Gabi. Kagagaling lang ni Dighay sa school. Siyempre, pagdating niya sa bahay e kunwaring makikitang pagod na pagod siya ng nanay niya para hindi na siya pagraratratin pa ng mga tanong na kinabukasan e maririnig niya na naman.
Dighay: Kumain na po ako sa labas.
Nanay: Kumain ka na ba?
Dighay: Nag-KFC na po ako bago umuwi.
Nanay: Ah. Nagkasya ba pera mo?
Dighay: Opo. Sige na, aakyat na ako sa kuwarto ko. Ang dami ko pa yatang assignments.
Nanay: Magtoothbrush ka muna. Baka makatulog ka na naman sa lamesa mo. Magsuklay ka nga ng buhok mo. Ang gulu-gulo o! Ang laki-laki mo na, hindi ka pa rin maalaga sa sarili mo. Paano kang magkakagirlfriend niyan?
Dighay: Oo na po. Eto na po.
Matapos magpakitang-tao ni Dighay e tinuloy na ang pag-akyat sa kanyang binubuong mundo. Madilim. Ilaw lamang ng kanyang lamp shade na color blue ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa kanyang silid. Kalahati lamang ng kama niya ang makikita habang ang kanyang lamesa at laptop na nakapatong dito ang kinasabikan niyang puntahan pagkasara niya ng pinto at ilock ito.
Dighay: Nakakatamad gumawa ng assignments.
As usual.
Dighay: Sana online si Crush.
Facebook. Yahoo Messenger. iTunes. Isinaksak na ni Dighay ang kanyang headphones at naghintay nang magload ang lahat ng kanyang pinasukan.
Game.
Dighay: Uy! Online si Crush! Syeeeeeet men. (nagtatype) Anong assignments natin Crush?
As usual.
Crush: Biology. Hindi ka ba nakikinig kanina? :))
Dighay: Hindi e! Hehehe!! :)) XD Nakakatamad kasi makinig. Boring. :/
Crush: :))
Dighay: Anong kailangan sa Bio?
Crush: Madali lang. Parts of a microscope. Pati types.
Dighay: Wala na? Yun lang??
Crush: Oo. :)) Tapos sa Filipino, magbasa tungkol kay Francisco Baltazar.
Dighay: Yun lang??
Crush: :)) Oo nga! :))
Dighay: Sige salamat! Buti na lang online ka. Hehe. :)
Crush: NP. :)
Napagtantong kokopya lang naman pala ng mga sagot sa internet si Dighay kung sisipag-sipagin siya. Hindi na niya kailangang maghukay sa Google dahil sa Francisco Baltazar at microscope lang naman pala ang ipahahanap niya sa Diyos. No hassle. NO HASSLE? Mamaya na yan.
Dighay: Ang dali lang naman pala ng assignments. Pero buti na lang nagtanong ako. Leche yung teacher namin sa Bio. Putangna maliit na bata tapos ang taray-taray. Katamad pakinggan. Tapos yung sa Filipino matandang mareklamo. Tanda-tanda na, nagrereklamo pa rin. Tangna dukutin ko nunal niya sa labi e.
Muling chineck ni Dighay ang pintuan niya kung nakalock na talaga. Nagbukas ng bagong tab...
Dighay: Sige.. SIGE.. uhh... uhh... UHH... FUCK FUCK PUTANG-- UHH. AHH!!!
Balik kay Crush.
Dighay: (nagtatype) Uy, salamat ulit ah. :))
Crush:
Nakakatamad pa rin gumawa ng assignment. Nadagdagan pa ang pagod ni Dighay. Dahil sa hindi na naman siya sinagot ng crush niya, minabuti niya na lamang na mag-ikut-ikot muna sa Facebook.
Dighay: Putangna. Nakakatamad! Nakakatamad sa school. Sa bahay. Kahit saan puta. Putang ina nakakatamad.
Sa sobrang bagot ni Dighay sa buhay e nagstat na lang siya sa Facebook.
Dighay: (nagtatype) Nakakatamad talaga!
Napansin ng isa sa mga kaibigan ni Dighay ang kanyang status kaya sumagot ito sa pagpapapansin niya. Pagpapapansing sagot sa nagpapapansin.
Sinok: Tangnamo! Ano ba gusto mo?
Dighay: Tite.
Sinok. Gusto mo tite ko?
Dighay: Hindi. Gusto ni Crush.
Sinok: Tang ina mo, huwag mong isama syota ko rito.
Dighay: Tang ina ko? Bakit? Ayaw ba ng syota mo tite mo?
Sinok: Tang ina anong problema mo? Syempre gusto niya no?
Dighay: E tarantado ka pala e. Ano pang ikinagagalit mo sa sinabi ko kanina e gusto naman pala ni Crush yang titi mo?
Sinok: Tang ina mo walang bastusan. Gago ka gulpi ka sa akin bukas.
Dighay: Ikaw pa may ganang manggulpi? Putang ina bastos ba yung sinabi ko? Magpaplastikan na lang ba tayo rito? Kapag totoo tapos hindi madalas makita, bastos na agad? E tarantado ka pala e! Sana hindi na lang tayo ginawang ganito kung ayaw nating makita nang ganito: kung ano talaga ang gusto natin, kung ano talaga tayo. Magpapakitang-tao na lang ba lahat tayo rito? Putang inang yan.
Tinamad lalo si Dighay. Nagbukas ng bagong tab: Google.com.
No comments:
Post a Comment