Gusto ko ng Pet Society na T-shirt.
~
Want to get fuckin' bored?
Faraday. Hindi ko alam kung bakit nawala na sa isip ko ang napakagandang intro sana para sa composition na ito at kung bakit ko gagawin ito. Bigyan na lang natin ng isang maikling paglalarawan. Wala rin namang pagkakaiba sa section na ito sa ibang naging mga section ko, yung ibang kaklase ko baka mamatay siguro pag hindi sila nakapag-aral para sa quiz sa Social Studies o Math, halos mabaliw na pag bumagsak sa isang test at pagkalaki-laki ng mga project samantalang yung akin e nagmumukhang gawa ng Grade 1 sa tapat ng mga bunga ng pagpapakahirap ng isang professional, ang ibang tao maingay, as in sobrang ingay akala mo may kuwenta pa ang mga sinasabi dahil sa hindi na tagalog ang kanilang ginagamit na wika o guni-guning pilit na pinapaikot sa akin ng utak ko dahil siguro mas alam ng utak ko na 'paretsong, wag ka nang makikinig sa kausap mo. ang boring!' at sa huli ay ngingitian ko pa rin ang kumausap sa akin kahit na ang ginawa niya sa akin ay posibleng maging dahilan para hampasin ang kanyang pagmumukha, may mga tao ring magugulo, mamamatay-tao, manggagantso, manloloko, illegal recruiter, magnanakaw, may AIDS, snatcher, drug lord, simpleng drug lord, manghihithit ng rugby, katol at glue, inihaw na tilapia, relyenong bangus, superhero, kontrabida at bida. At masaya akong isa ako sa kanila.
~
Faraday. Sinu-sino ba kami? Alphabetically-arranged na ito, boys muna then girls. Game.
The OMG
Ramon. Si Ramon ay isang fan ni Lady Gaga. As in memorize niya na siguro lahat ng mga kanta ng nasabing baliw na babae hanggang sa mga lyrics nila. Kalimitan siyang nakikitang kumakanta, may nakasaksak na earphones sa kanyang mga tenga at kumakanta. Mahilig sa musika si Ramon at hinding-hindi niya ito kayang iwanan. Well, natawag siyang LG sapagkat hindi lang sa kinakanta niya ang mga awit ng naturang autistic na singer kung hindi sinasayaw niya pa ang ibang mga kanta nito. We once asked Ramon why Lady Gaga called herself gaga and he replied that gaga means 'crazy'. I think that's where i can see it, Ramon goes crazy not only with lady gaga's songs and dances to them but to some other songs. Hindi lang yan. Masasabi nating tinutukso siya ng mga kaklase naming lalaki sa pagiging, well sabihin na nating bading pero sa tuwing maglalaro ng Dota ang mga ito ay hindi nakalilimutang yayain si Ramon. Oo, magaling mag-Dota si Ramon. Naikuwento niya pa nga sa aming gustung-gusto niyang marami siyang pinipindot kapag naglalaro siya. Kung ikaw si Boush o si Raijin, ikaw si Ramown.
The Joker
Drexler. Haha. Mukhang kontrabida ang dating ni Drexler dito, pero bidang-bida si Drex pagdating sa pagbuhay sa klase. Sikat siya sa mga pagpapatawa, mga biglaang jokes at hamak namang kaya niyang patawanin ang buong Farad kahit na ang mga inaantok pa, malungkot, bagsak sa Math, ni-rape ng ama, ni-rape ng ina, ni-rape ng aso, natapakan ang paa, sinampal ang mukha, hinambalos ang pagmumukha, minura, binatukan, inapi, sinunog ang kaluluwa at pinagtripan ni Ma'am Gozo. Expert na expert si Drex sa pagpapatawa. Hindi malayong magkakasundo kayo kung madali kang makakuha ng isang joke. Isa rin si Drexler sa mga mahuhusay mag-Dota sa Faraday.
