walang makakaalam maski ang
bagong-gising. sa pangalawa'y
may pagdududa na't kukurot,
pipigaan, maghahanap na ng
tubig, kape, milo, at ipanghahalo
na sachet sa mainit na tubig.
hindi nawa makakamit ang langit
nang hindi nakaibabaw ang isa
sa mga kalbong pinagpatungan
ng tugtugan kinagabihan, sa pag-
pang-abot ng mga hindi kinilalang
mga magulang, bakit kami yung
magkukulang? hindi naman kami
yung nagpalaki sa amin? tsaka,
isa pa, bakit sa isang tuldok na
pangnakalipas, iyon at iyon lang
ang tanging sambit at siwalat,
na para bang kahit makauwi nang
muli sa tahanan, sa naiwang bakas
ng pagpaalam, ilang ulit man na
magkunwaring hindi hibang,
sa pagkamata'y iba na lang, kung
magsisimula, pasensya na lang,
at walang pasensyang pakialam.
No comments:
Post a Comment