Friday. Alam kong hindi papasok si ___, pero gabi bago sumibol ang huling araw ng pagpasok sa school, sinabihan ko siyang sana ay huwag siyang umabsent. Hindi ko alam. Siguro gusto ko siyang makita. Gustung-gusto ko siyang nakikita. Nakikitang nakangiti. Nakikitang masaya. Nakikitang masayang kasama ako. Hindi ko na maalala kung ano ang sagot niya sa sinabi kong iyon. Pagsagot niya sa kahilingan kong iyon ay umalis na siya. Natulog na rin ako at hindi ko alam kung mae-excite akong magising o hindi.
Unang-una, maaga akong dapat gumising. Ayaw ko sa lahat ay yung nagigising na lang ako nang maaga. Ang sarap-sarap matulog. Pangalawa. Gusto kong pumasok sa school. Ayaw kong nakikipagtitigan sa monitor. Lumalabo mata ko. Isinara ko na ang laptop at humiga na sa aking kama habang nakabalot ng kumot. Nagdasal bago matulog. Hanggang sa... 3:15 am na. Pesteng alarm yan.
Isinara ko na ang maingay kong cellphone at madaling bumangon sa kama. Hindi ko alam pero iniisip kong papasok pa rin si ___ nang maaga kahit alam kong malaki ang posibilidad na hindi mangyari iyon. Matapos makapag-plurk ay tumayo na ako sa aking kama at naglakad papuntang kusina. kumain ng almusal at kumuha na ng mga damit para sa pagpasok.
Nang maayos na ang lahat, nagpaalam na akong muli sa aking plurk at madaling lumabas ng bahay para maghintay ng unang jeep na iikot sa aming subdivision. Sobrang aga pa. Wala na akong pakialam. Gusto ko nang makapunta agad ng school. Pagsakay ko ng jeep at makapagbayad, ipinikit ko na agad ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo. Hindi ko alam pero, alam kong mga 30-40 minutes ang biyahe mula sa amin hanggang sa bababaan ko mula sa pagsakay ng jeep pero pagkapikit ko ng aking mga mata at mawalan ng diwa ay parang limang minuto lamang akong nagkulob sa madilim na dimensyon ng lugar na walang panaginip. matapos mainis sa pagtulog na pakiramdam ko'y hindi ako nakatulog ay bumaba na ako ng jeep matapos nitong tumigil sa Metropolis.
Pagsakay ko ng bus ay muli akong natulog. Nagising ako sa gitna ng aking biyahe dahil sa hindi pa pala ako nakakapagbayad sa bus. Kahit na badtrip na badtrip na ako dahil sa mga natitigil kong mga pagtulog, mahinahon kong sinabi kung saan ako bababa sa konduktor at kinuha na agad ang aking pitaka upang makapagbayad na at mapayapa na akong makatulog. Medyo naging mahaba-haba naman kaysa sa naranasan ko sa jeep ang aking naging pahinga sa bus. Pagdating sa school ay dumeretso na ako sa floor ng aming homeroom sa main building at matiyagang naghintay. 5:30 nasa school na ako. Iniisip ko pa rin na darating si ___ ng 6:00 or 6:15, pero hindi. Pagpatak ng 6:10 ay isinara ko na ang ilaw ng floor na nasabi at lumipat sa harap ng aming homeroom. Natulog muli ako at paggising ko ay marami nang Faraday.
Nagising ako hindi dahil sa napakaingay ng mga kaklase ko. Nagising ako kasi narinig ko ang boses ni ___. Laking gulat ko na lang at may halong sobrang tuwa noong nakita ko siya. Ang saya-saya ko. Nakita ko sa wakas ang ngiti nitya. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya pag nakangiti. Napalitan na lang bigla ang pagdiriwang na ito ng panghihina at pagkalungkot nang marinig ko ang boses ng aming adviser. Kailangan nang pumasok ng cleaners at Friday ang araw na iyon, dulung-dulo ang apelido ko, Tabilin at kailangan ko nang pumasok ng kuwarto namin.