The Pro
Bobier. Sus? Nasa title na mismo. Kung naghahanap ka ng singer at napakagaling maggitara, nandiyan si Bobi. As in napakagaling niyang mag-pluck at sabihin man nating isa kang beteranong singer at mahalata mong hindi niya tinatamaan ang mga tono kapag kumakanta siya, masasabi ko sa sarili kong, hindi lang bilang isang kaibigan ni Bobier, kundi isa na ring manonood na hindi na masagwang pakinggang kumanta si Bobier. Kung naghahanap ka naman ng manlalaro sa basketball, nandiyan pa rin si Bobi. magaling din siyang mag-basketball at lubhang napakaseryoso kapag naglalaro na kahit na malayo sa pagiging kuwela niya at palabiro sa mga kaklase at kaibigan. At kung naghahanap ka naman ng mabisang aktor o voice actor, nandiyan din si Bobier! Kinahumalingan na siya ng halos lahat ng aming English at Filipino teachers (classmate ko na 'to second year pa lang) at hindi ko puwedeng sabihing hindi siya magaling umarte dahil napatunayan na niya iyon sa maraming sinalihang mga palabas at paligsahan. Magaling din mag-Dota at mag-drawing si Bobier.
The Actor
Miah. Masasabi ko ngang magaling na aktor si Bobier pero hindi naman patatalo itong si Miah. Hindi ko alam pero may sarili ring kakayahan itong si Miah, kahit na sabihin nating madalas na kasama niya ay mga babae o mga mahilig mag-aral sa tuwing bakante ang oras ay masasabi kong kaya niyang maging sino pa man bilang isang role. As in mararamdaman mo talaga ang dapat na maramdaman kapag umarte na siya na malayo siguro sa pag-arte ni Bobi na may halong kakatuwaan pero pareho silang magaling, mula rito, masasabi kong mas angkop si miah sa mga trahedya at malulungkot na sitwasyon at komedya naman para kay Bobier.
The Artist
Ron. Si ron lang naman ang pinakamagaling sa lahat ng boys sa TLE para sa akin. Siguro noon pa lang mahilig nang mag-drawing itong si Ron dahil nakikita kong kapag wala siyang ginagawa sa mga walang kuwentang subject namin, gumuguhit siya ng kung anu-anong mga kakatuwang bagay at hindi lang basta-basta ang mga linya at disenyong ginamit. Siya rin ang takbuhan ng klase kapag nagpapagawa ng mga background para sa mga play o hindi natapos na plate sa TLE. Sa pagiging tahimik na tao ni Ron ay hindi pa rin nawala ang hilig din nito sa pagpapatawa ng mga tao sa kanyang mga birong hindi mo sukat akalaing masasabi ng isang taong tulad niya.
The Editor
Ronel. Si Kulot na! Salot, joke. si Ronel na siguro ang pinakamahusay sa amin mag-edit mula sa mga larawan, photoshops, paperworks, projects, videos, movies at mga sumbrerong ginagamit sa Carol Fest. Isa si Ronel sa mga malalawak ang imahinasyon sa klase kasama ang paggamit ng applications at softwares sa computer. Malalayo ang kanyang mga gawa sa isang gabi lang ang ginamit na oras sa pagpapakahirap. Magaling din kumanta itong si Kulot, siya ang nagdadala sa tenor dahil siya lang kasi ang taong madaling makaalala ng mga tonong ibinibigay sa amin.
The Bass
Mark. Isa pang kulot. Kung may Ronel ang tenor, may ultra bass ang bass. Si Manalo lang naman ang gumagabay sa bass sa tuwing nagpapraktis kami ng kanta. Hindi ko alam kung paano siyang nakakasisid nang ganoong kalalim kasi nahihirapan talaga ako kapag sinusubukan kong kantahin ang piyesa para sa boses niya sa pagkanta. Hindi nga lang pala sa pagkanta may ibubuga itong kulot na ito, magaling din siya sa Math. Naalala ko noong third year kami, e teacher niya nanay niya sa Math. nagagalit siya kapag alam niya na ang itinuturo ni Ma'am Manalo, natatawa lang ako, wala lang. At sobrang natutuwa ako kapag natataasan ko siya sa kahit na anong math na subject, feeling ko talaga matalino na ako pag nagkakaganoon. Kalimitan namang kasama nitong si Mark si Rey habang naglalaro ng chess sa Maceda Building sa tuwing nagkakaroon kami ng klase sa English kasama si Ma'am Correa.
