April 2, 2023

kaya ba nahuhulog
ang tawag doon ay
dahil sa hindi na
magawang kontrolin
ang nautong sarili sa
tindi ngunit likas ng
kanyang hindi naman
talagang panghihila?

bawat saglit ay tuloy
mistulang alaala na
kaagad; para ngang
biglang huling hagupit
ni kamatayan na kay
iglap, kay sakit, kay
hirap na maiwasan.

'di bale nang kumalat
sa semento ang lasog-
lasog na katawan, at
dugo'y magtilamsikan,
basta't malaman nilang
walang may kasalanan.