January 3, 2019
Kung anuman ang ikinapayak ng bad trip na mga nagkumpulan nang bulaklak na araw-araw inaasam-asam, ganoon ding magiging kakumplikado ang lahat ng pagkakataong sinubukang pagbugtungan ng liwanag ang mga pinagtangkaan. May hikayat ng dali, may kanti ng gulo. Sarili lang madalas ang nasa gitna ng digma. Pangunang bastos sa palatuntunan ang magbabadya. Nagbadya. Masarap na masakit. Masarap at masakit. Pilitin man ang pag-iwas, radikal pa rin ang hantungan.
Pero wala eh. Hindi man (pinaka)sapat na batayan, lagi't lagi kang kay rikit sa paningin, sa aking paningin, sa akin. May kung anong pansariling pag-angkin sa bawat hinihinging kahulugan ng mga salita. Tanungin man nila ako kung ano para sa akin ang hulog ng langit, pagkatamis mong ngiti ang ituturing. Tanungin man kung ano ang saya, lumilista ang pungay ng iyong mga mata. At kung hingin pang muli ang pag-ibig, na siyang tunay at wagas, walang ibang maisasagot pa, kung hindi ikaw.
Ngunit muli't muli, hinding-hindi ko magagamay ang wika ng pag-ibig. Sinadyang hindi ko kaya ito nang mag-isa, kahit na araw-araw na akong sinasanay ng pait at tamis. Araw-araw mang maging magulo ang lahat, araw-araw ko itong aakapin, sosolohin. Makailang buhos man sila sa akin ng galit, inis, at pagtataka, sa'yo at sa iyo lamang ako may pakialam. Hindi mo man ako maintindihan, kapuwa na lamang tayong maghahanap sa kalawakan kung ano ang maaaring katotohanan para sa atin, katotohanang para sa atin.
Dahil muli't muli, hinding-hindi ko magagamay pa ang aking pag-ibig.
January 2, 2019
Minsan, pagod ka na.
Minsan na rin ako, kahit 'di na hal'ta, bitin. Sobra. Pagod.
Minsan, nakalilimot na. Pabaya. Papansin, at para lang lahat sa atensyon mo.
Hindi naman kita hinihingi. Hindi naman na kita pinilit pa, kahit na alam kong gusto kong kinakausap mo ako. Kahit na alam mo minsan. Kahit na ikalulundag ng puso ko, at ikawawasak ng mga mundo natin, ng mundo ko.
Gugulong ang mga tala sa dilim sa diin kong magsulat ngunit hinding-hindi ako babakat sa'yo. Ang huli ko lamang na maaalala, ang ganda mo. Hindi ko na ipapaliwanag iyon. Wala namang may kaya. Kahit ano pa mang gawing bulalas, walang aabot sa subok. Hindi ka naman madaling tumakas. Takot pa rin naman ang aking habol. Nakayukong malumanay ang aking mga silip. Hanggang sa aninag na lamang ang iyong tinig. Sumaglit na ang paalam.
Paumanhin.
Paumanhing muli sapagkat hindi ko pa rin matantya kung hanggang saan lang ba ako. Alam ko sa sarili kong tanga ako sa ganitong mga bagay, at / o pinangungunahan pa rin ako ng ibang mga bagay. Ayaw kong nauulit yung ibang mga minsan kahit sanay na sanay na yung kayarian ko. Wala namang nagsabing wasto lahat ng nakasanayan.
Minsan, gusto ko ring kumawala, sa pagbabantay na ako lang din naman mismo ang may pakana. Pinipilit kong pigilan yung sarili kong magdalawa hanggang tatlong isip. Apat na tasa ng kape. Limang oras na pekeng ligaya. Anim na beses na akong muling masasaktan. Huhuni na lamang ang karton ng buwan sa akin.
Minsan, gusto kong tanungin kang muli.
Hindi ko kailanman ito pinilit. Ako lamang din ang tanga. Mga mata mo na lang ang makapagsasabi. Araw-araw akong maghihintay hanggang sa magkaroon ng tila. Hindi sana ito pagtatapos. Ayaw ko na munang muling maubusan pa ng mga salita.
January 1, 2019
December 31, 2018
Hindi Ito Iyon
December 15, 2018
Hiyuri
O linyang sobrang lupet
Tapos palalawakin kong kaunti
Mag-iisip at
Maghahanap ako
ng iba-iba pang terminong
May kahulugang-lapit
May ugnayang-sabit
Sa mga salitang aking napili
Sa wikang aking binali-
Bali para lang makapangusap
Dahil ang mga salita
Ay hindi mga salita lamang
Pari-pariralang hindi kailanman
Matutuldukan
October 26, 2018
Saan Nanggaling ang Pagsigaw ng, "SS!" sa Online Games?
I have this theory na galing sa Gunbound yung SS na isinisigaw ngayon ng moba players.
I think SS is widely used now in most online games na mayroong ultimate skill ang isang character. Ultimate skill meaning pinakamalakas/pinakahuli na skill.
Ang salitang ultimate ay huli/last. Most often, ang most powerful skill ng character ay nasa dulo ng UI/HUD kaya napagkakamalang pinaka/malakas/malupit ang ibig sabihin ng ultimate.
I first encountered SS sa Gunbound nung 2003, which literally uses the term SS as the ultimate skill ng isang mobile (sasakyan). It just means Special Shot which is the shot of a mobile that does the highest possible damage in the game.
Gunbound was pretty popular back then. Dota was too. Most computer shops (internet cafés) had these two popular games installed on their PCs.
