March 20, 2019

Kargada ng 'di karaniwan ang kiliti ng komedya. Huwag kang pagkapikon. Ultimo pati pagkabanas ay siyang 'di pinaaatras. Mahina ang loob ng kalumpit ng pinyahan. Sa mga hindi inaasahang pagsuntok ang may siyang kay aya ng paglutang at yakap sa langit nang marangal at payapa. Sa bawat pagbigkas ng mga inulang mga pangarap ng hindi kasiguraduhan, mas maigi pang kumain ng laslas ang mga napag-iwanan na ng tunay na panahon.

Inuumpisahan ang mga dutdot hanggang sa lumumanay ang tiyempo. Hindi maikakait na ang buwan pa rin ang siyang may dala-dala sa okasyong panghimagsik ng damdaming hindi nagsasalita. Paiiyakin ka lamang ng mga inaantok, hihikab ka lang sa mga tawanan. Lahat ng iyong palalampasi'y pagsisisihang may guhit sa lalamunan. Maiiwan kang pinupulutan ng madla, saka mo lamang mapagtatantong ikaw lamang ang naiwang lasing sa ilalim ng mga bumbilya. Maging ang mga kasama mo'y magtataka sa inagaw na katangahan. Tanging makapagsasalba lamang sa iyo ay ikaw, ikaw na mahina ang mga mata at pinagagana lamang ang utak.

Sa taba ng mga pares at lalim ng ginhawa, marapat lamang na magpatingkayad ang mga maaamo. Hindi na baleng umulit-ulit ang pagsangguning salungat, tipong katiting ang makapapansin sa ganap ng hindi umuusbong na mga paruparo sa hardin. Mabango ang kislap ng pagbibigyang lumusot, gaganting may kakaibang hiwaga ngunit ngiting kay hirap mo palang pakawalan kung minsan. Masiyahan ka, at alam mo iyon. Huwag magpapatalo sa pintas kung pakawalan. Pag-isahin ang matagal nang hiwa-hiwalay. Ang kalungkuta'y nariyan at tunay mo pa rin namang kaibigan.