April 21, 2013

Stative Verbs & Dynamic Verbs

Stative Verbs

Ang papel na ito ay nais sanang talakayin, at susubuking kuwestiyunin ang ikalimang kabanatang may pamagat na Verbal Classification in Filipino: Dynamic vs. Stative. Nilinaw ng artikulo na nagkaroon na ng iba’t ibang pag-aaral tungkol sa mga pandiwa na humantong sa pagkakaroon ng klasipikasyon sa mga ito. Mula sa case study ni Blake noong 1906 hanggang sa syntactical derivation study ni De Guzman noong 1978, ang iba man ay kumplikado, nakatulong umano ang mga tarok ng isip mula sa mga pag-aaral na ito sa pagpapasimpleng bumuo ng klasipikasyon ng mga pandiwa ang may-akda. At iyon na nga ang Stative at Dynamic verbs. Inunang talakayin ng akda ang tungkol sa mga stative verb na nauukol sa kondisyon. Mula sa walong klase, gusto ko munang talakayin ang unang dalawa. Pumili ako ng isang halimbawang maaaring bigyang-suri mula sa unang klaseng (1) mga pandiwa na nauukol sa pagbabago ng condition o pagiging:

            10. Naging maliwanag ang paningin niya.
            ‘His/Her vision became clear.’

            11. Naging prinsipe ang palaka.
            ‘The frog turned into a prince.’

           
Nilinaw sa mga paliwanag na nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng paningin ng nauna, at pangangatawan at hitsura ng sumunod. Nagkaroon ng pagdidiin sa pandiwang naging bilang pagpapaalala na ito ay para lamang sa unang klase. Nagbago ang paningin. Nagbago ang pangangatawan ang hitsura. Nagkaroon diumano ng pagbabago sa kondisyon o becoming, tulad ng isinasaad ng artikulo na kahulugan. Ngunit tingnan naman natin ang mga halimbawa ng ikalawang klase (2) Destructive Verbs, na isang klase ng pandiwa na nagtatanda ng pagkagunaw o pagkawasak sa pamamagitan ng insekto, ng natural na puwersa, o ng aksidente, o sa madaling salita ay mula sa isang normal na kalagayan patungo sa pagkasira. Narito ang ilan sa mga halimbawang ginamit:

            15. Kakalawangin ang kutsara kung ibabad sa suka.
            ‘The spoon will turn rusty if it is soaked in vineger.’

           
16. Nagiba ng bagyo ang bahay.
            ‘The house was destroyed by the storm.’

           
Simpleng-simple. Nasira ang kutsara. Nasira ang bahay. Nagkaroon din ng pagbabago sa kalagayan, tulad ng nauna. Mayroong negatibong epekto, bilang kaibahan, para sa ikalawa. Kung titingnang mabuti, mayroon ba itong ipinagkaiba sa ikalawa? Paano kapag bumuo ng pangungusap na ‘Naging makalawang ang kutsara.’ o ‘Naging sira ang bahay.’? Malinaw na sinabi ng akda na ang kahulugan ng unang klase ay nauukol sa pagbabago ng condition o becoming. Ang ikalawa naman ay nagbago ang kalagayan patungo sa pagkasira. Sa aking mga ibinigay na halimbawa, paano nang maihahanay ang pandiwang naging? Bakit ihiniwalay pa ang Destructive Verbs sa unang klaseng tungkol sa pagbabago naman pala ng kondisyon o becoming? Hindi ba’t ang pagkakaroon ng kalawang ng isang bakal na bagay ay pagbabago rin ng kondisyon kung titingnang mabuti? Ano ang ipinagkaiba nito sa isang halimbawa mula sa unang klase na ‘Nangitim siya sa init.’ na mayroong pagbabago sa hitsura katulad ng pagkakaroon ng kalawang? Ano rin ang pinagkaiba nito sa ‘Namutla siya.’ na mayroong pakiramdam nang may sakit, at kung may sakit ay mayroon ding paunti-unting pagkasira ng katawan ng isang tao, ano pa’t nagmamarka ng pagiging destructive verb nito? May pinagkaiba rin kaya ito sa ‘Nagutom ang pusa.’ bilang pagkasira ng kalusugan? Paano kung sinabing ‘Nawala ang bubong ng bahay dahil sa bagyo.’ na maaaring magsabi ng pagkasira?

Nagbago ang kondisyon. Ito ang kahulugan ng unang klase. Nauukol sa kondisyon naman ang kahulugan ng stative verb. Kapag kinalawang ang isang bagay, hindi naman ito nalalayo sa pagkakaroon ng pagbabago ng kondisyon. Tama lamang na ikinategorya ito sa ilalim stative verb dahil sa nauukol nga naman ito sa kondisyon ng bagay na yari sa bakal ngunit nakalilito lamang isiping maaari itong ihanay sa unang klase (pagbabago ng kondisyon o becoming) dahil sa nagbago nga naman ang kondisyon. Mas mabuti kayang tanggalin na lamang ang ikalawang klase na destructive verbs dahil halos pareho lang din naman ang pinag-uukulan ng mga ito sa unang klase? Mula sa ‘Nabago ang tanawin.’ ng unang klase, magiging destructive pa ba ang ‘Nabago ng lindol ang tanawin.’? Nakabase na lamang ba sa konteksto ng pangungusap ang pagkakahanay ng pandiwa sa kanyang nararapat na klase? O ang pagdidiing ginawa sa mga pandiwa ay nakapaloob na sa kanya mismong kahulugan sa diksyonaryo?

Pareho namang nagbabago ang kondisyon sa dalawa, mayroong pagbabago sa hitsura at ang ibang pandiwa mula sa unang klase ay maaaring gamitin bilang destructive. Mas maigi siguro kung pagsamahin na lamang ang dalawang klase para maging iisa na lamang. Ang ganitong pagmumungkahi ay para sa mas kaunting mga kategorya para maiwasan ang pagkalito kung may mga nagkakahawig sa halimbawa at posibleng sa mga kahulugan

Isa pang klase ng klase ng stative verb na nais kong kuwestiyunin ay ang phenomenal verbs. Base sa artikulo, ang mga pandiwang ito ay may kaugnayan sa kagagawan ng kalikasan, tulad ng pagsikat ng araw, pag-ihip ng hangin at pagkislap ng mga bituin. Narito ang ilang halimbawa:

36. Inulan ang parada kahapon.
‘The parade was rained upon yesterday.’

37. Bumaha ng dugo sa digmaan.
‘There was bloodshed in the war.’


Malinaw naman sa lahat na ang klima at panahon ay dulot o natural lamang na gawa ng kalikasan. Hindi ito mapipigilan. Ngunit paano kung sinabi ko namang ‘Binaha ng bagyong Ondoy ang maraming kabundukan na nagdulot ng landslide.’? Nagkakaroon ba ito ng destructive na katangian dahil sa pagkasira ng lupa? Hindi ba’t dito sa konteksto ng Pilipinas, malimit na nakasisira ang baha, lalung-lalo na kung napakalakas nito? Maaari itong makasira ng lupa, ng mga daanan, ng mga tahanan, dahil lamang sa umaagos nitong tubig. Kapag nagkaroon ng baha, negatibo agad ang konotasyon para sa ating mga Pilipino, marami kasing nasisira o nababalitang nasisira. O mapupunta pa rin ito sa kategoryang phenomenal dahil sa natural namang umuulan kahit na maraming nagsasabing maaaring maagapan ang pagbaha? Maaari rin namang bumaha sa mga lokasyong walang nakatirang tao kaya pupuwede kayang maging natural na sakuna pa rin ang pagbaha?

Hindi naman lahat ng phenomenal na pandiwa ay destructive pero may mga iilan pa ring maaaring isama sa destructive verbs. Maaarin umulan ng acid rain na destructive, maaaring humangin nang pagkalakas-lakas na makapagpapalipad ng mga bubong at makapagpapagalaw ng malalaking tangkay, maaaring umaaraw lang pero pagkainit-init na maaaring makapagpatuyo ng lupa at makasira rin. At papaano pa ang mga pagputok ng bulkan, paglindol at pagbagsak ng bulalakaw galing sa kalangitan na kapwa mga natural na sakuna? Lahat ng mga ito ay destructive at hindi rin naman mailalayo sa pagiging phenomenal. Paano na lamang silang maihahanay? Dedepende na lamang ba ang pagkaklase ng isang pandiwa sa  antas o grado ng pagkasirang idudulot nito? Maaari rin naman kasing bumaha o lumindol ngunit walang nasira. Kaya ba ihiniwalay na lamang ang mga natural na kalamidad para hindi na lamang pag-usapan pa ang antas ng pinsalang maaari nitong dalhin? Nagkakaroon kasi ng pagkakatagpo o pagkakapareho sa ilang mga pandiwa katulad ng mga nabanggit kong halimbawa sa pakahulugan ng destructive verbs. O babalik na naman tayo sa konseptong ang pagkakategorya ng isang pandiwa ay nakabase pa rin sa konteksto ng pangungusap at hindi na lamang sa kanyang kahulugan?

