October 28, 2021

Gago, men. This has been fucking haunting me for quite a while now.

Classmate kita dati na kumuha ng bar exam (yata)? Nagpost ka online tungkol sa pagbagsak mo sa nasabing exam. Nagcomment ako nang hindi pa nababasa nang buo yung post mo. Ang nakita ko lang na mga salita ay bar, exam, covid, tsaka pangalan mo. Tapos sunud-sunod din kasi yung mga pumasang tao noong time na yun. But like ikaw na cinommentan ko yung parang naging kakilala ko lang talaga kasi nga naging magkaklase tayo. So, the tanga in me, nagcomment agad ako ng congratulations yata no'n.

Nagreply ka na bumagsak ka.

Tapos putang ina nagpanic na ako hahaha.

Naaalala ko na ipinalusot ko pa nga na congratulations sa iyo kasi sinubukan mo pa rin. Congrats sa hakbang na ito, it's one step towards bla-bla-bla; mga ganung-ganung palusot lang, amidst the pakikiramay at mga nagbasa-talaga-ng-post na comment. Yung comment ko lang yung phony, bastos, walang awa. Dasarv kong mapahiya sa totoo lang. Itinulog ko na muna hanggang sa kinabukasan, dinelete ko na rin 'ata yung comment ko. Ang tanga ko, fuck.

Hindi ko na mabubura yun sa isip ko talaga. Hindi ko rin alam kung anong naging impact sa iyo nun. Ang lala, cyst. Feeling ko anlala ng kasalanan ko na to this very fucking day, sa t'wing naaalala kita, minumura ko yung sarili ko, na antanga-tanga ko. Bakit hindi ako nagbabasa? From that point on, bago ako magcomment, dinadamihan ko na yung mga salitang binabasa ko, kahit na kadalasa'y skim and scan pa rin.

Diyahe, 'tang ina, pero ayun na nga. Anxiety kicks in hard kapag may shineshare akong data at information. Bago rin ako maglike minsan baka kelangan botohan pala kung anong pinakamasarap na sinigang so baka dapat heart react pala. Kailangan ko nang magdahan-dahan sa pagbabasa. Palagi akong nagmamadali. Angry react naman diyan kung binasa mo talaga nang buo 'to. Tapos syempre 'wag mo ipangalandakan sa comments. Madalas akong magpapansin, at sanay nang mapariwara. Pinipigilan ko na rin ang sarili ko na 'wag na masyadong makisawsaw sa mga sinasabi sa Facebook. Kapag kailangan na lang talaga. Tsaka syempre grammar is still not a motherfucking game.

Sorry sa'yo kung nagcongrats man ako nang 'di oras, 'di wasto. I want you to know na inisip ko talaga na kailangan ko nang magbago matapos ang moment na yun. I am writing this habang ngatog pa rin ang dibdib ko sa anxiety sa t'wing naaalala ko ang aking katangahan. I am sharing this thinking na baka somehow medyo makaluwag sa puso ko? Hindi ko rin alam. Hindi ko alam if this thing will pass. And I am only just talking to myself anyway at the end of the day.

Kumusta ka na sa ngayon? Pumasa ka na ba? I hope the time has come. Sorry ulit.