The Chinese
Ong. Magulat ka, this boy's 3/4 Chinese pero straight mag-Tagalog at hindi marunong mag-Chinese. Chinese ang apelido niya at intsik na intsik ang mukha niya kaya siguro tinatawag ko siyang minsang intsik. At bakit naman Chinese ang title niya? Hindi ko rin alam pero sa tuwing may nababasa, naririnig o nararamdamang ka-intsikan ay tumitingin lahat kay Ong at minsan nang nagbahagi ang singkit sa mga naturang pagkakataon na medyo naaasar siya na sa tuwing may Chinese na lang ay tumitingin sa kanya. Chowking. Mahilig si Ong sa mga katatawanan at magaling mag-Dota. Isa rin sa mga taga-photoshop ng Faraday at madaling kasama at kausap. Minsan nang kinuwento ni Romar sa akin na kapag nagagalit si Ong, bumibilog ang mga mata niya. Walang sinasanto si Ong kapag galit siya. Pag galit siya, galit siya. Kaya siguro hinahayaan niya na lang ang mga tao minsan kapag ginugulo o inaasar siya, siguro kinokontrol niya ang galit niya, kasi sa tingin ko kapag nagagalit siya, baka hindi niya makontrol ang sarili niya. Masayahing tao si Ong.
The Programmer
Miah. Si Miah lang naman ang pinakamabilis makaintindi sa Comsci namin kahit na siguro limang minuto lang siyang turuan ng isang leksyong sinabi sa amin ni Ma'am Aniban sa loob ng isang oras. Mabilis ang kanyang utak sa paga-analyze at di hamak na sobrang galing magsagot nang hindi sinusulat sa papel. Hindi ko alam kung may mas matalino pa kay Miah sa mga ganitong aspeto pero sa tingin ko siya ang pinakamahusay sa amin sa Comsci at sa ibang subject na Math. Kung hindi niya ginagambala sina Persis at Feliz sa kanilang mga braces at kung anu-ano pang maaaring ibato sa dalawang babae, makikita si Miah na naglalapag ng mga kabayo at hari kasama sina Mark at Rey.
The Leader
Rey. Siya na siguro ang may pinakamalakas na boses sa grupo. Hindi ko na naman alam pero siya lang ang pinuno na pinakikinggan naming hindi kami tinatawag nang limang ulit pa. Talo niya ang aming presidente sa pagtawag ng atensyon at kagustuhan ng nakikinig na mga tao, sumusunod at wala nang nagdadaldalan pa. Seryoso si Rey sa mga bagay na dapat sineseryoso namin, o sa CAT ko lang iyon nakikita pero hindi puwedeng sabihing hindi siya naging magaling at responsableng leader sa amin. Si Rey din ang madalas na pambato ng aming section at ng aming paaralan sa tuwing may mga nagaganap ng kompetisyong pantalastasan, tagisan ng malalakas na boses, galing ng pagsasalita at pagkontrol sa pagtalsik ng laway. Sa kabila ng mga seryosong mga oportunidad na iniaatas sa kanya, hindi pa rin mawawala sa mga mata ng farad ang makulit, hyper at malalaking mga mata ni Rey.
The Teddy
Art. Sa tingin ko, si Art ang pinakamataba sa mga lalaki. Sa pagiging mataba niya, hindi naman siya inilayo nito sa pagkakaroon ng pagkadami-daming mga kaibigang handa niyang tulungan at hindi handang tulungan siya. Si Art lang naman ang isa sa mga madalas takbuhan ng mga tao, lalo na ng mga babae para yakapin at maglabas ng sama ng loob kasi una, ang taba niya kaya malambot siya sigurong yakapin, ikalawa, kapag siguro naman sinuntok siya nang sinuntok ng isang babae e tatalbog lang lahat ng itinatapon sa kanya. Isa pang dahilan siguro ang pagbibigay ni Art ng mga payo sa kanyang mga kaibigan, masasabi lamang na isa si art sa mga mapagkakatiwalaang mga tao sa grupo. Kahit na madalas siyang asarin ng kanyang mga kaibigan, nananatiling malakas si Art sa mga pagsubok sa buhay at Dota. Sa kabila na rin ng kanyang kalakihan, hindi malalayo si Art sa mundo ng mga talentado at masayahing mga tao.
