Saan nga ba huling naipatong yung kuwaderno nating dalawa? Ngayon ko lamang siyang muling naalala. Ang tagal na noon ah? Marami-rami rin akong ibinakat na mga sipa ng ula't kubo roon. Nais ko sana siyang makitang muli, tulad ng napipinto kong pagbabalik sa lahat ng aking iminarka sa mapa ng kababawan.
Nakakainis at mukhang malabo nang luminaw ang lahat sa aking kitid. Malubhang malalim na't hindi na siguro kaya pang maibalik. Hinahanap ko rin yung malakas magpahanging manggas ng kapalaran. Hindi na rin iyon naibalik sa akin. Ipinapasilay ko lamang iyon sa tuwing aapuhap ang aya ng gantso at paghiga sa malamig na kalye.
Yung mga itinuring din sa iyo, naglaho na lamang na parang nilipat na malay. Hindi ko mapapansin hangga't walang sisimple ng banat. Maya-maya'y hindi na lamang iyon ang aking inaalala't hinihintay.
Mangyaring hindi ako marunong magpaalam sa mga bagay na walang pangalan. Kailan ba ako huling nakipagkaibigan? Hindi naman iyon madaling maisip para sa akin. Ako ma'y mahirap ding unawain, dalhin, at maalala. Kung sakali mang mawala ako sa isip ng bawat isa, sapat nang naipatong nang malabo ang aking pagturing na mamaalam.
February 6, 2019
February 5, 2019
Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi lang ikaw ang makikita ko. Mag-isa lang ako madalas kahit marami akong kasama. Kung ano yung pilit kong hinahanap, siyang hindi ko nakikita / makikita. Susubukan mo akong tanggapin hanggang sa iniisip mong nahihirapan ka na. Marami kang susubukan, at susubukan mo ako. Namamalayan mong nawawalan na lang ako lagi ng malay.
Hindi mo ako mamahalin kasi, madalas akong antukin at malingat. Totoo lahat ng sinasabi ko, at madalas kang maaasar. Pipilitin mo akong unawain sa gayak na hindi ko maipapaliwanag pa ang sarili ko. Wala akong panahon sa sarili ko, susubukan kong magkaroon ng panahon sa'yo, yun ay kung hindi ka malilingat at antuking kasabay ko.
Tahimik lamang akong magpaparamdam. Hindi mo ako mararamdaman, pero narito lamang ako. Susubukan mo akong mahalin tulad ng pagsubok na unawain ka sa mundong kaya kong mahalin. Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi mo alam kung saan ako tutungo. Kung saan man tayo dalhin ng yapak, mata ko na lamang ang bahala roon.
Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi ko pa nalalamang mahalin ang sarili ko. Kaya kong isulat ang hindi mahahalaga sa kuwaderno, o maalala ang hindi mo kailangan. Narito lamang ako para magpaalala sa iyo na isa lamang akong saklolong kay daling bitawan.
Pipilitin mo akong mahalin ngunit, hindi ako mapipilitan.

February 4, 2019
Hinahabol mo na naman ba ako? Wala ka naman kanina. Kaninang mag-isa ako't inaabangan ka kung sasalimuyak sa aking pagpapakapighati. Sinusundan mo ba ako dahil hinahanap kita ngayon? O nandiyan ka lang para mang-asar? Hindi ko alam kung magagalit ako nang todo sa'yo kasi hindi na kita kailangan ngayon, o kinikilala mo ngayon akong totoo kung kaya't hanggang susubukan ko na lamang ang lahat.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan din ako ng mga mapanlibak na paborito ng hanggang ngiti lamang ako bale. Sabay kaming magpausok noon, at pilit naming pinahihintulutang pagbawalan ang isa't isa. Tatanungin niya ako kung kumain na ba ako, sabay hithit, tapos buga. Hihithit din ako sabay turing na putang ina naman, bakit ganito na naman ako. Pinsan mo lang yata yung naroon kung kaya't may kung anong pag-akap sa dilim ang nakikikislap sa pabating binyahang aginaldo.
Gusto kita, totoo iyon, at hindi sa lahat ng iyong aspeto. Naging palagi na kitang paborito dahil iisa lamang na minsan. Minsan kang nagpatikas ng timpla, sa ihip ng pamamaalam sa tunay nang may akibat ng lamigang asubiyo. Dumagdag nang humalo ang lahat hanggang sa hindi ko na mapigilan pang ngumiti't may pagsilip pa ng luha.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan lamang din kita't sinalubong ng putang ina mo, sapagkat hindi naman kita iiwan.

February 3, 2019
Ang laki na naman ng kunwaring problema ko. Pakiramdam ko, dala-dala ko na naman ang buong mundo. Ako na naman ang mundo ko. Sarili ko na lamang ang may pakialam ako. Sa pag-iisip kung bakit ba sisirkulo ang lupa sa aking mga pagyakap, kahit paulit-ulit pa akong magpakamatay, siyang kailangan kong magpakatatag tungo sa bagong ako matapos kong tanggapin ang aking tunay na pagkakamali.
Sasakay akong may kunwaring galit sa kahelang rosas. Santo man o may dala-ralang mani, kakagyat akong kaunti kung maaari pa ba akong bumakya ng dalawampung malamig. Iisipin ko pa kung kakailanganin ko bang mamitas din ng kaalatang usbong, o bahala na dahil mukhang nag-aabang na rin ang dilim na hindi ko sigurado kung kaibigan ko ba o minsan lamang.
At iyon na nga, sasabay na ang kunwaring lungkot sa pagdilim ng kalangitan. Babanat na ako mula sa buhol ng pagmamadali, at mapagtatanto kong babagal nang muli ang bawat sandali. Unti-unti kong ibababa ang bintana, paminsa'y hindi ako ang nasusunod. Kikilitan ko pa ang bawat sulok hanggang sa maintindihang galit na naman sa akin ang mundo. Isasaksak ko na lamang ang pamaligirang paraiso hanggang sa kumagat na ang pagmamahal ko sa mundong ayaw ko.
Tilamsikang hindi sadya, malalaman kong alam kong kunwari lamang ang mga problema ko. Hindi naman ako nabuhay para tutukan ang mga bagay na ayaw ako at ayaw ko. Aanyaya sa aking talinga ang himyos ng kahapong paulit-ulit kong inaabangan. Magugulat na lamang ako't alam ko pa rin pala lahat. Mauunawaan kong kunwari lamang ang aking mga galit, dahil kung saan pa man, kunwari lang din naman ako sa mundong ayaw ako.

February 2, 2019
Nalulubhaan na naman ako sa kakuparan ng mga putang hibla. Ganito na naman, sa tuwing raratrat na ng mga kalabit at tapik, makausap ka lamang muli, makita, maisama sa mga danas, sa mga danas ngayong gabi -
ngayong gabi ng aking pula.
Siyempre, kasama ang pinagkakamalang kapit sa kamang simpares. Hindi na iyon mawawala. Para bang hihilahin ako pabalik matapos sumulpot nang inaasahan din naman. Mayroong dalawang nakisama pa na ngayon ay aywan ko na lamang kung gumagana pa ang patintang tumpik sa kanilang mga sipa.
At ikaw, ikaw na siyang nais parati, sa araw-araw na paghingi ko, hindi ko minsang hinangad na magkakamali ako sa aking bawat kumpas, bawat pawis ng pasensya, at pagtulo ng huwag naman sana.
Hindi sigurado sa kung paanong iihip ang lahat. Wala ring nakakikita sa dulo ng magiging kahapon. Kapuwa lamang ang lahat sa pagbatid at bati ng pula, kulang sa rekadong pampalubag-hangin ngunit sakto pa rin sa himagsik ng pagtatago.
Nasa ibang pook ang aking mga kagisnan kung kaya't anong libre itong paraisong iniwan para sa akin, para sa atin, sana. Maya't maya akong lilingon ngunit hindi naghahanap ng tiyempo. Bawat ngiti'y kabang sisipa na lamang. Bawat imik ay hindi pinalalampas subalit kinakailangan pa rin umastang salbahe.
Inisip kong mauubos din ang mga mitsa ng alaala, at gugulong din ang mga tala. Tayu-tayong taal na lamang na muling lalaban sa mga iisang aso ang siyang iniwan nang makipagtagisan pa sa isa pa nga ba. Unti-unti kang napapahimlay, nagyayang mamahinga. Sinasalo ko lamang lahat ng iyong mga ngiting kay hirap iwasan. Sa bawat pekeng lambing na iniipon ng aking tiyan, nawa'y nakakislap ka man lang kahit kaunting pagpapaano kung.
Humina ang iyong sisidlan, at huminga ako nang malalim. Humingi ako ng paumanhin, at humingi sa iyo ng pasubali. Maya-maya'y isa-isa nang nag-ugnayan ang magkakalayong mag-anak, kanya-kanyang nagbatian, at mahigpit nang nagbukluran sa isa't isa.
Ito ang pag-ibig, turing ko sa ating pagsasarili. Hindi man ako sigurado kung uminit sa iyong kalam, marapat lamang na iyong malaman, kung nakikilala mo pa ba tayo, na minsan ding ang lahat na naging ito, ito, itong-ito, ito ay hindi naging hindi pag-ibig.

February 1, 2019
Hindi ko pa rin naman talaga alam. Sa akin na lang (muna) ang ating mga alaala. Ako (lang naman yata) ang may gustong alagaan sila. Silang mga nagsisitulo, hanggang sa pumatak, hanggang sa kumagat ang puti sa itim, at hindi iyon simpleng pagkurap lamang sa mga tala bago magwalang hiyang humimlay.
Ni pagpikit, hindi makapipigil. Beef stew at seafood kung mananaginip. Sarili ang mag-aanyaya. Kung kailangan mang ipihit pabalik ang lurantik, hindi na rin nararapat pang kabahan pa kung mayroong maiinip.
Sila ang itatago matapos mapakawalan. Mangyaring sila't sila lamang ang tanging mga dahilan kung bakit paulit-ulit akong magsisimula, pabalik-balik na magsisindi, at hindi na magpapaawat pa kahit kailan na putahin ang hindi. Ko. Alam. Silang mga pinakapaborito. Sila ring mga minsan at kadalasang ikinakahiya.
Kaya, akin na lang muna sila. Ako na ang magtatago, at ako na ang magtatago. Ako na ang mag-aalaga, kakausap, uunawa, magbibigay-halaga. Ako na ang magbabalik sapagkat ako lamang din ang inasahang hihintayin. Ako na lamang ang makakikilala sa kanila, at sila na lamang ang makakikilala sa akin.

January 31, 2019
Sa tingin ko lang, naman, mamumusilak lamang ang ibang sarili, sa tuwing sisiya ang paghingi ng pagkakataon. Doon lamang din talagang matatagpuan ang buong akalang singkamit na hinihintay. Asam ang nagtulak, asam din ang patagang sisisihin. Ang punla'y bahala na. Itutulak na lang sapagkat naninismis ang katanungan. Wari'y tunggali ng takot at tapang, tagis ng bakit sa huwag, pamamaalam nang may bahid ng kipot.
Lagusan ito ng panibagong sariling dilimang iginuhit. Matutuloy ito, walang humingi nang may hinihingi. Mamatang saglit sa dilag, walang pakialam kung may magbabadyang aako sa mga mababasag at mamamantsahan. Puntuhang mabubuhay nang hindi nangangailangn ng sikat at sinag. Magpapakilala ang siyang mga nararapat.
Tutupdi at kakalma ang mga tambol. Mananatili lamang ang (mga) nagkusa. Dahan-dahang susulpik-siphayo ang goma, hihingi ng paumanhin. Mayroong titimbang ng gaan, sa may bandang paglingon. Araw-araw na magpapaalalang iisa at iisa ang babalik-balikan.

January 30, 2019
Ang tahimik ng ngiti mo noong oras na iyon. May saglit ka pang pagkismet sa iyong mga labi. Nag-aabang lamang ako sa iyong mga mata. Sana huwag kang tumingin sa akin. Sana'y magkasalubong lamang tayo ng mga paningin.
Hindi ko magawang hindi kabahan. Nais kong pasukin ang iyong isipan. Nais kong malaman lahat ng iyong gusto, lahat ng iyong mga ayaw. Ano ba ang paborito mong pagkain? Marunong ka bang magluto? Marunong ka bang maglaba? Mamlantsa? Kaya mo bang lutuin ang paborito mong ulam? Bakit 'yan yung pangalan mo? Isa lang talaga yung pangalan mo? Ilan kayong magkakapatid? Pang-ilan ka? Kailan ka ba nagsimulang magyosi? Umiinom ka rin ba? Bakit hindi na? Kailan yung huli mong inom? Anu-anong pangalan ng mga kapatid mo? Nakikinig ka ba sa OPM? Anu-anong pinapakinggan mo? Sinong kasama mo noong nanood ka ng concert? Umiyak ka ba noong napanood mo sila? Buhay pa ba sila? Bakit nandito ka pa? Sinong paborito mong member? Anong instrumento ang kaya mong tugtugin? Ano yung paborito mong kanta sa kanila? May yosi ka pa? Nainlab ka na ba? Bakit nandito ka pa rin?
Goosebumps. Matagal pa bago ko ito maipapaliwanag nang husto. Kiligin na lamang muna ako sa bawat silip ng ngiti sa iyong mga labi na ako lang ang may sala. Sa bawat tulak at hampas mo sa aking hindi magiging mga sala. Ang iyong paghithit sa pagitan ng atin at iyong bawat tuwa nga't hindi sapilitan, panibagong alay ng panahon mula sa akin.

January 29, 2019
Amoy chico na (naman) ako. Katatapos lamang mamula ng kalangitan. Hindi pa rin bale. Ikaw pa rin ang bahala sa kilirang haraya.
Nakasakay (na naman) ako sa sasakyang hanggang ngayon, galit pa rin ang nagbubulsa't bilang bago ay makikipagpagpagang-bakal. Hindi ko na mininsan pang balaking unawain siya. Madali rin naman kasi akong magpapakasasang huwag sanang managinip matapos makapag-agarang suman sa kanya dahil sa kinalimutan ko talagang huwag magdala ng limampiso.
Biglaan (na naman) akong nagising. Katatapos lamang tumulo ng una't huling pilit na pawis. Malapit ko nang maamoy (muli) ang gasolina. Malapit na ring tumakbong-palayo sa prisintong kay sarap balik-balikan. At malapit na ring mag-asal bundok ang isang kapansahing bitbit lagi ng aking bulsa.
Ikaw (lang naman) ang madalas kong abangan sa tuwing sisilip ang liwanag. Wala pa rin.
Umihip na ang tahanang ginaw. Ramdam ko nang pangilang ulit ngunit hinding-hindi ako magsasawa. Mangyaring may mangilan nang nagpaalam sa umaga at hanggang sa muli. Maya-maya'y sinenyasan ko na ang nakatakdang poong may hawak sa aming mga buhay na malapit na rin akong humiwalay.
Sa aking pagpanaog, agad kong sinukat ang aking kaba saka tumapik sa inaabangan ko pa ring liwanag mula sa iyo. Sumenyas ako sa panibagong poon at nagbanggit ng huling pikasan.
Ako'y nalumpuwit na't huminga ng chico. Pumadyak na ang niyunang (na naman) arangkada. May pagbalikwas nang saglit, may bigla akong paghiling na nawa'y 'wag sanang matsambahan ko ang poong may pihitan sa aking mga piitang tinawag din yatang balon noong araw.
Hiniling kong akin na muna, pakiusap, ang gabi. Hindi na ako nag-abiso pang humiling sa niyunang poon. Hindi na rin sa mapang-uyam na keso ng lobo. Biglaan akong inalalayan ng aking sarili na bumalik sa paanyabi ng kuwerdas at kuwero. Pumikit ako't humingi ng himlay.
Madalas kang nasa aking isip. Mangyari't ikaw ang unang pumasok sa aking paglirim. Sumimoy ang ihip ng hangin, tumama't sumigpas sa pagkaway ng mga damo, sa ilalim ng buwan, malumanay akong hindi nag-abang ng kibot.
Ikaw lamang ang nasa aking isip.
Hindi ko na napigilan pang ngumiti. May kung anong pagyakap ang dala ng tulin at poon. Itong sayang ito, sa daling araw na oras, ayaw ko nang magpaatas pa. At sa aking huling luha, alam kong ginigiliw (pa rin) kita.

January 28, 2019
Ilang taon ka nang nag-iisip? Ilang mundo na ang nilakbay mo? Ilang mundo ang kaya mong lakbayin? Ilang mundo ang ayaw mong puntahan? Ilang mundo ang ayaw na ayaw mong puntahan? Eh, yung ayaw mong makita? Ayaw mong makasalamuha? Ayaw mong makisalamuha.
Ikaw ang pumili nito, at ako naman ang siyang kakausap sa iyong tunay / ibang kilanlan. Mabilis silang magtampo, alam ko. Sila lang minsan ang matibay. Minsan naman di'y hindi. Sila lamang ang mayroong mga gusto. Sila ang nagpapakilala sa mga ayaw. Sila ang may kakayanang lumipad. Sila lamang ang may kakayanang tumakas.
Mayroon silang kakayahang pumaslang at lumikha, gawing ipis ang mga paruparo, panatilihing nananalaytay ang likas ng hari, panatilihing sira-ulo ang hindi tugma, payamanin ang mahihirap, paghirapan ang kapayakan, pigilan ang mga karuwagang ragasa, bumantikyas nang siyang tumama na.
Ni hindi kailanman hinangad dito o ng mga ito na tumayog o makisapi. Mangyaring sila ay nagkusa lamang dahil sa simpleng katamaran at / o paglalakbay nang walang pupuntahan talaga kasabay ang kani-kanilang pag-iisip.
Iwan na ang mutyang sala.

January 27, 2019
Inalala mo, napangiti ka. Ambilis nating bitawan ang sagwan, ni hindi pa nga tayo binabagyo ng alon. Ang alam ko, isa lang talaga dapat. Hindi ko naman din tantyado ang mga sasakyan. Napansin ko na lamang na pamikit na ang hari. Nakatutok pa rin ako sa piyano. Hinayaan ko na lamang muna.
Maya-maya, tutukol nang lubot na lubot na pala ako. Sinilip kong muli ang kalagitnaan ng mga terorista. Medyo malinaw na rin nang kaisot. Sinilip din kita. Mukha namang hindi ka pa naiinip. Wala rin naman akong laban sa iyo.
Pumito na ang sa wakas. Nagsimulang pumatak ang punyeta. Nagbukas ako ng talukbong at nagpatatag sa bahala na.
Tinanong ko kung may nais kang sabihin, itanong. Sadyang tinatantya ko kung matatantya mo ba ako. Ngunit tila pumaparang ang baka. Ibinabalik mo lamang sa akin na para bang nabasa mo na ang mga susunod na pahina. Para bang basang-basa mo na ako kahit na pilit ka pa ring nakikisabay. Pero, pareho rin naman tayong walang tama, ni mali. Kapuwang nag-aabang.
Para rin at para bang basang-basa ka na.
Ako ma'y nakanganga pa ring tarantado kahit na alam ko ring hindi naman ako obligadong magpadayon. May kung ano na lamang na palusot na kanina ko pa pinipilit na isipin para lamang pahabain pa ang panahong panay kantyaw na lamang sa akin ang mga tala at tansan. Paulit-ulit na lang tayong naghihimbilugan. Wala namang may gustong magpahuli. Ang laki na yata ng isinasabahala natin sa alak.
Minabuti kong magsindi na lang muna ng yosi.
Muli akong naghintay ng reaksyon mula sa iyo. Wala pa rin gustong magpahuli. Tiningnan ko na ang hiblaan ko ng sinulid. Maya-maya'y dinadalaw na pala tayo ng anyayang pungay, at tagpo ng ginaw at init. Hiningi ko na ang bagay na siyang ngalan din. Saka mo binanggit sa aking tintahan ko na muna't alikabok at agiw na lamang ang namamahay sa makapal na biktima ng mga napintuang gutom, uhaw, at ngatal.
Hindi natin agarang tiningala ang malong ng pakaluntiang banderitas. Ayos lang naman. Sanay na ako sa pagtanggap na may pinakabang pagpasok sa unang lungga kung kaya't gusto ko na rin talagang sagarin ang pagkakataong ito.
Napansin kong sumusuroy ka nang palayukang-tapik, at hindi ko na masasabi pa kung nauunawaan mo pa kaya ang iyong kalsada. Hindi ko na inisip pa nang makailang ulit pa, at hiningi ko nang mahawakan ang iyong mga kamay.

January 26, 2019
Parang luma nga ba muna bago ang salita? Sa aki'y naghahabulan ang dalawa. Paunahan pa nga yata. Minsan, nauuna ang mga salitang gustong magpaayos mula sa pagkakabuhol. Tatawagin nila ako. Hindi sila titigil. Mangangati ang palad ko sa atat. Mamahalin kong muli ang aking sarili. Mamahalin kong muli ang mundo. Dadarag nang pagkatindi ang sanlibong mata saka ako makalilikha ng gusto kong larawan.
Mamahalin ko rin siya. Ako na ang siyang mag-aabang sa pinto, siyang kukuha ng kanyang pasan, at magtitimpla ng kung anumang asukal at kape, o kapote at tsaa. Sabay naming pagmamasdan ang marilusong usok, at 'di ako sadyang mapapaso. Siya'y magtataka, ngunit sasagutin ko lamang siya ng ngiti. Ayaw ko siyang nag-aalala. Ako lamang ang kanyang aalalahanin. Ako lamang ang kanyang maaalala.
Siya na lamang ang gusto kong alalahanin. Siya na lamang ang nais kong makikita. Sisipsip siya sa umpisa. Papanoorin ko lamang siya. Papanoorin lamang namin ang isa't isa, hanggang sa makaubos na kami ng tig-isang tasa. Hindi pa rin natatapos ang sagutan ng aming mga mata. Maraming pagpigil, hanggang sa hindi na niya mapigilan.
Hindi ko siya pipigilan. Abala ko lamang na ililigpit ang aking sarili. Kakalimutan kong muli ang mundo. At kusa na naman akong titigil.

January 25, 2019
Hay, o siya. Hindi naman din masaya ang pagpilit. Ni hindi naman kita kayang hilingin pa sa buwan. Kahit sumumpa pa ako nang ilang ulit sa mga tala ng langit, tanggap ko nang hindi mo na matatapatan pa ang mga saya kong galing sa iyo.
Araw-araw nang hindi magsasabay, magsasalubong. Araw-araw akong mag-aabang, at araw-araw rin tayong uurong. Araw-araw magmumusika, at araw-araw magkakasundo.
At sa mga nalalabi na lamang, araw-araw nang babagal, araw-araw maglalakad hanggang sa araw-araw na akong panay silip sa araw-araw na pagtigil at kahapon, araw-araw, na paghahanap, sa iyo, at ayaw ko pa ring mamaalam. Ay ga. Marahil.

January 24, 2019
Minsan ma'y naluluha ang aking mga titig sa lubhang ganda ng iyong mga pagbalik. Maiilang ako agad, ibabaling kunwari ang atensyon, mapapangiti pa rin sa huli. Lahat naman, mukhang gago kapag kinikilig. Pero wala ring tangang nagpigil ng damdamin.
Minsan na lamang ako matanga sa'yo. Parang ngayon ko lang tunay na hinayaan ang puso ko na samsamin ang bawat pinapakawalan mong saya. Hindi na ako laging kinakabahan. Hindi ko na iniilagan pa ang iyong mga ngiti. Masaya na ako kapag masaya ka.
Ang ganda mo. Hindi ko na itatanong pa kung ilang ulit pa ba ang dapat kong ulitin. Giliw ko, hinding-hindi ako magsasawang ipaalala sa iyo na ikaw ang liwanag sa aking umaga. Ikaw ang simoy sa aking init. Ikaw ang halimuyak sa aking hardin. Ikaw ang tamis ng pag-ibig. Ikaw ang diwa ng buhay.
Walang sumasalo sa akin. Nawa'y wala na rin pang magtangka. Sa bawat malungkot na paalam, mapalad na akong mininsang bigyan mo rin ng halaga.

January 23, 2019
Mata lang naman madalas ang mahalaga. Puwera na lang kung dalubhasang mapagpanggap ka. Mahirap hulaan kapagka ganoon. Kaya madaling mahalata sa telebisyon 'pag hindi marunong umarte.
May mga panahong kaya kitang unawain. Ikaw lang din naman ang nag-aabot ng iyong sarili, kahit na hindi mo sinasadya, at pag-akalang katulad ko ang ibang mga maniking nakasalamuha mo. Sanay rin naman akong magkubli, kumukulay pa rin ang aking mga pisngi.
Parang may kung anong talas sa iyong mga pungay. Takot sa bawat pangikot. Kilig sa mangilang pagbibiro. Gigil sa bawat pagpipigil. Lumbay sa bawat pagkulong ng sarili.
Hindi kita kabisado pero kilala na kita. Pero hanggang doon na lang ako sa kung gaano ko lamang kayang puwersahin ang aking sarili na saluhin ang nakapangingilig mong titig. Hindi ko pa kayang isipin ang panahong nagpapakilala ka na siguro nang lubos sa akin, at pinili ko pa ring ipakausap na muna sa iyo ang ibang ako, ibang pares ng 'di pa rin sinungaling.

January 22, 2019
Gusto ko nang umibig muli. Gusto lang naman. Hindi ako nagmamadali. Hindi rin desperado. Hindi rin ito para sa'yo o kung kanino pa man.
Ito ay para sa hindi na mamamatay pang kilig. Para sa lagi't laging pagbisita ng mga paruparo sa hardin ng mga 'di na malalanta pang bulaklak. Para sa 'di na mauulapan pang pagbati ng araw. Para sa hindi na maitatago pang mga ngiti. Para sa mga halatang walang hiyang maihahayag. Para sa paglayag nang malumanay. Para sa simoy ng unti-unti pagyumi.
Alam kong madaling sumira ng timpla. At saglit lamang ang hinihintay bago magpaalam sa magpakailanman. Hindi ko inasahan, hindi mo rin inasahan. Malalaglag din sa ibang nalalabi ang mga dahong masayang nagsalu-salo sa biyaya ng ulan. At sa puntong hindi na kaya pang makitaan ng kislap ang lahat, hindi na rin mapipigilan pang hatiing muli ang sarili, tungo sa kung saan-saan.
Pipiliting pagtagpiing muli, mula sa inilibing nang mga pagtibok, tungo sa natapakan nang mga pakpak, tungo sa maputla nang mga halimuyak, tungo sa pagbabalik ng karimlan, tungo sa pagtikom ng ligalig, tungo sa pagtatago ng sarili, hanggang sa bumisita na pagtambol, saka iihip ang takot ng pag-iisang ayaw.

January 21, 2019
Tinanong mo ako noon kung bakit ako nagmumura. Wala akong naisagot. Fuck. Pero siyempre, nag-isip muna ako. Nag-isip na lang ako. Bakit nga ba? Corny amputa. Hindi ko na kasi binalak pang isagot yung nakahandang rebuttal na eh, sa matapat akong tao, na madaling makuntento ang pare mo sa kung anong magiging tingin ng tao sa kanya. Minsan nga, wala na akong pakialam. Ang sa akin lang, tatanggapin kung ano lang ang kayang tanggapin. May siyang kinalalagyan naman ang maglalapat, maging ng aking mga pagmumura.
Hindi na rin naman bago sa iyo iyon, sa tingin ko lang. Wala rin namang kakaiba sa paglalantad ng emosyon. Hindi ko na kadalasan pang kumailangan ng tanyong katha para lang makapagpasa ng init. Sumasakto lang naman talaga lahat ng ayon. Hindi naman totoong tungo sa tingin at tibok ngunit itinutunghay talaga sa mga tala. Bahala na kung sinong makarinig para sa unawa ng iba't ibang talampad.
Mapapalad talaga minsan ang mga hindi nagtataka.
Hindi ako galit ni lumalaban. Alam kong hindi na bago sa iyo ito. Basagin na natin ang mga pangunang pangit na alaala.

January 20, 2019
May bago akong pantalon. Naaalala mo pa rin siguro. Tingin ko, hinahanap-hanap pa rin tayo ng puting titig. Wala na ring naiinitan ang mga lambot. Wala nang sinasalong mga kilay ang usok. Wala nang nabubutas. Wala nang binubuksan, hinihila, minamadali. Wala na ring nabubuksan. Wala nang tawanan, ngitian, nakawan, titigan. Wala nang iyakan. Wala na ring pagpapaalam at paalam.
Wala na lahat. Wala na lang lahat. Wala na lang ang lahat, kahit na mayroon pa ring natitira, tumitira, nakikitira. Hindi ko sila mapaalis. Wala kasi akong makausap minsan kapagka gabi na. Hindi naman din sila nagbabalak na mamasiyal o manlibre man lang ng matamis. Ang iniisip ko na lang, papaano nga ba akong ulit magsuot ng pantalon.
Susulyap lamang ako sa salamin para malaman kung magulo pa ba yung buhok ko. Saka ko bubuksan yung aparador kahit na alam ko namang wala na akong makikita, dahil alam nating pareho na katatapos, katatapos ko lang mabusog. Lalabas ako nang saglit ulit para makipag-usap sa bintana. Minsan, puti. Minsan, serbesa. Minsan, gin. Sobrang minsan lang yung demonyo. Pagkatapos, babalik ako sa salamin, saka ako pipitik sa aking mga bulsa. Magsasalansan na rin ako ng mga kaban saka magpapailaw ng taranta at tanong.
Mauuna ka na lamang sa akin.

January 19, 2019
Ginising mo lang ako para magpaalam. Ginising mo lamang ako nang magpapaalam ka na. Saka ko na muna paiiralin kung maiinis ba ako sa iyo. Masarap matulog. Hindi ko matantiya kung gusto kong ngumiti, ngumiti sa iyo, 'pagkat 'di pa ako nasisipa ng muwang. Ako ma'y dambanang patapik ng ganda'y ilang libong isip ang makasasagot sa lahat ng mga hindi na naiabot pang yakap.
Pero salamat pa rin. Salamat pa rin sa pag-alala. Maraming salamat sa paggising sa akin mula sa mga pekeng responsibilidad at alinlangang ilusyonado. Ang pag-alala'y may angking pagkasapat tungo sa pagbalanse ng mga diyamanteng nagpapaulol sa mga alon. Lumalamig na ang mga buhangin. Tinatawanan pa rin ako ng buwan at mga tala. Yung bolang ipinakilala kong ikaw, unti-unti na palang nasisira. Kinakaya ko nang tumingin sa iyong mga mata. Kung kailan nagsabay-sabay ang mga tanggap at mga pusang kumakahol, saka lang din ako ginulo ng kay sarap na tangis.
Sige na, sige. Mauna ka na. Hindi ko na rin isasakanan pa kung may sakali ka pang lumingon. Masaya na ako sa daplisang hawi ng dinig at hibla. Sige na.
Sige na.

January 18, 2019
I won't get tired of my shit. Maaari akong magpahinga sa lupa at ligamgam nang makailang pag-atras ngunit ayaw kong iwanan ang aking ibang mga sarili. Kung 'di ko pa pinaghiwa-hiwalay at binaklas ang aking kaakuha'y siya ring hindi ako tunay na mabubuo.
Sana'y ako lang din ang may kakayanang muli't muling mapanibagong sirain nang walang kasawaan ang lahat ng pagpapakilala at panghihimasok. Minsa'y sinasadya ko nang mangagkubli nang wala na rin masyadong magtangka. Ngunit hindi rin naman kayang tanggihan ng aking mga kilig at ngiti na masaya pa ring nakapagpaparamdam sa iba. Laking salamat sa mga pagpiling pagtambay kahit pagod na rin sa salisi ng araw-araw.
Sanay naman akong sumulok ngunit iba pa rin kapag nakakatanggap ng magagaang sukli. Sanay rin akong kausapin ang aking sarili ngunit salamat pa rin sa pakikinig ng ilan pang mga sulok. Sanay akong 'di nauunawaan pero nakapang-uusok ang nakakapanibagong bango ng isa pa.
Kung ano man iyon, baka hindi ko na maulit pa, pero hindi ako titigil sa pamimilit. Sana'y mayroon pa rin sa mga susunod ko pang pagbasag.

January 17, 2019
FlipTop - BLKD vs Lanzeta
Round 1
BLKD
Hoy, bata, kasasabi mo lang, mahangin ka pero 'yang hangin mo, yabang lang na hindi na maawat. Ako, hangin ko, pangwagayway ng watawat 'pagkat tinig ko, amihan, ihip ko, habagat.

Kaya, bata, 'di ba dati kang bata ni 2khelle na naging bata ni Nico? Do'n pa lang, dalawa na panalo ko, ba't ka nandirito? Batang agresibo, mamamatay-tao? E, minama ka lang nung bata ni Cardo. Pero hindi naman talaga sa taon, sa tapang kinulang 'yan. Wala sa gulang 'yan, nasa gulang 'yan.
Kaya pagkabrutal mo, hindi na mabenta. Napatunayan nang tumitiklop 'tong lanseta. Ika'y armas-pang-away, ako, panggiyera. Bigla ka na lang hahandusay sa bangketa. Tutok na tutok sa tuktok ang punglo. Bang! Taktak-bungo, tagaktak-dugo pero hindi 'to tokhang na nagmamaang-maangan. Pa'no manlalaban ang walang kalaban-laban?
Ano, masakit ba? Hindi mo kayang tanggapin? Sige, gagawin kong mas patas 'tong bakbakan ng galing. Gagamitin kong sandata, matalinghaga ang dating. Oo, lanseta sa lanseta, saksakan ng talim. Oo, lanseta sa saksakan, talagang nakakashock. Kahit magblank ang utak ko, ang labas mo, sugat-sugat.
Kaya pa'no uubra ang blade mo, 'di nga tumalab yung chainsaw. Pinapahirapan mo lang sarili mo, dukhang pabor sa Train Law. Pa'no gagalos ang lanseta kay Vic Von Doom? Hanggang banta lang mga pasabog nitong si Kim Jong-un.
Ako'y mula sa hinaharap na battle rap ng 3030 kaya malinaw pa sa 20-20, ang lagay mo ay 50-50. Mabangis kang talaga kaso hanggang rap lang pala. 'Kala ko batang may K, batak lang pala. Tamang trip, naobsess sa laro ng pantig. Ang dami mo ngang multi, dami mong wordplay. Wala ka namang gig.
Panay sagad sa lalim lang ang kanyang bawat bayo. Hoy, si Invictus na lang ang nakakaintindi sa 'yo. Oo, tunay kang malakas pero lumalabas na mahina kasi aanhin ko ang malalim kung hindi naman mabisa.
Ako'y balakid na simbolo ng dedikasyon mo 'pagkat ang tunay na balakid ay ang limitasyon mo. Ang aking adhikain, ebolusyon ay tuparin kaya ang matalo mo 'ko ay tagumpay ko pa rin. Giba!
January 16, 2019
Ayos lang bang mahulog na lamang sa isang larawan? Mahinang paglayon na lamang siguro para sa mga 'di mapaaming karaniwang anyo ng pagmasid / pagtitig.
Mahilig kaming mga kupal lang sa eksena ng pagbabanggaang abnormal na maisatitik na ang lahat ng nasa aming paligid, maging mismo ang paligid, kahit na inuulol na lang namin ang aming mga sarili. Nandoon kami nagkukumpol sa malapalusot na panig na maaaring pagmumurahin lahat ng manghihimasok na boses ukol sa kawastuhan. Lahat, maging maganda o gago, ngunit walang itinuturing na mali.
Hindi na rin minsan pinag-iisipan pa ang isang malupit na pagliko. Ang kaya lang naming isipin ay yung sarili naming panlasa, kung paano kaming titikim, lalasap, kakain, mabubusog, magtitimpla, mamimili ng sangkap, gagamit ng mga taranta, at magpapakulong ermitanyo.
Kung gayo'y hindi tungo sa akin ang pagtanong. Hindi rin ako naghahanap ng kausap. Iba't ibamg ganda lamang ang aking pakay sa iba't ibang anyo. Ang tanging paghusgang bibigyang-halaga ay ang inalala nang mga pagmasid / pagtitig.

January 15, 2019
Bumili ako ng bagong panulat para sa'yo, para siguro na rin sa pagpapatuloy ng unang bahagi, unang kabanata, o kung anuman iyon. Naubusan ng alay ng tanga, ng oras, ng tao, ng pagkamalikhain, ng pakialam, ng halos lahat, ng muntik na, ng lahat-lahat. Itinigil na lahat ng dapat, wala na kasing gusto pang pumilit, kahit na may gusto pang manood. Nagpalit na ng nagtuturo, ng panggilid na pag-iisip, ng pagbigay-ayos. Ako na lamang ang may pakialam. Ako na lamang ang tanging nakakapansin ng bawat kinang ng pinapakawalang lusaw. Ni hindi ko sinadyang lumapit at tumabi sa iba. Ang hanap ko lang minsa'y pag-iisa, saktong luwang ng patag, maputing akala, at 'di inaantok na mga paggunita.
Muli, sige, ikaw na lang ang nagpaumpisa. Hindi ko naman pinilit maging taal. Sariling boses ko na lang ang aking tanging naririnig. Paminsan-minsa'y bumubulong sa akin na kausapin ka. Paminsan-minsang pinapaalala sa akin na kailangan pa talagang idutdot ka sa akin ng panaho't pagkakataon para lang kumustahin kung kailan huling yumakap ang mahihigpit kong diwa sa tunaw.
Hindi ako galit, ipinapangako ko. Gusto ko lang ipagpatuloy ang mga binura ko nang mga alaala tungkol sa'yo. Paumanhin kung nagtira ako ng para sa akin. Sana ayos lang dahil kahit na sa ganito man lang, kung hanggang sa ganito pa rin, simple lamang ang mga pagpilit. Nawa'y maituloy pa rin ang (mga) salaysay.

January 14, 2019
Ako ang bahala sa'yo. Ako ang nagsilang at yaring lumikha sa iyo. Hindi mo na kailangang mag-isip, mag-alala, kabahan. Kailan ka ba talagang tunay na kinabahan? Ang mga naaalala / inaalala mong mumunting pagpigil at atras ay hindi naman talagang natuloy sa kanilang mga panloloko. Alam mong binantayan kita nang hindi maigi sa ating mga pangiting pagtakas habang pumapara nang makasabay sa mga walang pakialam sa atin. Kailanma'y hindi sila nagningning sa ating mga pakay.
Dagdagan mo pa ng saglit ang paghihintay sa isa. Hindi pa rin daw kasi siya pinapakawalan ng kanyang sarili. Tawanan na lamang natin nang malumanay. Bahala na muna siya. Ako lang naman din ang may kakayahang pagbuklurin tayong lahat.
Basta ba sagot mo ako. Sabay naman tayo halos ng panlasa sa musika. Red Horse lang din naman ang aking bagsakan. Ayos lang din sa akin ang 'di gaanong malamig habang masayang nag-aabang ng mata at segundong kilig sa sulok. May malakas na amats ng pula't patumpik-tumpik na usok ng itim.
Tahimik lang tayo pareho kahit kapuwa na tayong nagsisigawan. At sabay nating hihintayin ang huling panaghoy ng mga usok.

January 13, 2019
Akala ko nakita kitang naglalakad. Ipinalagay ko pang sinusundan mo ako. Hindi ako makatitig sa iyong panig. Sanay na akong mapagod. Sanay na rin ako sa walang kuwenta. Hindi ko na pinilit pang sundan ka, kung saan sanay na rin ang aking isipan.
Naghalong muli ang sabik at kaba. Nakipiging din ang mga alaala. At biglang naghudyat ako ng paghinto. Unti-unti ka nang lumakad papalayo. Nabubusog na naman ang oras sa aking pag-asa. Humakbang ako ng dalawa ngunit napatigil muli. Tumubig sa harapan mo ang pulang liwanag. Ano ba talaga ang gustong gawin ng aking sabik?
Ano ba ang gustong sabihin ng aking kaba? Sa dinami-rami kong inipon para lamang sa iyo, nabigatan na yata ako't wala nang naibaon. Tat. Bakit ka nga kaya naandito? Lo. Kumain ka lang siguro diyan. Dala. Sa may malapit na gagong. Wa. Kapihan o baka nauhaw ka lang sa tubig. I. At inisip na magpalamig sa convenience store. Saan ka na. Sa. Pupunta?
Maya't mayang may pagsagi.
Sana talaga, akala na lamang. Hahagikhik na naman mamaya ang baliw. Sana bano na lang yung nakita ko. At sana, kung puwede lang, hindi na kita maalala na muna kung saan-saan.