Mula sa Gunbound, some players switching to different games would be using the term (SS) as a substitute to an ultimate skill or a character’s most powerful skill. Dota has this (each hero in Dota has an ultimate skill), and now, most moba games.
Dota was also first released around 2003 so yeah, Gunbound players playing Dota would be shouting, “SS!” if they wanted you to use your hero’s ultimate/last skill. This habit will then be picked up by other players who never even played Gunbound.
An alternate alternate term Ult/Ulti (short for Ultimate (skill)) is also used by players similarly meaning, well, the character’s most powerful skill.
Tara G! http://gunbound.be/
IGN: Luna28
October 25, 2018
Kawing
Pasensya na, kung marupok akong magpapatawad sa iyo, sa iyong mga mapanakit na pag-ibig lamang ang kaya kong isukli.
Pasensya na, kung marupok akong magbabalik at magbabalik sa iyo, sa aking pag-intinding tao lamang tayong lahat na nagkakamali at pinatatawad.
Patawarin ako, akong marupok na nangunguna ang dampi kaysa gigil, ang lambing kaysa luha, ang ibig kaysa laya.
Patawarin ako, akong marupok na kulong sa pagmamahal sa iyo, sa iyong sinuyo para sa minsang pagsintang lambing.
August 22, 2018
June 27, 2018
Gill
Pinalad makita
Ang siyang pagtali mo ng buhok
Palayo sa ating makikitid na
Salarinang ibahing pangyayari
Mangyaring habulin na naman tayo,
Sa pagmamadali ng kay kupad na oras
Hinding-hindi ka nakatatakas
Sa aking pagyaring
Hindi na naman ako
Ang siyang nakakita
Sa pagtali ng iyong buhok
Palayo sa aking sarili
At pagkitid
Sa ibang pangyayaring
Hinding-hindi ako nakatatakas
June 24, 2018
May 27, 2018
Lair
Ipakita ang mga mukhang kubli
Lubhang hindi makuhang sundin
Katas kuno ng kutya kundi
Kulang ay kanti; Mutyang kaunti
Lamang ang aking nalalaman
Kailan ba magiging sakahan
Tanging pagitan, sariling hangganan
Manatiling punlahan yaring yaman
Lang din namang walang talang
Kayang sumalang ng liwanag
Sa'king salang sinayad
Lang din naman sa ganang
Sa'king dayang pinalad
April 20, 2018
Lisin Sana
Sana naiintindihan mo
Sana inintindi mo
Sana iniintindi mo
Sana intindihin mo
Sana iniintindi mo
Intindihin mo
Intindihin mo, pakiusap
Pakiusap, intindihin mo
Iintindihin mo sana
Iintindihin mo ba
Iintindihin mo pa
Iintindihin mo pa ba
Intindihin mo na
Intindihin mo na sana
Sana intindihin mo na
Tindihan mo na ang pagsana
Matindi ang pagsana
Matindi ang pagnasa
'Pag matindi ba,
Magnasa
'Pag matindi ang nasa,
Iintindi ba
Aba, 'di na iniintindi
'Pag nasa baba na
Ang pag-intindi
Hindi na iniintindi
Hindi pa umiintindi
Sana naintindihan mo
Hindi mo naintindihan
Sana
April 2, 2018
Hindi Kailangan
Muling pagsilay kong sa'yo
Muling pagkilala sa aking, muling sarili
Magbabalik ako, kung saan man ako
Dalhin ng iyong siyang pagbalik ng sulyap
Hindi natin maiintindihan pa
Ang muli mong paggising sa aking
Nagkukunwari na lamang na pag-akit
Sa hikahis bago ang paalam
Saka mo na ako bibigyang-aliw
Muling pag-aliw sa aking sarili
March 15, 2018
February 5, 2018
Yaan
Ang aking pagtahan
Sa makamundong pagsanay
Sa sarili
Sa mukhang ewan ko nang mga sarili
Minsan lamang ang pagtahan
Ang aking paghanap
Sa aking pagmuli,
At aking pagbalik
Minsan kang naging pagtahan
Sa aking panginig,
Sa pagit ng pangarap at panaginip,
Minsan lamang kitang naging tahanan
January 16, 2018
Paggamit ng Gitling / Hyphen sa Filipino
Vowel + Vowel ❌
Consonant + Consonant ❌
Vowel + Consonant ❌
Consonant + Vowel ✔️
Inuulit na salita ✔️
ma + ingat = maingat
mag + salsal = magsalsal
ma + ganda = maganda
nag + iwan = nag-iwan
Exception: um, in
um + alis = umalis, dahil nahati sa dalawang syllable ang um. (Gayundin sa inamin, gumamit, kinain.)
January 10, 2018
Well...
Ayaw ko rin namang may itinatago sa iyo, at alam mo yun. At alam mo yun, sana hindi ka magalit, manlamig, kasi ako na siguro yung nanlamig kahapon, kagabi. Mas malamig pa siguro ako run sa liwanag ng buwan, ni Luna. Mahilig ako magkape minsan kaso hindi ko inisip na sa mga palad mo pala, makauunawa na ako ng panibagong abot-langit na hikahis ng lambing.
Patawad. Paniwalaan mo ako kapag sinabi kong araw-araw akong nakikipagtalo sa sarili ko na ikaw ang tama, at ako ang siyang tunay na mali. Ilang beses kong pinakikiusapan yung iba kong mga sarili na sana, sana palagi nilang naaalalang mahal mo ako. Mabigat isiping (una) sinigurado kong mas maaga kang makapasok sa bagong patak ng umpisa ngunit ikinagalit mo ito. Lumayo ako dahil alam kong kailangan muna nating tumahimik nang makapag-isip ng mga sasabihin. Hinanap kitang muli, at nilapitan. Tama namang mali ang sagutin ng galit ang isa pang galit. Lalo lamang mabubusog ang digma sa gatong. Nagdesisyon akong magalit, dahil iyon ang una kong naramdaman, at hindi rin naman nalalayo sa pag-iisip na nagalit ka dahil sa hindi na lamang kita hinayaan.
(pangalawa) Nasagot ako nang hindi kanais-nais sa pagpapaliwanag ko nang maayos. Kung maging hindi magkahawig ang opinyon ko sa parehong bagay, sinisikap ko pa rin sa bawat pagkakataong pag-isipan ang aking mga sagot sa mga tanong. Pinili kong magalit dahil hindi ko matanggap na may mga ganoong pagtrato sa akin. Nakakainit din ng dugong isiping ikaw ang siyang hinanap ko noong nagkamali ako sa pagpasok at pinuntahan, at fine lamang ang natanggap ko, na bakit? Bakit ganoon na lamang?
Nanlamig na ako. Gusto ko nang mamatay dahil sa ikaw ang nagalit sa pagpasok, dahil sa pagtulong ko. Ako ang nagalit sa fine. Lugmok na lugmok na yung buong espiritu ng katawan ko. Hindi matanggap ng buong pagkatao ko kung bakit iyon nangyayari sa akin.
Naluluha na ako.
Paulit-ulit silang bumubulong na mahal mo ako, mahal mo ako. Sa bawat pagyakap nila sa akin bilang pag-unawa at pag-ibig sa iyo, siyang sasagutin ko ng kesyo bakit ganito, at bakit ganyan. Hindi ako naghahanap ng kung sinong mananalo, o sinong tama talaga, dahil alam ko naman kung mali talaga ako. Gusto ko nang mawala kasi parang wala naman ako, at bilang din namang hanggang sa pagtulong ko at bawat galit ko, kailangang pulutin ko na lamang silang mga bakas sa lupa.
Hindi napupulot ang mga bakas, nakikita na lamang sila. Kinuha mo ang aking mga palad habang nakikipag-away pa rin ako sa mga sarili ko. Hindi ko inisip na iwan ka, ngunit baka gumaan man lang sana yung loob ko kung wala na lang talaga akong maramdaman at mamatay.
Kinuha mo ang aking mga palad. Naintindihan kong muli ang pag-ibig. Iniisip kong mawala na lamang ang aking mga nararamdaman ngunit ang kailangan ko ay yung kasama ka. Hindi na baleng hindi makaintindihan sa umpisa, basta mayroong pag-akay, at hindi binabalewala. Alam kong may mga bagay kang ayaw mong gawin sa'yo kaya hindi mo ginagawa sa iba.
Kinuha mo ang aking mga palad. Kinuha mong muli ang aking buhay. Naramdaman kong buhay pa ako, at kailangan ko pang mabuhay. Hindi kita kalaban, at hindi tayo magkaaway. Hindi lamang tayo nagtatagpo kaya nararapat lamang lumingon, at akayin ang maiwan. Malabo ako, pero laking pasasalamat ko sa bawat oras na pag-intindi mo sa akin.
Kinuha mo ang aking mga palad. Sinabi ko sa sarili kong sana matraffic. Sinabi ko sa sarili kong huwag mo nang bitawan. Sinabi ko sa sarili kong hindi kita bibitawan. Sinabi ko sa sarili kong mahal, mahal na mahal kita. Sa iyo lamang ang aking palad, at sa iyo lamang din ang aking palad.
December 31, 2017
Some of the 2017 Trends - Philippines
CDO Flooding
La La Land
Salt Bae
Nung Ako'y Bata Pa
February
Roll Safe
Jollibee's Valentine's Series
Pare, Pulis Ako
Trash Doves
Cash Me Ousside / Howbow Dah
I'm Drunk, I Love You
Expanding Brain
March
How Italians Do Things
Cheering Meryl Streep
LaVar Ball
Jolegend Slaydangal
Logan
April
Kapag ba...
Coldplay in Manila
Pennywise in the Sewer
Syria Chemical Attack / Syria Missile Strikes
Batangas Earthquake Swarm
United Airlines Fiasco
Kendall Jenner's Pepsi Ad
Duterte Declines UP Honorary Doctorate
He Protec but He Also Attac
Spotify Playlist Messages
Fidget Spinner
May
Sotto Insults Taguiwalo
Touch This / The... (Facebook)
Thankful Reaction
Proclamation No. 216
Super Sad Pope Meeting the Trumps
June
BPI System Glitch
Wonder Woman
Villar Urges Ban on Unlimited Rice
Cavaliers vs Warriors
The Floor is...
EverWing
Wikang Korean sa Paaralan
July
Pacquiao vs Horn
Billboard Asking Erich Gonzales Out
Dancing Hot Dog Snapchat Filter
Not You / Tú No
Nyeaam!
Game of Thrones - Season 7 Premiere
Spider-Man: Homecoming
Chester Bennington's Death
Kita Kita
Philippine Executive Order 26
August
Duterte Signs Free Tuition Bill into Law
Kian
Patay na si Hesus
Distracted Boyfriend
Game of Thrones - Season 7 Finale
Mayweather vs McGregor
The Kyrie Irving Trade
Kyah, Pembarya, Kyah
Zark's Burgers' 8th Year Anniversary
Sarahah
Dear David
September
Are you threatened by us?
Inhaling Seagull
Pacquiao: "You can call me anytime."
October
Xander Ford
Joey de Leon Slammed for Depression Remark
Baby Shark
Werpa, Lodi! Petmalu!