Atin namang pag-usapan ang tungkol sa mental at psychological verbs. Ipinakahulugan ng artikulo na ang mental verbs ay nauukol sa mga prosesong nangyayari sa loob ng kaisipan, tulad ng pagkatuto, pagkaunawa, o pagiging maalam. Isinama pa rito ang pagkukunwari bilang ibang tao ay isa ring mental na proseso. Para naman sa psychological verbs, ito raw ay mga pandiwang may kaugnayan naman sa kalagayan ng mga damdamin tulad ng galit o lungkot. Kapag mayroon ding kinokonsidera ang isang tao na bagay bilang mabuti o madali ay sinasabi ring isang psychological na pangyayari. Nais kong kuwestiyunin ang bahaging ito sapagkat ang sikolohiya ay hindi lamang nalilimitahan sa takbo ng damdamin. Hindi rin naman maitatangging ang mga nararamdaman ng isang tao ay may kaugnayan din sa kanyang mga iniisip. Kaya paanong maiihiwalay ang damdamin o pagkokonsidera ng isang bagay na mabuti sa mga proseso ng kaisipan? Ang sikolohiya ay mayroong malaking sakop kung saan nakapaloob din ang mga mental na proseso. Maaari sigurong palitan ang katawagan ng psychological verbs o kaya naman ay pagsamahin na lang din ang dalawa at ikategorya na lamang bilang simpleng psychological na mga pandiwa bilang nasa ilalim din naman ang mental na proseso sa larangang ito.

Mayroong mga pagkakahawig sa kahulugan. Mayroon ding mga pandiwang maaaring ihanay sa dalawang klase, at depende rin ito sa kung gaano katindi ang nakapaloob sa konteksto ng pangungusap. Hindi malinaw sa mga ibinigay na kahulugan at halimbawa kung ibabase ba ang paghahanay ng isang pandiwa sa kanyang kahulugan o sa kontekstong kanyang kinabibilangan. Ang mga ito ay nagdudulot lamang ng mga pagkalito na maaaring makasira sa nabuong mga klasipikasyon. Magkaroon sana ng mas malinaw o mas detalyadong pagpapakahulugan. Subukan ding gumamit ng ibang bagay bilang object kung magbabago pa ba ang klase ng isang pandiwa. Maaari ring tingnan ang mga posible pang mga halimbawa kung maaaring ihanay o tumutugma ang pagpapakahulugan sa bawat depinisyon ng bawat klase ng stative verb.

Dynamic Verbs

            Kaiba naman sa stative verbs, ang dynamic verbs ayon sa artikulo ay sinasabing mga pandiwang naghahayag ng aksyon. Narito ang ilang halimbawa ng objective verbs (sa ilalim ng dynamic verbs) na sinasabing mga pandiwang mayroon parating direct object o tagatanggap ng aksyon:

4. Magluluto ang nanay ng ulam.
            ‘Mother will cook the main dish.’
           
            5. Kumuha siya ng pagkain.
            ‘He got some food.’


            Kitang-kita naman na tinanggap ng ulam ang aksyong magluluto at ng pagkain ang pandiwang kumuha. Kapag bumuo ako ng pangungusap na ‘Niluto ang ulam.’ o kaya ‘Kinuha ang pagkain.’, objective pa rin ang mga nagamit na pandiwa kahit na walang tagagawa ng kilos dahil meron pa ring tagatanggap. Nakadiin sa tumatanggap ng kilos, hindi man malinaw ang may dahilan, ang mga objective verb. Ngayon, tingnan ang halimbawang kinuha ko naman sa phenomenal verbs (mula sa stative verbs):

            36. Inulan ang parada kahapon.
            ‘The parade was rained upon yesterday.’


            Maaari rin akong bumuo ng iba pang pangungusap katulad ng ‘Binaha ang lungsod.’ o kaya naman ay ‘Hinangin ng bagyo ang bubong nila.’ Ang mga pangungusap na ito ay phenomenal, base sa mga depinisyong inilatag kanina sa mga naunang bahagi at kasabay niyan ay ang pagiging objective. Napapailalim sa dalawang nangungunang klase ng pandiwa mga inihaing halimbawa ng pandiwa. Kapwang mayroong nakapaloob na aksyon at kagagawan ng kalikasan. Paano na lamang sila maihahanay? Maaari bang nasa dalawang pinakaklase ng mga pandiwa sa Filipino ang isang pandiwa? Narito pa ang ilang halimbawa na galing naman sa destructive na klase:
           
16. Nagiba ng bagyo ang bahay.
            ‘The house was destroyed by the storm.’

            17. Tinupok ng malaking sunog ang sambayanan.
            ‘The big fire burned down the whole town.’


            Maaaring pan-stative pa rin ang dating ng mga inilagay kong mga kasunod na pandiwa dahil mukhang wala nga namang nangyaring aksyon ngunit mayroon pa ring mga tumanggap ng kilos. Tinanggap ng sambayanan ang tinupok at ng bahay ang nagiba. Kung malinaw sa mga pangungusap na mayroong aksyon at mayroong tumanggap ng aksyon, maaari kayang ihanay ang marami sa destructive verbs sa ilalim ng objective verbs? Masisira ba nito ang binuo pang dalawang magkaibang klase ng mga pandiwa (stative vs dynamic) kung maaaring ihanay sa dalawa ang ilang salita? May malaki bang pagkakaiba ang ‘Kinagat ang burger.’ at ‘Giniba ang bahay.’? Paano naman ang halimbawang ito na nasa ilalim ng directional verbs (dynamic):

            16. Hinugasan niya ang pinggan.
            ‘He/She washed the plate.’


            Ayon sa artikulo, ang directional verb ay isang pandiwa na patutunguhang direksyon. Madali rin daw itong malaman kung -an-verb ang nangyayaring kilos. Lahat ng mga natirang halimbawa sa ilalim ng directional verbs ay mayroong direksyong patutunguhan. Inihahayag ba ng hinugasan na patungo ang aksyon sa pinggan? Ano pang pinagkaiba ng halimbawang ito sa objective verbs? At ito pa na galing naman sa locative verbs (dynamic):

            36. Naghugas siya ng mga baso (sa palanggana).
            ‘He/She washed the glasses (in the basin).’


            Inilahad ng kahulugan ng locative verbs (dynamic) na may mga halimbawang pandiwang naghahayag ng aksyon na kailangang mangyari sa isang lugar. Ibig sabihin, may mga pandiwa raw na kumakailangan ng lugar na pangyayarihan. Sa pagkukuwestiyong ito, iisang pandiwa lamang ang aking napuna (hugas). At kung susundin natin ang marahil na pinag-uukulang atensyon ng stative verbs para sa kanyang kahulugan, na base na rin sa kanyang mga ibinigay na halimbawa, maaari bang tingnan ang pandiwang hugas  sa kanyang kahulugan sa diksyonaryo para mas madaling maihanay sa kanyang tamang klase? Bakit noong hinugasan ang pinggan ay hindi kinailangan ng lugar ng paghuhugasan? Kapag naging nag- verb na lamang ba puwede ito katulad ng ‘Nagluto ng litson sa kawali (sa kusina)? E papaano naman ang ibinigay na halimbawa galing sa objective verbs na ‘Magluluto ang nanay ng ulam.’? Mauulit na naman ba ang paglalagay sa dalawang klase ng iisang pandiwa? Nakalilito kung titingin ba sa kahulugan ng pandiwa, o sa tatanggap ba ng aksyon, o sa kahulugan pa ba ng klase ng pandiwa. Nililinaw din ng artikulo na maaari pang makatulong ang pagtingin sa panlapi ng mga pandiwa:

            Pandiwa                        Panlapi

  objective               mag-, -um-, mang-, mag-...-an, -in-, 
                                    makipag-...-an
           
  directional                    mag-, -um-, mang-, i-, -an, -in-

 benefactive                    i-, ipag-

 causative                      pa-, ika-, ikina-, na-, ipina-, 
                                        nagpa-, nag-

 instrumental                 ipang-, ipinang-, nag-

locative                         nag-, -um-, -in-, ipa-, i-...-in-

           
May mga pandiwang madaling matandaan dahil sa angking kahulugan katulad ng nanggaling para sa locative at nagbigay para sa directional. May mga pandiwa namang makikita sa anyo dahil sa taglay na panlapi katulad ng ipag- para sa benefactive at ipang- para sa instrumental. Ang iba naman ay maaaring matukoy depende sa konteksto o iba pang bahagi ng pangungusap tulad ng sa pamamagitan ng- para sa instrumental at dahil sa- para sa causative. Maaaring alamin ang klase ng pandiwa sa iba’t ibang paraan kung titingnang mabuti ang mga ibinigay na halimbawa at kahulugan ng artikulo.
           