The Master Rapper
Jayrell. Sa tingin ko, si Jay na ang pinakamagaling mag-Dota sa Faraday. Hindi hadlang sa kanya ang pagiging isa sa mga pinakabatang miyembro ng section upang mailayo sa mga matatalino at magagaling na mga nilalang ng Faraday. Hindi rin maikakailang isa si Jayrell sa mga paboritong kasama ng mga tao dahil sa pagiging kuwela nito, pagiging magaling sa pang-aasar, mga biglaang pagtatanong sa mga bagay-bagay kasabay ng pagbabahagi ng ilang katotohanan at impormasyon tungkol dito at kasiyahang idinudulot niya sa tuwing may inaasar siyang tao. Isang talentong mapapansin sa kanya ang galing sa pag-rap. Hindi ko alam pero kapag sa mga minsang pagkakataong may mga ipinapatugtog na hiphop at kahit ayaw na ayaw ko sa uri ng musikang ito, hindi ko maaaring sabihing hindi ako natutuwa kapag sinasabayan na ito ni Jayrell. Magaling din si Jayrell sa basketball at matagal na naming hinihintay magbakasyon. Akin ang Amon Ra.
The ~
i-comment niyo kung ano si Mart. Go! Best description wins and will be posted!
The Dancer
Jane. Sandali man lamang namin siyang nakasama, pamilya pa rin ang tingin namin sa kanya. Si Jane na siguro ang pinakamagaling sumayaw hindi lang sa aming section kundi sa buong batch namin. Marami na siyang sinalihang mga sayaw at palabas na may sayaw. Siguro magpatugtog lang ako ng isang kantang medyo maganda ang beat, hindi mapipigilan ni jane ang mapaindak at mapakembot, magsasayaw at magsasayaw siya kung gusto niya at hindi ko masasabing hindi siya magaling. Nasa ibang bansa na si Jane ngayon pero may mga sitwasyong nabibigyan kaming Faraday ng pagkakataong makausap at mapatawa siya.
The S
Smile. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya nagagalit sa akin pero tuloy pa rin ako ng pang-aasar sa kanyang pagkakaroon ng diperensya sa pagsasabi ng S sound kapag siya ay nagsasalita. Simula nang napansin ko iyon sa kanya, hindi na ako nagsawang ipaulit-ulit ang pagpapaalala ng kanyang kahinaan at paggaya sa kanya sa tuwing nagkakamali siya rito. Ngunit na kahit ganoon siya, hindi pa rin nakatakas sa aking mga paningin ang ganda ng kanyang mga mata. Hindi man ako matuwa kung ako lang ang nakapansin sa kanya noon, iyon at iyon pa rin ang nagsisilbing dahilan para maging isa siya sa mga kinagugustuhan ng mga lalaki, kahit di nila napapansin iyon. Si Smile ay isang maliit na tao pero hindi siya nalalayo sa mga matataas na marka sa Physics. Minsan niya nang natamo ang pinakamataas na score sa amin sa periodic test. Magaling man siya sa nakababaliw na subject na ito, si Smile ay masarap kasama kahit na siya ay isang babae sapagkat hindi siya sobrang maarte at alam niyang kailangang mag-enjoy sa buhay at ayaw na ayaw niyang nalulungkot. Kaya siguro smile ang pangalan niya... o galing kaya ito sa kabayo?
The YouTube Sensation
Bernadyn. Si Bernadyn lang naman ang kaisa-isang may solong video sa YouTube! Haha. Hindi ako sigurado kung sino talaga ang may pakana ng kanyang sumikat na video na nagsilbing slideshow lang naman ng kanyang mga solong larawan. Ngunit kahit na umabot na sa ganito kataas na hindi ko alam kung pang-aasar o paghanga kay Bernagirl, hindi pa rin ito nawawala sa pagkontrol at pagkakaroon ng kakaibang taas ng pasensya para sa mga tao sa paligid niya. Isa rin si Bernadyn sa mga taong mahilig mag-aral sa aming section at kadalasang may mga assignment sa bawat asignatura may itinatakda ngunit kahit na ganoon siya kahigpit sa kanyang pag-aaral, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para sa kanyang mga matatalik na kaibigan sa panahon ng sineng pinoy at World of Fun.
The Scriptwriter
Paula. Siya lang naman ang takbuhan ng klase sa tuwing kailangan ng script. Hindi pa nababali si Paula sa kanyang mga isinusulat para sa aming mga dula dahil naging maayos lahat ng takbo ng lahat ng aming mga palabas. Nadala na kami ng kanyang mga isinulat sa tagumpay, iniligtas na kami sa kapahamakan at nagpasigla sa aming mga aktor at aktres. Si paula ay isang masayahing tao.
The Alto
Justine. Si Justine ang pinakamagaling mag-alto sa Faraday para sa akin! As in ang dali niyang nakukuha ang dapat na tonong kinakanta at minsan niya lang makalimutan ang mga ito, yata. As in hangang-hanga ako sa talento niyang ito. Hindi lang pagkanta ang kaya niyang ipakita sa iba, marunong din siyang maggitara. Naalala ko, sa kanya nagpaturo ng gitara ang mga babae noong magkaklase pa kami sa Calvin. Madalas ding lumabas ang lahat ng bagay sa paligid ni Justine na cute. Hindi niya masabing maganda ang isang bagay, na ang sarap-sarap tingnan ng bagay, na sobrang nakakaakit ng isang bagay, cute ang isang bagay. Mula rito, masasabi kong napakamasayahing bata rin itong si Justine na katulad ni Smile ay hindi sineseryoso ang mga magagaang problema sa mundo, maliban na lang kapag may tuna sandwich.
The Wiz
Covar. Si Covar siguro ang isa sa mga pinakamatatalino sa Faraday, tingin ko. Siya lang kasi ang pinakanakakasurvive sa aming Chemistry at Math classes maliban kay Miah. Minsan, siya lang ang nakakakuha ng mataas na marka sa Math tests at quizzes namin at iyon na siguro ang nagsilbing nagpasikat sa kanya. Siguro kung hindi siya naging ganito kagaling ay hindi maririnig sa klase ng Faraday na may Covar pala silang kaklase. Pero seryoso, naghahanap ka ng kakampi? Nandiyan lang si Covar sa tabi. Masabi man nating sobrang talino ng babaeng ito, hindi ko siya nakikitang nagbabasa ng notebook kapag may bakante kaming mga klase, madalas niyang kasama sina Feliz at Malou at kasalukuyan siyang natutuwa sa pagsalo ng bola at pagdampot ng mga bituin.
The Bry Star
Brylline. Isa lang naman si Brylline sa mga bababaeng hindi ko alam kung pinagtritripan ng mga boys ng batch namin pero alam kong malaki ang respeto at ipinapakitang paghanga nila sa dalagang ito. Yung tipong kapag nakikita nila si Brylline ay kung hindi sila kiligin mula sa kani-kanilang mga puwesto ay nilalapitan si Brylline at nagsasabi ng kung anong nakakakilig na bagay tungkol o para sa dalaga na ikangingiti o ikatatawa naman ni Brylline. Ayaw rin nilang inaaway o sinasaktan si Brylline at dahil sa mga ito, palaging maraming fans si Brylline kapag siya ay may gagawing kung ano sa harap ng klase, hindi siya nawalan ng fans. Bagamat ganito ang kasikatan niya, hindi niya pa rin nakalilimutan ang kanyang sarili at tumutuloy pa rin at sumasama sa agos ng buhay. Isa si Brylline sa mga masasayahing tao sa Farad at mahilig mag-drawing ng anime.
The Eater
Persis. Hindi man ito maging kapansin-pansin sa babae, si Persis ang isa sa mga pinakamatatakaw sa grupo. Oo, mahilig siyang kumain kahit na sa unang kita mo pa lang sa kanya ay akala mo'y inabandona na siya ng kanyang mga magulang at ang tangi niya na lamang kinakain sa araw-araw ay ang mga pagkaing tira-tira o minsa'y hindi na siya sumusubo ng ni isang kutsarang kanin o chicken fillet sa kanyang bibig. Hindi mo mapipigilan si Persis sa pagbili kapag siya ay nagugutom, bibili siya nang bibili hanggat hindi siya nabubusog. Pero siguro pagtingin mo sa kanya pagkatapos ng ilang linggong tuluyang pag-ubos ng pera para lamang sa pansariling kabusugan, makikita pa rin sa mga resultang hindi pa rin mas mataba sa iyo si Persis. Isa lang naman si Persis sa mga magagaling sumulat sa Faraday at nagkamit na ng ilang tagumpay sa nasabing larangan. Hindi rin maikakaila ang kanyang talento sa pag-arte at pagkanta. Si Persis ay malapit at maaruga sa kanyang mga kaibigan, magaling magbigay ng mga payo kahit na kadalasang may dala-dala siyang dalawang Moo sa isang kamay at siomai at potato chips sa kabila.
The Actress
Mia. Katulad ni Persis, isa si Mia sa mga pinakamagagaling na aktres ng section. Madadala sa mga bawat emosyong kanyang ipinapakita sa harapan, mapakomedya man o drama. Hindi mawawala ang galing niya sa harap ng napakaraming tao, linaw ng pagkakabigkas ng mga nararapat na linya at ubod ng husay niya sa pag-arte. Bihasa man at madala ka sa kanyang mahusay na pagdradrama, hindi malalayo si mia sa mga taong mahilig sa kasiyahan at madadaling makakuha ng mga joke. Isa lang din naman si mia sa mga nagpapatawa sa klase at siya na rin kadalasan ang taga-announce ng mga announcements para sa buong klase. Hinaharap lamang ni Mia ang mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng pagtawa at buong siglang pagkanta gamit ang kanyang napakagandang boses...
The Silent
Glessie. Hindi man gaanong napapansin ng mga mamamayan ng Farad, hindi mawawala si Glessie sa ilang mga taong nakakakuha ng matataas na marka pagdating sa grammar mapa-Filipino man o English. Minsan na rin siyang napasok sa top 10 ng Filipino na ikinagulat ng karamihan pati na ng aming guro sa nasabing asignatura dahil sa hindi naman ito gaano kasigla sa klase at minsan o halos hindi nagrerecite si klase. Madalas siyang nakikita kasama sina Brylline at Shiera.
The Super Star
Mara. Bilang isang kasapi ng mga talentadong Pilipino, si Mara hindi maikakailang hindi maaaring hindi panoorin kapag showtime na. Bukod sa talentong pagsayaw at pagkanta ng sariling mga lyrics mula sa mga nag-exist nang mga kanta, hindi ko sukat akalaing nag-rarap din pala itong si Mara! Isa pang nagpamangha sa grupo ay ang galing niya sa tuluyang pagsasalita, parang host. Totoong napasaya na ni Mara sa kanyang sariling pamamaraan at alam kong hinding-hindi namin siya makakalimutan at pag-bow niya sa aming harapan, "Break it down, yo!".
The Soprano
Shiera. Madalas mang makalimutan ni Ma'am Gozo ang kanyang tunay na pangalan, hindi mawawala si Shiera sa isipan naming mga Faraday. Paano ba naman, e ang taas-taas ng kanyang boses? Isang bahagi ng choir, malaki ang ginampanang parte ni Shiera sa aming Carol Fest dahil sa taas at ganda ng kanyang boses. Isa man sa mga nakakaaway at ginugulo ko sa Finite Math, hindi ko alam kung susuntukin ko ang nasa harap kong si Persis o sisipain ang likod ng upuan ni Ong tuwing nagsasalita si Ma'am Gallardo kapag wala si Shiera, wala akong mainsulto!! Bagamat isa sa pinakamaliliit, hindi papatalo ang napakalaking boses ni Shiera.
