at naghihintay dapuang muli
ng langis, kaunting hangin,
tulad ng inaalagaang gapang
bago tapak-tapakan at nang
mabudburang hindi gaano
ng asin, parehong balak din,
na bago pang mag-umpisa
ang lahat, mangungunang
muna ang panimulang pabati
ng pighati, kahit lubayan
na ng pagkunwari, maski pa
na manahimik, hinding-
hindi na mayayari,
'pagkat makukumpleto na
ang siyang pagkakayari,
hinding-hindi na kailanman
kikiling sa umaastang hari.
matutuloy ang pangyayari,
wala nang makapipigil pa
sa pag-uunahan, pakapalitan,
hayaan lang mabasa ang
daanan, punasan, basahan,
hinding-hindi na iiwasan.
No comments:
Post a Comment