Szechuan Sauce Fiasco
Baron Geisler: "Hearsay?!"
Doki Doki Literature Club!
November
ASEAN Banner Misspelling
Lil Pump
Bong Go Selfie
Sass Confronts BBC Reporter
Papa John Lloyd
Passenger Loses Hand in MRT
Kumalas na Bagon ng MRT
Justice League is a Disappointment
Charles Manson's Death
Sud, Jensen and the Flips Face Sexual Misconduct Accusations
Paramore Tickets Sold Out
Thor: Ragnarok
Infinity War Trailer
Samyang Challenge
Dog Petting Photoshops
Bike Cuck
December
Slain Students in Batangas
The Last Jedi
Isabelle Duterte's Photoshoot
Ben Swolo
Thai Political Crisis Breakup
Sherlock Jr. on GMA
If You Play This Song on New Year's Eve
December 5, 2017
Oo n(g)a.
November 25, 2017
Sa Pagtugma
November 19, 2017
FlipTop - Kregga vs BLKD
BLKD
May makukulay na linya pero para lang cartoon 'to. Lahat ng mga paratang niya sa aktibismo ko, nasagot ko na sa album ko.
Round 2
Kanina, meron siyang iskema tungkol sa pangingisda. Humanga kayo pero para sa 'kin, hindi yun insane. Wala lang sa 'kin sumira ng pain kasi sanay ako sa pain. Kapag ako, nasiraan ng bait, sumisira ako ng bait. Tulad ng baitlog mo.
Round 3
Maangas daw siya pero nagtap pa ng kagrupo niya. Oo, medyo hanga 'ko sa 'yo pero para ka lang presidente natin - utak-pulbura. Hirap na daw kumain yung maestro, 'yan ang sabi mo sa 'yong bara. E kaya ka pala nanalo, yung kalaban, walang gana. Puwes, ibang maestro 'to, laging gutom. Puwes, ibang maestro 'to, laging gutom sa killing spree. Sobrang husay kong magturo, TF sa 'kin, tuition fee.
November 18, 2017
FlipTop - Zero Hour vs BLKD
BLKD
'Tong si Zero Hour, real old rapper. Ugat-ugat na palasumbat, talagang emo nagger. Napagkakamalang malakas kasi ang deep voice, loud. Lasing na Baron Geisler ka lang, ako 'pag nagbeast mode, Hound. Kaya naman tuluy-tuloy kahit na medyo nawawala dahil itong si Zero Hour, katapat ko na nabigla. Ako'y tumatalo ng armado, parang People Power. Ikaw, hanggang salita ka lang, parang keyboard gangster. Gusto mong maging batas? Ako ang veto power.
Round 2
BLKD
Isa lang ang sasagutin ko sa napakahaba mong binato. Tatanggalin mo yung mata ko kasi ipapalit mo diyan sa isa mo.
Round 3
BLKD
Hindi ako jobless, full-time artist ako ngayon. Ayoko kasing maging katulad mo, alipin ng mga kapitalistang Hapon. Ikaw, binabarat para magsilbi sa Honda. Ako, sinusuwelduhan para magsindi ng honda.
Ako na nga ang dumayo, ikaw pa ang nasindak. Mas mahal ako ng Davao, mga bars ko, matingkad. Pinaglaruan ko lang 'tong Zero, meanings na baliktad. Kasi hindi ka na nga pumuntos, hindi ka pa rin love.
immortalized na. Baka sa demo ko pa lang, demolished ka na, demoralized pa.
October 19, 2017
Paggamit ng NG at NANG sa Filipino
August 8, 2017
In Response to Na-‘Kita Kita’ (I Saw You)
Hindi na nga nirape ni Tonyo, nagagalit pa rin kayo. Si Lea nga yung humalik kay Tonyo nung tipsy na sila eh. At anong vulnerable vulnerable? Taking advantage taking advantage? Kadalasan kasi, inaasahan nang maging masama ang lahat ng tao. Parang napakaimposible na para sa lahat na may mababait pa ring tao.
Sobrang pilit nung pagkakasulat, halatang nanood lang para makapagpost sa social media, or sa dyaryo. Hahaha. Nakakatrigger. Hindi dapat ako magpopost eh. Sigh.
Malay ko ba kung naintindihan nila/ninyo yung film or hindi?
Gaano ba kastalker si Tonyo? Una niyang nakita si Lea sa isang selfie, at una niya itong sinundan nang lasing. Again, with no other rapey suggestions, at dahil cute lang si Lea. Yun lang yun eh. Masyado niyong iminumudmod na masama yung intention ng lahat ng taong gusto lang naman makakita ng maganda.
Parang ang dali kasing basagin, kasi hindi naman niya nirape. Tapos sasabihin niyo, "Well, may possibility na reypin niya si Lea," eh hindi niya nga nirape.
Going back...
Gaano kamanipulative si Tonyo? Eh tignan mo 'to. Parang ansama pa rin ni Tonyo, my god. Siguro kung ganun lang talaga yung angle mo eh hay nako; inalala ni Tonyo na inalagaan siya somehow ng babaeng sinundan niya, at ang babae pa mismong ito ang nagsabi sa kanyang bumangon, literally at figuratively.
Tingin ko, for me, ang sa akin lang naman, in my opinion, sana maalala natin yung utang na loob. May utang na loob si Tonyo kay Lea. Gusto niyang suklian iyon sa pagbigay rin ng pagkain. Pero then again, nain love pa rin siya kay Lea.
Malay niyo ba? Nakahanap pa rin ng kaibigan si Lea. At hindi naman siya nirape ni Tonyo. Pinagmamaktol ng mga budhi ninyo?
