March 23, 2024

bus stop

diyos ko, lord, ikaw na marahil
ang pinakamahalagang kausap
sa bawat nahuhuling tagaktak
ng aking pagpapawis. malapit
na malapit na akong masawi,
at ikaw na lamang ang nasa
aking isip, sa sugod ng aking
bawat kalamnan, sa higpit ng
aking bawat pagkapit, o,
panginoon, akong may-sala
sa iyo, sa aking sarili, sa aking
katabi, patawad na marami.
ako'y—

...night sky, makes city lights
shine like diamonds. our song
plays on the rasumilid na
ang anino ng konduktor, tumabi
na pala siya sa aking sapatos.
kaunting iniusog ang aking bag,
ta's abot ng singkuwenta.
we're living it up...

sa'n 'to? alabang? estudyante?
inagaw ko ang iniabot na papel,
habang kinukumbinsi ang sarili
na wala nang natira pa sa akin.
please, gagawin ko ang lahat,
umabot lang ako. hindi na ako,
kailan man, manghihingi sa 'yo
ng kahit na ano, magpakung
saan man, manggugulo sa 'yo,
ibigay mo lamang sa akin 'tong
kaisa-isang

at biglang pumreno ang bus,
kasunod ang isang malakas
at mahabang busina sa labas.
putang ina mo! 'tang 'na ka!

hindi ba't nangyayari lang 'to
sa palabas? patayin niyo na 'ko.

No comments: