March 28, 2021

Medyo kuntento na kung tutuusin. Ilang bulabog pa ang kumalabit. Pintig sa balikat ko'y kaunting asar na lamang ang pumapakli. Hindi ko na pinababayaang malunod sa ilalim ng walang hintayang pag-aakala kung darating pa nga ba ang bus pampasahero o lulukbit na lamang ako sa agarang pamimistulang sakali ng diyus-diyosan, diyus-diyosan...

Ah, saka na. Lumiliwanag na nga na naman pala. Kahit pang masira nang paulit-ulit yung hingahang matalik na matalik, ilang piyesa pa ang umalis at kumaripas ng lipad hanggang mahulog sa basurahan, at makailang alala pa ako sa typewriter sa dalampasigan habang nakikinig sa mga alon ng dagat na walang-walang surfers, ang kulimlim ng langit ang siyang mag-iiwan sa akin ng hindi mauunawaang lilipas ding ngiti.

Inilublob ni kumpare sa putikan ang kanyang kikislapan ding mga tsinelas. Hindi na baleng makagat ng crabs, cramps, o kahit na anong camps. Come over here, come over her. Come as much as you want, as much as... it gets.

Hayaan mo kasi hinahayaan naman talaga. Nandirito na ang mga darating pang mga tropa. Paypayan mo nang maigi ang mga nagtatalbugan nang mga fuck, wait lang. Nagdala ka ba ng gin? Empy? Maraming case ng red horse? Ah, saglit, iisipin ko muna kung papayagan ko nang muli ang aking sariling matulog sa ilalim ng langit, sa ilalim ng walang ulap, ng mga talang nakakaalala ng pinagsamahan namin dati. Paalam.