May 17, 2010

Entering Bootytown

Kita mo. Kita mo.
Minsan bakit ganun?
Mas madali namang mamuhay nang simple lang.
Bakit mas pinipili ng ibang tao ang mga kumplikadong mga bagay?
Minsan iniisip ko, tanga ba sila?

Yung tipong nag-sorry ka na (eh un lang naman ung hinihintay niya) papahabain pa ung gulo. Yung tipong okay naman lahat naghahanap ng gulo, ng problema. Maganda sana yung tipong isang sorry lang hindi na iniisip ang iba. Yung tipong isang sorry lang okay na ang lahat. Nakakaintindi naman yung nagso-sorry e. Lecheng sorry yan. 


Mas gusto nila ng gulo, away, di pagkakaintindihan, giyera, rugby boys at mga poster ng mga walang kuwentang kandidato. Kung anu-ano iniisip nila. Mga di kailangang bagay, iniisip. Mga di kailangang gawin, ginagawa. Mga di kailangang alamin, inaalam. Pag di kayang sagutin, pinipilit sagutan. Bakit di na lang kayo mamuhay nang normal at simple lang? Minsan mambubulabog pa ng ibang tao sa pansariling problema - nagpapapansin? Hindi ko naman sinasabing mali pero bakit ganun sila? Bakit hindi nila kayang kumilos nang praktikal, mag-isip nang tama at gawin lang yung mga bagay na dapat gawin? Puro kayo ka-extrahan at pagpapapansin sa buhay e. Leche. Haha. Leche.

No comments: