March 28, 2023

03 Kismoq

OVER BLACK.

Unang maririnig ang isang paghalik sa balat. Susunod ang ubod ng hina ngunit dinig na audio ng tila isang video. Maririnig ang pagpindot sa spacebar ng isang keyboard, hudyat ng pagpause ng audio.

CUT TO:


INT. KUWARTO - GABI

Magigising si ELY, 25, na nakaupo sa harap ng kanyang work desk, may nakasukbit na headphones sa batok na nakakabit sa kanyang laptop na mayroong nakapause na video. Lilingon si Ely at makikitang kahihiga lamang ni JAMIE, 27, sa kamang nasa may bandang likuran niya lamang. Haharap muli si Ely sa kanyang laptop. Pipindutin niya ang spacebar.

CUT TO:


Mapapanood ang video na nasa laptop. Maririnig sa may 'di kalayuan ang paghuni ni Jamie.

JAMIE
(mahina/malabo)
Kiss mo 'ko.

(pintig)

JAMIE
(may paggiit, malinaw)
Kiss mo 'ko.

CUT TO:


Babangon si Jamie mula sa kama. Maglalakad patungo sa likod ng upuan ni Ely. Yayakap si Jamie nang mahigpit sa likod ni Ely. Ididikit nito ang kanyang dibdib. Kanyang didiinan.

Dahan-dahang lilipat at gagapang ang kaliwang kamay ni Jamie sa may bandang kanlungan ni Ely. Hihimasin niya ito. (pintig) Lalambingin ng kabilang kamay ang bumbunan ni Ely. Maya-maya'y hahalikan niya ang kaliwang tenga ni Ely sabay daplis ng kanyang dila sa may gilid nito.

Lalakas nang bahagya ang paghinga ng dalawa. Dahan-dahang papalapit huminto ang paghimas ni Jamie sa may singit-pundya ni Ely habang patapos na rin ang paglalaro ng kanyang dila sa kanyang tenga.

Huling halik ni Jamie sa pisngi ni Ely hanggang sa pagtayo na niya nang maayos, at dahan-dahang paglalakad pabalik sa kama. Maiiwang nakapikit si Ely sa upuan.

Nagpaplay pa rin ang video sa laptop.

(pintig)

Pipindutin muli ni Ely ang spacebar.


CUT TO:


OVER BLACK.

(pintig)

(pintig)

Huling maririnig ang isang paghalik sa balat.