January 28, 2021

Idinapat bang ibulalas na mayroong tindi rito sa gitnang banda? Dapat ba? Fuck. Sa pagkakaroon ng mali, hinihintay na lamang na sumimple ang bawat patutyadang ang pag-aaruga sa mga anghel ay dulot na lang din ng alulong ng lima hanggang apat na mga buwiset. Gabi-gabi na lamang, o baka sa tuwing papasok na ang madaling araw ay namumuo ang kung anong hindi timpladong pagkakalam ng sikmura. Siguro, mayroong gustong magnais. Ang kaso lang, may pagpipigil pa rin sa paghila ng pagtatago sa liwanag.

Mahirap din namang mautusan, o imposible, ang mga natitira na lamang na suko ng kahapon. Nagsisimatayan din naman ang lahat matapos magpakalugmok sa kahit na anong pagpahid sa ilalim matapos lumubog nang tuluyan. Sinasadya nang umalingasaw ang pagkatakot sa iwas sa pangakong pamamahinga dahil nakapako na rin lang nang may pagmamatyag sa ingay at dausdos ng pekeng kasalukuyan.

Kakalmahan pa rin ba ang mga pagtusok ng kuko pailalim, o hahayaan na lamang magpatira sa mga morpemang may simbagal ng kuwan hanggang sa ihagis na lang ang katawan tungong ibang pag-aari? May pagkukunwaring pagpupumiglas mula sa inimbentong mga sala, at tagung-tago sa mga repleksyon sapagkat umaayaw na igiling ang yaman. At kung may isusubo pang isang kutsara na sukli ng sa kahapong pag-iina, ay sa kung anong tulin pa ba nang matapos na ang lahat ng ihinain sa mesa.

January 21, 2021

Pasalangit (nawa). Patago. Pagkaginaw. And I'm kind of all over the place. Fuck you, you fucking fuck. Sorry. Puta, ang ginaw. Shit. Kailan pa bang magkakaroon ng panibagong pag-atras, paghingi ng hinahon? Nasaan na ang mga hinahanap kong tala kapag kailangan ko na ng kakampi? Bakit ba sa tuwing nariyan, e nandoon naman ako?

Hala, hindi naman sa pagmamakisot pero ang gulu-gulo na naman ng pinagtatakluban mong mga pahinga. Nawala na ang mga pinag-umagahang abang upang magpaabot ng timyas ng aliwalas ng madaling araw. Nagbabagong bigla ang mga liwanag pero hindi pa rin nagsisimulang magkumahog ang pamamalit-piyesa. Puwera na lang sa mga nakasasawa nang pagrereklamo tungkol sa sarili na paikut-ikot lamang din mag-umpisa.

Waring bumangon na't nananadya ka pa rin, kahit pang humingi ka ng paumanhin, umiigpas pa rin ang pagkitil sa kasamahan ng sinubok na ng panahon. Ang bawat iniwang marka ay silbing patunay na hindi lahat ng kay titibay e boss lord na agad, at kung sakaling may aalalahanin pa, alam mong alam kong napagdaanan ko na ang salimuot ng pag-uulit. Nakakainutil kung paminsan. May mga kaparehang itinatapon na lamang pabigla't nakakagulat din at sa kung pasaang sumabog ay wala nang may pakialam.

Pagunaw, paumanhin (din) pero may premyo pa rin sa mga lumilipas na ihip. Pag-isipang matagal ang mga walang kuwentang bagay nang umibabaw ang siyang may-halagang paghikahos matapos magpaalam sa nakaraan.

January 14, 2021

No amount of yosi will every satisfy you. Yeah, but what if all I ever wanted was this never-ending pleasure? What if I never wanted to be satisfied? Or at least, hindi ko naman talaga hinanap ding masatisfy nang matagal? Or inisip ko na ring (at alam kong) hinding-hindi ako masasatisfy nang matagal? Bakit ba sa tuwing maghahanap na lang ng kasiyahan ang tao'y inaasahang kay tagal nitong mananatili? Nananatili bang talaga ang kasiyahan? Ang sarap?

Kung gayon ay gaano naman katagal kaya ang nais na pananatili? Bakit kung magmumuni'y madalas sa minsang pananatiling wagas ang puntirya? Kailan bang naging forever ang saya? Pagbatikos ba itong hindi na nararapat pang manatiling masaya? O baka iniisip ko na lamang na maaaring maging masaya bagkus walang pananatili?

At kailan bang nanatili ang lungkot? Ang pag-iisa? Ang paghahanap ng sarili sa sarili? Kapag bang inisip kong matitigil ang lahat kapag permanente na ang aking saya, hindi nang manunumbalik pa ang lungkot? Kailan bang may nanatili? O baka paulit-ulit lamang ang lahat na nanunumbalik? Mapasaya, mapalungkot, mapapag-iisang hayag? Takot akong mamalagi ngunit palagi rin namang natatakot.

Sa paghikbi kong papabalik sa aking trono ng kamangmangan, ipinagpapalagay ko na lamang na maiging ako lamang ang nakakaalam. At hindi sa basta-bastang pag-iibang ako kundi para lang sa pamamalaging ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan akong mananatili ngunit naiintindihan ko ang aking pananatili. Iisa lamang ako't sumasaya't malulungkot sa pag-iisang ako. Sa iisang guhit ng bawat hiblang hindi na babalik, ano pa't sungayan na lang sana ako ng paisa-isa ring stick.

January 7, 2021

I fucking hate the smell of hospitals. Akala mo parang may magagalit na lang bigla na ale, tapos may manlilisik na mga tingin. Hihintayin mong may sumigaw, umaray, humikbing may pamamaalam sa kung anumang kulam ang hindi na dapat ininda sakaling bumalik pa sa dapat naman talagang pagpanaog; kung 'di rin lang may ginaw sa bawat pagtaklob ng mga subsob sa dilim ng araw ay sana'y naiwasan nang magpatihulog bigla (at nang husay na husay) sa mababa ang pagluluksang pandalawang kinabukasan.

Kapos sa hirap ng pag-unawa kung kaya't isinisilid ko na lamang sa maliliit na espasyo ang papalubog na liwanag ng mga minataang kulungang mahangin. Iniabot nang bigla sa akin ang pagwawakas, isinambit na subukan ko nang bulungan ang mga kalapit na kuwago, o kahit pa paroparo, maihiwatig ko lamang sa pinakanunong mga ibig ang inasahan din namang tuldok na ng pangingisang saysay.

Sa pag-alala kong muli sa sulasok ng ginhawang hatid ng mga ospital, I can really say na fuck this and fuck that, fuck everything na magpapagunaw sa aking paningin, hihigit sa aking lalamunan, at bigla na lamang magpapatigil sa'king pagbibilang ng ayaw.