May 28, 2011

Kapag Wala Ka Pa

Naghalungkat ako ng bag at filecase kong malupit.
Matagal ko na 'tong nahalungkat, matagal na akong naghalungkat.
Noong 4th year high school ko pa ito sinulat sa likod ng notebook ko,
mga bandang 4th Quarter.
Pero hindi ko pa alam noon na For Good yung Graduation Song namin, na ga-graduate ako.
Hindi ko na maalala kung anong subject.
Baka Hum kaya sinulatan ko. Haha.
Matagal ko na ring gustong i-publish 'tong isa pang banong draft
Ito yung buo, unedited;

Yung Title Nung Draft E Yung Title Nitong Entry Lol


Matiyaga akong naghintay habang binabasa ko ang aking libro. Makalipas ang limang minuto, naisip kong tapusin na lamang ang pagbabasa ng kuwentong kailangan para sa isang pagsusulit sa English sa bahay bago maglaro. Binuksan ko ang aking cellphone at tiningnan kung may text ka na. Nang mapag-alamang wala, agad kong chineck ang baterya nito. Pumunta ako sa music player at inumpisahang patugtugin ang isa sa mga kinahihiligan kong kanta. Pinatugtog ko na sa background ang kanta saka isinara ang lid ng aking phone. Inilapag ko sa sahig. Tumingin ako sa bintana, madilim pa at dumarami na ang mga kotseng magagara at mga pampasaherong sasakyang dumadaan sa kalsada. Tiningnan ko ang aking relo - 5:50 - sampung minuto na lamang ay darating ka na. Ako ay labis na nananabik sapagkat sabi mo'y maaga kang darating ngayong araw na ito. Napangiti ako ngunit kinabahan nang kaunti sapagkat hindi ko alam kung paano kong sisimulan ang ating usapan. "Bayaan mo na.", ang nasabi ko na lamang sa aking sarili. Iniasa ko na lamang ang lahat ng posibleng mangyari as ating dalawa sa pagiging madaldal at masayahin mo. Ngumiti ulit ako at muling chineck ang aking cellphone - wala ka pa ring message. Inisip ko na lamang na wala ka nang load. Sinabayan ko na lamang ang kantang pinatutugtog at napansin 6:15 na. Unti-unting napalitan ng lungkot at kung anu-anong mga pangit na ideya ang aking kasiyahan, kasiyahan sa tuwing iniisip kita. Binura na lang ng "Na-traffic siguro siya..." ang mga masasamang iniisip ko habang 'di ko namalayang hindi na pala tumutugtog ang aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha sa pag-aakalang nakatanggap na ako ng message mula sa'yo pero nagkamali ako, wala na pala akong baterya. Ang saglitang pagkasabik ay muli na namang bumagsak at mas grabe pa sapagkat baka mabaliw na ako dahil wala na akong iba pang puwedeng mapagkaabalahan. Ang pagmamadaling makasama ka ay napalitan na lang ng kagustuhang



Yan. Diyan tumigil yung sinulat ko. Dahil matagal kong hindi itinuloy yung sinusulat ko, hindi ko na maalala yung gusto kong idagdag doon, o kung anong nangyari habang sinusulat ko iyon. Baka dumating ka.

No comments: