March 28, 2021

Medyo kuntento na kung tutuusin. Ilang bulabog pa ang kumalabit. Pintig sa balikat ko'y kaunting asar na lamang ang pumapakli. Hindi ko na pinababayaang malunod sa ilalim ng walang hintayang pag-aakala kung darating pa nga ba ang bus pampasahero o lulukbit na lamang ako sa agarang pamimistulang sakali ng diyus-diyosan, diyus-diyosan...

Ah, saka na. Lumiliwanag na nga na naman pala. Kahit pang masira nang paulit-ulit yung hingahang matalik na matalik, ilang piyesa pa ang umalis at kumaripas ng lipad hanggang mahulog sa basurahan, at makailang alala pa ako sa typewriter sa dalampasigan habang nakikinig sa mga alon ng dagat na walang-walang surfers, ang kulimlim ng langit ang siyang mag-iiwan sa akin ng hindi mauunawaang lilipas ding ngiti.

Inilublob ni kumpare sa putikan ang kanyang kikislapan ding mga tsinelas. Hindi na baleng makagat ng crabs, cramps, o kahit na anong camps. Come over here, come over her. Come as much as you want, as much as... it gets.

Hayaan mo kasi hinahayaan naman talaga. Nandirito na ang mga darating pang mga tropa. Paypayan mo nang maigi ang mga nagtatalbugan nang mga fuck, wait lang. Nagdala ka ba ng gin? Empy? Maraming case ng red horse? Ah, saglit, iisipin ko muna kung papayagan ko nang muli ang aking sariling matulog sa ilalim ng langit, sa ilalim ng walang ulap, ng mga talang nakakaalala ng pinagsamahan namin dati. Paalam.

March 21, 2021

Tatalun-talon, papari-pariwara. Mga lalaking nakaantabay sa mga gusto pang maggala. Hindi ko naman sinasabing wala na silang mga pakialam. Ang hirit lang ng mga mangga'y magsimula na silang sumibol, maski isa-isa pa, basta't nang hanggang sa dulo'y maisawsaw ang mga maipong barya sa kalasap-lasap na mantikang tatapos din sa ating mga kamatayan.

Madulas ang kupad ng mga alalay sa kahapon. Huwag banggain ang mga nagsisipagtayugan nang ala-alambre't mga tanso. Sa tuwing maghahapon ay saka maghanap ng mapaglilibangan. Huwag kalimutang magbitbit ng lubid at banig, tihayang pasahig, ang iniwang duyan sa bahay ay ngangatngatin na ng mga bubwit na lalaki ring mga peste, ayaw na ayaw, kadiri.

Pero, o siya, siya, nakarating ka na rin naman. Kahit pang ilang dagok ng hikab, matagal nang naikintal nang walang halong pagtikhim ang nalalapit o nalalayong paglapit sa karimlan. Walang makatatakas, walang bisa ang mga abono, ang mga bait, ang lahat ng kahit ipunin pang sambit ng pagmamahal sa kahit na ano o kanino. Gaano mang gabuhos ang mga patak na inipon, isang wisik lamang ay mayroon at mayroong didikit at tatalsik na mga balahibo. Damay-damay na sa lahat ng matilamsikan, maghanda ka ma't magtago, harapin man ang mga pagsubok o lumayo, nariyan ang mga tambay, nakaantabay, mga babaeng gusto ring makigala.

Papari-pariwara, tatalun-talon.

March 14, 2021

Sabi nung napanood kong video nung isang araw, "There's no path without pain or misery." Kung stuck ka raw between two hard choices, it's okay to consider the pain or misery na mararanasan sa parehong path na pinagpipilian.

Hindi naman ako naniwala agad so minabuti kong icheck sa isang circumstance. What if gamitin ko 'tong lenteng 'to sa exercise?

Anong consequences kapag nagdiet at exercise ako? Mababawasan yung makakain kong masasarap. I'd have to maintain the schedule-routine exercise so like palaging may pagod ako sa katawan.

Anong consequences kapag 'di naman ako nag-exercise? Papangit yung health ko. Hindi na magkakasya yung mga gusto kong isuot na damit.

So, yeah, alin diyan yung pipiliin kong mga misery 'di ba?

Bale medyo napagtanto kong may sense yung sinasabi ng video. Hanggang sa umabot ako sa pag-iisip na walang perfect na path, I mean;

When we say perfect, walang may ayaw natin, walang problema, walang bad trip, walang mali so kung madalas kong ilalapat yung ganitong takbo ng pagkakategorya ng iba't ibang tahakin ko sa buhay at sapalarang mental, I should accept yung reality na magkakaproblema at magkakaproblema ako, na iyon nga, there's no perfect path, no perfect life, no perfect friends, no perfect partner, no perfect family,

nothing is or will ever be perfect. 

I don't know how to perfectly end this so yeah, fuck.

March 7, 2021

I fail as a lullaby 'pagkat yaring limot na ng aking lalamunan ang iba't ibang songs, iba't ibang himig, iba't ibang forever gimmick, mga malawalang iwanang lyrics. Higit na ipinagtatakang umigwa pa ring nagbabalak na gabi-gabing maghintay maski pang hindi tumila ang ulan o may mga pagtatangkang maipasuot mo sa akin ang napaglumaan nang black suit and tie ng iyong ama.

Sandali lamang at tatapusin ko lamang hukayin iyong ilang linggo ko nang problema sa bahay.

At... mukhang bukas na ulit.

Saka mo ako ipakikilala (o baka hindi na) sa mga nagluluto ng dinner mong nasa malayo pa lang ay langhap na langhap ko na ang kabusugan. Marapat lamang na turuan kong magthank you ang aking mga pananamantala nang 'di nila mavisualize kung ano nga bang tinira mo't naisipan mong nagkakaroon pa pala ng pag-asa ang mga yamot nang umibig.

Marahan at mahina lang sa bawat senyas, pagkibo, pagkalabit sa balahibo. Pagkatahimik na mga ngiting hindi naman dapat pinipigilan. Maaalala ang mga itinuro sa school, mga paksang hindi naman talaga nalaman. Mga iginuhit at idiniin sa pisarang aksaya lamang sa chalk at bagot ng orasan.

Minu-minuto ang lumilipas, sakaling enjoyin mo pa rin ang mumunting palabas. Hindi pinaghandaan pero sabik na sabik sa pakinabang. Atat na akong manumbalik sa tuktok, maging aliping may trono. Mamahaling hindi naibabalik, gagayak na pang-asno. At kung sakaling mabatid pa ng imagination mong sawi, ang aking mga balak ay pinrito nang sa kawaling naghahasik ng mga tilapong pumapara sa mga nagmamadaling makauwi.

At... mukhang bukas na ulit.