Kung mukhang nakatuon sa taglay na kahulugan ng pandiwa ang magkaklasipika sa stative verbs, bakit sa iilang halimbawa lamang ng dynamic verbs ito magagamit? Babalik at babalik pa rin ba sa konseptong makatutulong ang ibang bahagi ng pangungusap para mas madaling matukoy ang klase ng pandiwa? Nagmumukha kasing sa kalakhan ng mga halimbawang pangungusap na inihain ng artikulo para sa bawat klase ng pandiwa, mula sa mga stative patungo sa mga dynamic, magkaibang-magkaiba ang basehan sa pagtukoy ng klase ng isang pandiwa. Nilinaw na kanina na mayroong iba’t ibang paraan. Ngunit iisa o dadalawa lamang sa mga paraang ito ang makikita sa mga halimbawa ng stative na halos lahat ay purong kahulugan ang pinagtuunan ng pansin. Mas nakikita ang pokus ng pandiwa sa mga klase ng dynamic verbs. Kinakailangan pang tingnan ang panlapi o mga kasama nitong salita sa loob ng pangungusap para lamang malaman kung saan ihahanay ang pandiwa. Sinisira ng ganitong pagbibigay-pakahulugan ng dynamic verbs ang naunang inilahad ng stative verbs. Maraming pandiwa tuloy ang maaaring maisama sa higit sa isang grupo. Maaari naman pero ang proseso sa kung paano natukoy ang iba’t ibang klase ay hindi nagtutugma.


Kabanatang sinuri:

Cubar, E. H., Cubar, N. I. “Chapter 5: Verbal Classification in Filipino: Dynamic vs. Stative”. Writing Filipino Grammar: Traditions & Trends. Quezon City: New Day Publisher. 1994.

April 14, 2013

Exit to Existence

Ops! Teka lang! Subukan mo 'to. Please. Alam kong kaya mo 'to. Madali lang. Pakiramdaman mo muna yung inuupuan mo. Tapos yung mouse. O yung touchpad. O yung keyboard. Tapos yung tinitingnan mo. Tumigil ka. Pansinin mo na ang iyong paghinga. Mapapansin mo na. Napapansin mo na ba? Tumigil kang mag-isip. Subukan mo. Basahin mo ang. Bawat. Salita. Sa. Bawat. Linya. Nang. Maunawaan. Mo. Tigil.
.
.
.
Subukan mong tingnan ang iyong palad. Madali lang. Huwag ka nang mahiya. Tingnan mo na ang iyong palad. Tiningnan mo na? Tingnan mo na. Mabilis lang. Pero nang hindi nagmamadali. Hindi kita inuuto. Magandang bagay ito. Subukan mo lang. Astig. Ngayon. Handa ka na talaga. Pansinin mong muli ang iyong paghinga. Pansinin mong muli na nakakikita ka pala. Tumitig ka lamang, ngunit 'wag kang mag-isip. Tumingin. Ka. Lang. Subukan mong muli. Isa pa: Tingnan mo ang iyong palad.
.
.
.
Buhay. Isa kang nilalang. Humihinga. At araw-araw nag-iisip. Subukan mong pansinin ang sarili mo. Mas maraming beses kang mag-isip kaysa makita ang nasa harapan mo. Ngayon, subukan mong 'wag mag-isip. Ngayon lang. Pansining muli ang paghinga. Tumitig. Huwag mag-isip. Tingnan ang palad. Buhay ka nang muli.

April 13, 2013

Weird

Ang weird mo. Ang weird ko. Ang weird naman nila. Ay, ang weird niya! Sobrang weird talaga! Ang weird niya kanina. Ang weird naman niya! Ang weird ko kanina!

Weird.


Gusto ko sana 'tong bigyang-kahulugan, nang totoo, walang bias, at siyempre, pabarbero. Barbero naman kasi ako. Pero ibang kuwento na iyon. Weird. Strange. Kakaiba. Hindi mo sigurado kung magugustuhan mo o hindi. Maaaring gusto mo, pero hindi naman gusto ng iba. Maaari ring kakaunti lang kayong may gusto, at mas maraming ang tingin sa inyo ay weird. Weird. Strange. Kakaiba kayong kakaunti lamang. Paano kapag dumami kayo, tapos lumawak ang impluwensiya, kayo pa ba ang weird? Nakabase ba sa social na mas maraming gumagawa, hindi na weird? Binabasag ba ng kaisipang ito na kailangang may bilang ang pagiging tanggap o hindi mukhang weird? Nakadikit nga ba ang pagiging kakaiba ng isang bagay sa bilang ng nakauunawa sa mga ganitong bagay? Weird. Strange. Kakaiba. Babalik tayo sa tanong na, "Ano nga ba ang weird?" 

Ano nga ba talaga? Nasira ko na ba ang assumption na nakaangkla sa dami ng taong tumatangkilik. Ano pa ba ang pupuwedeng tingnan at suriin? Weird. Nakikinig daw kasi ako sa steampunk genre ng music. Masarap sa tenga ko e. Dalawa kaming alam kong nakikinig kami. And from the rest of our circle of friends, think na weird yung music na iyon. Pero para sa aming dalawa, hindi weird ang tingin namin sa kanila. Hindi ko alam. Alam ko ang konsepto ng pagiging weird pero, hindi talaga weird ang steampunk genre sa akin. Siguro kasi nagustuhan ko? Kapag naging bahagi na ako ng kalingang aking pinagbuksan ng pinto at pinapasok e, hindi na ito magiging weird para sa akin? Siguro. Baka. Malamang. Marahil. Hindi ko pa rin talaga alam. Kasi, tingnan mo, weird para sa akin ang mga jejemon. Hindi na iyong mge jejemon na nakakabit sa pagtetext na lamang. Later on kasi, inihanay na rin sila sa pagigiging jologs, Jolina's Organization? Jejelogs? Jejelogz? O ako lang nag-iisip ng gano'n? Kung sa bagay, halos lahat, I mean lahat pala ng nakalagay rito, opinyon ko lang naman. Alam mo naman sa sarili mong hindi mo kailangang maniwala sa sinasabi ko. Pero kahit na may ipinupuwestong ganyang pagbababala sa harapan, sinisikap ko pa rin naman kahit papa'no na maging maayos, malaman at medyo may sipa ng pinag-isipang usapan bago ko isulat. Nagmuni man lang naman ako kahit kaunti, no? 

Pero babalik: May binanggit na isang wika ang isang kong professor sa rehiyunal na panitikan na weird. Wikang weird. Kakaibang language. Strange language. Strange na language. Ang 'strange language' ay English. At ang 'strange na language' ay Filipino. At ang 'ang strange language' ay Filipino. Huwag kang mag-alala. Wala akong panahong ipaliwanag ang mga ibinigay kong halimbawang pangungusap dahil wala naman silang kinalaman sa tatalakayin ko'ng kasunod. Weird. Strange. Kakaiba. Paano nga bang nagkakaroon ng kakaibang wika? Take note: Wika. Wika na ito. Isang malaking bahagi na ito ng kultura. To put it simply, hindi maihihiwalay ang kultura sa wika, ang wika sa kultura. Katatapos ko lang mag-Taglish. Going back: Paanong naging weird ang isang wika? Kasi hindi mo ginagamit? Kasi hindi ka native speaker? Parang kapag nakarinig ako ng French, for the first time, weird? Ang French language ba, para sa mga French people, weird? Ang Tagalog ba, para sa isang tubong-Manila o tubong-Cavite, weird? Hindi naman 'di ba? Ang Spanish ba, weird para sa iyo? Maaaring oo, maaaring hindi. Maaari ring walang nagbabasa nito. 

Ibig sabihin, kapag tinanggap ko na ang isang bagay sa sarili ko, hindi na ito magiging weird para sa akin? Bale, ang pagiging weird ay nakadepende sa isang tao. Paano na natin ito maipapasakahulugan? Kayo na ang humusga kung ano ang weird. Trabaho ko pa ba iyon? Nakadikit ang weirdness ng isang bagay o konsepto sa panlasa mismo ng isang tao. Hindi maaaring maggeneralize, siguro, ng isang weird na bagay. Maaaring wala nang matatanggap ng universal fact na pagiging weird ng isang bagay o konsepto. Weird. Strange. Kakaiba.

April 12, 2013

Bakit Hindi Ko pa rin Alam?

