February 8, 2010

Half-blood

[WARNING: mmfrgmfmhgh. Maraming mga bagay sa mundo ang maaaring makapang-insulto, lumait, magpasaya at makagalit sa atin ngunit sa kabila ng mga pagkakataong ito, mag-isip na lamang tayo ng mga posibleng dahilan kung bakit naging mas masarap ang cookies & cream sa quezo real.]

"Gising na." Isang nakaiinis na tinig ang dumaloy sa loob ng aking tenga. Iminulat ko ang aking mga mata at itinaas ang aking ulo mula sa pagkakatulog sa aking upuan. Nakita kong bakante na ang mga upuan sa aming classroom at hinihintay na ako ng aking mga kaibigan. Hindi naging mahaba ang gaan sa pakiramdam ng wala masyado maraming tao sa aking paligid, naalala ko na naman ang aking nawalang wallet. 


Mga oras bago mag-unang period bago ko ito inisip, itinulog ko na lamang dahil sa wala ang aming unang guro para sa araw na iyon. Bumaba na ako kasama ang aking mga kaklase at isang makirot na pagsakit ng aking ulo. Pagdating ko sa gusaling sunod na papasukan naming asignatura ay nakita ko pa ang iba kong mga kaklase sa labas. Mabuti na lamang at hindi pa ako nahuli. Pagsimula ng klase, naisip kong kalimutan ang aking problema sa pamamagitan ng pakikisama sa diskusyon kasama ang guro naming si Ma'am Gozo. 

Masaya naman ang naging takbo ng aming pag-uusap sa loob ng klase ngunit sumobra nang tanungin na ko ng nakatatanda tungkol sa aking buhay pag-ibig - itinatanong niya kung paano ko raw malalamang may pag-asa ako sa babaeng aking kinagigiliwan. Sinagot ko naman ang tanong nang walang pag-aalinlangan subalit may kaunting di kasiguraduhan sa aking mga nasabi. Binase ko lamang ang aking naging pahayag sa aking mga nahihinuha, karanasan at madalas na panggugulo sa aking mga kaklaseng babae. 

Matiwasay naman akong nakalusot sa pagpapaikot sa aking guro at nakangiting lumabas ng kuwarto, ngunit hindi pa rin ako nakatakas sa nakasasakit ng ulo na karanasang pinipilit kong iwasan simula unang taon pa lamang sa high school - pesteng wallet, pesteng pera. Iniabot sa akin ni Ong ang The Lightning Thief na natapos na niyang basahin. Na-excite naman akong basahin ang nasabing libro at hindi na naalis ang aking mga mata hanggang sa makaakyat na kami sa aming ikatlong asignatura namin para sa araw na iyon. Nagandahan ako sa daloy ng kuwento at lubhang nakaaaliw ang bawat sinasabi ng narrator. Sobrang gusto kong basahin lahat ng tao ito sa sobrang ganda niya. 

Anyway, paunti-unting sumakit ang ulo ko sa pagbabasa habang paunti-unti ring hinihigop ng utak at imahinasyon ko ng libro. Hindi ko na napapansin ang mga importante at detalyadong nangyayari sa aking kapaligiran, basta ang alam ko masakit ang ngipin ko at naririnig ko ang mga kaklase ko habang ang isang bata ay namromroblema tungkol sa kanyang sariling pagkatao. 

Makaraan ang Humanities ay bumaba na kami at tumambay sa harap ng Maceda dahil sa wala ang teacher namin sa Finite Math. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng luntiang libro. Sa tagal ng pagkakaupo ko sa harap, hindi ko na napansing lumilipat na pala ng puwesto ang aking mga kaklase, binalewala ko. 

Maya-maya na lamang ay inabutan ako ni ___ ng isang pirasong doughnut at isang can ng Mountain Dew, naalala ko na naman ang masakit na problema. Sinabi kong masakit ang ngipin ko at nagpasalamat sa kanya. Gusto ko sana siyang yakapin ng mga panahong iyon pero hindi puwede. Di nagtagal ay lumipat na rin ako ng puwesto kung saan kumakain na ng tanghalian si ___. Ipinatong ko ang doughnut sa lata at dinala sa aking uupuan. Abala lamang silang nagkuwentuhan doon ng mga pambabae [at talagang hindi ko sila naintindihan! girls!] at patuloy lang talaga ako sa pagmamadali kung anong mga mangyayaring susunod kay Perseus. 

Binuksan ko na rin ang Mountain Dew at saka uminom. Hinati-hati ko na rin ang pagkain bago isubo, hindi ako makakagat ng kahit na ano, kahit ice cream. Dumating na nga rin pala ang Nucleus at ang Ubod. Naisara ko ang nakaaadik na aklat at pansamantalang niligid ang aking mga mata sa kapaligiran. May mga napansin akong mga kaklaseng kasama ko pala mula Filipino pa lang, talagang hindi ko sila napansin. Nang binasa ko naman ang mga dyaryo ay may mga napuna agad akong mga pagkakamali. 

Sige, sabihin na nating hindi tayong lahat ay perpekto at ang entry na ito ay ang dami-daming typo at wrong grammar pero hindi ko alam, hello, dyaryo ng school namin iyon, bakit may mga hindi naipi-print na mga phrases, wrong chuchu at maling chuva [Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin pag nabasa ng mga staffers to. Wala na rin akong magagawa, kaysa sa school ako magsalita nang lantad.]. 

Halos buong araw ay wala kaming teacher na na-meet, lalo na ring sumakit ang aking ulo, tutok na tutok na kasi ang aking mga mata sa bawat pahinang susunod. Hindi ko na namalayang hindi ko na pala napapansin si ___, super sorry. 

Hanggang sa uwian ay hindi kami nagpansinan. Himalang hindi niya dinala ang aking filecase, napansin ko agad ito at umakmang huwag nang magbasa sa gitna ng aming biyahe. Nilibre niya ako ng pamasahe hanggang Cavite. 

Hindi pa rin kami nakapag-usap nang matino dahil sa sobrang nababaliw na ako sa 1,500 pesos kong nawala noong araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng isang masiglang talakayan sa pagitan naming dalawa. Sobra akong na-badtrip sa sarili dahil sa pagiging walang kuwenta ko. Nag-sorry pa rin ako bago kami maghiwalay ng sasakyan at nayakap pa siya bago umuwi. 

Nasabi ko naman kaagad sa aking nanay ang nakaka-auti na problema pati na rin ang mga kaibigan kong tumulong sa akin noong araw na iyon, lalo na si ___. Hindi ako pinagalitan. Bago ako matulog ay ipinagdasal kong pumasok sana nang maaga si ___.

> lol. Pasensya na. Nag-start kasi ako kagabi pero sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Tinuloy ko lang siya ngayon. Although medyo fresh pa ang mga memories ko, tinamad na akong ilahad lahat at ilagay na lamang ang buod ng aking entry. Nakakainis.

No comments: