February 28, 2021

Paminsan, pinagmamasdan kong mainam ang buwan bilang paalala sa akin na humahawa lamang ng sinag ang mga kapuwang lalang lamang ding lubog sa kawalang kuwentahan ng lahat. Mapagaano man kaliit, kalaki, kabait, kasama, ang lahat ng binubuong daigdig sa mga dai-daigdig ay kakulangan lang naman sa kahit ano pang gustong iparamdam sa atin ng ating mga nag-iisa lamang ding mga tanong.

Bawat prinsipyo'y kapwa nagpapanaigan lamang, at kung sakaling may umisa pang akala'y hadlang sa kanyang pangungungumustang panlilinlang, ni hindi niya man lang nanaising magpasinag sa hindi rin mahahalatang pamuwesto't pagpapagana ng mga nagsisitagayan nang tunay, mapawalang bangko pa 'yan o may karga-kargang lapis at papel, walang tintang mga ballpen at malalamukos ding mga papeles, ibinulsang mga kalamansing nadaanang mula sa isa hanggang dalawang dura lamang ang pagitan tungo sa tiyang parang walang iniinda ang mga angking ngiti ngunit lumalabas din ang tunay na balahibo sa tuwing sasapit ang mga aalagad-alagad ng kung ano.

Hindi na matatapos pa ang paghinging pamamaalam. Ang pagkalalim na sugat na likhang bahid mula sa kasiyahan at pagkatunaw ng limahid ay sinubukan munang pagalingin gamit ang kakaibang lakas ng sustansya, poging-poging mga pambihira, tikas na nakalalaglag ng panty, hindi matatawarang mga hiyaw, hindi matatapos na tugtog, hindi matatapos na iyak, hindi matatapos na pag-iwas sa panaginip at pangarap.

Ang makapanlisik sa ginoo ay pinigilan subalit aabangang mga latay sa dibdib ang siyang paulit-ulit na makapagpapaalala sa bawat paggising na, iyon na nga, walang kuwenta ang lahat, susunod at susunod ang walang may-ari sa mga ginoo at ginang. Tatanggapin sa sariling magtatapos ang mga hindi na nasimulan pa. Bubuhusan ng abo ang mga gustong magkuwentuhan. Mapagtatantong magiginhawaan lamang ang kanilang mga ginagawa nang dahil sa ang mga dumaa'y hindi naman na dapat pang nililingon. Kung tanga ang may sabi na malaya ang mga ibon, ano pang isasakali ng mga ihip sa kahapon?