January 12, 2019
Minsan, humihina ang tinta, humuhuni ang pilit. Ang daming maisip na simula ngunit hindi makahirit ng patak. Nagsimula sa matinding pasiklab hanggang sa tanungin nang muli ang sarili.
Ngunit hindi ko kailanman binalak na magmuni sa ipit. Nakakapagod ding makipagtalo sa sarili. At kung anumang munyo ang pilit na bumabagabag sa akin, siya ring pilit kong kinokonsensya. Ayaw kong tumigil pero kay lakas ng hikayat ng pahinga. Ang kailangan ko lang naman talaga'y mabuo ang paghila sa tunay na nagbibigay-buhay sa akin.
Kapayakang pamatok ng karamihan. Hindi pa naman kasi siguro sila nakatikim ng tunay na halo ng bughaw at luntian. Hanggang doon na lamang siguro sila sa dulo ng kung anumang kalderong walang kuwenta. Hindi sila malay sa sustansyang hinahanap-hanap ng mga pula sa ganda at paglapag ng lagkit ng tinta sa pandinig.
Hindi kami bawal. Mantsado lang kami sa lente ng mangilang indibidwal, maging ng aming sarili. Magkaroon man ng magkabilang ipinakong patungong init sa mga bato at damo, minsa'y humuhuni ang tinta, humihina ang pilit.

January 11, 2019
Panibagong dahon. Baduy, ang puta. Pasimple lamang ang lihim ngunit may mangilang makasisilip. Saglitan lamang ang paglipat nang masubukan ang taos. Salaysayang sadit ang iginuhit ngunit panlilinlang ang tumamod. Balak ko pa naman sanang mangilagid. Wala eh. Sumisingkit ang arte. Pakiramdam ko lang naman. Mamamalayan mo na lahat ng hagdan. Babayabasin ka nang lumangoy. Hindi ka takot sa dikya. Masalimuot lang ito sa itimang ikot. Walang bahid ang mga anggulo ko, at hindi mo sila makukumpuni, kahit na luminya ka pa sa pilang awitanang-puntos, peke pa rin ang iihip at kakalampag.
Panibagong dahon. Nag-iisa ka lamang. Ikaw na nagpakilala sa aking nahuhulog, kahit namamaso ang bagyo. Lumapit ako sa'yo. Hindi ko naman pinilit. Kita'y pinakinggang magdamagan. Walang nag-antabay sa pagpundi. Tinawag mo akong muli. Nagtalata na ang kapuwang paghahanap ngunit ito'y labas sa paghangand ng mga alon. Ito'y pamamaalam lamang. Nagtalo pa ang kalma at sabik. Maliwanag na ang dilim. Nakaupong dumaraan ang mga lakbay pangyari. May kaunting pamimilit at paghingi ng kilig sa mahinahong landi.
Bigla kang humiram ng tula. At kita'y naunawaang agaran. Alam nating pareho ang salba. Isang higop na lang talaga at titilapon na tayo bangin. Parehong may gusto ngunit walang may balak.
Nagdaan ang mangilang pag-aming luwal sa bituka matapos kang makapagpaalam ng higpit. Mayroong mga paanyayang pagpanao sa duyan ngunit hindi na pinagbigyan pa. Ipinagpatuloy ko ang pagtatapos hanggang sa makalimot nang muli.
Umarko ang ilang pangkatang ginaw at liwanag. Lumabo na't halos mabura. Tinanggap ko na lamang lahat ng mga tanong at matiyagang nagpainit paulang.
Wala na talaga dapat eh, hanggang sa hindi ko na natiis pa ang paghigop. Nag-angat ako ng isang kuko, at doon muling humuni ang ating umaga. Nagtanim ka nang kaagad, at tayo'y umabot hanggang pagtimpla. Nagsimula tayo sa mga nagbabagsakang gusali at kawat. Gumiling din sa samot, sampal, at senyas.
Hinintay lamang pala natin siyang humimbing.
Tinanong kita. Pinilit mo ako. May mga sapilitang paghinto ngunit tinuldukan na rin natin sa wakas ang tulang hiniram mo.

January 10, 2019
Nililimitahan ako ng sarili kong mga mata. Siniliran at sinulukan na ng mga salita. Parang wala nang balak pang dumilaw. Wala nang nanatiling pakay, at hindi na iniwan pa ng pagmamasid ng hanap. Nakakakitid ang pamemermekto.
Lahat ang may nais ngunit sila rin mismong aminado. Handa nilang lunukin muli ang kanilang mga sinuka. Kadiri, pero sanay naman na sila roon, hindi nga lang nila alam. Ang alam lang naman talaga nila, mag-isa lang sila sa mundo, at kadiri. Hindi nila aaminin iyon minsan. Sila ang bahalang magpigil, magtalukbong, mangitlugang tanyag at malansa, tumambay, tumingin, at tumikim sa saglitang panlimaang tala.
Abala ako sa bagsakan ng iba. Sila ang dapat na maiwasto. Dahil sa dinami-dami kong pagkakamali sa pang-araw-araw na malay, sawa na akong magpahintulot pa ng mga hindi sadyaang panapos-sisi. Hindi ako nagsisindi minsan ng katol bilang panaboy-pantal at inis. Minsan, hinahanap ko lang yung ibang luntiang amoy. Totoong luntian. Sigarilyo ko na ang bahalang tumapos sa kanila. Magbabalinahan na lamang ang lahat hanggang sa mag-iisahang talamparang-kapit ang mabuo.

Subscribe to:
Posts (Atom)