February 15, 2010

STFU, Rtard

Rtard.

Ok. Napanood ko na yung Lightning Thief. Ang daming wala. At tatamarin ako sa sobrang dami kung iisa-isahin ko ang mga kulang sa movie. Well, sobrang magagandahan ka kapag pinanood mo yung movie nang hindi pa nababasa yung libro. At mamumura mo yung director kung nabasa mo man yung libro at halos lahat ng in-expect mong makikita mo ay wala. At dahil badtrip ako, babadtripin ko kayo ng pangit kong project sa Filipino. hindi lang basta-bastang project sa Filipino, kundi huling project namin. Ang hirap mag-type srysly (ang pangit kasi pag cinopy). And oh, ang daming typos at ilang sikretong maibubunyag. May medyo mali sa last part, yata.

Go fuck yourself up, donkey.

>>

Manila Science High School
BUHAY-MASCI
Pag-ibig nga Naman

ni

Mart

Inilathala ng

GoPrint Philippines
2010

Paunang Salita

Sanggol pa lamang ay niregaluhan na agad tayo ng kapalaran ng ating unang problema - ang paglalakad. Napakahalaga ng unang hakbang na ito ng ating pagiging bata sapagkat dito malalaman kung paano mamumuhay sa susunod pang mga panahon ang isang sanggol. Natutuwa ang ating magulang kung makuha man natin ang kanilang inaasahang makatayo tayo sa ating sariling mga paa, mga bata pa lamang tayo o malalaki na, tagumpay na sa kanila iyon. Mula sa napakasimpleng problemang ito ay naging sunud-sunod na ang bato ng kapalaran sa atin habang tayo ay natututo nang magsalita, magbasa, pumasok sa paaralan, makipagkaibigan makipag-away, magtanong ng kung anu-ano, managinip, mangarap at umibig. Pag-ibig. Mga letrang bumabalot sa isang pakiramdam na napakamisteryoso. Isang salitang minsan nang nagpasigla at gumulo ng buhay natin. Isang simpleng bugso ng ating pusong kadalasang nagbibigay ng problema sa bawat tao sa mundo.

Kailan nga ba ako tumigil umibig?

Unang tibok.

Nursery pa lamang ay may crush na ako. Iyong tipong gustung-gusto kong nakakasama ang babaeng araw-araw na nakapagpapangiti sa akin sa kahit na anong simpleng paraan.

Hindi ko talaga alam pero alam kong gustung-gusto ko siya. Naging magkaklase kami hanggang ikaapat na baitang at malaman-laman ko lamang na may gusto na rin pala sa akin ang unang babaeng nakapagpatalon ng aking puso sa labis na galak. Pero huli na ang lahat nang malaman ko ang sikreto niya - kailangan niyang magtungo sa Japan para sa kanyang pamilya. Mga kasiyahang binawi, pangarap na bumagsak, isang malungkot na puso ang mga tanging natira sa akin bago siya umalis. Hindi na ako naghintay ng mga susunod pang mangyayari.


Unang Kasintahan

Unang araw ng aking unang taon sa mataas na paaralan. Maraming mga estudyanteng sa tingin ko ay mga kaedad ko. Nagkukumpulan sila sa isang malaking pisara at napansin kong kinokopya nila ang kani-kanilang mga talatakdaan para sa buong linggo at ng kanilang mga pangkat.

Lumapit muli ako sa aking nakatatandang kapatid mula sa ikaapat na taon. Pinaalis niya ako mula sa kanyang tabi at sinabing makisama ako sa aking mga kaantas. Naramdaman ko ang kawalan ng pag-asa sa mga unang problemang aking sasaluhin sa araw na iyon pero napagtanto kong kung natuto si Kuya nang mag-isa sa institusyong ito, ako pa kaya?

Hindi ko hinayaang magmukha akong tanga sa harapan ng aking kuya at ng kanyang mga kaklase kaya naman pinilit ko ang aking sariling makipagsiksikan sa mga estudyanteng parang mamamatay kapag hindi nila nakopya ang kanilang mga talatakdaan.

Nagpatuloy ang aking unang linggo nang tambak ng isang napakahabang talatakdaan, mga komplikadong gawaing-bahay at ubod ng daming mga bagay na kailangan naming dalhin sa bawat asignatura. Pakiramdam ko noon babagsak na ang aking mundo, ang daming gagawin, hanggang sa sumapit ang ikalawang linggo.

Tuwing Biyernes ay kasama sa aming mga kuwartong dapat puntahan ay ang homeroom. Dito nagkakausap ang buong klase kasama ang kanilang tagapayo. Hindi ko alam pero napansin kong may katabi na akong babae. Noong unang linggo ay hindi ko siya napansin, marahil ngayong linggo lamang siya pumasok.

Unang nagkausap kami nang magtanong siya ng oras sa akin. Kinakabahan ko naman siyang sinagot (Nanginginig talaga ako makatabi lamang ang isang babaeng maganda para sa akin, makausap pa kaya?). Hanggang sa sinabi ko sa kanyang ngayong araw ko lamang siyang napansin at sinabi niya namang nakatatamad daw pumasok ng unang linggo, payo ng kanyang ate.

Simula noon, sabik na sabik na akong makapasok sa kuwartong iyon para makatabi at makausap siya kahit na alam kong hindi ko naririnig ang aking sarili habang nagsasalita sa harap niya. Hindi rin nagtagal at nagkaaminan na kami ng nararamdaman namin sa bawat isa ngunit hindi siya ang nakatuluyan ko noong unang taon.

Nabalitaan ko na lamang na may isa pa palang babae ang may gusto sa akin. Alam kong maliit ang pagkakataong may magkagusto sa akin pero naniwala agad ako sa balitang iyon. Katangahan ko namang tinanong agad ang babaeng ito kung pupuwedeng maging 'kami' (Una kong niyaya ang babaeng una kong nakausap sa aming homeroom pero hindi pa raw siya puwede.) at pumayag naman.

Naging masaya naman kaming dalawa at hindi kami nag-aaway. Sa unang taon ko natutunang gumala pagkatapos ng klase tuwing Biyernes kasabay ng una kong pangongopya ng mga takda mula sa aking mga kaklase, unang pakikipagtunggali sa ibang pangkat at unang pagbagsak sa isang maikling pagsusulit.

Maraming una ang nangyari sa aking unang taon. Pati ang unang pakikipaghiwalay ng aking unang kasintahan.


Ikalawang Pagbagsak

Alam kong nagkamali ako kaya kami naghiwalay ng aking unang kasintahan. Hindi ko nirespeto ang kanyang nararamdaman at isa lamang akong baguhan sa mundong iyon. Ngayon, alam ko na ang aking mga dapat gawin.

Nagkahalu-halo mula sa mga pangkat noong unang taon ang pangkat sa ikalawang taon. Maraming bago at lumang mukha ang aking nakasama. Maraming naging mga kaibigan at mga taong may potensyal na hindi ko pansinin ng buong taon. Marami rin ang mga babaeng gusto kong kausapin pero alam kong tratraydurin lamang ako ng aking duwag na dila at nanginginig na katawan sa tuwing may babaeng malapit sa akin.

Hindi ko pa rin napigilan ang aking sariling magkaroon ng panibagong mamahalin. Gusto ko 'yong pakiramdam na nagmamahal at minamahal, na mahalaga ako sa isang taong hindi ko naman kamag-anak at masayang-masaya ako sa tuwing nakakasama ko ang taong iyon.

May isang babaeng hindi ganoon kababae ang kanyang mga kilos ang muling nakaakit sa aking puso. Marunong siyang maggitara, magaling kumanta at higit sa lahat ay matalino at maganda. Hindi malayong nagkagusto ako sa kanya ngunit hindi ko alam ang aking mga unang gagawin para mapalapit sa kanya.

Humingi ako ng tulong sa kanyang malapit na kaibigan. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko pa ang kanyang kaibigang si Justine na babae rin kaysa sa kanya. Kay Justine lamang ako nakapagbabahagi ng aking mga nararamdaman para sa babaeng iyon.

Isang gabi at tinanong ko ang babae kung pupuwedeng maging kami, sinabi niya namang hindi pa siya puwede dahil sa isang dahilan. Hindi ko naman siya pinilit mula ng gabing iyon at nagkakausap pa rin naman kami sa paaralan.