Kung hindi naman kumportable si Lea, pinaalis niya na si Tonyo. And seeing how kind Tonyo is, susundin niya naman agad si Lea. At napatunayan naman iyon sa isang eksena sa pelikula kung saan huling araw na sana ng pagbigay ng pagkain ni Tonyo.
The film was supposed to make you feel good about love, about yourself, and how you value your time with important persons in your life.
Dun ko siguro sisimulan sa batang babaeng kausap ni Lea tungkol sa oras. At kung paanong hindi na maaari pang pabalikin ang oras.
Okay na yun, kung 'di mo maalala, panoorin mo ulit pero huwag mong ijudge si Tonyo tulad nung mga hater nung film eww.
Tapos yung unang nameet ni Lea si Nobu. Meron silang sequence ng events para sa gabing iyon. Bumalik si Lea para sa gabing iyon, siya lang yung pusong may saging.
Pinilit niyang ulitin yung sequence ng events with Saging.
Next point: Nakapasok na si Lea sa tinuluyan ni Tonyo. Doon niya na nakita lahat ng bagay na nakapagpaalala sa kanya kay Tonyo. Mahirap lang yung execution no'n kasi kung perspective lang ni Lea yung ipapakita, puro audio lang yun wew madilim. Sa bawat nakikita niyang mga bagay sa kuwarto, mayroon siyang naaalala.
At nung dumungaw siya sa bintana, kaunti na lang eh tumilaok na rin siya't sumigaw ng, "Kabayan!"
Huli: Binalikan ni Lea lahat ng lugar na pinuntahan nila ni Tonyo.
Magpipiring siya sa tuwing makakarating sa mga lugar na iyon. Tulad nung ginawa niya with Saging to fill the void of Nobu. Now she's filling the void of Tonyo.
Hanggang pag-alala na lamang tayong lahat, tulad ni Lea. Sinabi na rin ni Tonyo na saka lang din makikita yung kahalagahan ng ibang bagay/tao kapag wala na sila.
Hanggang pag-alala na lang tayong masasamâ lahat ng tao. Ni hindi niyo man lang pinagbigyan yung pelikula na mapanood nang maayos.
April 19, 2017
Of Firsts
April 18, 2017
Igitlab
Hindi ako makapapayag
Sa pagtapos ng takip sa rilim
Muli na naman ang pagmatyag
Mamaya't haharang
Huhuni, hihingi, hihiyaw
Hihiya, hihinto, hihimlay
Hihikab, hihiling, hihintay
Lubay na kumakapit
Saplot ko'y inuunti-unti
Bisa'y tuluyang mamamaalam
Aking babatiin, ikaw, at muli't muli
Aking kay pait na paghalina
Sa aking mga walang'yang titig
Ikaw at ikaw lamang din ang may sala
April 1, 2017
Nol
Ang siyang kasiyahang inabangan ko rin namang mamaluktot
Matagal akong nagmasid, natulala, sabay iiling
Gabi-gabing makikipagbiruan sa sarili
Ligaya't ligalig ng sinag ng buwan
Tanging katuwang sa pangyari ng hungkag
Inako ko nang maaga
Ang pag-iwas sa katalagahang
May tinik nga pala
Ang kahit kay rikit nang rosas
Pumayak lamang sa umpisa
Ngunit sa huli'y
Ako na lamang
Muli
Ang gabi-gabing nakikipagbiruan sa sarili
March 25, 2017
100 Cigarettes - VII
Nauna akong nagising kinaumagahan at nauna na rin akong kumain. Nagising ka rin naman agad matapos kong makapag-almusal at agad-agad pumatong sa akin. Itinuro ko sa bag ang ilan pang natirang adya at sabik-paatras ka namang pumayag at suotan ako. Nagsindi ka ng panibagong load, saka inihanda ang sarili sa akin namang, well, load.
Madalas kong mamiss yung mga ganitong umaga natin.
Gutom pa rin ako. Nauna na akong naligo sa ’yo dahil mukhang pagod ka pa. Pagkatapos kong makapaglinis ay dumiretso ako sa isang kaha ng yosi at laptop. Lumabas ka na rin para maligo. Dumaan lamang ang ilang saglit ng paglipad ng utak ko sa internet at katiting na luntian e nakabalik ka na rin kaagad sa kuwarto. Habang ika’y nagbibihis, sinabi kong mag-almusal muna tayo sa Sinangag Station.
Pagbaba, pansin kong medyo lampas tayo sa inaasahan nilang pagcheck out natin pero hindi naman tayo pinatungan ng bayad. Hindi ko alam kung dahil madalas na nila tayong kliyente o may grace period na isang oras, kung sakaling may hangover pa sa kagabi ang mga nagcheck in. Ang hindi naman nila alam e sabog pa tayong dalawa.
Dumiretso na tayo sa Sinangag Station at umorder na ng almusal. Saka ko lamang tinext si Jose na nasa Quezon City na tayo. Saka ko lamang din tinanong kung anong oras yung tugtog nila sa Ayala Museum mamayang gabi. At saka ko lang din tinext si Nanay kung bakit niya ako hinahanap kagabi. Sinabi ko kaagad na nag-almusal lang ako sa Maginhawa at maya-maya’y tatawag ako sa opisina niya para magkuwento, ng siyempreng tungkol sa aking thesis.