Hindi ko talaga alam pero bigla na lamang nawala sa isip kong ako ay isa sa mga cleaners kaya pagpasok ko ng room namin at pagkalagay ko ng aking mga gamit sa tamang lagayan ay dumeretso na ako sa aking upuan. Bigla na lang nagsalita nang malakas ang aming gurong kailangan ng magwawalis at itinatanong kung sino ang mga Friday cleaners. Madali akong tumayo at kinuha ang walis at dustpan sa likod ng kuwarto namin. Winalis ko na ang buong kuwarto pati na rin ang harap na pinapawalis ni Ma'am.
Maalala ko lang. May mga ibinigay nga pala si Ma'am na mga envelopes sa amin galing sa Ateneo. Ateneo, ACET, yung entrance test na binagsak ko. Ang alam ko talaga ay mas nadalian ako sa ACET kumpara sa UPCAT kaya hindi ko maisip pati na rin ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ko naipasa ang test. Iniisip ko na lamang na mabuti't nagkaganoon sapagkat sobrang grabeng mahal ng tuition sa Ateneo. Pero malungkot pa rin kasi mga kaklase mo pumasa, ikaw hindi. Ano ka tanga? Haha. Palaging yan ang iniisip ko. Hayaan mo na. Bahala na magiging future ko sa UP. Sana maging maayos lahat.
Yung envelope na natanggap ko ay maliit, kasi bagsak. Pero kung ung envelope na matatanggap ay malaki, pumasa ka. Ayon lang. Ipinakita na rin sa amin ang aming mga class pictures. Apat na magkakaibang mga larawan ng aming section ang ipinakita sa amin.
Isang magandang pampaalis lungkot ang sumalo sa akin sapagkat may mapagtitripan na naman ako. Si Persis kasi wala sa class pic namin. Haha. Nakakaawa siya kasi biruin mo, fourth year pa ang wala siyang makikitang larawan niya paglaki niya. Nakakatawa rin ang mga mukha ko sa mga larawan namin. Haha. Mukhang ewan lang talaga. Iniisip ko talagang hindi pupuwedeng nasa iisang lugar lang ang iyong emosyon, iikot nang iikot.
Matapos umorder ng tig-iisang kopya ng apat na larawan ay nagpaalam si ___ sa akin. Aalis siya, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sinabi kong sasama ako pero pinabalik niya na lang ako sa homeroom. Wala akong magawa kasi hindi ko alam kung pupuwede talaga akong sumama. Bumalik na lang nga ako sa aking upuan at naghintay na lamang na matapos ang first period ng araw.
Pagkatapos ng Physics ay pumunta na kaming French at nag-recheck ng aming mga test papers. Bagsak ako sa French pero hindi ganoon kalayo mula sa kalahating marka. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang French ng parts ng katawan ng isang tao at nakalimutan ko na kung paano mag-past tense. Zut, je ne comprend pas. Damedesu. Umalis kami ng French room at nagtungo na sa Humanities room. Nag-check lang kami ng papel ng Copernicus at Roentgen yata ang isa.
Masaya na naman kasi, kung bagsak ako sa French ay pumasa naman ako sa test sa Humanities. Yes! Hindi ako nag-aral sa mga subjects na ito pero nakakakuha pa rin ako ng mga sagot. Masaya na ako para sa sarili ko. Wala na kaming ibang ginawa sa Humanities room maliban sa matapos mag-check at pag-usapan yung play at tingnan ang barberong kapalaran namin sa isang magazine.
Madalas, paglabas ng kuwarto ay sinusundan ko lamang ang aking mga kaklase. Just follow the bouncing ball. Nagtaka na lamang ako nang nasa auditiorium na kami. Tinanong ko si Ong kung anong gagawin doon. Ang sabi niya hindi niya alam, magpupugay. Naghintay naman kami doon at nakatulog ako bago ako tapikin ni Smile para magising. Chineck ko ang aking relo at laking gulat ko na lamang nang malamang 45 minutes kaming naghihintay doon.
Sulit naman ang paghihintay sapagkat nakabukas ang aircon pagpasok namin. Sulit kasi minsan lang nakabukas ang aircon sa auditorium. Nung turnover namin kasama ang mga juniors, nakasara lang sila, pero nung seminar na ginanap ng araw na ito ay nakabukas ang aircon. Hindi ko makuha kung bakit ganoon. Di bale na. Yung mga representatives na pumunta ay galing UA&P. Tapos si Ate Angel Yulo (?) lang yung pinakapinakinggan ko sa lahat ng mga nagsalita kasi ang galing niyang magsalita. Sobrang natulungan pa siya ng ginawa niyang presentation na masasabi kong kahit simple lang ay makulay, nakaaaliw at malaman. Basta magaling magsalita si Ate at uhm, cute.
So pagkatapos ng seminar ay saktong tapos na rin ang comsci. Na-delay pa ang balitang matatanggap namin mula sa Comsci teacher namin kung kami ay pumasa sa kanyang asignatura o hindi. Sa tingin ko naman ay papasa ako sa re-take ng exam niya sapagkat naipasa ko ang unang take ng test. Know? Lunch na. Pagkatapos kumain ay kinuha ko ang aking bag at natulog.
Wala na akong ibang pupuwedeng gawin. Iniisip kong darating din si ___, darating din si ___. Nagising ako, hindi dahil sa ginising na naman ako, kundi dahil sa narinig ko na naman ang boses ni ___. nakita ko na ulit siya. madali akong tumabi sa kanya. umupo. kuwento siya nang kuwento. Nagsinungaling lang pala siya para makabalik ng school, cool. Pinapag-practice pala si ___ sa sayaw. Langya. Walang dalang damit yung tao, pinapunta? WTF. Anyway, ang saya ko nung dumating siya at lalo pang sumaya nang makita ko ang ngiti niya at sobrang grabeng sumasayang-saya pa nang marinig kong wala kaming Social Studies nang araw na iyon, ayos, dalawang subjects na lang.
Pagsapit ng oras ng Math ay umakyat na kami ngunit bumaba na rin dahil sa pinababa kami ng aming guro matapos kuhanin ang mga estudyanteng may kulang sa kanya. Hindi nga pala ako bumaba agad kasi tinuloy ko yung binalak kong floor plan na gamit ay ballpen. Mukha naman siyang matino para sa akin. Haha. Pagdating ng English time ay pumasok na rin kami sa English room at itinuloy ang panonood ng The Little Prince. Naaasar ako sa mga pinaggagagawa ng mga aktor sapagkat ang dami nilang ikinikilos na hindi naman dapat ikilos. Nakaaasar sapagkat medyo binago na nga nila ang kuwento, papatayin pa nila sa kawalang-kuwentahang mga pangyayari ang kanilang manonood. Kaya lang siguro ipinagpatuloy na ipapanood sa amin ni Ma'am Correa ang palabas dahil sa nacucute-an ang mga babae dun sa prince - yun lang.
Natapos ang time ng asignaturang nasabi nang hindi pa natatapos ang palabas. Masaya na naman kasi hindi pa kami magdidiskusyon sa Monday sa English. Tapos na ang classrooms, tambay mode na. May pupuntahan kaming fair sa Don Bosco sa Mandaluyong, dating school ni Bobs.
Noong simula ay nagsabing hihintayin daw namin si Bobs na dumating ng 4:00 sa school bago umalis. Matapos namin ni ___ na mag-calculate kung anong oras siyang makauuwi ng bahay ay napagdesisyunan na namin umalis na ng alas-tres. Pinasabi na lamang namin kay Bobs na dumeretso na lamang siya doon. Matapos kumain ng dos-kwatro sa labas ng school ay sumakay na kami ng jeep patungong Sta. Ana.