As usual, hindi ko na naman alam. Hindi ko pa rin talaga alam. Hindi ko na naman alam kung bakit pinindot ko na naman 'yang lintik na create a new post. Bakit pa? E kung anu-ano na naman ang ilalagay ko rito. Namimiss ko lang sigurong magsulat ng essays. Panay pagpapapansing-kaunti at maiikling naratibo yung natitripan ko ngayon. Ngayon? Sa ngayon nga, dapat, gumagawa na ako ng outlines. Mayroong mga tatlong narratives yung gusto kong ioutline kaso, tinatamad talaga ako. Hindi ko na naman alam kung bakit. Siguro kasi, hindi naman required. Pero, gusto ko talaga. Oo, gusto ko. Alam kong gustung-gusto kong nagsusulat ng narratives at essays kahit na wala naman talagang kuwenta akong magsulat. Wala nang bago sa mga sinasabi ko. Sa dami nang nangyayari ngayon, imposible nang mag-isip ng bago. O imposible lang talagang maging napakacreative ng utak ko. O imposible lang talagang sipagin ako. Yung tatlong naisip kong idea for narratives, sana hindi mabura sa isipan ko. Pero laking gaan ding walang naiiwang projects na hindi naman kasi nga required kung makalilimutan ko sila. Pero sana, hindi ko pa rin sila makalimutan kasi, ang lupit talaga ng mga naisip ko. Rerepasuhin ko pang gumawa ng maayos na outline. Pakiramdam ko, mas madaling gumawa ng outline kapag hindi required, kasi hindi ko na pipiliting magkaroon ng pangalawang part ang isang part kapag hindi na talaga kaya. Teka, kinakabahan ako, baka makalimutan ko na nga silang tatlo. At kahit na sa napakakawalang kuwentahan naman ng blog na ito kaya wala nagbabasa, itatago ko pa rin sa code words yung tatlo: 

1. Knock How Jeep
2. Cup Hole Sects & House Fee Toll
3. Aug. Ow Un-Ack!

Iniisip ko rin, minsan, minsan lang naman, minsan, hindi bagay sa'kin yung Twitter. Nung naadik na naman ako sa maiikling pagsasalita, nakaligtaan ko nang mag-essay. Gusto ko na uling magsalita. Ayaw kong lumabas kasi wala namang masyadong materyal sa subdivision namin. Siguro kapag nakalabas kami sa Sunday, marami na uli akong makita. Gusto ko na rin ulit magsulat para sa Jumbo Gravy. Marami pang naiwang episodes na hindi pa naguguhit ng girlfriend ko. Mayroon pa ring isang episode na guest comic ng kuya ko. Malapit na rin palang matapos yung second floor na ginagawa sa harap ng bahay namin. Itaas ng bahagi ng garaheng tinatapos pa. Alam kong tahimik do'n kasi hindi naman kakabitan ng antenna yung TV. Ang alam kong gagawin lang do'n sa TV e para sa Playstation 3. Iaakyat lang din yung mga gitara pero wala naman sigurong matagal tutugtog do'n nang matagal at sobrang dalas. Hindi ko rin alam kung puwede yung katagang 'sobrang dalas'. Ang bagal pa rin ng PS 3 namin. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagsimula iyong pagkabagal na iyon (pero hindi naman, pumipitik-pitik lang yung lag, tolerable pa rin naman) nung may ginawang glitch sa restoration pots yung bunso kong kapatid. Hayy.. Sorry, wala pa ring kuwenta hanggang ngayon mga sinasabi ko. Gusto ko na ring ituloy yung 100 questions sa Makasapi kaso, wala pa rin sa 100, kaya nakakatamad pa rin. Sorry talaga. Ikaw? May gusto ka bang pag-usapan ko sa blog na ito? Icomment mo na lang sa baba. 

April 9, 2013

Skyrim: Alchemy

FE: BBW, HagClaw, SnowB, SprigSap
FS: Blist, GlowMush, SabreTooth, SprigSap
FM: Canis, Elves, Junip, SpidEgg

Fortify Enchantment: Blue Butterfly Wing, Hagraven Claw, Snowberries, Spriggan Sap

Fortify Smithing: Blisterwort, Glowing Mushroom, Sabrecat Tooth, Spriggan Sap
Fortify Marksmanship: Canis Root, Elves Ear, Juniper Berries, Spider Egg

Limbs and Souls

The Philosopher's Stone
The Heavenly Stone
The Great Elixir
The Red Tincture
The Fifth Element

HT: T

There.

Crows.


Water. 35L

Carbon. 20kg
Ammonia. 4L
Lime. 1.5kg
Phosphorus. 800g
Salt. 250g
Niter. 100g
Sulfur. 80g
Flourine. 7.5g
Iron. 5g
Silicon. 3g

April 3, 2013

Malapit na Mawala si Mama?

Para sa mga bata..


Biyernes na at pauwi na ako galing sa paaralan. Wala na namang klase bukas. Doon lang ako ulit sa bahay namin.  Doon lang ako kasama si Mama.

Mula Lunes hanggang Sabado pumapasok sa trabaho si Papa. Naiiwan palagi sa bahay si Mama. Siya ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay. Maagang gumigising si Mama para maaga niya ring matapos ang mga gawain.

Si Mama ang nag-aayos ng aming kuwarto. Si Mama ang naglalabas ng lahat ng basura sa bahay. Si Mama ang naglilinis ng banyo at iba pang bahagi ng bahay. Si Mama ang naglalaba ng aming mga damit.

Pero ngayong narito na ako sa bahay at walang pasok kinabukasan, matutulungan ko nang muli si Mama. Sinimulan ko na agad ang aking mga takdang-aralin para maibigay ko ang lahat ng aking oras para kay Mama bukas. Inabot na ako ng gabi.

“Karlo, halika na at matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas,” yaya ni Mama sa akin. “Kailangan na nating matulog para mayroon tayong lakas.” Magkakatabi kaming tatlo nina Mama at Papa sa kama habang sila’y nakayakap sa akin kapag natutulog.

“Karlo, anak, gising na,” panimulang bati sa akin ni Mama. “Bumangon ka na at itiklop ang kumot. Ayusin mo na rin ang mga unan.” Agad-agad ko namang sinunod si Mama.

Maayos nang muli ang kama namin!

 “Pagkatapos niyan, bumaba ka na para mag-almusal.”

“Opo, Mama,” sagot ko sa kaniya.

Lalo akong ginanahan sa amoy ng almusal namin. Mayroong pandesal, sinangag at pritong itlog. “Damihan mo ang iyong kinakain at ubusin mo ang iyong gatas para mas lalo ka pang lumakas at hindi ka agad mapagod,” nakangiting paalala sa akin ni Mama.

“Opo, Mama,” sagot ko sa kaniya.

Niligpit na namin ang lamesa pagkatapos kumain. Nagwalis na rin si Mama ng buong bahay. Lahat ng kalat, dumi at basura sa buong bahay ay inipon na namin at pinagkasya sa loob ng isang malaking itim na garbage bag.

Malinis nang muli ang bahay namin!

“Karlo, dalhin mo ito sa tapat ng bahay natin,” sabay abot ng garbage bag sa akin.

“Opo, Mama,” sagot ko sa kaniya.

Madali akong bumalik sa bahay matapos ipuwesto ang garbage bag. “Maglilinis na tayo ng banyo,” salubong ni Mama sa akin. Nagtungo na kami sa banyo at nakita ko nang nakahanda ang kagamitan. Sinimulan na namin ang paglilinis. Kami’y nagsabon nang nagsabon. Kami’y nagkuskos nang nagkuskos. Kami’y nagbanlaw nang nagbanlaw hanggang sa kami’y nagpunas nang nagpunas.

Makintab nang muli ang banyo namin!

“Karlo, kunin mo na ang baldeng puno ng maruruming damit. Dalhin mo iyon sa harap ng bahay natin nang tayo’y makapaglaba na.”

“Opo, Mama,” sagot ko sa kaniya.

Paglapag ko ng balde sa harap ng aming bahay ay nakita ko na ring papalapit si Mama. Pagdating niya’y binuksan na ang gripo. Inilagay na rin ang maruruming damit sa isang malaking planggana. Pinatakan na rin niya ng sabon. Sinimulan na namin ang paglalaba. Kami’y nagkusot nang nagkusot. Kami’y nagpiga nang nagpiga. Kami’y nagbanlaw nang nagbanlaw hanggang sa kami’y nagsampay nang nagsampay.

Mababango’t malilinis nang muli ang aming damit!

“Ayan! Tapos na tayo. Tanghalian na rin pala. Sigurado akong gutom ka na, anak!” Natutuwang sambit sa akin ni Mama kahit kaming dalawa’y pagod na pagod na.

“Gutom na gutom na po!” nasasabik na sagot ko sa kaniya.

Ganito kami parati kapag Sabado. Masaya kami ni Mama dahil mas maaga siya natatapos sa mga gawaing bahay.

Dumating ang araw ng Linggo. Walang pasok si Papa. Sabay-sabay kaming kumain ng almusal at nagsimba. Kinabukasan ay Lunes na naman at may klase na ako muli.

Natuwa ako sa unang araw ng klase sa sumunod na linggo. Nagustuhan ko kasi ang itinuro ni Teacher Marnie sa subject naming Science. “Ang dugo ay mahalaga sa tao. Ito ay tuloy-tuloy na dumadaloy sa ating buong katawan. Ito ang nagbabahagi ng mga bitamina at nutrients sa ating buong katawan mula sa mga pagkaing kinakain natin. Ang dugo, kapag lumabas sa ating katawan ay nagiging kulay brown kapag natuyo. Maigi para sa mga kulang sa dugo ang pagkain ng gulay na tulad ng ampalaya. Kung walang dugo, mamamatay ang tao,” alalang-alala ko pa bago umuwi sa bahay.
        
        Dumaan na ang iba pang mga araw ng klase nang may natutunan akong bagong bagay. Palagi kong nagugustuhan ang mga turo sa aming paaralan. Natutuwa ako dahil alam kong magagamit ko aking mga natutunan.
           
     Biyernes nang muli. Tapos na rin ang aming klase. Madali na akong umuwi para madali ko na ring matapos ang aking mga takdang-aralin. Katulad ng dati, sabay kaming natulog nina Mama at Papa pagkatapos ko ng mga gawain sa paaralan.

“Karlo, anak, gising na,” panimulang bati sa akin ni Mama. Dahan-dahan na akong bumangon at inayos ang aming kama ngunit may napansin akong kakaiba.

Mayroong kulay brown na mantsa sa puwestong hinihigaan ni Mama sa kama!

Hindi ko na natingnan pa nang matagal ang mantsa dahil sa tinawag na ako ni Mama para mag-almusal.

Katulad ng dati, naglinis na rin kami ng bahay pagkatapos kumain saka iniabot sa akin ni Mama ang garbage bag. Nang ipinatong ko na sa tapat ng bahay namin ang garbage bag, mayroong nalaglag.

Ito’y isang kulay puting bagay na may mantsang brown din!

Agad-agad akong bumalik papuntang banyo dahil iyon na ang aming sunod na gawain. Papalabas na ng pintuan ng banyo si Mama nang dumating ako roon. “Naku, hintay ka lang muna, Karlo, nakalimutan kong kunin ang ating mga gagamitin.” pagmamadali ni Mama. Pagpasok ko ng banyo, mayroon akong nakita sa aming bowl.

Mayroong halong kulay pula ang ihi ni Mama!

Agad-agad kong binuhusan ang aming bowl hanggang sa mawala na ang kulay. Nakabalik na si Mama sa aking huling buhos. Sinimulan na namin ang paglilinis ng banyo.

Katulad ng dati, pinuntahan ko na ang aming labahan nang matapos kami sa paglilinis ng banyo. Pagbuhat ko sa lalagyan, mayroon na namang nalaglag.

Mayroong kulay brown sa panty ni Mama!

Dinampot ko na ito at inihalo na sa iba pang maruruming damit. Pagdating ni Mama sa puwesto ng aming paglalabhan ay nagsimula na kaming nagkusot hanggang sa magsampay.

Katulad ng dati, kumain na kami ng tanghalian matapos ang mga gawaing bahay. Habang kumakain, nag-isip ako nang mabuti kung bakit mayroong mga kulay brown at pula sa basurahan, sa banyong pinag-ihian ni Mama, sa panty ni Mama at sa puwesto sa kama ni Mama.

Naalala ko ang turo ni Teacher Marnie sa Science.

“Mamamatay na kaya si Mama?” bulong ko sa aking sarili. Tiningnan ko si Mama habang kumakain. Nginitian niya lamang ako. Nag-isip ako nang mabuti kung paano ko matutulungan pa si Mama.

Alam ko na ang dapat kong gawin! Bibili ako ng ampalaya sa tindahan pagkatapos kong kumain ng tanghalian. Gagamitin ko ang aking inipon na pera.

Pagkatapos kong kumain, kumuha na ako ng pera mula sa aking alkansya. Pumunta na ako sa palengkeng malapit sa amin. Bumili ako ng isang napakalaking ampalaya at saka ako umuwi.

Tuwang-tuwa akong pumasok sa bahay. “Ano iyang binili mo, Karlo?” salubong sa akin ni Mama.

“Ampalaya po,” sagot ko sa kaniya.

“Para kanino naman iyan?” nagtatakang tanong sa akin ni Mama.

“Para po sa’yo, Mama. Nauubusan ka na po ng dugo, ‘di ba? Ayaw ko po kasing mawalan ka ng dugo. A-ayaw k-ko po kasi-sing mamatay ka-a. A-ayaw k-ko p-po kasing mawala ka,” patumpik-tumpik kong pagsagot. Umiiyak na pala ako.

Madali akong niyakap ni Mama. “Ano ka ba, Karlo, anak? Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Y-yung p-puwesto mo po kasi sa k-kama, may dugo. Y-yung, b-bowl po, yung i-ihi mo p-po, may dugo. Y-yung p-panty mo po, may d-dugo. ‘Di ba po nauubos na p-po yung d-dugo mo?” lalong lumakas ang aking pag-iyak.

“Ahh. Hahaha!” tawa ni Mama. Nagsimula na akong magtaka. “Iyon lang naman pala e!” maluwag na tugon niya sa akin. Unti-unting nabawasan ang aking pagluha. Bakit kaya nakangiti pa rin si Mama?

“Mayroon kasi ako ngayong regla, anak,” paliwanag sa akin ni Mama.

“Regla?”

“Oo, regla. Hindi ba’t napag-aralan niyo na ang cells sa school?”

“Opo. Ito po yung mga bumubuo sa katawan ng mga buhay na bagay katulad ng tao, hayop at halaman,” sagot ko sa kaniya.

“Iba’t iba ang cells sa katawan, Karlo. Mayroong cells na kailangan para sa pagbuo ng baby. Ang pagkakaroon ng regla yung panahong handa na sana ang katawan naming mga babae para magdala ng baby sa loob ng aming tiyan kaya lamang ay walang nasalubong na sperm cells, na galing sa lalaki, ang egg cells na galing naman sa babae. Namamatay ang egg cells na ito at nagiging dugo saka inilalabas ng aming katawan. Normal ito sa aming mga babae.

Hindi pa ako mamamatay, anak. Natural ito sa katawan ng isang babaeng katulad ng Mama mo. Huwag ka nang umiyak, Karlo,” nakangiting sambit sa akin ni Mama. Muli niya akong niyakap.


Gumaan nang muli ang aking loob. Masaya ako at hindi naman pala mamamatay si Mama.

February 19, 2013

Afro Zest



Codes. Syntax. Microphones. Headphones. Noise kills. Bug fixes. Fix. Fig. Full. Fury. F. Fuck. Fucker. Fuckers. Fucking  fuck. Fuckity fuckfuckfuck. Frustration. Fail. Failed. Fails. Failure. Failures. Failures. Flail. Frames. Framed. Fool. Fools. Fools! Fuck. Fire. Flames. Frosts. Frozen Flames. Frosted Fire. Faint? Frail. Frails. Free? Free. Foam. Fake! Fakes! Fake. Fume. Fan. Fame. Fantasy. Feint. Fight. Fought. Freeze. Fissure. Friend. Friends. Friends! Friends... Friends? Find. Finds. Floo. Found! Foes. Fades. Feels. Flee. Fleed. Forge! Haha! Fags. Far. Far away. Far far away. Fl u i ddd. Fluent. Futa. Fut-. Fut-. Futang ina. Ugh. Feel. Finite. Forever? Fly. Flies. Sticky. Stick. Ice. Eyes. Feeds. Fed. Fed up. Flamboyant! Fabulous! Faaaaassst...? Frail. Frails. Fuzz? The fuuunds. NOOO. Fuck. Food. Barrels! Working with the barrels all along. Fair, yes? Fair? COLD! Fridge. Farms. FARMERS! FUCKING FARMERS. Fertile? Hindi nga? Fat. Totoo? Fountain. Fountains. Faces. Fields. Figures. Fallacies. Fear. Fences. Faramore! Far amour. Far armor. Family?  Foul. Foggy. Fizz. Flicker. Forget. 

Scenario 3

Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba? Nanggaling kaya 'yon sa mga E-

(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)

Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na. Chinese New Year pa man din! Baka malasin ka! Haha!

Mag-aaral: Chinese din po kasi girlfriend ko.

Guro: Ahh, kaya naman pala. Sana mamaya na lang kayo nagcelebrate! Kita mong may klase pa tayo o!

Mag-aaral: Quickie lang naman po e.

Scenario 2

Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba? Nanggaling kaya 'yon sa mga E-

(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)

Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na. Valentine's Day pa man din, malelate ka pa, sa klase ko pa.

Mag-aaral: Nagpatirik pa po kasi ako.

Guro: Ng ano? Kandila? May ginunita ka pang death anniversary?

Mag-aaral: Hindi po. Ng mata po.

Scenario 1

Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba?! Nanggaling kaya 'yon sa mga E-

(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)

Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na.

Mag-aaral: Tumae pa po kasi ako.

Guro: Naknampucha! Ang tagal mo namang tumae?

Mag-aaral: Wala na po kasing tissue. Naghalungkat pa po ako ng bag at nag-isip kung anong gagawing pamahid sa puwet ko.

Guro: O siya.

Mag-aaral: ...

Guro: Naknam, naiintriga ako kung malinis ba yang puwet mo o kung ano! May nagamit ka naman ba?

Mag-aaral: ... Opo. Yung readings niyo po.

Boss Lady Supladita Underscore 50



Kitang-kita naman ang kalinawan ng pagkakaroon ng hindi umano’y mukhang pagtututulan o pagsasalungatan ng Manaoag Legends at ng Urduja Legends patungkol pa lamang sa relihiyong kanilang pinagmulan. Kung ang Manaoag, bilang isang siyudad sa probinsiya ng Pangasinan ay hitik sa mga kuwento-kuwento tungkol sa rebelasyon o pagpapakita ng Blessed Virgin Mary, isang tanyag na icon at sinasamba ng mga kaanib ng Simbahang Katoliko, si Urduja naman, na mababakas din ang yaring pinagmulan sa Pangasinan, ay isang princess at heroine na may orihinal na pinagmulang Sanskrit. Sinasabing ang Sanskrit ay ang wikang ginagamit panliturhiya ng Hinduism at wikang pang-iskolar naman ng Buddhism at Jainism. Sa panahon ngayon, kahit ang mga Muslim na rin ay nakikipagtalastasan gamit ang wikang Sanskrit. Hindi malalayong ang Urduja, bilang na ring unang-unang nadiskubre ito ni Ibn Battuta na isang Muslim na manlalakbay, ay isang mahiwagang kathang maikakabit sa Islam.

Taliwas sa mga ipinapakitang kagandahang-loob at pagpapakumbabang itinuturo ng mga kuwento tungkol sa Birheng Maria sa Manaoag, si Prinsesa Urduja ay sinasabing isang prinsesang mandirigma. Dito pa lamang, napakalayo na ng tinataglay na mga katangian ng dalawang nabanggit na babae. Kung si Birheng Maria ng Manaoag ay napakadalisay at mukhang ‘di makabasag pinggan sa kabaitan at kalumanayan, si Prinsesa Urduja, kung yayakaping lubos ang katangian niya bilang isang mandirigma ay kakikitaan ng dahas, pagkakaroon ng alam sa buhay, ibig sabihin ay kayang dalhin ang sarili nang hindi umaangkas sa lakas at kapangyarihan ng iba, lalo na ng isang lalaki, kayang makidigma at pumatay, at handang-handa sa kung sinumang lalaban sa kanya. Kung pareho mang kakikitaan ng katangian ng pag-aalay ng buhay, o kahandaang magbuwis ng sariling buhay para sa iba, masusuri kayang pagkakaiba ang sa dalawa, kung sa pareho lang din naman nilang ibinubuwis at iniaalay ang kani-kanilang mga buhay para sa diyos at kapwa nila? Kung magkaiba lang din naman ang kanilang mga paraan sa paghahayag ng pagtatanggol sa paniniwala, maaari na rin sigurong pansinin ang ganitong mga pagkakaiba. Sinasabi rin kasing si Prinsesa Urduja ay isang mandirigmang personal na kumuha ng kanyang sariling bahagi sa pakikipaglaban at naghahamon pa nga ng mga duwelo mula sa mga kalabang mandirigma. May mga nagsasabi pa ngang ang tanging pakakasalan lamang ni Urduja ay ang lalaking makatatalo sa kanya sa pakikipaglaban. Maraming mga manliligaw na mandirigma ang natakot nang lumapit pa sa kanya dahil sa pangambang maipahiya.

Ang ganitong imaheng ipinapakita ng prinsesa, na lubhang salungat sa ipinapakitang imahe ng isang babae na naimpluwensiyahan ng Simbahang Katoliko, ay nagsasabi lamang na hindi nagkaroon noon pa ng diskriminasyon sa pagitan ng mga kasarian, bago pa man dumating ang mga Espanyol na mananakop. Sayang din lang kung nabura ang maganda na sanang ipinakikilalang kaugalian at moral na pagtanggap sa kapwa-tao, kahit na iba-iba pa man ang bawat kasarian ng mga sinaunang Pilipino, dahil na rin sa pagyakap ng nakararami sa ipinakilalang relihiyon ng mga prayle.

Gayunpaman, mayroon pa rin namang pagkakapareho ang Birheng Maria at si Prinsesa Urduja. Kapwa naman sila mayroong representasyon sa mga lugar na nadaanan o pinangyarihan ng kanilang mga kuwento. Sa probinsiya ng Pangasinan, ang gusaling capitol sa Lingayen ay pinangalanang Urduja Palace. Mayroon ding estatwa ni Prinsesa Urduja na nakatayo sa Hundred Islands National Park doon din mismo sa Pangasinan.

Si Xiao

Kinailangan kasi naming mag-interview ng isang batang nais naming kuwentuhan kung saka-sakali. Ito yung profile na nabuo ko. Hindi ko dineretsa ng mga tanong katulad ng katangahang ginawa ni Ricky Lo kay Anne Hathaway - 'pakabobo mo, hungkag. Huwag ka nang mag-iinterview nang gano'n ah? Matuto ka munang makipag-usap. Magpraktis ka muna sa bata para matuto ka. Tulad ng ginawa ko kay Xiaoyu, parang kinakausap ko lang siya, tapos pabato-bato ng napakadadaling mga tanong. Mga tanong na may sagot. Mga tanong na hindi awkward. Mga tanong na masarap sagutin kahit hindi na tayo bata pa. Tinype ko lang lahat ng sinabi niya.

Xiaoyu's Profile:



Daddy: Christopher Miguel Guno
Mommy: Reilyn Mae Castro
Child: Xiaoyu Lee Castro

Birthday: May 30, 2008
Edad: 4
Pagkain: chicken at tsaka taba
Gulay: sayote
School: prep
Toys: Barbie, butterfly na barbie, lutu-lutuan
Cartoons: Oggy and the Cockroaches, Fairly Odd Parents, Mr. Bean
Bumasa: hindi pa
Hobbies: drawing, TV
Color: violet, purple, pink, lahat

Anong ginagawa mo sa school: Nagsaslide sa school ko na malaki. Sa malaking slide. Gumagawa rin ako ng sand castles. Naghahanap ako ng ibang damit.

Anong ginagawa mo sa bahay: Naglalaro kasama si Kyle. Naglalaro kami ng barbie and butterflies. Naghide-and-see (hide-and-seek).

Anong gusto mo paglaki: Gusto ko maging doctor at tsaka maging pulis. Gusto kong magwalis paglaki.

Lugar: Gusto kong pumupunta sa SM tsaka sa pagsakay sa motor ni Daddy. Gusto ko palaging pumapasok.

Gusto ko palagi paikot-ikot magtrolley. At tsaka palagi ako nagbabike. Gusto ko palaging naglalaro kami ni Kyle. Takot ako kay Chuckie. Takot ako sa multo. Hindi ako takot sa ipis. Takot ako sa daga. Ayaw kong kinukulit ako. Ang gusto ayaw ko na umuupo ako. Mahilig ako sumigaw, kumanta at magballet-balletan. Gusto kong kinakanta ang That What Makes You Beautiful, Call Me Maybe, at One Thing. Ang paborito kong animal ay cat and dog. Mahilig ako magtakbo kahit pinapagalitan ako at maysakit ako. Ang paborito kong damit ay dress. Ang paborito kong dress ay color pink and purple and blue and grey.

Xiaoyu Lee ang pangalan ko kasi favorite ng daddy ko si Xiaoyu sa larong Tekken.

Mga Bahagi ng Pananalita ng Wikang Tagalog



Sinimulan ang The Parts of Speech in Tagalog: A Reexamination sa kung paano nga bang nagkaroon ng mga panimulaing pag-uusap tungkol sa paghahati sa mga salita o ang pagkakaroon ng iba’t ibang grupong makapagkaklasipika sa mga salita ng isang wika batay sa kanilang pare-parehong katangian. Ang usapin daw na ito ay maaaring  sumibol sa pag-uusap tungkol sa Language Universals o yung mga bahagi ng lahat ng wika sa mundo na puwedeng ikonsiderang pagkakapare-pareho nila. Halimbawa na lamang na ang lahat ng wika sa mundo ay hinding-hindi mawawalan ng mga pangngalan at pandiwa. Nang simulan na ng mga unang nag-aaral sa wika ang ganitong mga salita, nagsimula na rin ang paghahati-hati sa kanila.