Mayroon ka namang hindi maunawaang linya ni Loonie tungkol sa barya. Hindi ko makuha masyado dahil sabog pa yata ako simula kagabi o may nasinghot ako sa hinithit mo kanina. Favorite mo yatang naliligo nang sabog. Mabuti na lamang at umorder ako ng sariling kape ngunit naramdaman kong kailangan ko pang magising talaga. Humingi ako kina Ate Sinangag Station ng asukal at nag-abot naman sila sa akin ng isang maliit na mala-vial na tasa. Ewan ko ba. Sabog pa ako eh. Inamoy ko muna kung suka ba iyon para sa ulam ko/mo. Tinikman ko gamit ang tinidor. Matamis. Baka ito yung asukal. Sumigaw ako ng, “Ito po ba yung asu-,” pero nagmukhang walang sasagot sa akin. Bahala na. Binuhos ko lahat sa tasa ko. Lalo namang tumamis. Edi okay.
Sumagot na rin si Jose na mga alas said pa ang kanilang tugtog ngunit may kailangan pa siyang ipaliwanag sa akin pagdating ko ng UP. Tinanong kita kung anong oras mong balak umuwi at sinabi mong okay pa namang gabihin ka. Hindi ko pa rin sigurado, kahit na ganoon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo kundi matagal mong hindi nakausap sa cellphone ang iyong mga magulang at baka lalo ka pa nilang pagalitan. Mukha ka namang kampante sa iyong mga ngiti. O nainlove lang ulit ako sa iyo.
Pagkaubos ng pagkai’y nakapagyosi na mula sa natitira sa kahang iniwan na natin sa lamesa. Sumakay na tayo kaagad ng tricycle dahil mainit at wala pa ako sa mood maglakad tungo sa sakayan ng Ikot.
~
Pagdating ng Ikot sa tapat ng Sunken, saka ko lamang naramdamang nasa UP nang muli tayo. Marami na ulit mga papansing nagsasaluhan ng frisbee at feeling na pumapayat sa Acad Oval. Wala na rin akong pakialam sa kanila dahil gusto ko nang isampal kay Jose yung unan natin ng wee-, putang ina yung pipe nga pala!
Dumating na tayo sa 108 agad at kinamayan ko na si Jose. Kinuwentuhan saglit saka mo sinampal yung unan natin ng luntian. Ibinalita naman ni Jose na puwedeng makahanap ng pipa sa bazaar na malapit sa Ilang-ilang.
Pumasok muna akong saglit sa bahay para makausap yung Nanay ko nang makapagpaalam at makahingi na rin ng perang pambili ng ticket para suportahan ang paskong soundtrip ng mga kakulektibo ni Jomil Supot. Ipinaliwanag ko na ring palusot na naubos yung pera ko kasi nga nagcelebrate ako masyado at nanlibre ako dahil naprint na lahat-lahat ng thesis ko. Tapos mahal talaga yung concert nina Jose. Pero okay lang naman.
Pinapunta naman ni Jose si Mitzi. Hindi sila makapagsasabay tungong Ayala Museum. Mayroon pa kasi siyang klase. Ninais ni Jose na sumabay na lamang sa atin si Mitzi. Ipinaliwanag kong magkita na lamang kami sa may Ayala station ng MRT dahil naramdaman kong kaya namang puntahan iyon ng girlfriend niya dahil malapit lang sa kanilang paaralan ang LRT 2.
Napagkasunduan na ang lahat ng plano at iniabot ko na rin ang lenguang mga pasalubong. Pinaiwan mo na muna sa aking kuwarto ang ilan sa iyong mga gamit bago tayong nagpunta sa bazaar para maghanap ng pipa. Sinuyod na natin lahat ng tindahan ngunit wala pa rin tayong nakita. Sa may bandang dulong stall ay may nakilala kang kapatid mo at nagkamayan naman kayo. Sa kalagitnaan ng ating ikalawa/huli sanang suyod ay naisipan kong ipatanong sa brod mo kung alam niya kung sa’n banda makakabili ng hithitan. Madaling pumayag yung brod mo at dinala tayo sa isang stall na sarado pa. Sayang. Gabi pa magbubukas ang tangi sigurong tagapagligtas na tindahan at mangilang oras pang pangangatal ni pareng Jose.
Nagbalik na agad tayo sa mansyon at nagsoundtrip/yosi/kuwentuhan na lamang hanggang sa pagpatak ng takdang oras para sumakay na ng jeep tungong MRT station. Nakailang mga awit at gaguhan din tayong may masasarap na tawanan at ilang mga nakaw na halik at yakap, at sa wakas, dinatnan na rin tayo ng oras para sumakay papuntang sakayan ng tren.
Wala muna masyadong nag-usap sa pampasahero ngunit may mababakas pa ring tila nais ilabas na mga kung ano. Hindi ko maiwasang tingnan ka nang paulit-ulit at pagmasdan ka sa tuwing hindi nakabaling ang atensyon mo sa akin. Iniisip ko kung ako ba yung iniisip mo. Kakapalan man ng mukha pero masayang isiping sa bawat oras na lumilipas e hindi mo sinasadyang isama ako sa iyong mga panaginip at pansariling mga pangarap. Araw-araw tayong bumubuo ng ating mga alaala para lang sa tuwing may mga puwang at kakulangan, madalas, mayroon tayong paghuhugutan. Kaya lamang, kadalasan din ang hindi sinasadyang paglimot o pagpapaulit ng ayaw asahan.
Naghuling yosi na muna tayo pagbaba ng jeep at napag-usapan ang tungkol sa datingan ng mga bullshitan nating thesis. Naniniwala na siguro akong pinaparating mo halfway na lampas kalahati ng mga undergraduate thesis e kalokohan lamang. Hindi naman ako naoffend kasi ako lang naman din ang nag-isip no’n. At medyo nang-ulol lang naman talaga ako sa thesis ko.
Pumasok na tayo sa mall pagkapaalam sa huli na munang nikotina. Lumusot, umakyat nang ilang palapag, at naglakad pang ulit. Wala pa ring binatbat sa mga dinaanan natin sa Baguio. Wala pa ring binatbat magpahanggang sa ngayon ang lahat-lahat ng mga sumunod pang nangyari sa mga nagdaan sa Baguio. Pilit ko mang iwanan, mahirap ding makalimot sa tuwing dadalawin ako ng ginaw o aakyat/bababa. Naikintal na rin siguro sa akin yung pag-akyat at pagbaba e legit na lamang sa Baguio. Pero kagaguhan ko lang iyon.
May kaunti ring kagaguhang naganap pa sa ilang madaraanang paskil habang nakasakay tayo sa dumadagundong nang tren. Tayo lang ang may lakas ng loob mag-usap at magtawanan sa loob, at gusto ko yung pakiramdam na hanggang ngayon, wala pa rin tayong pakialam sa kanila, sa paligid, sa mundo. Tayo lang ang mundo natin. Ikaw at ako.
Walang makakaunawa sa atin. Tayo lang. Kahit sabihin natin/nila na alam nila/natin, e wala pa rin talagang katiyakan. Iba pa rin ang samyo kapag alam mo kung kailan, alam mo kung paano, gaano at ano. Kahit mata lang natin ang magtinginan, ating mga labing nangungusapan/sabik mangusap muli, mga braso/kamay na hindi pinipilit.
Maya-maya’y nakababa na tayo sa Ayala station at nagtungo na sa KFC. Medyo gutom na ako at atat na rin sa paghihintay. Naramdaman ko naman kaagad na ililibre rin tayo ni Nanay ng kain pero lecheng makatakam madalas ang amoy ng fast food. Umorder na muna ako ng isang meal, yung may mashed, cheese, mais, at manok. Famous daw siya, malay ko rin.
Pagbalik ko sa ating lamesa, tinext ko na rin si Mtizi na naghihintay na tayo, pero hindi naman tayo galit. Nakatanggap naman ako ng reply mula sa kanya nang maubos ko ang aking inorder. Malapit na raw. Napagdesisyunan kong lumabas na para baka sakaling maligaw si Mitzi e tayo rin ang kabagsakan.
Hindi ko masyadong makita yung mga taong nagsisipasukan. Sobrang sikip na nga pala sa station nang ganitong mga oras. Maya’t maya akong tumitingkayad at baka sakaling makawayan ko siya. Hindi rin masyadong nagtagal at nagkawayan na rin tayong tatlo. Inanunsyohan ko kayong dalawa na sundan niyo lamang ako at magtiwala sa akin. Wala namang mga bangin sa bahaging daraanan natin sa Ayala.
Pinasok natin ang lampas sa isang mga mall at kinutya ang karamihan sa mga mannequin bago tayo nakarating ng Ayala Museum. Hinatid na natin si Mitzi sa may entrance saka kumaway ng ingat at pagpapasalamat.
Tinext ko na kaagad si Nanay na kararating lamang natin. Nagreply naman kaagad at pinapunta niya tayo sa likod ng kanyang office dahil doon siya maghihintay. Kaso, bago pa man tayo makarating doon e nag-usap at binullshit mo muna for 5 minutes yung papa mo. May mga sinabi ka namang legit, tapos yung iba, pinaimagine mo na lang sa kanya.
Matapos ay sinimulan nang muli ang matinding pause sa nagbabadyang pangunguwestiyon. Nang makita ko si Nanay’y kinawayan ko na kaagad saka tayo lumapit at nagbless na dalawa. Tinanong niya kung nagugutom tayo at siyempre, umoo ako. Nauna sa ating naglakad si Nanay tungo sa isang kainan habang nagkukuwento ako ng mga kunwaring nangyari sa’kin para sa linggong iyon. Nakarating tayo sa isang restaurant na nagseserve ng napakasarap na bagnet. Inisip ko kaagad na kahit malate tayo sa pilantikan ng mga tropa ni Jose e iinggitin ko siya sa pakain ni Nanay.
And as usual, tinuloy ko pa rin yung pagpapaimagine din kay Nanay habang ipinapakita yung kaisang hardbound na nauwi ko. Sinabi niyang babasahin niya raw iyon pagdating sa bahay. May mangilan pang tanungan tungkol sa iyong kurso at pekeng pangarap ko sa buhay na makapagsulat talaga.
Tapos na rin sa wakas at busog na tayo. Nakapuslit pa ako ng iilang laman mula sa iyong pinggan dahil napusuan ko rin namang madali kang mabusog. Iniabot na ni Nanay ang pambili ng ticket na pauso lang ng orkestra ni Jomil Supot para kunwari astig at may paggagamitan o kaya’y donation. Pero siyempre nagbibiro lamang ako. Wala munang umpugan sa gate.
Inihatid na tayo ni Nanay sa entrance ng museo at sinabi kong kinabukasan na ako uuwi dahil ihahatid pa nga kita kunwari. Tsaka dahil gabi na rin, na as if makapagdudulot ng difference. Matapos makapagbayad at pagpasok, una kong hinanap si Jose. Halata namang tapos na yung first act dahil panay rin naman ako silip sa aking relo habang ngumangasab ng baboy. Ngayun-ngayon ko lang din naisip yung kagaguhang bakit hindi na lang kalahati ng presyo yung binenta sa atin, tutal, kalahati na lang din naman ng performance yung maaabutan.
Wala nang pakialam ulit yung mundo sa kabullshitan ko. Nagpakita na rin si Jose Periwinkle. Bati, kamay, na parang hindi nagkita kaninang hapon. Hindi pa nakatugtog kaagad sina Jose kahit na matagal silang pinaupo sa harap. At least sila, nakaupo. Kaso, pinili ko lang din namang tumayo, at gaya-gaya ka naman. Magdamagan lamang tayong magkayakap habang inaasar ang mga taong nagtatanghal. Ikaw lamang ang aking tanghal, wala nang iba. Sana’y napalitan na yung mga karanasan mo sa bawat badtrip na Christmas song na napakinggan/mapakikinggan mo. Tanging mga puso lang natin ang nag-indakan sa loob, kahit na galit sa atin at walang pakialam ang musika. Sino ba sila para magpaalala.
Natapos na ang mga tugtugan at uyam. Hindi sana tayo/ako pinansin/napansin. Paglabas, nagyosi na tayo kaagad. Ngatal na rin siguro nang sagad simula noong unang makita si Nanay. Maya-maya’y lumabas na rin si Jose at tinanong kung saan natin gustong kumain. Ikinuwento ko naman kaagad yung masarap na inggit. Napayosi na lang yung supot.
Hindi ko sila makabisang dalawa pero ang alam ko, sa umpisa ng ating paglalakad, pagkalaglag ng huling stick e may isa sa kanilang nais kumain, dinner siguro o merienda. Basta ang alam ko, may kakain, si Mitzi siguro, dahil minsan, kuripot si Jose sa sarili niya. Bigla na lamang nagbago ang isip na dumiretso na tayo ng uwi dahil gabi na. Pinapili ko kayong lahat kung gusto niyong magbus o tren. Inemphasize kong mas hassle yung tren pero mas mabilis.
Edi nagbus nga tayo.
Ngayon ay may hindi tayo pagkakaintindihan dahil hindi ko mabasa kung galit ka ba sa akin. Hindi ko naman kasi tantyado ang bagal ng daloy ng mga sasakyan ngunit malakas ko ring ininsist na magbus tayo kaya panay siguro ang atat mo sa cellphone at nagpapanic na ako sa sasaluhin kong galit mula sa ’yo. Ayokong matapos nang ganito yung huling gabi nating panamantala kung kaya’t nagsorry ako nang maraming-marami pagbaba natin sa Sentral. Sinabi mong okay ka naman na at ipinaliwanag kung bakit medyo nanahimik ka sa kahabaan ng alingawngaw.
Pagdating sa 108, tumambad ang mga nag-iinuman sa tapat. Okay lang din naman, hindi ganoon kahassle. Umakyat na akong muli sa aking kuwarto para kunin ang mga pinaiwan mong mga gamit. Inayos at naghati na rin tayo sa gabimpo na luntian. Pagbaba ko’y hindi kita nakita sa kusina kung saan kita huling iniwan. Madali akong naglakad sa zen garden at doon kita nakita, niyakap, at naramdaman kong unti-unti ka nang malalayo talaga sa akin.
Nagpaalam na muna tayo kay Jose at nang maihatid na kita.
Mabagal. Hindi ko alam kung bakit. Sumasabay ang liwanag ng buwan sa bawat makapigil na hakbang na binibitawan natin papalapit sa hanggan. Tiningnan kita, malayo ang tingin mo ngunit napalingat ka rin sa akin. Ang ganda mo. Inabot ko na ang iyong kamay at inibig na huwag na masyado pang tulinan ang paglakad. Sana’y nasiraan na lang yung bus kanina. Sana, kumain na lang muna si Mitzi. Sana tatlo hanggang madaling araw pa yung tugtugan. Sana, sa atin na lang ang oras.
Walang ni isa sa atin ngayon ang may kakayahang masunod. Huling tapak na bago ka tumawid at sumakay ng bus. Ayoko ng ganitong pakiramdam kahit na tatlong araw na nating pilit na kinakalimutan. Alam nating sa isa’t isa lamang tayo tutuon ng pansin ngunit isa’t isa lang din ang siyang dahilan ng ating pagkarupok.
Yumakap ako nang mahigpit sa ’yo, sinabing iniibig kita. Hinalikan kang matagal sa labi, at inulit ang pagsintang lumanay. Lalong humigpit ang ating mga yakap. Humalik ka sa aking pisngi, gayun din naman ako. Pumiglas ang yakap.
Nagkatitigan tayo. Namamaalam sa isa’t isa ang ating mga mata. Hinila kitang muli para sa isa pang yakap. Dumampi ang aking labi sa iyong noo, habang humihigpit ang iyong yakap. Hinigpitan ko rin ang akin. Nagbalik ako sa iyong pisngi, sa iyong noo, kahit pa sa iyong mga mata. Nagbalik tayong mas matagal sa labi.
Muling piglas.
Bawat pagbalik, lalong tumatagal. Hinihingi ka na ng buwan sa akin. Wala nang pakialam muli ang mundo sa atin. Matagal nating pinilit na tayo dapat ang walang pakialam sa kanya ngunit bawat higpit at pisil ay nagbabadya na ng paubos na nating lakas ngunit hindi kailanmang mag-aapaw na kakuntentuhan sa isa’t isa. Piglas.
Nagkatitigan tayong muli. Putang ina, haha, mukhang kailangan na talaga. Tumawid ka na sa kabila at naghintay ng bus. Minabuti kong hintayin kang makasakay dahil ayaw ko pang magpaawat. Gusto pa kitang nakikita, kahit likod mo na lamang. Maya-maya’y lumingon ka, at nakailang bus din ang lumampas sa iyo. Bumalik ka sa akin, please.
At bumalik ka sa akin. Huling yakap, huling mga ngiting mapapait. Huling halik. Huli na talaga, sa ngayon.