sinubukan na ang lahat ngunit pawi pa rin ang katapusan.

Magsisindi na ang nag-iisang bintana, maririnig ko na ang usok na tutuldukan ng payak na pintig. Bahagya nang lumalakas ang kasintunaduhang nagmamay-ari sa mga idinikit na't paulit-ulit na lamang na tinatapalan. Magmumura ako nang papaurong nang masimulan ko nang tupiin at gisingin ang kung ano pa mang mga natira sa aking mga tinira.

Hindi mapipigilan ang ragasa, ngunit hindi ang ibig kong sabihin. Magsasagutan ang aking mga kapuwang malayang intindihin ang init ng paglaya pero pinilit na lang na pumirma sa kalikasang mayroong naghahari-harian. Ano man ang isugod sa mga diwa ng naglilingkod at wasto, mahusay na makikiigi pa rin ang pagmamanmang panguna ng kamangmangan.

October 28, 2019

Bastardo. Malapot na putikan. Kagaya ng mga ulap na walang sabit, ang paghinga ko'y pagbabalik sa kung anumang ipinakilala sa akin ng mga nakatatanda. Hindi ko alintana kung ano pa man ang muli't muling ipinaaalala ng mga hampas-lupa sa akin. Ang sa akin lang, mabigyan ako ng kahit na kaunting oras para makipag-usap sa mga kapuwa kong nagliliwaliw sa gabing ubod ng takot at pag-iiba ng anyo.

Mabisa ang liwanag dahil ito ang nagtatago sa ating mga tunay na pinagpapaguran kung kaya't mas mukhang pinagpapaguran pa nga silang mga nasisinagan ng tuluy-tuloy na panghihingi ng saplot at makakain. Sila, na walang ibang ginawa kundi makipag-usap sa mga lalang ng mahihirap ngunit nakakikita kahit na sabihan pa nang makailang ulit. Sila, na hindi na matatapos pa ang pagsasakripisyong maging iba, maging hindi totoo, maging maalam sa mga bagay na wala naman silang pakialam. Sila, na sa kahit na anong hamong iabot at ialay ay mabubulag at mabubulag pa rin sa liwanag.

Sa liwanag lamang tayo tunay na makapagtatago, ang liwanag ang siyang panadyang tumututol sa ating mga pagkakakilanlan. Sa bawat masikatan tayo ng bumbilya't magsimula nang mabigyan ng pansin ng mga mata, saka lamang tayong nag-uumpisang tumiklop at maging ahas nang muli. Hindi tayo naitatago ng kadiliman sapagkat dito lamang tayo masasanay na buuin kung anuman ang ipinagkalayo sa atin ng mga matang mapanghusga, mapangmatyag. Nang mapalayo sa pakpak ng mas mabibilis pa sa alas sais kung magsipagwalis ng alikabok sa kalsada, mas naiibsan ang kalbaryo kung hindi na sila makikita pa.

Masikip, masalimuot, ngunit aanhin kung ang babati'y wala, kung ang pawis ay pansariling pagod na lamang, kung ang malapot na panganib ay sinadya nang suungin. At katulad ng mga ulap na wala ring pakialam kung magsipagbadya ng pagpitik sa mga nakasabit, kung makaranas nang muli ng kay gaan sa alaalang kulimlim ay malinaw na malinaw para sa akin.

October 21, 2019

Ikaw ang paborito kong tao. Ang pinaka. Sa lilim ng unan at paglimot, akayin mo ako tungong paraiso, tungong pag-iwan sa mga dapat kaiwan-iwan. Sa iyo lamang ako, o aking paborito, aking pinakamatatamis na halik, aking pinakamasasayang ngiti, aking pagkakaiba sa panatili at panaginip.

Hindi nga ba akong nagkakamali? Wala naman sigurong nakapapansin kung hindi ako, ako na iyong malayo, ako na iyong kagalit sa pagpili ng ikatutuwa at kapaparisan ng pagtanggi sa mundo. Hilumin mo ako. Ako na nakikipagsapalarang minsan sa sarili, sa sarili kong walang kakulay-kulay ang laman.

Saan tayo pupunta? Yakapin mo na lamang ako. Mamaya ka na umalis, mamaya na tayo bumangon. Maaga pa ba? O kay aga pa. Ipag-iinit na kita ng tubig para sa iyong kape. Ako ma'y nais pang matulog sa himbing mong kay payapa. Halika, halika na. Lumayo ka diyan! O dapat ay dumito ka lang, dito ka lang. Pakiusap.

October 14, 2019

Ang sabi nila'y mag-aral lamang daw ako nang mabuti sapagkat ako ang siyang may bahala sa aking kapalaran. Pagtanda'y kaagapay ang mundo't uunawain, mapasaang karimlan, mapasino ang kasinghubdan. Matatalino ang sumasabak sa hindi matatakot na madla. Ngunit paano kung ang natatanging maaaring umunawa sa iyong mga pinakadadalhin at dinadala ay siya ring huwad na harang na huwag padarang?

Nakakapagod ang buhay. At dahil kilala ang pagod, kikilalanin din ang pahinga. Ang buhay ay puno ng pagod ngunit sa pamamagitan lamang ng pamamahinga muli't muling nabubuo ang sariling nabubuhay. May iisa lamang na nagsasarili, at iisa lamang ang sarili. Bukurin mang pagalit ang iba't ibang mga katha, magtatagpo pa rin sa ilalim ng pamamahingang anino ang paghahanap sa nagsisikalmahang mga ulap.

Huwad ang iyong sarili. Mapanira ang siyang kalikasan. Nasa likas na pamamaalam ang pagiging mabuti ng iilan. Sa mga maiiwang alaala at kunwa-kunwaring pag-asa, manghihinayang ang mga hindi pa sa tunay na pamamahinga'y nakauunawa. Ang lahat ay mapapagod, mumurahin ang kalangitan 'pagkat ang mamagitan sa pakawala ng gising at pagluhod ay paghihintay sa hindi na matatapos pang pag-aaral nang mabuti.

October 7, 2019

Panibagong anghang ng mga sansaglit na pagsilip sa tahimik na paraisong dala-dala ng iyong pagtingin. Ang iyong labi'y tila naghahanap ng kalam, tatagos sa aking pusong takam lamang din ang nalalaman. Mahirap mahulog pailalim sa hindi na mawawari pang dulo ngunit hindi ko rin masasabing ayaw ng aking paglayang nanakaw-nakawin mo nang makailang ulit.

Sa iyo na muna, ang mga ulap at dahong may kanya-kanya ring kuwentuhan sa tuwing titilamsikan ng apuhap. Kapuwa kaming ngingiti ng aking pakiramdam, magiging parayang magkakaunawaan sa mumunting katotohanang kami lamang din ang may pagsubok.

Isa kang pagsubok, aamining sumalangit. Ang aking paghahanap sa ligayang matutupad lamang kung kikilalanin ako ng sarili kong mga multo sa buhay. Huwag na sana pang magpakita ang takot, ang paghila ng aking aninong may sarili ring mga pabigat na alaala. Sa'yo lamang ako natutuwa, ay siya't bakit pa ba may ganitong mga pagtutuos!

Halika, at humalina, hindi alintana ang ingay nila, ang pagtatagpong saglit lamang ng ating mga lihim na saglit ang silbing patunay na sa buhay kong sa pag-ibig na lamang kinakayang maniwala. Salamat sa iyo, sa iyong panibagong tamis at pait, halong nag-aalis sa akin ng bagot, dulot ay karaniwang sayang hindi na sana masayang pa.

September 28, 2019

Mayroon na namang mga nawawaglit na sandaling hindi na maibabalik pa. Unti-unting mamamatay sa masasayang mga pagngiti ng araw. Ni isa ay babawian ng makamandag na pagkakaroon ng pakialam hangga't hindi pa nilalagutan ng hininga. Pahinga. Ang paghingi ng kaunting pagluwag sa aking paghikab at pagpanaw sa mga sandaling nanakawin pa para lamang maging taong muli, dinadala pa sa kabilang ibayo ng hanging may kung anong pagpariwara laban sa init.

Mabangu-bango sa tuwing magbubukas na lamang ng pamilyar na mga lalang. Sa may mga araw na titindig ang bagong yamot na ring makipagbanggaan ng mga paningin at pagtingin ngunit aayon pa rin nang makapagsabing sa puntod na hindi nasasayang ang anumang itinumbang botelya at sininghot na panggamot sa plema.

Magdurugo nang magdurugo, ngunit hindi papansinin o mapapansin. Uulit na namang pagdidisketahan ang dilim. Mahahalatang inililindol ang looban, magtago man sa talukbong ng mga hindi nakakikita ngunit taong kapuwang pareho lamang din ang pakiramdam sa kahit na sino. Sino ba naman ang may pinakatotoong tapang na ititiwalag ang katanyagang tapyas sa titulo kung sa tantyang tirapa'y talagang titira at titira pa rin naman?

Mag-isa lang tayong lahat ngunit kahit na ganoon, ang mga buhangi'y kumpol pa rin ng nag-iisang pangarap na tupdan at tupdin ng magpapahingang mga paa ng pagod na mga gasera.

September 21, 2019

Bawat isa ay may isinusuksok, itinatabla. Tila mga kandilang ayaw patinag sa ihip ng mas masiglang liwanag na sinasabayan ng mga halamang hindi pa rin natutukoy ng kahit na sino. Mapapaso nang maraming beses ang paulit-ulit na tumanggap na sa pamamaalam. Lahat ay may kanya-kanyang simbolong pilit na binibigyan ng kahulugan kung kaya't nagkakaroon pa rin parati ng hindi na mamamatay pang paniniwala sa kung anu-ano.

Wala namang masama. Wala naman ding mabuti. Sa pagkakapantay-pantay ng mga kandilang kahit sabay-sabay binuhay, mayroon pa ring kanya-kanyang pagkadehado, lalo pa't ikinubli ang lahat sa nag-iisang kahon ng kakarating lamang lagi na pag-asa. Matitinik ng mga halos hindi na maipapaliwanag pang mga gagamba, mumunting mga halimbawa ng may sariling pag-akap sa kanilang ipinagkamalang tadhana. Madalas, maraming maniniwala, at madalas din ang pagkausap sa sariling nasa tamang desisyon ang hindi magdesisyon sa sarili.

Nabubuo na ang panibagong mundo ng makataong liwanag. Mapuri at banal, mapuputian ang lahat ng hindi mananampalataya sa natutunaw na hindi naman masama at mabuti dati. At hindi porke't pinagalitan ng kultura'y hindi na maaaring bumalik pa sa mas o pinakatangang posisyon sa kasaysayan. Ang paghamak sa makabagong saysay ng mga kinalimutan na'y pagdiriwang ng matatalinong ang alam na lamang ay maghintay maiputan ng mga uwak sa pagtakip-silim. Maagang matutulog nang walang laman ang saysay dahil bakit ba at bakit pa.

September 14, 2019

Hindi ko na nga rin ba malaman kung gusto ko pa yung sarili ko. Nagbukas ako ng lata ng sardinas kagabi, thinking na malabo pa ring makahuli sa lalim ng mga tarak, only to notice na kalahating isda lang yung isinalampak ng may-sala sa tambad ko. Take note: Kalahati. Lang. Putang. Ina. Sinubukan kong magtimpi, magalit nang payumi. Saglit lang ako makuntento at hindi masamang humuni ng mga kagyat at sinabi, malabo pa rin ang tsansa. I have never felt this lonely ever since binigyan mo ako ng pag-asa.

Lumaya na sana ako, maging maringal, ngunit may dusa rin. Ang aking paghingi ng kasarinlan ay huwag sanang makitang imburnal na pupunuin ng pait, ng pasakit, lalung-lalo na ng inggit. Normal lang naman sa akin ang magalit, at itanggi mo man, ikaw rin ay nagkakasala. Madalas akong makatsamba ng mga pagtinging sinadya, mga sinadyang husgang mapanikip lamang ang pandudusta. Mapapalad ang mga patay sapagkat wala na silang panahon pang makipagtalo sa mga walang kuwentang pagpapabango.

Ako ma'y simple lamang na tao. Simpleng pamumuhay lamang ang aking hinihingi. Makapanigarilyo nang may tama, makahimlay nang walang sakit ng ulo. Kaya nga lang, maraming pumapalibot na katangahan at mababagal na kuneksyon sa bawat patak ng aking luha. Pagpapawisan ang mga lubid saka magiging kumpleto ang lahat ng aksyon sa plano, ng kanilang mga plano.

Magayong nagtitiis ako para sa kanila ngunit hindi pa naman doon nagtatapos ang lahat. Pabalik-balik pa rin kung tisod na ang lahat o magbabago pa ba ang mga kumakain ng apoy. Nakakagulat ang mga bigla na lamang nagtatapon ng tinapay na may matatamis na palaman. Hindi man lamang ako inanyayahan kahit kailan para sa nag-iisa kong tasa ng kape. Mabuti na lamang at may natitira pa akong tatlong kaha ng sigarilyo.

Naiinis ako pero ayaw ko rin namang magbilang. Masamang manumbat ngunit nakakairita ring maunahan ng mga wala rin namang malasakit. Panuyang makaaamoy pa pala ako ng mga ganito kasarap na palaisipan. Titingin ako sa kabila, kunwaring magmamasid, at lulunok ng laway nang matiwasay. Iisipin kung dapat pa bang magpigil o yakapin na nang husto ang pinili kong kamatayan.

Bahala na.

September 7, 2019

Hindi na naman kita maalis sa isipan ko. Sa mga gamit na may kakayahang makapagpabago ng ihip ng hangin, huwag aasahang marating magkakaroon ng suwerteng sasalitain sa mga darating na pagkayakag. Hinahamapas ang siyang lagpas sa tantya ng kung anong nais na patunayang pandaraya. Makasisira lamang ito, mula pa umpisa hanggang dulo, dahil lang din sa pababang pagtiwala sa kinagisnang malapit na yatang mawala.

Hindi pa tapos hangga't hindi pa nalalagutan. Paulit-ulit na ipaalala sa katauhan. Malabong mangyaring muli ang mamaya ngunit ang mamaya'y wala namang ding may nakatitiyak. Agahan ang mga simula nang makapag-ipon ng puwersang isasambulat sa mga kalaban, kaaway, kakampi, kaibigan, dahil sa puno't dulo ng mga halaman at nagkakaliwaang kapatiran, hindi maitatangging kasiyahan lamang din ang hinihintay ng kahit na sinong sasabak sa digmang sinilaban ng ngiti at tagumpay.

Hindi mali ang magkamali. Unawaing unawain ang sarili. Malilinang lamang ang bugso ng puso sa tuwing mayroong kakausap. Sa madalas ay kakausapin ang iba, sa kapares na pagkausap, sa pakikipag-usap nang walang ginagamit na mga salita maging ng mga alipores at pasensyang nagtataglay ng hiwaga na dapat ay tratuhin na ring mga kasambahay.

Hindi nalalayo ang paisa-isang pagtapak. Kung matanaw ang paligid, huwag kakalimutan ang pangunahing gusto. Makipag-isa sa iba, makipaglaro sa kasaysayan, paibabawin pa rin ang paghingi ng tawad at oras maging malaya. Ang galit ay karaniwan sa padayong nagpapalakas, siguruhing may tipo pa rin ang baga nang hindi naman masulit ng iba ang pagbabaliktad ng sinindihang tiyempo.

Hindi ka nag-iisa. Sino man ang mangapahiyang itumba ang puno ng mangga, asahan muna ang sariling makapagpapausok din ng mga tangang langgam kapagka humapon na at mamaalam.

August 28, 2019

Pasensya na at hindi na makapagpigil. Sinadya ko nang may pag-unawa, saglit. Paumanhin nga. Agh! Teka, teka sabi. Maghintay ka! Ano ba naman yung saglit na pinakawalan ko sa kalawakan ng iyong kalawakan? Nasa ilalim ka lang din ng parehong kalawakan kaya manahimik ka!

Pwe!

Sakal na sakal na ako sa mapanukling puwersang bumabalot sa tuwing aararuhin na lamang ako ng araw. Pinigilan ko, oo, ngunit sa likas na itinagay ng may-ari sa aking minamayang hapunan, sa mas maliliit na kalawaka'y hindi na rin ako nakaiwas pa.

Pasensya na nga.

Sa iyong mga hindi nilikhang timpla, ayos na rin sapagkat baha-bahagyang lumulumanay ang aking maya't mayang pagbirit. Hindi ko inaayon ang aking pagsabay ngunit tila lalong sumasabay ang siyang pag-ayon. Ramdam kong ramdam mo ngunit umilalim ka na bang totoo sa kung ramdam mo ba ang ramdam ko?

Hindi naman mahirap ipaliwanag. At sa kung sakaling karimlan ay nadadaya ng iba ang sumusulpot pang tumataya, magpatihulog na nawa tayo sa kawalan ng tiwala sa mga susunod pang hindi makatotohanang pagpupugay sa iyong, siya nawa, walang kalayaang paghingi ng pansin.

August 21, 2019

Narito sa aking dinadala ngayon ang patunay ng hindi pantay na antas ng karangalan. Ang dangal ay makitid, mailap, at mabangis. Hindi pumapalag kung susuyuin ngunit kung bumalak ay sagad ang pagsugod sa aking mataimtim lamang.

Nalalabi na lamang ba ang aking panahon? Wala sigurong may nakasisiguro. Magtatakda lamang ang oras kung iibahin ang tiyempo ng naghahanap pa rin sa akin na madla. Makakailang ulit pa rin ako sa aking mga kasalanan, pag-iibahin ko pa rin kung ano ang wasto at kung ano na lamang ang mali sa aking mga hinaharap, ngunit sa pagmatyag sa dilim ng pagpipigil ng aking isinukang pangarap, hindi na rin masamang pumayapa kung minsan ang hinihinging paalam.

Diyan na muna kayo, o dirito muna ako. Paparayang hihinahon din naman ang aking mga rumaragasang alon. Mag-ingat ka, dahil ang pagbabago'y iihip sa mga talampas, sa galit ng matatatag, sa luntiang sumusuroy lamang kung makalanghap ng panibagong kulimlim. Maaaring nag-iisa lamang ako ngayon, o magpahanggang sa kawalan, subalit titipo, iindahin ang mga kaunting pagtingin nang makabalik muli sa aking upuang pinanggalingan.

August 14, 2019

Kakarampot na lamang ang tikas sa mga sandaling nalalabi ng isinumpang pagkahig sa lupa. Hindi ko ginusto ang kanilang mga ginugusto ngunit tila ipinapabatid na lang sa aking wala na akong magagawa. Kailan nga ba ako muling nagkaroon ng tumitiwalag na boses?

Isang hampas sa bawat kumpas, bahala na ang mga sandaling ipinapaubayang wala naman akong kontrol. Hindi kinakaya kung sakaling pagbigyan pa ng hamon ngunit iniinda pa rin ang init sa mga saka na kung hindi palarin, magkakaroon pa rin naman ng bukas.

Maging bukas man, o bukas pa, ang mga alon ng pamimilit sa aking kumuha ng paulit-ulit na silbi sa aking inagaw na sandali ay mananatiling hangganan pa kung ibabalik pa ba sa akin ang hinihingi kong pag-unawa. Tila lalo pa yatang lumalabo kahit patirik na ang sikat ng salamin sa aming mga paningin. Kahit subukan pa mang ipakilala ang sinumang magpahayag ng katanyagan, walang-wala kung maghugas ang mga itinalagang kahayupan.

Ngunit ang wika'y sadyang huwag magmamaliw. Sa mga saglit na iindahin pa, sa mga pagtiwalag na walang tiwala, nariyan ang pekeng hidwaang nagpapaagos sa alon ng papalayong kinabukasan.

August 7, 2019

Makakailang irap lang din ang hanap kong maikintal nang hindi na maubusan pa ng hininga kung hindi lang din naman kailangan pang magpahinga pa mula sa mapang-igting na salapi at kahusayan. Mahusay nga bang talaga kung ang siyang salimuot ng pagkaladkad sa aking sarili sa araw-araw ay maghahatid lamang din sa akin sa kapahamakan?

Ako ang itinuturing na pahamak ng alon, ng galit sa aking makikintab na kilay, ng paso ng sigarilyo at kape, ng hindi na maibibigay pang ngiti hanggang sa kahapon. Sa angking liwanag na minana lamang sa bundok ng mga papuri, simple lamang sa akin ang magpakilala ng ilan pang mga anyo. Ang disenyong binuo mula sa sari-saring bagay na nagdudulot ng magkakaiba ring init, ang hindi pagtugon nang agaran ay badya ng hindi na maipapadala pang pamamaalam.

Galit ako, oo galit ako, ngunit hindi sa inyong mga hampas-lupa lamang na mga alipin. Gabi-gabing tinatapos ng mga higad ng mga kung anong pagtingin sa aking akalang hindi ko namamalayan. Sanay na ako, sanay na sanay, sa pagkagat ng inyong mga pustisong pursigidong makapalunod ng sira at bait na hindi naman ako mismo ang lumikha.

Sa akin lang ay, ako ang nasa akin lang. Akin lamang itong mga akin, at siyang ako ang magiging ako, ilang ulit mang siya o kayo ang hindi mapasaakin o akin.

July 28, 2019

Sino ba 'tong nagsasalitang 'to? Baon na naman ba ako sa limot? Magbibilang na naman 'yan, maraming beses sa iisang pagpusta. Tatamaan na naman ng maraming suntok mula sa paulit-ulit na pagbatikos sa makailang tatlong pagsara ng pinto. Mamaya na. Hindi pa naman ako inaantok... ulit. Teka, huwag muna kayong makulit. Saka na munang makipagtagisan sa mga hindi naman gaanong katanyag, panggagong paglapag, malayong sumikat, bandidong hindi mahagilap.

Oo nga, oo na, pero huwag niyo muna akong hagilapin. Andito naman ako, at andito naman tayong lahat. Pasensya na sa lahat ng hindi na maiari pang kayamanan. Lahat ng aking sinusundang kapag malayo ring tingnan ay siyang titibag sa mga umaawit nang malumanay sa ilalim ng dilim ng nagsasayawang tugtog at laya.

Hinog na naman ang amoy ng musika. Ako na, ako na nga, at ako naman talaga ang bahala sa aking sarili. Huwag na huwag mong kukuwestyunin kung saan pa nga ba manggagaling ang nag-iisa, at minsang lahat-lahat ng aking mga pakialam. Tumigil ka dahil nakapirmi naman ako. Saka na ang iyong pagbalikwas sa aking mga pangarap 'pagkat nasa pagitan pa rin tayo ng panaginip at alimpungat.

Pakalabit ng bisyo.

July 21, 2019

Nagkamali ba ako ng spelling? Nasaan na? Nawawala na yata. Teka... Ano na namang nangyari. Mayroon na naman bang nagawang hindi sinasadya o hindi inaasahan? Isa, dalawa, wala. Mayroon na naman bang hindi naunawaan o sadyang mayroong pilit na iniintinding kasaysayan sa pagitan? Hinding-hindi mawawala sa pagtayog ang gabing sinalimuot ng hapong gin at yosi. Nasa dulo na ng pag-idlip ang mumunting mundong nagpaalam kung kaya't itinulak na nang sagad ang hinaharap.

Wala namang may hawak sa tanikala, ibig din naman ng buwan ang magkatabi simula pa lamang. Ang tanging dahilan ng mga paulit-ulit na pagbanggit ng mga linyang ipinahid sa sahig at gitara'y malinaw na malinaw na gumuguhit sa ating mga alaala.

Alaalang mawawaglit nang dahil sa kapirasong karipas.

Tama na, tama na sa paghahanap kung ano nga ba ang siyang unawa ng hamog sa usok na ibinuga nang makailang ulit. Saan ako puwedeng pumuwesto? Sa paligid ng mga pangkatang salaysay ng mga makaluma, payapang nanggugulo sa kapuwang nag-iisip kung tama pa ba ang paghihintay nang sagad. Bahagyang sisilip sa kabila ng mga ngiti, aakyat hanggang makahirit muli ng isa pang pagkasat.

Ipinares sa magkabilang dulo ng gabi. Lahat din nama'y itinatapong upos sa sementong hinalikan ng mga minsan na ring pinausad ng halika, halika.

July 14, 2019

Kabi-kabilang pag-arte mula sa simula't sapul na pag-inda. Samakalawang pag-indak tungong aparador ng pagsindak. Mamaya ang umpisa kung magpapailalim sa diskusyong kailangang magpaimbabaw hanggang sa maging malayang tunay na ang diwa, ang diwang makabayan, ang diwang sadyang iniipon na lamang kung hindi pa kayang kumaripas papalayo sa makamundong mundo.

Kung susumahin, ang kagyat ng bawat kinaligtaang kape'y magkakaroon pa rin ng hindi na baleng plataporma, at sa mga dalumat na ito'y hahadlang na ang iba't ibang demonyong nais na sumimple't umayon sa hindi naman din dapat na arangkada. Dodoble ang bawat panuto, iindahin ang bawat sapak. Saka lamang kakagat muli pagkaraan ng ilang beses na pagpilit sa sarili na ang tama ay tama na, ang mali ay magiging tamang muli.

Kukunot ang noo sabay tilapon ng kumento. Galit na galit sa mga sistemang alam na alam na noong nagkakasunduan pa lang ang mga batas at datu. Ah, hindi naman tula iyan. Mangyaring may ipinangyayari ang pagkakayari. Yari na naman. Yari sa yari, yari ang yari kung mayari.

Yari.

Hindot at malakas, sisigaw nang mahinahon dahil hindi naman imposible ang tula. Nasa tula ang pagiging imposible, at tula ang magpapaposible. Ang tula ang imposible. Imposibleng maging posible ngunit ang tula ay ang makata. Ang makata ang tula para sa ikaliligtas ng mga posible at imposible.

Imposible.

July 7, 2019

Hindi na naman tumigil ang pagtikhim sa lalim at lilim ng dilim. Kalimitang iniaangat lamang ang sariling pagtapak sa hulog ng paanan ng iba ngunit hindi na bale pang makapangutyang walang silbi ngunit kumakalas sa buto ng lalang. Sisikaping makipag-unahan sa hindi naman nakikipagkarerahan, at imbes na pumatol sa mga kapuwang nakatayo, ang kakayahang magmulat ay muli't muling itinatagay sa kakarampot na yari ng yelo.

Mag-ingat ka. Ang lubha't pagkitid ng iisang martir ay pinagbibigyan lamang ng isang anghel na hindi kailanman nakidapo sa kanyang mga kapatid. Ang nakaraa'y may sariling silbi at wala nang iba pa. Hahapo ang mga anino't pupuksain ang pagbandehado ng mga kalat-kalat na pighati. Makakalimutang magpasalamat sa hari dahil hindi naman ang ugat ang makinarya sa paulit-ulit na pagsimpatyang ikinalulugod naman ng karamihan.

Ang akala'y kapag sumikat na araw, saka lamang mag-uumpisa ang dapat nang tirikan ng kandila. Maharot ang tadhana kung araw-araw ring kinakausap. Isarado nang mataimtim ang mga palad nang hindi makita nang lubos ang mga kunwa-kunwaring linya. Dito tayo, dito tayo dali. Hila-hilang paluwag, saka na muna ang pagtabig. May dala-dala akong sibat na pangaso, pangkaladkad sa mga natitira pang may balak na kumagat sa yamang ating isisiwalat.

June 30, 2019

At ngayon, magtatagpo na ang dilim at liwanag, sa malayong ibayong ipinagkanulo sa may-likha. Ang sansinukob ay muling magbabalik, magkakaroon nang muli ng pagninilay sa ilalim ng mga talampad, habang naghihintay ng pagkulo ng mga isinalang na kailanma'y agos lamang sa disyerto't pagngiti sa gitna ng masusukal na damuhan.

Patuloy pa rin namang makikipaglaro sa mga insekto, sa makukulay na kadiring hindi nalalaman kung may pasya pa rin nga ba kung magpapatihulog at sasadyaing ibahin ang kulay ng kalawang sa mapuputing silya't mesa. Saka na itatayong muli ang mga itinumbang hapon dahil sa katamaran ngunit (at ito ay isang mahalangang ngunit), makapag-ipon sana ng sapat na atensyon sa mga bulaklak na matitira at titirhan ng ating, aking mga insekto.

Paraya, susubukang isa-isahin ang ikalawang pagsubok na ipinagbigay-tahak ng isa sa mga kagrupong hindi makikipantay kahit kailan. Ang buong bahaginan ng iba't ibang pangkat ay magugustuhan lamang ng iisang may alam. Siyang sumipang muli ang kahapon, aakyat nang nakaturo sa ilalim ang matagal nang naghihintay na huminay.

June 29, 2019

Karumal-dumal na tugtugan ang siyang magsisiwalat ng itinagong bagsik. Lahat ng humahanga'y humahanga pa rin. Isama mo pa rin sana ako sa mga mapanlisik na halamang ayaw na ayaw mong tantanan. Hahaluin pa mismo ang ating mga karakas na iniwan na lamang din sa ere ng hindi na maipaliliwanag pang karisma.

Gawin mo, gawin mo na ang mga pagsaklay sa mga makabagong imprentang pandigma sa ibang mga planeta. Nitong mga gabi lang naman ay sadyang kay ginaw. Ang ginaw ng langit ay pumapaimbabaw na naman sa aking, at ating mga labi. Hagkan mo akong kay lupit, huwag mo akong pakawalan. Mistulang pulupot sa mga pagkalamiyardang kumot at unan, tunghayan nang nawawala sa sarili.

Sa gabing hindi kailanman tayo kukupalin, sa pagtitig ng puting kaagapay sa mga kasalanan, ang mumunting bumbilyang nakikisalo sa lagok ng kalasingan, patuloy pa rin sa likuran ng ating mga kahapon ang tugtog ng reyalidad, ng mga pinekeng eksena para sa ating mga panyapak. Buong-buo na namang muli, nawa'y hindi na umabot pa sa dulo. Kung mangyari man ang palagiang pagtibok ay siyang maglilinis sa ipinahintulot lamang ng baho.

June 28, 2019

FlipTop - BLKD vs Marshall Bonifacio

Round 1

BLKD

Iba ang pagnanakaw, iba ang paghahalaw pero masasabi ko lang, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Dati, tawag mo sa ’kin idol. Ngayon, choke king na lang? Mas mabigat pa rin ako, mas bondying ka lang. 

Marunong kang bumattle kaso bano kang magrap. Kung mahal mo ang larong ‘to, dapat mong matanggap, walang karapatang magkampyon ang kapos ang sangkap.

Panggap na Bonifacio, Joel Israel Mabayo. Madali ka lang mabiodegrade ng mga dura ko ‘pagkat played out na ang fake at pangstage mong pagkatao. sa tunay na buhay, wala ‘tong sungay, may breeding ka rin. Magalang, malumanay, walang sisindakin. ‘Pag may camera, salbahe ka? Scripted ka, men. Pabidang kontrabida, pagkasick, pinapel. Aktor ka lang na gumaganap na dick, Israel.

Oo, may sulat kang brutal kaso replika ang teknika. Sina Bigg K, Danny Myers, Ram, Mitty, et cetera, ginagatasan mong leche ka. Marshall, copy-peste ka. Akala mo lang, emcee ka. Rap translator, puwede pa.

Israel kang talaga pero ‘di dahil sa giyera, deadly ka pero dahil mga armas mo, kuha lang sa Amerika. Marshall B, kopyang-kopya ang rap, Apoc wannabe. Lahat ng hatol mo sa estado ko ay fallacy. Wala kang awtoridad parang anarchy. Hangga’t ‘yang pagkahip hop mo, stuck sa 2003, tayo’y malabong magtie, I guarantee ‘pagkat pormal kita ngayong gagawing casualty.

‘Tong si Marshall B, may allergy sa subtlety. Pilit na pilit magwordplay, ako, hassle-free. ‘Di porke’t kasya pa ay bagay na, parang muscle tee. Dapat matuto kang magregulate kay Warren G. Naglilista ka lang ng references randomly. Alam ko, ganyang-ganyan ako nung Ahon 3. Ngayo’y nagpapamalas ng gravity, no apple tree kaya, "Bang!" Patay on cam ka parang Brandon Lee.

Hindi basta naaapula ang aking fire, Marshall. ‘Pag ang buong Gubat, abo na, you can fire Marshall. Sunog buong siyudad ‘pag nagsunog ‘to ng kalaban. Maaalala ng Cebu pinagmulan ng kanyang ngalan.

Round 2

BLKD

Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga choke at panghihina ko. Seryoso. Mabuti pa si Marshall, memorize yung lyrics ko.

Mr. Battle of the Year, ‘pag sa Battle of the Year, matalo ka, ang tawag sa ’yo, Loser of the Year? Parang Isabuhay last year, kanyang yabang sagad. “You’re all dead!” sigaw niya. Ayon, laglag agad. Ibinuhos mong lahat para kay Invictus, umangat. Yung akala mong enough na, hindi pala sapat. 

Noong unang panahon, nakalaban mo si Sak Maestro. Alam na alam na ng lahat, once a month mong kinukuwento. Hindi ka na ba gagraduate sa lumang testamento? Ginawa mong claim to fame ay pinaframe na sertipiko ng death mo. Yung pinagyayabang mong laban, kay Sak, laru-laro lang. Yung ‘di mo kinayang idol, sa ’kin, nagtatago lang. 

Dahil ako ay parang Moises sa bible, sumusunog ng idol. Bagsakan ng mga rap ko ay parang pag-ulan ng fire ball. Rounds ko, mabigat, parang edipisiyo ng Ehipto. Kay Israelite, ako’y salot mamerwisyo. Modus, Exodus, ‘pag Eagle, ibinaril. Mga balang mula sa desert ay tutungong Israel. 

Inaral mo ang Kampo, kinopya pagkatero kaso kulang ka sa ritmo kaya iwan sa metro. Nawawala sa tiyempo, rap mong patsamba-tsamba. Bigkas mong matigas, sa groove, bumabangga pa. Tunog ref na pinagulong sa hagdan, pabanda-banda. Sobrang wack ng flow mo, gumanda yung kay Plazma. Nag-English rap ba naman, mamatay-matay niraos. Sulat at delivery, hindi man lang inayos. Ang sarap sampal-sampalin gamit kamay ni Thanos. ‘Yang English mo, matigas pa sa mukha ni Imee Marcos. Hindi madodoktor degrees ng burns na dulot ko. Congrats, tapos ka na sa kurso ng pagsugod ko

Round 3

BLKD

Yung round niya mismo ang parang tribute niya sa ’kin bilang fan dahil veteran nga. Wala na ’kong masasabi sa ’yo kasi irrelevant ka. 

Ikaw ang personipikasyon ng one-dimensionality. Hindi ka na nga personality, wala ka pang personality Walang charisma, walang identity, sa pag-eemcee, pulpol. Paano pumasang marshal ‘tong walang crowd control?

May silbi ka lang ngayon, Marshall, kasi may VIP. Nagkamali ka ng inismall, be ready to D-I-E. Kung ‘di, patay kang bata ka sa utak kong B-I-G. 

Ang B sa BLKD ay balakid ‘pagkat walang hanggang inception ‘tong napasok mong panganib. Ako ang bukal ng dunong na sa tuyong utak mo napahid kaya anumang kargada mong damo, talahib lamang sa ’kin. Dapa sa pagbagyo ng mga bara kong mahangin. Babaha lang nang bahagya para babaw mo, maamin. Kung ako, karagatan, ikaw, marsh ka lang sa lalim. 

Baon ka sa putik mo, at masaklap ang aabutin mo sa clap ng mga uzing ‘to sabay sa clap ng mga using ‘to. Brrra-ta-ta-tat para sa barat at atat. Barya ang ambag ta’s hangad na agad, tumapat, umangat sa mga alamat? Kaya hindi titulong pandakila, tinutukoy ko pangratrat kapag sinabi kong si Bonifacio, ginamitan ko ng gat. Marshall na Bonifacio? Gets niyo konteksto? Mababa lang ang ranggo, fake ‘tong Supremo. Sa ’ting pagka-Bonifacio, kasaysayan ang patunay. Nagawa mong ipangalan, nagawa kong isabuhay. Giba!

June 27, 2019

FlipTop - BLKD vs LilJohn

FlipTop - BLKD vs LilJohn

Round 1

BLKD

Sa wakas, nangyari na ang inaabangan ng lahat. BLKD versus Little John. Prank ba 'to? May hidden cam? 'Di naman sa pagmamaliit, wala bang bigger diyan? At nacheck niyo lang ba kung sara ang zipper niyan? Eww.

Little John, ako na magpapakabigger man. Dadakdak 'yang pangshot parang Diesel Slam. Aattack nang mas barbaro pa sa English niyan. Pagtalak, sapak agad, tanggal ngipin niyan. Bukas, mangangayaw sa breakfast parang Eagle Man.

Taga sa bungo sagarin hanggang ang bungo ay matuklap na parang Pringles can. Kakayurin, hahaluin ko pa'ng isip niyan hanggang yung utak maging mayo, parang sisig lang.

Sabi ng teacher niyan, repeater 'yan nung Kinder 1. Nung pumasok siyang may bigote na, children ran. Mga single mom, 'wag 'tong titignan. Nanghahawa ng herpes ang titig niyan. Mukhang bulldog lang 'yan, walang breeding 'yan.

Kaya nga 'yoko kay John parang Beatles Stan. Basa ko kalooban mo parang CT scan. Walang pinagkatandaan na parang Peter Pan. Kaya patay ka na, iwan ka pa - hit-and-run. Ako'y nadala na kay San Pedro kaya chicken 'yan. Hindi mo 'ko masusundan parang fitness plan. Ako'y gumagawa ng kasaysayan, ikaw, witness lang. Walang tsismis 'yan, mga tira ko, business lang pero pasok lahat kay Dick na parang trigger man.

Hindi naman ako mayabang, makisig lang. Kaya walang pangontra 'tong pabida sa leading man. Tumatatak ang aking letra parang makalumang imprenta. May punto bawat linya, coordinates, panggiyera. Tumutuldok ng buhay basta tama ang sintensiya. Kaya mahina mang magrima, kumalas sa 'king sistema. 'Di tugma pangalan mo sa 'kin kaya dinaan ko sa iskema. Giba!

Round 2

BLKD

'Pag nagchoke raw siya, mag-ooutline siya ng bangkay pero sa'n ko nga ba narinig 'yan? Ah, nasabi ko na nga pala 'yan nung battle namin ni Shernan. Shernan? Ops, issue. May pinapasabi nga pala si Shernan. Magbayad ka ng utang.

Hindi mo alam pinasok mo parang bininyagang sanggol. Klaro na 'kong victor dito kahit 'di na magtanggol ng sarili, 'wag mawili sa nakaraan kong pagkakalat. Ako'y marunong magligpit, pangwalis ko ay tabak. Pero kung punto natin ay asaran, wala 'kong pang-angat 'pagkat pinakamalaking insulto na sa 'king tayo'y nagtapat. Isang wack! Ako'y natalo, nalampaso, nagkulang sa baga. Parang utak, nalaga, natunaw talata. Ayun, nakawawa. Kung nagtapat man tayo, ganun ka kababa.

Kaya bawat joke mo sa choke ko, patunay lang ng ating gap. Kailangan ko pang mabody bag para lang tayo'y magbattle rap. Ako'y K-in-O ng boksingero kaya binalik sa punching bag. Still, I'd rather say nothing than say something wack. Ako'y lalo lang nagutom kaya mga idol, nagtago na. No choice na 'ko e kaya nakuha, basura. Para sa 'yo, break 'to, para sa 'kin, parusa.

'Pagkat 'yang wack mong batayan ang siyang harang sa daan sa pag-angat sa salaan ng alyas mong magaan. 'Di ka na magkakapangalan, hanggang diyan ka na lang. Sobrang halimaw ko, talambuhay ko, inaakalang mito. Kayo mismo ang nagbisto, sulatan kayo parang Tito. Wala ka sa antas mo, maya-maya, laglag 'to rito. 'Tong nagfeefeeling Oyo Boy, gagawin kong Miko. Bagsak parang grado, talo ka sa sing ko. 

Kung ikaw, Little John, ako, little friend ni Al Pacino. Ratrat lang nang ratrat. Ito ang bago kong edition. Epal ka lang na intermission. Hindi ka competition. Wala kang laban, John. Ito'y BLKD exhibition

Round 3

BLKD

Rap mo, saks lang, all hype, no brain kaya walang ibubuga yabang bars mong lame. 'Pag ako ang naghangin, husay, John Coltrane. Ano, bad trip ka na naman sa reference na buhat ko? Wala namang nagpipilit at nag-eexpect na makuha mo. Kaysa maasar ka pang mag-Google ng mga laman ng sulat ko, tanggapin niyo na lang na 'di mga ka-IQ niyo kausap ko.

May husay ka nga kaso sa old school nabitin. 'Di ko kayang bawiin freestyle era mong achievements pero 'di mo man aminin, hindi na kaya pang baliin, maraming harang sa freestyle, isa lang BLKD sa written.

Kaya oo na, nagchoke na 'ko, naaalala ko. Kaya nga mag-alala ka na, paalala ko sa 'yo. Ang kalaban ko, kalimot. Ang kalaban mo, ako. Kaya nga ayoko ng mga katulad mong mag-isip. Ang ganyang mga makitid, dapat lang tinatapik na nang humandusay sa daan. Kahit ano pa ang paraan, gagawin lamang excuse kaya hanggang diyan ka na lang.

June 26, 2019

Kakaiba 'to ah. Parang may mali, pero parang may tama, at parang may tama, pero parang wala ring mali. Bagtasin ko man pabalik sa katotohanang ang hindi magkaisa sa iisang kalam ay nagkakaisa pa rin sa paghiram ng mga salita, baka mag-umpisa na sa paglalagalag ang mga ipis at ibon tungong malayong paraiso.

Bagkus, kinakailangan nang pumuwede ang iisa ring mithing ang siyang mga kumpas na magdadala sa atin (at sa kanila) ng mga maseselang bahagi ng drama ng buhay ay tiyempong suliranin lamang ng iilan. Fuck. Fuck fucking fuck fuck! Tapos na. Tapos na naman ang isang niyebe at patuloy ka pa rin sa pagkalabog ng hindi pa rin maunawaang himig ng pagkakapulupot sa pighati.

Payagan mo na ako, payagan na ang lahat. Sakto lamang ang ritmong panapos sa gulong inihatid lamang ng inspirasyong iginiit ng panaginip sa hapon. Malaya ka pa rin naman, at mukhang uulit pa nang uulit ang pasiya.

June 25, 2019

May pagmamadaling tungong panaginip. Hindi matigilan ang araw-araw inaasahan ngunit wala namang katuturan. Saka na iyong mga sandaling nakapagbabahagi pa ng kaunting aliw sa salita ng ibang mga wika, ibang sistema, ibang kultura.

Maiba naman, nakakalungkot din isiping kaunti na lamang pala ang hihintayin bago pa makapagpabangong muli ng pangalan, ng siyang kulot at barya. Sandali na lamang pala, pero wala rin namang may hawak ng mundo, at wala rin namang may pakialam.

Pagkubli, magpapaalam ngunit magbabalik sa tindig na alam na ng lahat, o ng iisa, o ng higit pa sa wala. Ang kalawakan ay isinasambutil ang bawat likhang makakati lang naman sa labi ng iisa. Mapariwara ka sana. Sa pagyayabang ng limahid at kuwarta mong kay libog lamang ng langit, mas maigi naman talagang hindi ka na maarok ng nakararami sa ibaba, sa ibabaw ng iyong panga. Ay siya!

June 24, 2019

Sampung minuto. May diyos, may halo. Ito na naman. Sandaling kakagyat, antabay lang sa tabi. Rakenrol ulit. Walang magulo. Malapit nang sumabog ang aking kalamnan, ang aking diwa. Saglit. Mukhang may mga gusto pang tumirada ng patibong pero bahala na, bahala na talaga.

Bathaluman ang tindig, sadyang ayaw patinag. Ako ang dakilang impostor na magpapakilalang malupit, walang patawad, at makailang ulit na magpapaalam. Hinding-hindi mo ako makikilala sa mga anyong aking ipakikita. Pumikit ka man upang duminig, kumulimlim man ang langit bilang gabay sa iyong mga walang hunos na pamamalakad. Ako lamang ang makikilala sa akin, ako lamang ang may kilala sa mundong iyong winawalang pasensya.

Sa alon ako'y tagumpay, sa agos, ako'y hindi may bisang pananggulo. Tuluy-tuloy ang tipo sa dulo ng mga alulod ng sikap at tadyak, sa mga walang bayag na biro ng tadhana. May tikling na naman ang aking pantabig, saka mo na haluin iyang pangalawa. Bukas pa kaya si Tiya? Ay siya. Mayroon pa akong baong ekstrang panggilid. Hayaan mong ako naman ang sumagot sa mga tanong mong kahapon mo pa dapat pinag-isipan.

Tagay ka pa.

June 19, 2019

Nakakatawang tinanggal na ang tungkuling pag-aralan natin tayo. Paano natin tayo tutulungan kung hindi natin tayo kilala? Pailalim tungong kasuluk-sulukan ang pagyakap ng wika sa identidad ng isang tao. Maaaring sabihing ang baya'y may iba't ibang wika, at hindi magandang isiping mas nakatataas ang isang wika sa isa pa. Hindi kayang makapanlamang nang buo ng isang hungkag na kaalaman kung maaari naman itong maisalin sa kabilang banda.

Ngunit, hindi rin matatanggal na ang patuloy na pagdaloy ng nananaig na prosesong tumatakbo sa kaisipan ng isang indibidwal ay maipagtitibay lamang at taal na maipapasang paritwal nang hindi nababawasan kung sariling mekanismo ng pagsasaalang-alang ng hindi na mahihigitan pa ng iba. Kakulangan sa pag-unawa sa ngayon ang magdudulot ng kakulangan sa pagsasarili ng isang tao, ng isang pamayanan, ng isang bansa.

At ngayong hindi pa naman nahuhuli ang lahat, at kung hindi na rin maiiwasan pa, mabuting nagsisimula sa sarili ang pagiging makasarili at pagkakamagkasarili. Sarili ang unahing kilalanin, sarili ang bigyang-kahulugan, sarili ang siyang sariling magiging sarili. Buuin ang sarili mula sa mga inipong pansasalat sa iba, pagmumura sa iilan, at pagtiwalag. Saka lamang natin maaalala at aalalahanin ang lahat kung walang-wala nang magpapaalala.

June 18, 2019

Kalabog sa pader, kakabahang may saltik. May nakikiapid pang sinsibol sa limatik ng tagaktak ng mga dahon. May kung anong pagkukunwari pa sa hanggang hindi maaabot ng liwanag. Umaga pa pala. Sadyang kay saya lamang para sa may-likha ang mismong pag-usbong ng pinakahinihintay na pagsapit ng tag-ulan.

Maya-maya'y paunt-unting lumilinaw ang mga patak. Hindi pa pala sigurado kung masaya na bang masisimulan ang hinagpis na pagdungaw ng alapaap, ng hangganang hindi paaawat sa lungkot. Ay saya! Magsisindi ng mga panibagong kay lapot sa ibayo, kay tibay ng pagkakayari. Galing sa liyab na tipong ulap ang pagkamakasarili, iigpaw ang kirot sa damdaming minamasdan ang bawat sandali.

Paalam, sinag ng makapangyunggib na sibol. Ang mga talulot ng hagkanan ay babatiin nang muli samakalawa. Ang tuwa ng siyang pakpak ng mga paruparo'y ipagpahinga na muna. Umpisa na ng lalim ng diskusyon tungong walang kuwenta at palyang kuwento.

June 17, 2019

Kahit na ilang ulit pang lubayan ang dalumat sa ipinagkikisigang mga sinlapot, 'di hamak na sumisimple pa rin ang mga saglit na hindi na dapat pupuwedeng. Tila nagmamadaling umahon paragsa hanggang ito na naman ang malupit na ibinubulalas. Mangyaring ito rin ang sadyang pilit na lumalabas na mula sa imbak na ibinabalik din ng lupa.

Maaari ring ito rin ang siyang boses na kakarampot pa rin ang nalalaman mula sa mahihigpit na tiklag sa magkabilang braso't bulwagan. Ang mga lumilipad na huni'y kay hirap mahuli at sadyang malabo na nang agaran sa tuwing makikitil sa hulihang bigkis.

Patawad, oo. Patawad sa mga layag na tungong paghigop na lamang ng matagal pang makukuntentong uhaw. Maririkit pa rin ang mga gabing isinanla ng katawang hapo sa nagmamadaling kurso ng daigdig. Hindi na bale, hindi rin naman magtatagal. Ang tao'y lagalag tungong sapat lamang, nagbabaka sakaling umimbot nang makasariling matikman ang tamis ng palad na ipinataw ng diyos.

June 15, 2019

Hoy, Jollibee. Putang ina, ikaw na naman? Sa bawat ilang sakaling hindi pagpapaguran ang iilang mga pagkaraang sentimiyento, iniisip ng iilan na tama na, tama na, pakiusap. Hindi na malaman-laman pa kung saan pa nga ba nanggagaling ang mga boses na hindi naman sa kanila. Ang hinihingi lang naman ng karamihan, kaluwagan ng pakiramdam at ng araw-araw na pakikipagdausdusan sa kanilang mga kauring pampayanan, tungong panghinaharap.

Mahirap maging balahura sa sariling mga kakampi sa pananalig. Ang tanging magdadala sa karunungang pinakahindi maaarok ay ang kadakilaang hinding-hindi makapapantay sa kahit kaninuman o anuman. Magkakaroon lamang ng dignidad sa bawat haplos na isasampal ng reyalidad kung magiging makapag-iisa na ang isang edad na halos ibato na ang sarili sa pagiging hindi esensyal sa mundo.

Sa gayon, mapalad ka pa rin, Jollibee, dahila ang pagmamahal sa hindi nangangailangan ay landasin ng mga hinayupak na kabulagan. Hindi ipinapupumilit na hanggang sa pagtawid na lamang ang maiiwang lampasan kung hindi sa bawat paglikom ng kabayaran sa oras na hindi inaasahan ay makapagpaalis pa rin sana ng salang hindi ipinapaalam ni isang kusing.

June 13, 2019

Mahapdi kung pumigtal, may paggana ng sakmal. Sa kabila ng lahat ng tanikalang inipon, mangyaring hindi pa rin tumitiwalag sa kakayanang makipagbanggan. Mahapit ang kalidad kung sakaling may magpaandar pa. Sa laro ng bagsakan ng pluma, malambot pa ring lumalabas ang obrang hindi naman tinangkilik ng may-likha.

Nagpapaikut-ikot na lamang, baka sakaling makapagpabagal sa hibla. Kanina pa naghihintay sa hindi dumarating. Sa maiikling ngiting saglit na lamang umaangkla ang damdaming kay hina ng pagkakakubli. Nais nang magpumiglas ng damdamin ngunit hindi na sapat pa ang hinihingi ng pagdurusa, ang hinihinging pagdurusa. Tapos na sa pagkasakdal ang sinusubukan na ring bumangon mula sa pagkadurog, pagkabalisa, pagkakawalan ng kuwenta, ng kuwento.

At mangyaring isa pa, dahan-dahanin man ang mga salita at pangungusap, mga bullshit na pahayag at parirala, bigla-bigla na lamang sumusulpot ang mga taeng isinawsaw lang naman sa pampahilong kay tamis ng bira. Ang mga alitaptap sa gabi'y magiging kaibigan sa walang hanggang kagutuman at pagwaldas ng pabaon sa mga kendi at nalalabing tsitsirya.

June 11, 2019

Tatanaw sa malayo nang may paglaban sa himutok. Tatalaga pa kaya ang tunay? Sa mga hiningian ng maiikling tagumpay ukol sa muling wagas na libangang pagbangon, ilan sa kanila ang may tiyagang uunawa at hindi basta-bastang magbabalandra ng ermitanyong paliguan? Ilan ang magpapaalam? Ilan ang  tanging makakaalala? May laya ang gubat at may hiya bago maghimagas. Sa dulo’y aanhin pa ba ang natutunang patay na diwa?

June 9, 2019

Ang pag-aabang ng tulong ay mapagkunwari. Sa mata ng matatanda, katatawanang pangkutya na lamang ang katarantaduhan ng mga bata. Magkakatuluyan balang araw ang paghahanap ng pagtakas sa usok ng nakapaligid na kaluluwa at kakaibang paglalang ng malawakang engrandeng espasyo ng animo'y pagtatalo ng panaginip at pangarap.

June 8, 2019

Napakakitid ng babaritagang hagdang pailalim sa dilim ng impiyerno. Malagkit pa ang timyas ng mapangkanulong pawis at wala nang awa ang pagmamadali dahil iisa at iisa lamang ang nais pa ring patunguhan ng mga nag-uunahang bigkis at ipinipilit araw-araw na talento.

June 7, 2019

Mata sa matang nag-aabang ng panganib, mapangamba ang pag-alintana sa pagkayod. Kailangang makaligtas kung sakali, mula sa pagbura ng kasarinlan, ng sarili, ng identidad na inagaw, ng identidad na nakatago, pinakatagu-tago lamang sa pangalang dinadala sa araw-araw.

June 6, 2019

Hindi mapapansin sa umpisa ang aruga, ang kalinga. Kakaunti lamang sila sa malawak na sakop ng makamundong pagpapalipana ngunit bawat isang butil ay may kargadang armas tungong tagumpay, tungong pagbalikwas at pagsira sa mapang-uring balangkas.

June 5, 2019

Nakapaligid sa kadiliman ang lagablab ng mapanlipis na init ng nagniningas na baga. Itinago ang panahon palayo sa mga reklamador ng kasaysayan. Tanging pagbubulto lamang ng kahoy at bakal ang nagpapamuni sa natutuyo nang mga utak.

June 4, 2019

Isa-isang nagsusuksok, hindi lahat ay nakadurukot. Sa itim ng mga palad natatantiya at tinatantiya ang lalim ng bakat na hindi kayang ukitin ng nag-iisang pananaig lamang.

June 3, 2019

Ang bawat isa sa ati'y bahagi ng kolektibong pag-aambag tungo sa isang higanteng makinaryang nagpapatakbo at / o tumatakbo na lipunan.

June 2, 2019

FlipTop - Damsa vs BLKD

Round 1

BLKD

Si Damsa, Flow King kaso bars niya, boring. Ratrat ay tadtad ng korning wording kaya weak ang battle record at wack sa recording. Rap mo, pang-AND1 ang galawan kaso bano sa scoring. Ako, bawat dakdak, tumutunog, may tap pang boarding. Bars ko, sumusuntok, tatalunin ka sa boxing. Simple lang pero 'pag tumama, malakas pa sa morphine.

Round 2

BLKD

Sa 'ming dalawa, siya pa raw ang logo ng Uprising. Nako, naloko na. Kasi ako, hindi lang logo ng Uprising, may hawak na bolo pa.

Pero, Dam, Dam, matanong ko lang. Pang-ilang last battle mo na 'to? Nagdecide ka na bang ito na ang last last battle mo, bro? Kung sa bagay, hindi ka naman maglalast 'pag ang kabattle mo, ako. Magretire ka na sa pagreretire, please, para sa eksena.

Mas bagay ka sa 50 Killaz, wala ka kasing kuwenta. Teka, kung 50 kayong killas, dapat sinama mo na yung 49. Sapat na sa 'king kakampi ang 47 at 45. Don't deny, fortified ng kaalaman ang bawat bala at baril kaya kahit sino ay kayang madiskarel. Kaya kong lampasan ang taas ng Babel. Kahit sa'n ka makarating, bano ka pa rin.

Papatayin mo 'ko sa flow? Baka yun ang gamitin ko sa 'yo. Torture, water cure, pero ang gamit, hindi tubig. Isang ragasa kitang bubusugin at lulunurin sa break fluid. Pasalamat ka hindi ako sundalong Kano kaya hindi pa rin naman ako mantotorture ng tulad mong bano.

Alam mo, ikaw, isa kang sports car, mabilis, mabenta, pero parang Edsa, sablay ka sa karera. Ito'y digmaan, at kalaban mo'y tangke de giyera.

Round 3

BLKD

Alam niyo kung ano nagrarhyme sa Damsa? Tsamba. Pasalamat ka, wala 'kong maalala.

June 1, 2019

Ano ba itong tila humihiyaw sa panlasang karumal-dumal. Maya't maya'y makikiapid sa karunungang hindi para sa akin kung hindi pagbibigyang magkaroon ng panghihimasok. Ang kagat ng lamok ay matindi lamang sa inaantok. Kadiri ang panlasa't pang-amoy ngunit hindi pa rin naman nakakalampas sa hustisya ng mga langaw ang aking pagbabalik sa tae, sa pagtatae ng aking salbahe.

Galit na galit ako sa tuwing papalapit na nang papalapit ang peligro, kahit na ako rin naman ang nagdulot nito / ng mga ito sa aking sarili. Masayang hindi nasasayang ang aking bawat pagdadalamhati subalit napapadalas na rin yata ang aking mga insulto't kawalan ng galang. Kalahati ng aking pag-ibig ay hindi nanggagaling sa aking sarili kung hindi para sa aking sarili. Masalimuot mang pakinggan, nawawala nang buo pa rin naman ang aking pakialam sa iba.

Mapapakamot lamang ako sa ulo, tatahimik nang panandalian. Hahaluin sa huling baitang ang aking tasa't pipitikin na ang huling abo ng aking pamamanhikan. Malabong pumayag pa rin ako sa inyo dahil sa taglay kong karuwagan. Iniisip ko'y hindi namang ipinalayong sumuot ang mga gintong dalaga kung may sa kung kumbento ang hangarin. Mayroong mga namumulaklak at nabubuhay sa ilalim ng mga tulay dahil patuloy itong dinaraanan ng mga tao, iba't ibang lalang, ng hangin, ng hindi matatapos na daloy ng aking mga titik at diwa.

May 30, 2019

Lumumanay na nang marangal, may pagkung anong hinanaing. Bawat tanong ay hindi kinakailangang masagot ngunit hindi sinasadyang magkaroon ng pakiramdam muli. Hindi ipinahihiwatig na ang mga nakatagong pagkakamali ay tungo na kaagad sa nagbabadyang hindi pagkakaunawaan. Mangyaring malaki lamang ang pagkalugod sa taal na pagsasarili bagkus ay humimlay nang pahiraya hanggang sa makipagtagisang muli sa mga usok.

Nais nang umidlip. O kay layo pa ng katapusan. Sa mga nagsisising kalamna'y makapag-isip pa sana ng wastong tugong naaayon pa rin sa hinaharap. Ang paggising ay may kaakibat na pagsilip ng mga hindi inaasahang samyo ng ginaw sa parang. Nagsisilantayan na namang muli ang mga damo kung kaya't dapat nang ireklamo sa sanlibutan ang mga nais na hinding-hindi maisasakatuparan.

Masasabik nang masasabik, mapapaatras at mapapakamot sa ulo. Mga pinagkainang balat ng mga sibuyas at patatas ay hahamaking isauli huwag lang bumalik ang oras na nakalipas. Maipapaliwanag pa kaya ng harding siyang inutang kung ang pag-anyaya sa ngiti ng kalaba'y unti-unti nang nagiging kasabwat sa mga balak?

Darating ang maestro, at magsisiligpitang kay tulin ng mga kasalanan. Ang kaba sa dibdib ay segu-segundong mangunguwestiyon ngunit malay ring walang sinuman ang susubok na pumalag. Kakalabitin ang panganay at mag-eembudo ng mga sala. Sa huli'y magbabalik pa rin sa tugtugan ng mga pitik at tudyang tila wala na namang kinabukasan.

May 29, 2019

Yakapin mo ako rito sa mundong kay ginaw. Ano ba ito, at ano ka ba? Sintunadong marangal akong nangingibit-balikat kung saan ka nga bang lupalop nanggaling na mundo. Sa sarili mo bang mundo? May pagnais na magtagpo ngunit sadyang hindi pa wasto ang panahong nagpupumilit na mapili. Pakiusap, dahan-dahanin mo ako, akong hindi nararapat na makipagtipan pang malumanay. Samahan mo na lamang akong humimlay sa ilalim ng mapagkunwaring mga tala, sa dalumat ng ipinangangakong mapapako rin naman.

Kaibigan ang aking hanap sa landas ng mapawaring lunan. Lahat ng aking nalalama'y katiting lamang ng iyong gustong maipakita. Nakatutuwang lapnos pa rin ang aking dila sa mga ngiti mong hindi ko kayang lampasan, unawain. Paumanhin. Andito pa naman ako, akong buhay na naghihintay lamang madalas ng tiyempong masilayan ka't makasabay, makilalang panibago at makilala rin ang mundong iyong dinadala araw-araw.

Huwag tayong magmadali, may hapon pa ang umaga bago sumapit ang takipsilim. Linanging nawa ang ating kaisipang mas may tipong manaig kaysa sa makuliting damdamin. Tama ang makipagkapwa-tao na lamang muna, at iyon pa ay kung pagbibigyan ng ihip ng malamig na malamig na hangin, at saka na lamang muli, at muli't muling humalina, at yakapin mo ako rito sa ating mundong kay ginaw.

May 27, 2019

Alam mo, alam mo na. Alam mo na kaagad. Alam mo na kaagad ang sasabihin, ang sasabihin nila. Hindi mo na kailangan itong marinig pa, isa-isa, dala-dalawa, pakaunti-kaunting kanti sa iyong lalamunan. Alam mong tama na. Mangyaring ikaw na ang magsabi nito, ng mga ito sa iyong sarili.

Magpagana, magpaluwag, dahil ikaw mismo ang may kontrol sa mga hindi mo kayang kontrolin. Masagana ang umaga, masagana rin dapat ang gabi. Humupa't magsitalukbong ang mga nanonood lamang sa iyong paligid, mga nagsisipumilit na tumulong ngunit walang pakialam paminsan-minsan, ikaw na mismo ang mag-umpisa, mag-umpisang gumising sa natutulog mong kalooban dahil saan, saan pa't ikaw rin mismo ang gumigising sa araw-araw na masagana, sa gabi-gabing nararapat ay nakatalukbong ka na sana.

Kumilos, hindi lamang ang buong katawan ngunit maging ang iyong sariling pag-iisip. Alam mong ikaw lamang din ang kumakausap sa'yo. Ikaw na mismo ang kumausap sa iyo, sa iyong ayaw kang tigilan, sa iyong lupa't kaluluwa'y may siyang bigkis na magpapatibay kung bakit at paano ang dapat mangyari. Pangyarihan man ng madla, alam mo at alam mo rin na ikaw lamang, siyang ikaw lamang ang may hawak sa ngunit at hindi ang iba.

May 26, 2019

Sinusubukan nang maikalma ang bawat pagkakataong hindi nararapat din namang pumutok. Mamutawi sana ang payapang inaasam din naman ng lahat. Kung anuman ang kinasusuklaman dati'y nawa'y maging instrumento na lamang sa sariling imahinasyon nang magkaroon pa rin ng silbi sa buhay. Ang mga balakid ay hindi madaling kalilimutan. Ang mga panauhi'y may kanya-kanyang puwestong pauupuin. Bawat biskwit at biyaya ay sadyang ipatitikim sa kanila.

Hindi naman dapat sana ipinagdaramot kahit kanino ang simpleng paglasap ng katahimikan, ng paligid, ng bawat alulod, ng mga kalsada, ng bawat simpareha ng dibdib, isip, kalamnan, at paghinga. Para sa lahat ang pamamahinga at paghimlay. Malambot ang idulog kahit ano pa man ang sabihin ng nakararami. Walang may gumusto mapasuot sa gulo. Lahat ay nais makalabas nang buhay nang makapasok sa kaharian nang may gaang pakiramdam. Ang gagayak ng hari'y iisa, at iisa lamang sila.

Matagal pa, malayo pa. Dinggin nawa ng mga nakaupo pa rin ang hinaing ng mga minamatang papaluhod. Sagana sa kapayapaan ang isip ng tao, sa isip ng tao mag-uumpisa ang kapayapaan. Sa nag-iisang sarili mag-uumpisa ang diwang magpapatahimik, at tahimik ang siyang magpapanatili ng pagiging tao ng tao. Malayo pa ang tahimik, bumangon na nang kusa upang makisalo sa pag-iingay, dahil hindi mabubuo ang kapayapaan nang hindi nag-uumpisa sa masigabong pagbulusok ng damdamin.

May 25, 2019

Ewan, wala lang. Ako ay isang wala lang. Walang lalang. Wala lang. Walang isinasang-alang-alang. Walang kuripot, walang madamot. Walang may pakialam sa bawat hugas ng plato. Walang pagkibit ng balikat, ni huni ng ibon. Maski pagbunto ng pakiwari'y daragdag na lamang sa tagaktak ng aking pawis. Maaaring makasipat pa nang kaunti sa natitirang pira-pirasong gunita, subalit nahihirapan nang makalimot na makiisa sa hindi naman mapagpumilit na paggaya.

Siwalat. May pagbangga pa rin sa nangungunang pinuno ng mga hungkag. Nasaan na nga ba ang aking natitirang dignidad? Panay asa na lamang sa reklamo ng mga katabi, ang pagbabago'y iniaasa sa mga hindi kayari ng palad. Kung makatuloy ay paggala, kung mahuli'y sampanutsa. Hindi man bagay na hulog ng langit, magsinag pa rin sanang tala sa nagdidilim ang pananaw.

Sinimulan na namang magpaanod palayo sa alon. Kakaiba ang tatahaking ikatlong ulit ng parehong landas. Maiba man sa paningin, ganid pa rin ang sumang-ayon sa tabi. Maglilipana ang mga mapanlisik ang libak. Tatantyahin ang magbibigay ng lakas ng loob nang matipan nang mahusay ang pag-inda sa nakaraang sarili. Nararapat lamang ito nang tuluyan nang makapagpausbong ng wikang may sa pag-inda ng pagpilit na paggaya.

May 23, 2019

Amoy Paskong kinulang, Paskong pinagkaitan ng pamilya. Aginaldo'y kasuklam nang maipagkabanalan, ngunit iisa pa rin ang mithing makamtan. Saglit lamang ang pumighati, magpakailanman ang paggunita. Kaaya-ayang pananaw ang sadyang ikinintal nang hindi na magpumawi pa ang paulit-ulit na pagdinig sa nakaririnding bulyaw ng tama na.

Tama na.

Maiging magtapos na sana ang mga sana subalit mukhang hindi na bibigyan pa ng may hingang panahon. Pahingang pabalik-balika ang pagbisita, lakas ng pagbango'y bangungot sa pag-arangkada ng paghimlay. Maya't mayang igigiling nang buo ang laway nang maibsang presko ang naghihintay na 'di mapakali.

Sa muling pag-indak ng tadhana, sana'y marinig na ang tamis ng oo. Magsama-sama nawa ang mga magkakasintahang itinanan na ang pangarap na magkaroon ng katibayan ang tunay at wagas na pag-ibig. Nariyan ang kahapon, maaaring lingun-lingunin. Ang pag-uulit ay nagsisilbing pagbura at muling pagsulat datapwat ay sisibol pa rin ang panibagong hiwatig.

May 22, 2019

Tatapusin na mamaya ang nasimulang pagsasalaysay nang mabisang mabalikan ang dating pakana. Ipinagpipilitang pagbaklas-baklasin ang sarili nang mapagbigyan ang sari-saring pantas na nagkukumahog magpakasentro ng paligid. Kung makapiling tumigil sa pagpapalakas ay suwerte nang taos. Mahusay pa bang tatanggapin kung maabutang ang mga iniwang sinindiha'y pagpahingahin muna nang makapagpatirang makasat?

O susubukang lumikha ng pangyayaring makakuha ng konseptong pagbubuhusan ng gayak at pawis na hindi naman ding masisilayan kahit kailan?

Kung sa bagay, ayos lang naman. Hindi naman ganoong itinatampok kung payak ang piglas pero palaging pumapalag. Ang sa nagtimayog lang naman, magkaroon ng katiting na ibig sabihin ang lahat ng maaaninagang paglundang tungong isinaklay na mga kulay.

May mabuting paghanap pa ba?

Kung sakali, halika at lumayo sa akin. Bigyan nating asim ang tamis nang tumahimik nang matindi ang malalabong liwanag. Ibuhos ang mga hinilang paumanhin at pigilan nang simulan ang pinipilit na kusa. Hindi man magsitiwangwangan ang pagkakasalansan, asahang ang bawat lahat ay singkadiring kay aya ng bukas at kahapon.

May 21, 2019

Nagkakalansingan na naman ang mga sumpang isinisigaw nang makailang ulit para lamang mapansin ng iilang hindi kinakailangan ng mundo. Sa isang iglap ay mapapawi ang sakit at luhang ipinantatawid sa pang-araw-araw na kasalatan. Mangyaring may pagkung anong milagro kung magkakaroon man ng iisang pagtanaw ng utang na loob sa mga nagbato ng tinapay, sakaling tahaking muli ang paglalakbay tungong lunang ipinagkaloob din ng pangambang umilalim.

Saan pa nga ba maniniwala at naniniwala? Miminsaning hindi nakasisiguro kung kailan gagamitin ang mga inilaang paghihiwalay ng sangkot na sangkap sapagkat mas iginigiit ang tugtog na ipinansanay ng mga kidlat at kulog, kasabay ng mahanging ulan sa gabi at kuliglig. Sa muli't muling pagtigil ng mundong kinabibilanga'y pagkamatay ng mga putang ina, maliban na lamang kung mailigtas ng kakulitan ng paghagip sa tipong hindi na mawaring pagbura sa kasalanan.

Kung gayunman, ang ipinintang galit ng langit ay magpapaalala sa may tanging kilalang kilatis sa mga natitirang liwanag. Hindi man pagbigyan ng alanganin, nariyan ang awit at tinig upang makapagbuhat pa rin sa kalagayang ang minsan ay minsang magpakailanman. Nakakainis ang alingawngaw na maya't maya ring binibitin hindi ng dahil sa pagsabog ng kalawakan kung hindi dahil sa katakawan ng laman.

Sa dalumat na inihain sa pakikibakang tambad, huwag ipagkait sa sariling naibubulsa ang isa at isa na naman at isa pang pagpapakain sa tubig ng buhay.

May 18, 2019

Binotsa ng sariling anino. Saan nga ba tayong nanggaling? Sa dilim natatakot ngunit sa dilim nagbabalik. Sa dilim may sariling pagbabago, sa dilim nagkakaroon ng gana. Sa dilim muli't muling nakikilala ang sarili at sa dilim pa rin patuloy na inaabutan ng hapo, ng yakap sa init, ng ginaw, ng pagtalukbong hanggang sa ayawang muli ang mapanlibak na araw.

Araw-araw ipinapanganak muli ang tagpi-tagping alaala mula sa iba't ibang lupaing paminsan-minsang ibinabaon ng limot. Kamandag ng mahigpit na sumasalamin sa langit, ang himyos ng ligalig at pagtatampo'y panandalian lamang. Kaakibat ng lahat ng kailangang masupil, dapat nang gulpihin ang nagpapalubog nang sariling kusa.

Agad nang bawasan, kitilin, masugpo ang baha-bahaging paglalapit ng mga matindi kung humablot na mga kamay. Madulas ang pagkakataong kumawala nang paninigurado ngunit isinasampalataya pa ring maibibigay ang 'di mapang-aping kasaysayang magdadala sa titulong may pagkundena at saksakan ng karma.

May 17, 2019

Pagbigyan mo na. Hindi ka naman madalas nariyan at nandirito. Nakatengga ka lang naman ding madalas sa paikut-ikot na halamig at duyan. Kung pagbabanat lang din naman ang pag-uusapan ay mangyaring makipot ang mga ilog na lagusang makapagdadala sa iyo sa karunungan. Lagot ka, lagot ka. Pagtapak ng iyong mga talampakan sa abo ng iyong mga mithi ang magmimitsa sa pagbali ng disenyo ng natitira mong karangalan, kung iyan ma'y matatawag na karangalan.

Ambag sa mga likhang may kung anong paliwanag sa kahit na pagbigyan ka ring muli ay dadapa na lamang nang walang pakundangan. Malagkit ang pasensya at galit na galit tayo sa mga lamok ngunit ang pagkapanis ng iyong salaring taglay ay maiibsan pa ng pagkatupok.

Hayaan mong pagtipanin ang natitira mo ring lakas at rimarim nang maitulak kang pabalik sa iniwang natutulog na kaluluwa. Mabagal ang usad, pagbigyan mo na, dahil ang lakbaying matuwid ang manlolokong daraana'y simpleng pagyapos pa rin sa marurupok na unang magdadala sa ginhawang hindi para sa'yo, ni para sa lahat.

May 16, 2019

Ano pa't anong nangyari? Gusto mo pa bang mag-aaral? Marurumi ang madadalas magalit. Nagagalit din ako. Tipong hanggang armas sa lupalop, iindahin ang mga taktikang pumapalag. Iilagan ang mga balang gusto lamang makapagpatutong sagad sa buto. Buto't balat, lumilipad, kala-kalansay at bungo. Dugong dumanak diretso sa dulo ng daigdig. Daigin ang kabi-kabilang pananamantala ng kapangyarihan. Umabot man sa ubos na lakas ay buong tapang pa ring ipakitang ang katotohanan ay nararapat na maging malinaw.

Pagnanakaw na lamang ang nagdudulot ng kasiyahan, hindi na iniisip ang salapi, ang mga dragong 'di antala ang dalang bagyo. Sasalanta ang bawat dausdos, magpapasadiyos na lamang ang salalay. Mag-aabang sa darating na tugtog, pinakainaabangang pagbabanggang dibdib. Mamantikang buhok at pawis sabay lagok ng malamig na serbesa. Sa atin ang gabi, pilitin mang huwag nang magising pa ang araw.

Araw na ng pananampalataya sa itim na pagtalikod sa tanyag na mga talata. Talagang ang magsasalita lamang ay anghel na ipinadalang iisponghang 'di titigil. Kalabit at gatilyo'y tatagis nang agaran. Humimlay ka muna't magmuni-muni kasama ang kaibigang gitara at yosi, uupong malalim sa kaibuturan ng pagkalimot hanggang sa

ano pa't anong nangyayari?

May 15, 2019

Naging panatiko ka rin ng pag-ibig, aminin mo man sa wala. Makulit pang magpapaulit sa pagpapatawa, makakita lamang ng ngiting ay siya, ay kung aya. Sa ranggo ng mga iniwang sipag, tulak, at droga, natatangi ang natitira sa mga dahilang pambangon sa halik ng pagpapaalam. Anong petsa na nga ba, anong petsa na? Saan ka na ba kikitain ng mga hininging paggunita bago pa man mabigyan ng lunas sa iniwang pagtitimpla ng kape.

Panay na lamang ang iwas sa niyaring saglit dahil hindi na malinaw-linaw pa ang tunay sa iwinaglit na lamang ng magpakailanman. Minsan, may galit, minsan inaapura ng pag-asa. Purong pagpapakababang ang nalalabi na lamang sa kuro'y kung ano na lamang din ang sumayad nang may ngiting ay siya, sana'y siya.

Siya at ikaw, mananatiling bughaw ang lapnos hinggil sa pagtatagpo kung mangyaring abutan ng buhos sa idayom ng mga talang kapuwang nagtatalunan. Higit sa lahat, paano na lamang, o paano na lamang ang pundang pinaglalaanan ng galit, ng himutok na dapat nang ganid iputok bilang ganting makapandiri sa mga sariling pag-amin pa rin sa wala? Wala na, wala na ang lahat. At sa mga babati pang muling pagbangon, panatiko, o panatiko ka pa rin ng pag-ibig.

May 14, 2019

Aba'y diyan lamang ho sa may gawing kaliwa. Atat na akong magpakalunod sa sawang init at kulam, halong gipit at hindi. Surpresa sa lalamunan ang binilang na kindat hanggang sa pumulupot na ang alat na inaasam-asam. Iisa pa ng kahong delikado ang tibay 'pagkat kung hindi man mainom ang sabaw ng pandigma ay kakalma lamang sa aki'y aprubado sa pagkahalal. Iisipin pa kung kukulangin sa pangyayarihan subalit apaw na sa aking semilyang ipinatulo nang maiwan na nang taliwas ang nagbabantay.

Dahan-dahang magmamadali tungong pagsipat sa pagwawakas ng gabi. Napakalayo na naman pala ng aking narating. Ilang oras na naman ang aking hahabulin, aking gugugulin. Gulung-gulo na rin akong magtitimpi bago pa tapusin ang aking pag-aalinlangang makarating pa sa ibang nais na bisitahin.

Matagal ko na namang mimithiing mabisita ang aking iba pang mga sarili. Sa mga kaligtang kape, sa gitna ng mga salitang iniwan sa ere, sa gitna ng mga pang-iiwan sa ere, sa gitna ng mga gitnang iniwan ng mga salita sa ere. Asar-talo sa mga pangongopyang wala naman ding pinatutunguhan. Gising na lamang ako sa madlang imbis na ipakain sa ilang gramong pagtutulung-tulunga'y bisang alay na lamang ako sa mga poon.

Game.

May 13, 2019

Sanaysay ng salot, sanay nang maging salot. Sari-saring pagsalansan, sana'y matugunan. Simpleng sundot sa mga sintirador ng sipnay, sintalulot sa mga sangay. Isang sandugong sampal sa sambayanang sarado ang isipan. Saglit lamang ang sinag ngunit sumimpatya na sa makasariling silay. Salat sa sining, siguro'y sinulid lamang ang lasap. Siguradong simoy ng satsat at sermon ang sasalubong sa sintigas ng asing sintunado sa serbesa.

Singsing na may singhot ng sipong siniping lamang. Sisilip ang seryoso sa sindungis ng sinilaban ng sili. Sagradong may pagsinop sa sinubaybayang sarap, sa ilalim ng sisid, sa sagong sinulot sa saplot. Sisiklat sa sapot nang walang sawang paghintis, sasargo sa suba ang sintulin ng ahas. Maisasadulang mga simbolo'y sesenyas sa mga sakal-sakal ang sentidong singkitid ng silahis.

Simbang may sikad, saklolo sa may sarhento. Sa sampung siyasat na pinasinayaa'y isa'ng sumabit sa simuno. Sarat na ang mga sako, siniritan na nang sampung siglo. Sinamantalang sagwaning sintasa ng sambukong sarsiado. Gilid ng payak na wika'y mag-aalinlangang ipag-alam, ang libinga'y handa na para pigilang may paghiram.

May 12, 2019

Nagmamadali ka na naman ba? Magpahinga ka muna pero teka, oops! Pagpasyahan ang maayong panahon. Maikli lamang ang itinatalagang pagkakataon ng mga tao kung kaya't maiging maging maigi. Hindi maghihintay ang mga bulalakaw ngunit hindi rin naman titigil ang oras para sa iyo. Bakulaw ngang tunay, mahigpit ang mga isinisilid na lamang. Ipagpitagang ang bawat sandali'y iyo at iyo lamang.

Wala ka na ring panahon pa para sa iba.

Hindi ko rin ito posisyon para ipalusot ka, o ipalusot pa ang lahat ng tao sa mundo dahil para sa lahat ng tao sa mundo ito. Baliktarin ang untog nang makuha mo nang buo. Mukha mong todo-todo kung mangupit, ililista ang bawat maling pipiliting tambad. Hindi na kailangang alalahanin pa ang mabubuting nagawa ng tao. Anong kay bigat ng isang gramong pagkakamali sa isang kilong pagtulong sa kapuwa.

Kakitaang walang perpekto sa daigdig, daig pa natin ang manghuhusga kung makapanghusga. Sino ba tayo kung makahawak ng ilang libong salapi at makaupo sa trono ng kapangyarihan? Mag-iba kaya ang ating panghuhusga? Ay kung tutukan pa kamo tayo ng patalim at baril? Ang ating ari-arian? Ang ating betlog at dibdib? Ating mata at sampung mga daliri? Badya sa ating mga binti? Sa ating buong katawan? Sa ating sampung mga kaibigan? Sa ating limang pinsan? Dalawang magulang? Nag-iisang mga anak at pag-ibig?

Paano na lamang?

Pagbigyan ang kailangang pagbigyan ngunit ang ipokrisiya'y makating lasong iinumin din sa umpisa ng ating mga pangarap at panaginip. Isa, dalawa, tatlo, sundan mo ako. Apat, lima, anim, may nangyayari sa dilim. Pito, walo, siyam, ating inaasam-asam. Sampu ang bilang ng kutob na pinahiram.

May 11, 2019

Saktan ang sining. Bullshit ang pagnanakaw ng mahahaba dahil kung hindi ko man lamang malaman-laman, bukal ang iyong emosyong galit ng mga tinta't raragasang pagkalito sa mundo. Magpaalam na, na hindi kung dahil sa mabibigat na alaala'y matagal ka na rin sanang nakalimot kung bakit ka nga ba paulit-ulit na nag-uumpisa. Sa bawat maiiksing sambit ng pagbubukas, hayaang dumaloy ang buhos ng mga alien sa iyong kitid.

Ayos lang, ayos lang ang pagpilipit sa napipintong pananalamin. Matatapos at matatapos din ang isang kabanata. Ang pagmamadali'y para lamang sa mga nakatanda na. Salimuot ang dapat na hamakin ng bago ang gising. Huwag indahin ang pagiging hiwalay sa pagragasang alon. Lahat tayo'y binuo sa iba't ibang arte, iba't ibang ayaw. Maaaring dinaraanan lamang ang karamihan sa atin ngunit hindi tayo kailanman naging indibidwal na haing hindi magtatagal.

Lalo pa't kay titibay ng ating mga paninindigan, mapamali man o tama. Sagrado ang lahat ng inamin natin sa ating mga sarili. Tayo ang lumikha ng mga mundo nating walang ibang makakikilala. Taglay ng bawat isa sa atin ang mga ngiting tayo lamang din ang may tanging paliwanag. Magpahanggang sa ngayo'y umaabot pa rin tayo sa puntong tititig na lamang sa tikya-tikyang tikatik ng mga talulot. Wala tayong hiya kung umambon ngunit umaatake sa pagbuhos.

Ayos lang, ayos pa rin ang ating sining.

May 10, 2019

Putang ina, yung cringe, 'tol. Baklas na pag-indang tama na. Biglang kikirot sa tahimik na amihang dala-dala sa akin ng pagtatapos ng tagsibol. Pare-parehas nga lamang pala tayo, may kinahihiligang kaaayawan din. Hindi na mamamatay pa ang hindi kasiguraduhan sa sarili ngunit patuloy pa rin ang panggagayang ayaw magpatinag. Kahit na magpabalik-balik pa ang mga digmang makukulay sa paningin ng mga nanlalamang lamang, hindi na inaasahan pa ang kolektibong pagkontra sa namamayagpag na kultura.

Buong manghuhusga ang mga nagtatago sa mga alon, makahiyang may pag-aming nakangiti. Barya-barya lamang ang ibinibigay sa poon 'pagkat may kung anong makamundong galit ang nais na patunayan sa sarili, sa sarili lamang na iniintindi, na tanging iniintindi.

Hahahaha! Pagpupugay! Binuksan na naman ang pinto ng mga ibang klaseng pagkakataon! May kakayahan nang muling ipagtanggol ang mga natitira pang nakikipagsiksikan na sa patay na pag-asa, makauwi lamang sa hinaharap. Buksan na ang mga natitira pang pasikut-sikot nang makaalalay sa kapuwa. Magmatyag lamang sa mga umagang bukas nga ang mga mata ngunit hindi naman nakakakita.

May 9, 2019

Bago itapon ang papel, pinupunit ito. Mangyaring magmasid sa kalikasan ng espasyo kung kinakailangan. Hindi nararapat lumagpas lamang sa antas ng pagkamuwang subalit bigyan ng pansin ang mga madadalas na lang ding umasa sa mariing kalabit. Nakakainsulto. Malayang porke't magkakaroon ng naghihimutukang kamatayan ay mawawalan na ng silbi ang pagkakaroon ng silbi. Hindi ba't ang nagmamalinis ay naturang nagmamalinis lamang?

Patakasin ang diwang paurong, pangaraping pumiglas patungong paglaya. Ano ba naman ang kainisa't maging kakaiba? Pamanggit, may pagtukol sa nangangalabit. Tagisan ng makakasat ang mundo. Wala naman sa pamimilit at hayaang tubuan ng mga kabute ngunit ang mismong pagtahak karamay ng nag-iisang bandila ay puspos na sinasalubong ng pag-iwas sa talukbong. Magsasaya ang buong sarili, papalakpakan ng mga panlilinlang, at taos nang mapipirmi sa hindi na kakaibang paligid.

Tuldukan na nang makapagparaiso sa alapaap ng mga tala. Magliliwanag nang malumanay ang karagatang isinuklob ng dilim. Malayang lilipad ang mga makakawalang pangarap dati. Tuluyan nang mapupunit ang pagharang ng makikitid na isip. Ligtas na sa pagkamuwang, datapwat lilingong may paggunita. Ibahin man ang sarili'y ikaluluwang ng hitikang nagpapalaganap ng mga tinunaw sa alinsangan.

May 8, 2019

Ayos lang kayang maya't maya kang nasa himig ko? Sa tuwing nag-iisa, nayayamot, mababato na sa kakabakya ng masarap, manaka-nakang iimbot sa bawat pasingit na indak. Ang tugtog ay samu't saring tagumpay sa aking lalamunan. Malamig na malamig, kahit na walang yelong yumayanig. Humihinto ang hibla-hiblang pagpatak, magkaroon lamang ng kuntentong pananahimik. Dudurugin ang mga takot paibutod sa panandaliang pag-inda at ligaya.

Ano pa't magsisulputan man ang mga pang-araw-araw na sugat sa aking balat, lalangisan lamang ng gamot pang-ubos hanggang sa hindi na makaramdam pang muli. Magugunaw ang galit, gigilitan ng ganid kung manggago. Idinaraan na lamang sa pagpikit at buntong-hininga, matatakot na humimlay dahil sa may pagbadyang bangong pabigla.

Tirik ang minumutang paningin, nag-iisa na lamang muli ako, nag-iisa nga lamang pala ako ngayon. Unawain sanang nais nang ibalik ang mismong dati-rating dakilang digma laban sa aking ibang mga sarili. Tama na, o tama na, pakiusap. Ang aking paglalaan ng katawang lunan lamang ng tampo at nakakalitong hinanakit, nawa'y humupa na't magkaroon nang muli ng silbi.

May 7, 2019

Nauubusan na naman ako ng hininga. Ilang ulit na akong bumuga, makailang ulit pang umatras. Hindi ko mapigilang tumanggi sa bawat naririnig. Magmula pa sa hanggang tungo sa pagpunta. May mga pare-parehas na kutitap ang siyang nagsisilbing bakit at sayang, kung siyang magpapatawad ay siya ring ikinagagalak magpaminsan-minsan.

Mayroon akong mga kuwento, papaakyat sa mumunting mga hakbang. Gabing may pagluha ang langit at arangkada ng paghahati. Katatapos lamang ang lagok galing pares kasabay ng pagsagot sa maraming tanong ng nag-iisang kaibigan. Kinabuksan pa mapagtatantong nakapagligtas ng buhay ngunit saka na muna iyon. Unti-unting bumabagal ang pag-usad ng mundo habang kapuwa pa ring nag-uunahan ang mga dumi sa kalsada. Tinatantiya pa rin natin kung may umaga pa ba akong aabutan ngunit sige lang sa paglapag ng mitsang pusta. Katulong sa pag-intindi ng nakaraan, malayo na sa pagkalimot ang siyang naghatid sa akin sa ginhawa.

Salamat, kaibigan, o kaibigan kong masiyahin. Maubusan man ako ng mga panggatong ay tuloy pa rin ang iyong pag-alab. Ipagpatuloy mo pa ito nang iyong buong maunawaan ang paulit-ulit ko lamang ding paalaala sa iyo:

May kinahihitnang mahalaga ang bawat pagsuko.

Ang dumi'y tinatanggal sa iba't ibang pagkakataon ngunit hindi madalas mangyari ang minsan. Ang palagi ay laging iwasan 'pagkat hindi na madaratnan pa ang pagpayak ng sampal ng pagiging ganap na tao. Sa pag-uulit, tayo ay sagana. Huwag atupaging nauubos ang buhay bagkus ay sarili ang tanging pagpalain. May bukas, oo, ngunit namamatay rin ang lahat sa alaala. Magiging panatag nga ang lahat, oo, pero bigyang-husgang ang mapatid ay may suya pa ring dapat iwasan.

May 6, 2019

Matalik na ang amoy mo habang ako'y papapikit sa tabi ng iyong himbing. 'Di alintana ang hamog sa unan, sa kislap ng naiwang umaga, at paglapit ng pag-ibig sa gabi. Kay rikit mo, ay siya. Wala nang hahanapin pa. Maging tahanang kay lumanay ay pumapawi sa bawat pagod na alay ng araw-araw. Mabuti ang ganito, mabuti ang magpabalik-balik (na lamang) sa anyong wala nang kasintamis pa, magpatihulog man ang kidkid sa aking ulirat.

Pinalalabo mo ang lahat, tanging ikaw ang lilitaw. Bagkit at pangarap, siyang binibigyan mong halaga nang hindi na ako makalimot pa. Simbango ng madaling araw sa mga dahon at damo, kinikilala ko nang mangulit kung saan ko marapat na isauli ang aking sarili. O kay gaan sa damdamin, huwag kang titigil 'pagkat kung maipon man ang bahala sa aking dibdib ay tahanang sagutin ng iyong paglalambing.

Mabigyan sana, pagbigyan nawa, ng maraming-maraming pagkakataon sa ating mga pagsingaw sa kalikasan nang 'di na minsan pang mabatid pa ng mapangkubkob na mga mata. Sa lisik ay tumiwalag, gastahan ang natitirang ginaw. Aba'y oo't malapit nang bumati ang tag-ulan. Sabay nating iyurok ang pagyakag sa ating kalamnan, magkaroon tayong pagganti, pamawi, lutas sa mundong siya ring bumuo sa atin.

May 2, 2019

Sa napipintong pagwawakas ng mga paruparong hindi na namayagpag, hayaang magkaroon ng simpleng pagliwanag sa palapag ng mga hindi inaasahang pagpalag. Ang kontrol sa bawat deposito ay magsisilbing pag-ikot sa buod ng hindi matapus-tapos na pag-uusap, ni hindi rin nasimulan, kung baga.

At kung baga, may pag-ikot sa tindi ng pagkawalay sa taal na pagkikita, may isinaid na galit at inis, halong kontrata at pagkabaliw sa hindi naman ding tunay na pagkasalbahe. Sa mga mata ng hindi nagdadamot ng pamamaalam, may makititirang pag-uulit ng mga linya.