Ang unang-unang paghahating ginawa sa wika ay unang beses daw ginawa ng mga sinaunang Griyego sa kanilang wika. Klinasipika nina Aristotle at Plato ang sinaunang wikang Griyego sa dalawang grupo: bilang mga pangngalan at bilang mga pandiwa. Hanggang sa tagal na ng panahon, dumami na rin ang mga lingguwistang nag-aral at nagsuri sa mga posibleng pagkakatulad ng mga wika hinggil sa mga bahagi nga ng kanilang pananalita. May mga nagsasabing kailangang nasa loob mismo ng isang pangungusap ang isang salitang tinutukoy pa ang kanyang kinabibilangang pangkat. May mga nagsasabi ring hindi rin naman pupuwedeng parating may mga katabing salita pa ang isang salita para lamang masabi agad kung anong uri ng salita ito. Kailangan din naman daw na magkaroon ng mga depinisyong makapaglalarawan sa mga salitang ito at posibleng makapagbigay-kahulugan batay nga sa kanilang gamit nasa loob man o wala sa isang pangungusap.

Isinunod na rin ang kaso ng pag-aaral ng Tagalog ng mga prayleng Espanyol sa Pilipinas bilang pangunahing hakbang sa pagsakop ng pag-iisip ng mga sinaunang Pilipino. Dahil nga sa inaaral nila ang wika ng mga katutubo noon, kinailangan nilang bumuo ng mga diksyunaryo para hindi na mahirapan pa ang mga susunod nang prayle o maipadala na ang mga nasabing diksyunaryo sa bansang Espanya para maaral na agad ng mga ipadadalang prayle ang wika ng kanilang masasakupan. Natural lamang, bilang mga diksyunaryo, na hindi lamang ibigay ang kahulugan ng isang lahok kundi maibigay na rin kung anong bahagi ito ng pananalita. Mula kina San Jose, Totanes at Coria, magkakaiba man ang bilang ng dami ng bahagi ng pananalita sa kani-kanilang mga listahan, nagkaroon pa rin ng pagkakatulad sa mga ito - Ang mga salita raw sa wikang Tagalog ay naglalaman ng dalawang pangunahing klasipikasyon: ang mga ugat at ang mga panlapi. Oo, sinimulan ng ilang mga prayle na isama ang mga panlapi bilang malaking bahagi ng pananalita pero sa haba ng panahon ng pag-aaral din ay tinanggal na sila at mas lalo pang isinapangkat ang mga salita sa Tagalog. Gayunpaman, naroon pa rin ang matinding pagtingin sa paglalapi bilang isang napakalaking bagay sa Tagalog. Maaaring makatulong ang madaling pagtukoy sa bahagi ng pananalit dahil sa mga panlaping nakakabit sa isang ugat. May mga nagsasabi pa ngang lahat daw ng mga salita, kung gagamitin sa wikang Tagalog, ay maaaring maging pandiwa.

Maraming lingguwista ang nagpresenta ng kani-kanilang mga listahan ng mga bahagi ng pananalita ng wikang Tagalog. Mayroon din, katulad ni Cecilio Lopez, na nagklasipika sa mga panlapi. Hanggang sa ibinuod ng chapter na mula sa pag-aaral ng mga prayle hanggang sa mga ipinresenta ng mga lingguwista noong 1971 ay nagkakaroon pa rin ng nagbabanggaang mga ideya ngunit makikita pa rin daw ang malaking gamit ng mga lapi sa Tagalog. Mayroon pa ngang nagsabi na ang mga salitang ugat ng mga tinukoy na bilang pandiwa, pang-abay at pang-uri ay maikokonsidera pa ring mga pangngalan.

Ayon naman kina Schachter at Otanes sa kanilang Tagalog Reference Grammar, sinimulan nila ang kanilang pag-aaral sa mga bahagi ng pananalita ng Tagalog sa paghati ng isang simpleng pangungusap. Nauuna raw madalas ang panaguri, mapanominal man, adjectival o verbal ito, saka susundan ng simuno. Ipinakilala na rin nila ang pagiging marked at ‘di marked ng isang nominal na bahagi ng pananalita. Sa bahaging adjectival naman, una rin siguro nilang ginamit ang pagiging abstract ng isang ugat na pang-uri hinggil sa mga panlaping maaaring ikabit dito. Maganda rin naman daw ang ganitong pagtingin sa paghahati ng mga salita sa Tagalog ngunit matindi naman daw ang pagkakakabit ng mga ito sa kung paanong ginagamit ang isang salita sa loob ng isang pangungusap. Katulad ng nabanggit kanina sa itaas, kailangan pa ring magkaroon ng depinisyon ang bawat bahagi ng pananalita. Idinagdag na rin dito na ang mga laping nakakabit sa isang ugat ang siyang madaling makatutukoy sa kanyang bahagi ng pananalita hanggang sa tinapos na nga ang chapter sa pagsasabi na ang wikang Filipino (Tagalog) ay may kayamanan sa paggamit ng kanyang mga panlapi.

Natakot ako habang nasa kalagitnaan pa lamang ng pagbabasa ng ibinigay sa aming chapter dahil sa iba’t ibang opinyon ng maraming lingguwista hinggil sa pagpapangkat-pangkat ng mga salita ng Tagalog. Hindi na nga sila nagkatulad-tulad sa ilang mga aspeto, nagmumukha pa silang mga tama lahat! Kung baguhan ang isang mananaliksik, katulad ko, sa ganito kalalalim na mga pag-aaral sa wika, kinakailangan pa niyang pumili ng kanyang papanigang may-alam. Nagmumukhang nagsasagutan lang din ang bawat pagpepresenta ng kanilang mga listahan ng mga pagpapangkat sa mga salita. Tila, sa kanilang sariling mapalihim na paraan, sinasabi nilang sila ang sundin at huwag ito dahil sa iyon ay mali. Bakit nga ba inilagay ng awtor ang mga ito kahit na nagbabangga-banggaan ang kanilang mga ideya? Maaaring isang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng mga punto ng bawat lingguwista. Halimbawa na lamang ay ang pagpapakilala ng mga bagong konsepto katulad ng Functors at Contentives na nang naglao’y naging Function Words at Content Words na. Mula rito ay sumibol na naman ang pagdedebate kung ang panghalip nga ba ay ibibilang sa Contents o Functions. Nariyan din ang Lexemes at Morphemes, ang pagiging marked ng isang pangngalan, at pagiging abstract ng isang pang-uri. Bawat ipinepresenta ng isang mananaliksik ay nakapag-aambag ng mga panibagong konsepto na maaaring makatulong sa pag-aaral ng mga susunod pa. Hindi lamang ang mga ito na simpleng pagtanggi lamang at pag-angat ng sariling pangalan sa larangan bilang pagsira sa mga nauna. Hindi ito mga pagpilit ngunit mga mungkahing may mga katulong na patunay.

Kung para sa akin din man lang, sana’y nagkakasundo sila sa mga ito ngunit hindi ko naman masasabing magkakakilala silang lahat at may sari-sarili naman silang mga pananaw at pagtingin sa mga salita. Kung magiging ganito din man lang, sa pagiging kanya-kanya, bakit pa isinusulong ang ganitong pag-aaral kung hindi makapagpreskriba nang maayos at nang hindi nagkakaroon ng malalaking pagkakaiba ang  kanilang mga listahan? Magandang bagay na rin sana na kung suportado nang maayos ang isang mungkahi at napapatungan na nito ang isa pa, hindi ba maaaring huwag nang isulong ang isa pa? Pero tulad nga ng nabanggit kanina, nasa ibat ibang taon naman nabuhay ang mga lingguwistang ito. Ngunit may mga naibabalik pa ring konsepto kahit na may nasimulan nang bago. O maaari ring hindi pa nababasa ng isa ang ginawa ng isa nang simulan niyang isulat ang kanya.

Maganda ngang matukoy nang maayos ang mga bahagi ng pananalita ng mga salita ng isang wika dahil kasama ito sa pag-iistandardisa niya. Ang pagpeprescribe nang maayos at detalyado ng mga katotohanan sa isang salita ay makatutulong sa mas mabilis na pag-intindi para sa mas mayamang paggamit sa wikang Tagalog. Ibig sabihin, para sa akin ay ang ganitong mga pag-aaral ay makatutulong sa pag-unlad ng madaling komunikasyon dahil sa iisa at madaling maunawaan ang iniisip ng mga taong gumagamit ng mismong wika dahil sa gamay nila ang paggamit ng mga salita sa isang pangungusap at paglalaro na rin sa mga ito dahil sa kasanayan sa paggamit ng mga panlapi. Kung mas mapaglalaruan ang mga salita, hindi lamang bibilis ang daloy ng pag-uusap ng mga tao kundi mas yayabong ang imahinasyon ng mga tao pagdating sa kanilang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Para sa akin, saka lamang nagiging mas makulay mag-isip at magsalita ang isang tao kung gamay na gamay na niya ang kanyang wika, at malaki ang maiaambag nito sa madaliang pagtukoy sa kung anu-ano nga bang mga salita ang kanyang mga ginagamit. Naeehersisyo ang pagkamalikhain sa mga salita nang hindi lumalayo sa sintaktika at semantikang paggamit sa mga ito.