Ang layo! Nadagdagan ng isang tatlumpung minuto ang oras na pagdating ni ___ sa Tanauan. Pero ok lang, go pa rin. Pagdating namin ng nasabing paaralan ay hindi kami pumasok agad sapagkat nahihiya sila. Nagliwaliw na muna kaming sumandali sa... sa... hindi ko maalala ang mall na iyon. Maliit lang siya at bawat floor ay mayroong gumballs dispenser at videoke.
Pagkatapos ng sampung minutong pagpapakabaliw at magbihis ni Bernadyn ng kanyang Bosconian shirt ay desidido na lang silang biglang pumasok ng paaralan. Dire-diretso sa loob, pinapasok naman kami ng guard at dinala na kami ni Bernadyn sa pinagdarausan ng fair. Twenty pesos ang entrance fee, 'di na masakit.
Pagpasok ay hindi namin alam ang aming unang gagawin, as in. Nagkalabuan pa nga kami. Ako na ang unang gumalaw, nakahanap ako ng shawarma stall, gaya naman sila. Kasama ko nga pala sina Bernadyn, ___, Smile at Ronel. Hindi na tumuloy sina Ong at Mara kasi bawal gabihin si Mara kaya nanood na lamang sila ni Ong. Sa fair, may ride. Ewan ko pero gusto nilang iride iyon. Ayaw kong sumama kasi hindi mukhang safe. Ayon. Sumakay naman sila.
Pagbaba nila ng ride ay nagreklamo si ___ at Smile na nauntog sila. Haha. Hindi raw enjoy, pero hilong-hilo silang lahat. Pagkaraan ng ilang minuto sa pag-uusap tungkol sa ride na sinakyan ay dumating na si Bobs. Dinala niya kami sa playground ng lugar. Doon na kami nagpakasaya ng matagal-tagal. Talo pa yung fair. Enjoy na kaming sa ganito lang kami nagkakasiyahan.
Hindi na baleng maingay at maraming pagkain, basta kasama namin ang isa't isa. Matapos mapagod kaka-seesaw, swing at slide, dinala kami ni Bobier sa isa sa mga courts ng school. Gabi na. Kinakabahan na si ___ kasi dalawang linggo na siyang hindi nakikita ng kanyang aso at sira ang camerang maiiuuwi niya.
Matapos ang ilang minutong pamimilit ay napagdesisyunang ng grupong iwan na sina Bobs at Bernadyn para sa gusto na nilang panoorin na concert. Umuwi na kami ni ___. Pagdating sa Taft, umihi muna ako sa Wendy's bago kami tumawid sa kabila. Paglabas ko ng restaurant ay hindi ko nakita si ___.
Hinanap ko siya nang hinanap, mabuti na lamang at nakita ko siya, may dalang softdrinks para sa akin. Alam niya na kasing uhaw na uhaw na ako, ang sweet. Pagsakay namin ng bus ay natulog na kaming dalawa.
Pagdating namin ng highway bago mag-skyway ay narinig kong kumakanta si ___. Wala sa tono, cute at nakatutuwang pakinggan. Listahan ng mga kanta ng Parokya ni Edgar. Yung ibang lyrics mali at halos lahat ng kinanta niya, bitin. May isang kantang nagsilbing mitsa upang magsalita ako at guluhin ang pagkakanta niya ng mga kanta ng paborito kong banda. Ang kantang iyon ay Telepono.
Sinimulan niya lamang iyon pero hindi makanta-kanta ang ikalawang linya kaya itinuloy ko na ang kanta. Wala sa tono, hindi cute at nakahihiya. Nagkausap naman kami dahil doon at nakatulog na. Paggising ay Alabang na at nagtungo na kami sa aming mga sasakyan.
Pagdating ko ng bahay ay nakapaglaro pa kami ng aking kapatid at nakapanood ng Meatballs. Matapos panoorin ang Meatballs ay nag-plurk na ako bago matulog. Inisip kong sana ay hindi pagalitan si ___. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Sabado.

No comments:
Post a Comment