April 28, 2023

04 Five Seconds

OVER BLACK.

Unang maririnig ang isang paghalik sa balat.

JAMIE (V.O.)
Ilabas mo yung basura mamaya pagkatapos mo mag-almusal a.


CUT TO:


INT. KUWARTO - UMAGA

Unti-unting didilat ang paningin sa POV ni ELY, 25, at makikita niyang palayong naglalakad mula sa kanya si JAMIE, 27, habang inaayos ang isinukbit na bag sa balikat. Kagigising lamang ni Ely.

ELY
Ano ulit? Sorry.

Titigil sa paglalakad si Jamie, at lilingon.

JAMIE
Dadaan yung basura mamayang hapon. Ilabas mo yung basura mamaya.

ELY
Ba't 'di na lang ikaw?

JAMIE
Ha? Nakaligo na 'ko.

Babangon si Ely sa kama, at sasandal.

ELY
Kanina?

JAMIE
Ang dami kong ginawa kanina, nawala sa isip ko.

ELY
Anong mga ginawa mo kanina?

JAMIE
Sabihin mo kung ayaw mong magtapon ng basura. Ako na lang.

ELY
Akala ko naligo ka na?

JAMIE
Ako na. Ewan ko sa 'yo.

Mapapangiti si Ely.

ELY
Joke lang! Agagalet agad!

JAMIE (magpipigil ng ngiti, iirapan si Ely)
Ewan ko sa 'yo!

Bumalik na sa pagtungo si Jamie sa pinto para makalabas ng kuwarto.

ELY
I love you too!

Mahihigang muli si Ely, at pipikit.


CUT TO:


OVER BLACK.

Maririnig ang mahinang busina ng truck. Paunti-unti itong lumalakas.


CUT TO:


INT. KUWARTO - HAPON

Magigising nang pabigla si Ely. Lumalakas ang busina ng truck.

ELY
Oh shit.

Madaling tatakbo si Ely palabas ng kuwarto, patungo sa kusina. Palakas nang palakas na busina ng truck.


CUT TO:


INT. KUSINA - HAPON

Nagmamadaling kukunin ni Ely ang plastic ng basura mula sa basurahan. Malakas na busina ng truck.

ELY
Fuck fuck fuck fuck fuck! Fuck!


CUT TO:

INT.  SALAS - HAPON

Nagmamadaling lalabas si Ely bitbit ang plastic bag habang tinatali ang dulo nito. Palayong busina ng truck.

ELY
Shit shit shit. Manong! MANONG!!!


CUT TO:


EXT. LABAS NG GATE - HAPON

Mamamataan ni Ely ang garbage truck sa may kabilang street. Tatakbuhin niya ito habang sumisigaw ng manong. Maaabutan niya ang truck, at maiaabot ang plastic ng basura.

Matapos makuha ang kanyang basura'y maglalakad nang pabalik ng bahay si Ely nang hinihingal. Magpupunas ng kaunting pawis.

Isasara niya ang gate.

Papasok sa loob ng bahay.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Mahahabol na ni Ely ang kanyang hininga. Itatapon niya ang kanyang katawan sa sofa. Pipikit sumandali.

Pintig.

Didilat si Ely, kukuhanin ang remote sa mesa.

Mauupo siya't bubuksan ang tv.

CUT TO:


Makikita lamang ang monitor ng tv.

Soap opera na drama. Ililipat ni Ely.

Music video. Ililipat ni Ely.

Sex scene ng isang pelikula. Ililipat ni Ely.

Cooking show. Ilang pintig.

Ibabalik ni Ely sa sex scene.

Hihimasin ni Ely ang kanya.

Hihinaan ni Ely ang volume. Pintig. 

Lalakas niyang kaunti ang volume.

Titingnan niya ang orasan sa dingding.

Ipapakita ang orasan.

Babalik ang atensyon niya sa tv.

Makikita ang sex scene na nagpapatuloy.

Titingin si Ely sa panig ng pinto. Ipapakita ang pintuan.

Tutulo ang kanyang pawis.

Didiin ang kanyang paghimas. Hihingang malalim, iipiting bahagya ang mga labi.

Lalakasan ni Ely ang volume ng tv.

Lalakas nang bahagya ang paghinga ni Ely. Mapapapikit siya.

Titingin siyang muli sa may pintuan.

Ipapakita ang pintuan.

Ipapakita ang tv.

Ipapakita ang orasan.

Ipapakita ang tv.

Pintig.

Ungol.

Pintig.

Ungol. Ungol. Ungol.

Maririnig ang paghigop at pagpigil ng hininga.

Bigla na lamang titigil si Ely sa paghimas. Magbubuntong-hininga.

Ihihiga niya ang kanyang ulo sa sofa. Pipikit. Hihinga. Hihingang malalim.

Pagdilat ng mata'y titingin muli sa orasan.

Ipapakita ang orasan.

Ililipat ni Ely ang tv sa music video.

Tumayo si Ely, at nagtungo sa kusina.


CUT TO:


INT. KUSINA - HAPON

Bubuksan ni Ely ang refrigerator. Kukuha siya ng isang pitsel ng tubig.

Kukuha siya ng baso.

Pupunuin niya ng tubig ang baso.

Iinumin niya ang tubig nang ilang lagok lamang.

Maglalagay muli ng tubig, kalahating baso na lamang.

Uubusing muli ang tubig.

Ibabalik ni Ely ang pitsel sa ref.

Ilalagay ni Ely ang baso sa lababo.

Babalik si Ely sa harap ng ref. Bubuksan niya ito.

Tititigan niya nang ilang segundo ang loob.

Isasara niyang muli.

Maglalakad siyang pabalik sa salas.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Mauupo siyang muli sa sofa.

Patuloy ang panibagong music video sa tv.

Mapapabuntong-hininga nang malakas si Ely, kunot ang kilay.

ELY
Fuck!

Tatayo si Ely mula sa sofa.


CUT TO:


INT. KUWARTO - HAPON

Kukunin ni Ely ang kanyang cellphone sa kama.


CUT TO:


INT. SALAS - HAPON

Itatapon ni Ely ang kanyang katawan sa sofa.

Patuloy pa rin ang panibagong music video sa tv.

Makikitang nagsoscroll lamang si Ely sa kanyang cellphone, at hindi tumitigil nang mahigit sa mangilang segundo sa kahit na anong makita niya.

Matatawang saglit si Ely.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Sisilip panandalian si Ely sa tv.

Sasabayang saglit ang tugtog sa music video.

Scroll.

Scroll.

Ipapakita ang music video.

Scroll.

Ipapakita ang orasan.

Scroll.

Scroll.

Unti-unting aantukin at mapapapikit si Ely habang nagsoscroll sa kanyang cellphone. Nasasabayan niya pa rin ang awitin sa music video sa tv.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Hikab.

Orasan.

Scroll.

Music video sa tv.

Scroll.

Pintuan.


CUT TO:


OVER BLACK.

Pintig.

Maririnig ang panibagong music video sa tv. Pintig. Maririnig ang langitngit ng pintuan. Maririnig ang pagsara nito. Maririnig ang pagpatay ng tv, at pagpatong ng remote sa mesa.

JAMIE (V.O.)
Natapon mo yung basura?