May 28, 2023

05 Basura

OVER BLACK.

Maririnig ang mahinang radyo sa umaandar na jeep na nagpapatugtog ng labsong.

MANONG (V.O.)
Bayad. (pintig) Bayad o.


CUT TO:


INT. JEEP (UMAANDAR) - HAPON

Magigising si JAMIE, 27, nang dahan-dahang iminumulat ang mga mata. Nasa kanyang harapan ang kamay ng MANONG, 62, na may ipinaaabot na pamasahe.

MANONG
Bayad. Pasuyo.

Matatauhan nang bahagya si Jamie saka iaabot ang bayad sa driver. Dudukutin niya matapos sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Titingnan ang oras. Mayroong message notification. Kanya itong bubuksan.

ASH (TEXT)
san ka na

Sisilip si Jamie sa labas. Pagyukong pabalik sa loob ng jeep ay kagyat na sumiyasat sa kanyang harapan, at sa malayong kanan. Tinitigang panumandali rin ang tao sa kanyang harapan. Muli siyang nagbalik sa kanyang cellphone.

JAMIE (TEXT)
Malapit na.

ASH (TEXT)
andito na ko akyat ka na lang

JAMIE (TEXT)
Okay.

(pintig)

Muling sisilip sa labas si Jamie.

(pintig)

Tiningnan niyang muli ang mga pasahero sa jeep.

(pintig)

(pintig)

(pintig)

JAMIE
Para po!

EXT. KALSADA - HAPON

Bumaba si Jamie at sinilip ang kanyang relo. 

Tiningala ang makulimlim na langit. May mangilan-ngilang taong kasabay niyang tumawid ng kalsada. 

Binaybay niyang saglit ang isang maikling tulay saka lumiko sa isang eskinita. 

Animo'y kabisado niya na ang daan. Ilang mga minuto pa ng paglalakad at tumigil siya sa tapat ng isang bahay.

Mahigpit na humawak si Jamie sa busol ng pinto. Pinisil niya ito nang ilang segundo bago bumitaw. Huminga siya nang malalim at inaninagang muli ang langit. (pintig) Humawak siyang muli sa busol at pumisil nang mas mahigpit. 

Humingang malalim. Pinihit niya na ito at itinulak. Bumati ang isang madilim na kuwarto sa kanyang harapan. Isasara niya ang pinto sa kanyang likuran. Maririnig ang saglit na paglangitngit nito bago tuluyang sumara.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Maririnig ang pagsara ng pinto na nasa likod ni ELY, 25, habang patapos nang habulin ang kanyang hininga. Itatapon niya ang kanyang katawan sa sofa.


CUT TO:


INT. KUWARTO - HAPON

Itatapon ni ASH, 31, si Jamie sa kama. Mangingiti si Jamie habang hinuhubaran niya si Ash. Akma ring binabawasan ni Ash ng saplot si Jamie hanggang sa pareho na silang hubo.

Hahalikan na ni Jamie si Ash sa labi. Maglalaro ang kamay niya sa ari ng isa. Maya-maya'y kapuwa na silang umuungol sa sarap. Nagkakapalitan ng kumpas at badya ang dalawa, ng paghinga, ng paghinga.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Hinihingal sa kama ang dalawang tauhang nasa sex scene na pinapanood ni Ely sa tv.

Hihimasin ni Ely ang kanya.

Hihinaan ni Ely ang volume. (pintig)

Lalakasan niyang kaunti ang volume. Lalakas lalo ang koro ng mga ungol, dampa't plakda, kilamkis, at hingal ng dalawang tauhan sa kama.

Titingnan niya ang orasan sa dingding.

Ipapakita ang orasan.

Babalik ang atensyon niya sa tv.

Ipapakita ang sex scene sa tv.


CUT TO:


INT. KUWARTO - HAPON

Lalo pang umingay ang umuungol sa kama. Malakas na pagkaldag at palitan ng laway, pawis, at iba pang likido sa katawan. Paulit-ulit-ulit na pagbobombahan, sa magkakaibang puwesto, sa iba-ibang tulin at halina.

Habang nakapatong si Jamie kay Ash ay hahalikan niya ito sa pisngi. Pagkagaling sa halik ay mapapansin niya ang orasan sa dingding ng kuwarto.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Ipapakita ang orasan sa dingding habang dinig na dinig ang ungol ng mga tauhan sa tv.

Ipapakita ang tv.

Ipapakita ang orasan.

Nakapikit pa rin si Ely habang dumidiin ang paghimas niya sa kanya.

Ipapakita ang tv.


CUT TO:


INT. KUWARTO - HAPON

Pabilis nang pabilis ang pagpapalitan nina Jamie at Ash. Maya-maya'y aabot na sa rurok ang isa't isa.

Hingal na lamang ng dalawa ang maririnig matapos nilang ihiga ang kanilang mga hapo at pawis na pawis na katawan sa kama. Ilang saglit lamang at hahalik si Ash kay Jamie ngunit parang hindi siya napansin nito.

Titingin si Jamie sa orasan. Mababasang kaunti ang kanyang mga mata. Pipikit at kukunot ang mga kilay.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Ipapakita sa tv ang dalawang tauhang nakahiga sa kama.

Bigla na lamang matitigil si Ely sa paghimas. Pipikit at kukunot ang mga kilay. Magbubuntong-hininga.

Ihihiga niya ang kanyang ulo sa sofa. Hihinga. Hihingang malalim.

Pagdilat ng mata'y titingin muli sa orasan.

Ipapakita ang orasan. Paunti-unting lalakas ang pagpitik ng kamay nito sa hudyat ng bawat segundo. 

Tik-tak. Tik-tak. 

TIK-TAK. TIK-TAK.


CUT TO:


OVER BLACK.

Pintig.

Maririnig mula sa tv ang music video ng labsong sa jeep kanina. Pintig. Maririnig ang langitngit ng pintuan. Maririnig ang pagsara nito. Maririnig ang pagpatay ng tv, at pagpatong ng remote sa mesa.

JAMIE (V.O.)
Natapon mo yung basura?

Maririnig ang paghikbi ni Jamie.