Sa huli, mananatili pa rin ang mga bagay na pinaniniwalaan ng mararami, hindi lamang ng mayorya ng populasyon kundi ng mga nakapag-aral nang marami. Ang mga nasa akademya lang din naman ang mga maaaring may pakialam sa ganitong mga usapin, o sa mga nag-aaral lamang ng wika, kultura at lipunan ng Pilipinas. Gayunpaman, para sa aki’y sana’y maipakilala na nang maayos sa elementarya ang ganitong mga konsepto sa lingguwistika nang sa gayon ay kahit wala na silang pakialam sa ganitong mga usapin sa pagtanda nila, nananatili pa rin kanilang mga kubling-malay ang wastong paggamit sa mga salita.

February 14, 2013

Happy Balentayms Day!

Araw na naman ng kakornihan. Pero okay lang, para pasok pa rin 'tong korni kong post. Ano nga bang sasabihin ko pa, e lahat naman na yata ng kakornihan e alam na ng lahat ng mga jejelogs. Bakit ba kasi ang lalaki ng mga sapatos at sumbrero nila? May ilan din namang hindi sa panlabas na kaanyuan nagpapapansin, katulad ko. Mga pamimilosopong pagpapapansin. Kilala mo sila? Kilala mo yang mga yan. Nagkalat sila dati sa GMs sa texts, ngayon, sa internet. May isa lang talagang nakairita sa akin. Sabi niya kasi, bakit pa raw may Valentine's Day, e maaari naman daw magpahayag ng dinaramdam sa taong ninanais sa kahit na anong mga araw. Sabi ko sa isip ko, e tang ina mo ba? Mahirap nang sumira ng binuong kultura (kahit na hindi naman sa'tin originally nanggaling ang konseptong ito). Halatang ampalaya ang peg ng mangmang na ito. Alam mo kung bakit? Alam mo yan. Alam kong alam niya rin ito. Bakit? Kapag Pasko lang ba puwedeng magregalo? Kapag Undas lang ba puwedeng pumunta sa patay? Nakasisira kayo ng ulo. Puwede ba, huwag kayong hungkag masyado? Mahirap nang bumasag ng nakagisnang kalinangan. Hindi rin madaling bumuwag ng nakasanayan. Huwag KJ para lang mapansin. Minsan, yung pamimilosopo natin, itago na lang sa sarili muna kung 'di naman talaga gano'n katibay. Nababasag kayo e. Maraming espesyal na araw na puwede namang sa iba. Maraming nakaugaliang gawaing maaari rin naman sa ibang araw. Mahalaga na ring mayroong mga pagpapaalala, katulad ng Valensayns Dei, na may iba't ibang bagay pa ring pupuwedeng makapagpagunita sa isang tao. At isa na ro'n ang paghahanap ng taong walang tigil niyang ililibre hangga't sila pa.

February 9, 2013

Sa Pagpaplano

Alam naman na siguro nating lahat na napakahalaga ng pagpaplano. Maraming na ngang nag-ooveruse ng kasabihang kapag nasawi kang magplano, nagplano ka nang masawi. Ang hirap din naman kasing hindi dire-diretso sa isang bagay na dapat ay tuluy-tuloy na ginagawa. Yung ibang tao, may planners. Yung ibang tao, pinipilit na lang tandaan, baka sakaling maalala. Yung iba, feeling nila sobrang galing nila kaya dinaaraan na lang lahat sa tsambahan. May mga nag-aaral bago mag-exam. May mga nagpaplanong magcram. May mga pinag-iisipan ang mga sasabihin sa ligawan. May mga stalkers. May mga nagbabasa ng walkthroughs. May mga nagrerestart. Pero lahat pa rin talaga ng plano hindi nasusunod. Nakababadtrip na ganito pero nakatatakot ding kaligtaan.

February 6, 2013

Kapag Fuck This Shit Na Talaga

Lasing ka lang. Hindi ka na nag-iisip. Halos wala ka nang maaalala. Wala ka nang hiya. Walang-wala ka na.

February 5, 2013

Kapag Fuck This Shit Na

Ito ang mga pagkakataong wala ka nang pakialam sa kahihinatnan ng mga desisyon mo o alam mong walang kabuluhan na ang mga pinaggagagawa mo o may hinuha ka nang hindi kaaya-aya ang kahahantungan ng iyong mga balak. Ito yung pakiramdam na mayroon kang napakalubhang sakit pero sige ka pa rin sa katatrabaho. Ito na yung panahong iniwan ka ng kasintahan mo kasi mayroon siyang iba pero kailangan mo pa ring ipush ang thesis, reports and projects mo. Ito na yung pagpapatuloy pa rin sa ipinagpalibang mga gawain kahit na naubos na ang lahat ng ari-arian mo, ng dignidad mo, ng kasarian mo, ng dangal mo. Ito yung bumubulong sa iyo na wala ka nang kuwenta. Ito na yung pinipilit mo pa ring makisalamuha sa mga taong kagalit mo sapagkat wala ka nang iba pang pagpipilian. Ito yung mga panahong marami kang gustong pagbintangan dahil in denial ka pa ring kasalanan mo naman talaga. Madalas, si Batman ang sasaklolo. Yung iba naman, tadhana at dasal. Hindi ito ito na talaga. Ito'y ito na lang talaga.

February 2, 2013

Ampon Ako

Hindi ko maintindihan ang mga tao. Noong nalaman kong ampon ako, parang okay pa rin naman sa akin. So what? E lumaki ako. May nagpalaki sa akin. Hindi ba masuwerte ako? Napakatanga naman ng mga taong naghahanap ng "totoo" nila'ng magulang. Bakit? Ano ba talagang ibig sabihin ng magulang? Iyon lang ba yung pisikal na bumuo sa'yo dahil sa libog at pag-ibig? Sa libog o pag-ibig? Hindi ba tunay na magulang ang nagpalaki sa'yo? Nagturo, nagtiis, naghirap, nagsakripisyo, naglaan ng oras para sa iyo? Napakakakapal naman ng mukha ng mga batang hinahanap pa ang "tunay" nila'ng magulang. Feeling niyo maganda parati pinapakita sa TV? Kung totoo lang sa totoo, wala akong karapatang balewalain lahat ng ginawa sa akin ng mga magulang ko. Wala akong ibang magulang. Wala nang paghahanap sa iba pang totoo.

February 1, 2013

Isang Thought Ngayong Buwan ng Pebrero

Sabi nung isa ko'ng prof, may dalawang uri ng taong hinding-hindi kayang magsinungaling. Yung isa, yung lasing. Yung isa naman, yung in love. Paano pa yung lasing na in love? Pero minsan kasi, 'pag lasing ka, parang napakavulnerable mo sa maraming aksidente. Nakakatakot din. Kapag good vibes ka ba sa crush mo, susubukan mo pa bang yayain siya na uminom?

Pauwi Na Kasi Yung OFW Kong Tatay

Susunduin na namin ngayon yung tatay ko sa airport. 10:30 pa raw approx darating ang airplane ni Tatay kaya lang, syempre, mabuti nang maaga kaysa late. Maigi nang sobra sa oras kaysa kulang. Narito kami ngayon sa kotse. Iniisip ko pa rin kung bakit ko sinimulan 'tong post na 'to. May gusto kasi akong sabihin kaso ang hirap nang magsegway sa walang kuwentang intro. Natagalan nga ako sa pamagat tapos kapag nagsusulat na ako nang tuluy-tuloy e nakatatamad nang magproofread at ayusin ang daloy. Hindi nga pala namin kasama ngayon si Lei. Parang pinapili ko kasi siya kanina kung sasama siya sa pagsundo sa airport o tutuloy siya sa pagtambay sa inaapplyan namin'g org. Tinanong ko siya, makailang ulit. Ramdam ko naman yung gusto niya ring sumama, at ramdam ko rin yung katamaran niya sa pagtambay. Pero bakit pinili niya pa ring tumambay? Minabuti ko na lamang na huwag magalit kasi parang ang panget naman din lang kung napilitan lamang siyang sumama sa amin kahit na napilitan lang din siyang tumambay sa tambayan ng org. Labo minsan ng mga tao no? Minsan nga, nilalagay ko yung sapatos ko sa refrigerator pagkahubad ko nito pagkagaling sa biyahe. Tatatlo lang tuloy kami ngayon nina Michaelle at Kuya. Kahit na ganito, kung ako man ang ipupuwesto sa mga sapatos ni Lei sa ngayon, pipiliin ko na lamang sumama sa pagsundo sa daddy niya.