Iyon, at kung iyon ay nag-umpisa lamang sa ibinigay na sustansyang mula ugat ang pinagsisilbihan. Kinakayang maglaro ng mga pariralang pariwara lang ding pinabayaan at nawawala. Kalsadang itinuturing sa mga panahong kay puring hindi na dapat pang alalahanin ngunit sumisinta pa ring wagas.

Payat, may gulang, hindi kumakain ng mga salita. Bali-baliktarin man ang sentido'y maaabisuhan pa rin dapat (at lamang) ang siyang may kayang bumuo ng panibagong agham. Maniwala ka, sa sariling maipagtatanggol lamang ng pagsipat-kaliwa, sa hagkang pasulong. Mag-ingat, sa mga sasabihing walang kabuluhan, dahil ang kabulukan ang susukdol sa timplang panibagong perpekto sa panig ng mga paniki.

Sasalimuot kung paniki, mag-aabang sa agos ng tren. Ang hanging sasamyong paulit-ulit ay unti-unti nang nakikilala. Malaya nang muling ngumiti sapagkat tanggap nang may pag-alay ang inilenteng sining sa madla. Mapagod na ang walang kuwenta, humiwalay na sanang may inis pa rin at galit. Siyang kuntentong maiiwan ang tilamsik ng alab hanggang wakas pa rin, ng paruparong mamamayagpag tungong simpleng pagpapaliwanag.

May 1, 2019

Hindi ko na aalalahanin pa, kung sino ang nagpaumpisa, nagpakalap na ang nararapat na pangyarihan ay buksan ko na ang liwanag. Mangupong may mga nakikinig, sa umpisa lang naman magagaling. Kakantyawang may inis, hindi ko inasahan ang pabaling ng lambing.

Tagaktak ng pawis ko'y ininda, pagbigkas ng mga galit ay pinigilan. Hindi malabong magkaroon ng digma sa ideyolohiya ngunit hindi naman maaaring magkaroon ng barikada. Lahat ay sinubukan kong pagbigyan, pinadaan sa aking masikip na eskenita, pinagpakuluan ko pa ng mainit na tubig. Inaasahang ang lahat ng bagay ay alagwa mula sa pait ng hindi na kailanman pa matututunan.

Nahihiya ako sa maraming bagay, at hindi ito isa sa mga iyon. Makakaasang ang kinakain lamang ng aso ay laman, itatago ang kanyang isinariling mga buto. Maghuhukay ng lupa, pailalim sa hindi na kayang sapitin pa ng mga katulad niyong gagong arok lamang ay sariling kay babaw ng lipon. Madaya ako, oo. Madaya ako sa dapat kong largahan. Ikinarga kong tunay ang mga dapat pagbigyang-halaga. Ngunit ang bigyan akong walang modo, palabasing may maltrato, hayaan niyong ipanalangin kong ibalik na lamang ang lahat sa noong araw, sa aking paglalakad lamang nang may talisod sa pagmamadali at pagbitbit ng sariling hinanaing.

April 30, 2019

Sa papiglas na paglasap ng unang sinag, nalasahang muli ang mumunting pinangarap. Nahugasan nang matindi ang mga bahid ng mga hindi iniindang pagkakakabit-kabit ng iniwasang tala. Natapos nang maayos ang isinagawang paghihintay. Nagkaroon ng malamyang pagbabago ngunit nakapagpaabot pa rin maski papaano ng galos ng ngiti.

Hinilom nang mabuti, dahan-dahan ang bawat himyas. Lasap na lasap ang mga kating walang atubiling kinamot nang kinamot. Mapapantal ay sinimot, walang makatatakas sa gutom. Hindi na baleng umalintana ang hiya ng dugas, ang paghalimuyak ng inggit. Bilog na bilog ang mata ng kusinero, kinilig nang kinilig ang mga bagong dayo. Bawat mura ay palasak hanggang sa tuminag nang kasiya-siya ang paglalarawan sa bagong hulmahang kinabukasan.

Ipinihit na ang preno, malapit nang makatulog muli. Pabirong nagpaalam ang isa't isa't humuni na ang pagbabalak muli ng mga tiyempo. Inisip mong makapaghanap na muna ng payak na pagbabago sa iyong sarili, sa may bandang tuktok kung sakaling maibsan pa ang init na makapang-aasar. May nagmungkahing bumalik sa gintong kanto't magpahangin, umasa sa kapalaran. Nakamit ding masilayan ang kay liit na kaligayahan. Pumasok nang nakangiti pa rin sa pinto, hinugasan nang maigi ang mga paa.

Natapos din ang pangunang sabit sa gabing kay layo pa sa umaga.

April 29, 2019

Maaari na ba akong kumain muli? Ngumasab nang 'di katamtaman? Magpaungol ng lasap, laway, at laman? Malabong may mangyari, aamin sa hindi. Ang magkaroon ng bahid ay simpleng pagtuli sa hindi rin inaasahan. Nandiyan na ang mga bagyo, paparating na at sabik nang maghukom. Walang kayang hintayin maliban sa mahihilig magpasipa hanggang alas tres nang madaling araw hanggang tumilapon na ang mga bangko sa kalsada. Titilamsik ang mga diyaryo, matatapakan ang mga balita sa umaga. Kawalan ng pakialam ang nagsisilbing pampagana sa araw-araw na panggagago sa sarili.

Sisimulan nang magbanat ng buto muli, sisilahis sa sindi ng mga tilaok, aagaran ang magsasalin ng arnibal sa malapot na tasa. Mag-aabang ng kung anong malalamon, mamaya nang muli. Ang mga dumaraa'y karampot lamang ng mga tanging silbi sa aking sanlupaan. Malaya ba kaming talaga? Mamaya ko nang iisipin. Ang maigi'y may kumakausap pa rin sa aking mga pasimuhol tungong langit at paano na nga ba. Maya-maya'y may magpapakilalang asong ulol. Marapat bang magkaroon pa ng sariling pag-apuhap? Ewan ko, itanong mo sa pagong, hindot. Huwag mo nga akong tarayan. May bukas pa, mayroon ding mamaya, at mayroon pang lalo ng isang taon, at isa pa, at isa pa.

Kakandungin ang mga nangangailangan, ako na mismo ang magpaparaya. Sa lahat ng araw na natira ang mga hapon, gising na lamang palagi hanggang madaling araw. Ang antok ay hindi ko kayang labanan, bagkus karamay sa pagkitid. Lalamyas, lalambing, hahalika, huwag na huwag iindahin. Tapos na ang mga araw ng hiya, minabuting buuin at tanggapin ang pagkamakasarili, dahil ang pag-iisip nang paatras ay nakakaubos lamang ng kalatas-pang-agham, pantunay sa mga itinalagang antok, pang-umay sa paanyaya ng palaman. Tama na, o tama pa ba? Sisimutin mo ba iyan? Kanina pa kako ako naghihintay. Saglit, putang ina.

April 28, 2019

Nakakagulat lang kung sumimple, todo-todo ang mga pagbalik. Kakahol ang mga manonood, handa nang maghanda ang mga kritiko. Bibitawan ang mga linyang pampurga sa mga bulate ng liga, paglalaruan ang mga bata hanggang sa mapagod at hingalin, tamaan ng matinding hika, pagkatapos ay susungalngalin hanggang sa maubusan na ng rima.

Hello sa lahat, kamusta na ang iyong pamilya? May kinakain pa ba kayo, malinamnam at masustansya? Hindi biro ang sumulat, kumitid hanggang bato, magkakaroon lamang ng pakpak kung mabubuo ang mga buto. Pagkalipas ng madadaling rima, tatapusin nang agad ang eksena. Subukang kumawala hanggang sa lumampas pa sa sukdol, sa dulo ng walang hanggan, magpahanggang sa hangganang hindi hanggan. 

Hangal, makinig ka nang mabuti. Hindi porke't may umaangal, atubili nang magkakamali. Katatapos lamang manood ng sapakan, ng suntukan ng mga likha, nasa gilid lamang ng magkabilang aparador, nakapiit sa nag-uusap na mga salamin. Pumapasok nang paulit-ulit ang init, sasagutin ng mekanikong hangin. Sa pinakadulong hindi pa napapanood, tatahimik din ang pag-uusap ng hindi pagsama sa matatarik na bundok ng pagkatuto.

April 27, 2019

Mahuhulog at malalaglag. Magkakalat, magugunaw, titigil. Saka lamang titigil ang mga hinagpis kung may nangyari nang pagtilapon. Ang mga sinungaling, kakabahan ngunit ang siyang magbabaka sakali ayusin ang matatandang iniwan nang dahil sa kawala ng gana, ang mga bagong buhay ay malapit na rin sa mga kabaong ng kontemporaryong kasaysayan. Ang mga nawawalang kayamanan nama'y hindi na magkakaron ng ibig sabihin dahil sa wala nang panahon ang siya namang mga pumapasok na lamang sa dilim hanggang sa gisingin ng tagaktak na dulot ng init.

Magmamadali sa tulin ng rumaragasang hangin. Masyadong makapal ang kailangang suotan. Alam ng parehong hindi na maaaring bumalik pa sa tunay na kalakhan, mag-iiba nang kusa ang mga bagong kagigisnan. Mahirap pumiglas sa kinasanayang kultura, ngunit hindi lamang binabalikan ang tahanan, siya rin itong binubuo, nililikha. Sa bawat bibitawang bigkas, makapaglilinaw sa mga dating kay labo ang mga luntiang larawan. Susubukang nakawin ang mga hindi kailangan, magkakaroon ng halaga ang mga halaman, at kikilalaning pagbangga sa mga mahilig magiba ang ayaw pagibang pag-ibig.

Nakakalito nga, alam ko, at madalas. Simulan mo nang bumuo ng sarili mong bibliya ng mga litanyang kailangan mong pagnilayan sa mga susunod na mahuhulog at malalaglag.

April 26, 2019

Sa pagsapit ng pagtatapos ng pambatang himagsik, ang paghihintay ay pagpigil lamang sa pag-agos ng paggalang sa pagpapanggap ng mga pagi-pagitang pagpapagalit. 'Pag umpisa na ng pag-asang pagpapawisan sa kabila ng pagpaypay paakyat nang ilang palapag, papayagan na ang bawat pagpalag sapagkat ang pagyari sa pamayagpag ng paghahari ay paglisang pag-anyaya sa paggayang pagapos.

Matulin ang alaalang sasakop sa iyong buong araw ng pamamahinga. Mananahimik na nang lubusan ang mga alipores na hindi naman din kinayang makipagtanggulan. Mag-isa ka na namang makikipagsapalaran sa mga langaw at kalabaw nang makitang simula na namang muli ang pag-aani ng sukob. Hindi talagang iiwan ang mga sinadyang kulitin. Nakakainis dahil ang pagsasalita'y may kung anong pagsubok ngunit hindi naman din inuunawa.

Hindi na pinipilit pa ang nais nang mang-iwan. Ang makiramdam ay sintulin na lang din ng pagtatapos ng mga pambatang himagsik. Malaya nang muling makianid sa higka-higkagang  pananatiling kumpol. Magkakaroon nang muli ng pangiba nang mga kulay, nakasasabik. Siyempre, may pagbati rin ang mga lumang saka lamang ding naghihintay, naghihintay na mapasa'yong muli. Pagbati.

April 25, 2019

May paglumanay nang yayakap, muli. Hahagkan ang matagal nang hindi nasisilayan. Muling mabubuhayan ng loob ang interes sa bawat nilalang ng daigdig. Susubukan nang lampasan ang mga barikadang siya lang ding may likha, likha ng isip na 'di mapakali. Magpakadali na munang humanap ng payapa, ng pamamahingang may pagkilos. Hindi iisipin ng marami ang kadahilanan ng iilan. Hayaan nang lumuwas sa lungga ang pagkakuha ng buo nang mga pakiramdam. Palayain ang pag-iisip, ilayo na ang sarili mula sa pagkakakahong dala ng kontra-kultura, maibutod lamang muli sa kaakuhan ang pangunang salaming inagaw.

Kung tanyag ma'y may pagkakakilanlan, labanang bumawi sa mailulusot na paraan. Ngunit huwag ituring na pag-usapang ang pagkimkim ay hindi matatapos. Magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataong uusbong ding kahit kay sikip ang mga kating kakilig kung kamutin. Takpan man din ang liwanag, ugaliing makasigurong walang senyas ang walang bahid. Kaunti lamang ang nagsasabing madali ang makiramay. Itulak nang sagaran, ngunit huwag sisilip, 'pagkat espesyal pa rin sa mga yawa ang kung may makitang mali sa hinaharap, siyang kasalanan ng mga naglalakad na muna't magpapahinga.

Gunitain sa bawat umaga ang paggising ng kumot at unan sa malansa-lansang napanaginipan. Itumba ang mga lasing, ipagmaneho ang mga uuwi, sakaling umulan ng biyaya, sana'y makarating nang 'di apurado ang paglalaanan. Masinsing hihimlay sa kumot at kamang nag-aabang lang din, magpakasimot sa hagkang matagal nang 'di nakikilala. Muling yakapin ang mundong malumanay.