Nang magkaroon muli ng paligsahan sa pagkanta ng mga pam-Paskong awitin ay matiyagang nag-ensayo ang aming pangkat at naglaon ay nakuha namin ang unang gantimpala. Kasabay naman ng kasiyahan at tagumpay na ito ay nabalitaan kong aalis ang babaeng nagpapasaya sa puso ko noong mga panahong iyon. Aalis siya patungong Canada at nag-iwan ng isang liham para sa akin, at ang laman ng kanyang sulat ay maghintay pa raw kami ng takdang panahon at may paghanga rin siya sa akin.


Ikatlong Pag-ibig

Dalawang taon na ang tinapos ko sa Masci at dalawang beses na rin akong nabigo. Hindi pa pala iyon sapat para tumigil ako.

Lalong dumami ang aming mga asignatura sa ikatlong taon at lalong humirap ang aming mga kailangang gawin. Kinakabahan ako para sa taong ito dahil sa ito raw ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa rin ako napigilan ng mga kahinaan kong asignatura sa paghanap ng ikaliligaya ng aking sarili.

Lahat ng guro namin ay mahihigpit at nakaiinis ang kanya-kanyang mga asignatura. Ngunit may isang gawain kaming lubos kong kinasuklaman noong mga panahong iyon - Research.

Ang klase namin ay hinati sa mga maliliit na pangkat at inatasan kaming gumawa ng isang dokumentong makapagpapalabas ng bagong teknolohiya o produkto mula sa aming mga nakuhang impormasyon para makatulong sa ating bansa.

Maniwala ka, halos mamatay na ang aming grupo, lalung-lalo na si Justine na matibay na puno ng aming pangkat dahil sa kakulangan sa pera, katamaran ng buong grupo at pagkabigo nang maraming beses.

Hindi ako gaanong nakatulong sa grupo sapagkat pinoproblema pa ako ng aking puso. Una kasi, may nakausap ako noong bakasyong isang babae at nagkamabutihan kami - sa chat at text nga lang at ngayong taon ay kaklase ko siya. Ikalawa, nalaman kong may gusto sa akin ang isa sa aking mga kagrupo sa research at gusto ko nang hugutin ang pagkakataong maging kami. Problema ko? Kailangan ko lang namang pumili sa dalawa kung sino ang liligawan ko, kung ang babaeng sobrang malapit sa akin sa text at chat lamang o ang babaeng nakakausap ko naman at sigurado akong may gusto ko sa akin.

Hindi nagtagal ay pinili ko rin ang aking kagrupo pero hindi rin kami nagtagal. Iniwan niya ako sapagkat hindi pala siya sigurado sa kanyang nararamdaman. Naiwan akong natambakan ng problemang kung paano namin matatapos ang aming research paper at pagkumbinsi sa sariling hindi pa huli ang lahat. Masyado akong nahirapan sa mga nangyari.

Natuto akong maging responsable sa mga dapat kong gawin at sadyang napakahalaga ng oras, na hindi lahat ng bagay ay nakukuha nang madalian at sa mga simpleng paraan, at sa susunod kong research paper ay hindi ko na ito babalewalain.

Nagkaroon na naman ako ng kasintahan mula sa aming pangkat bago magbakasyon. Naging napakasaya naman namin.


Ikaapat na Pagtangka

Hanggang sa pagpasok ng huling taon ko sa Masci at nagtagal kami ng aking ikatlong kasintahan. Napansin kong mas magagaan na ang aming mga kailangang gawin ngunit magkahiwalay kami ng pangkat ng aking minamahal.

Sa tingin ko ay nakulangan kami sa oras o sadyang umiral na naman ang aking pagiging walang kuwenta at kawalang respeto kaya hiniwalayan na naman ako - pagkatapos ng labing-isang buwan. Ganoon man kasakit ay nagpatuloy pa rin ako sa aking buhay sinyor.

Maraming kompetesyon ang aming sinalihan sa taong ito. Naitatak ko sa aking sariling napakahalaga ng pagkakaisa. Mula sa mga paligsahan sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw, panalung-panalo ang aming pangkat.

Sa mga tagumpay ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang nararamdaman kong kakulangan - gusto ko pang umibig.

Pumili naman ako ng isang dalagang pupuwede kong makasabay sa pag-uwi hanggang sa magkamabutihan kami. Siya na sana ang aking hinahanap.

No comments: