April 3, 2023

sa kahit anumang sining,
laging dapat pinararaan
ito na para bang ikaw ay
sasamyuhang walang
kamalay-malay ngunit
tila ba na mamumulat
muli – nahihiga pala sa
damuhang pinalungting
tunay ng hamog at ginaw,
at sa iyong bawat duda
at singaw, kikilamkis ang
magkabilang tagiliran,
binti, braso, batok, tungo
sa tuktok ng iyong ulo.

magigising muli ang
iyong kabuuang tao.

babangon ka nang muli,
iiwan ang sansaglit na
paraiso, habang palayo
ito nang palayo, kusang
maghahanap kang muli
ng panibago, desperado.