The Laugh
Camille. Masayahing tao. Magugulat ka na lang at gugustuhin mong ipikit ang iyong mga mata at bali-baligtarin ang mundo kapag nakita mong nakasimangot o umiiyak si Camille. Bakas sa kanyang mga ngiti ang pagkakaroon ng buhay na walang problema, paghiga sa kalangitan at yung kakaibang feeling kapag wala si Ma'am Diaz dahil sa alam mong may quiz o si Ma'am Carlos dahil sa alam mong wala kang report sa kanya. Madali ring malaman kung sino ang tumatawa kapag narinig mo siyang napakasaya.
The Poet
Louella. Maituturing mang matangkad, nakikita si Louella bilang isang tahimik na nilalang. Sikat dahil sa mga puri ni Ma'am sa galing niyang mag-compose ng kanyang mga sariling likhang tulang talaga namang pagkagaganda. Madalas na may mga tula ang bawat presentasyon nila sa Filipino pero hindi ko alam kung siya ang gumagawa, isipin niyo na lang na siya iyon para tama yung title na ibinigay ko. XD
The Fail
Mara. Eto malupet. Nakuha niya ang nakatutuwa, nakababaliw at napakasarap na ibatong bansag na ito mula sa isang trahedyang nangyari noong turnover namin. Hindi man ganoon kasaklap ang nangyari, nagsilbi iyong mitsa upang subaybayan ng mga pinakametikulosong mang-aasar ng section ang lahat ng mga kilos at gawi ni Mara. Naging kakatuwa man ang naging bansag sa babaeng ito, hindi pa rin mawawala ang sariling pagpipigil, pagtanggap sa kabaliwan ng kapwa at mahigpit na taling nagbibigkis sa kanya at ng lahat ng kanyang mga kaibigan. Madalas siyang makikitang nakikipagparamihan kay Ong kung ilang beses nilang masasabi sa bawat isa ang Stupid Man sa isang araw.
The Pretty
Kathlene. Maging sa kahit anong paraan man ipakita ni Kathlene ang kanyang sarili, hindi ko masasabing hindi siya puwedeng maging kaakit-akit sa harap ng mga kalalakihan. Mahina man ang boses, hindi mawawala kay Kathlene ang pagiging madaldal sa harap ng kanyang mga kaibigan at pagbibitaw ng kung anong mga joke. Maliban kay Joselle, isa siguro siya sa mga binubulabog ko sa English room kapag busy na nagdo-drawing si Ma'am Correa ng invisible lines sa kanyang buong pagmumukha sa harap ng aming klase.
The Eyes
KM. Isa sa mga bihasa at mabibisang puno ng klase, hindi pa rin mawawala sa kanya ang pagkakaroon ng malumanay na pagsasalita at nagpapaawang mga mata. Hindi ko alam kung sinong praning ang nakita si Santino sa maamong mukha ni KM. Kapag wala pa si Bobier sa kadahilanang sadyang pagpapa-late o di malamang pag-absent, makikita si KM na nagmumukmok sa isang tabi at sumisigaw at hinahanap ang kanyang Toff. Hindi man siya ganoong kabayolente ay madalas pinapainit ko at ni Ma'am Correa kasama ng kanyang mga instructions at answer key ang kanyang ulo kapag may English kami.
The Cheeks
Feliz. Though originally ko siyang tinawag na The Braces dahil sa araw-araw na pang-aasar namin ni Pabillore sa kanyang kakaibang ngiping may sikretong hindi ko pupuwedeng isulat dahil sa napakasagrado nito at baka sabunutan ako ni Feliz kapag nabasa niya ito, ang laki talaga ng mga pisngi niya. Feeling ko talaga ito ang kanyang chuchu, o isa sa kanyang mga katangiang madali siyang malapitan ng mga lalaki, magustuhan at ilibre ng kung anu-ano kapag isinama mo sa canteen. (NOTE: Kapag pupunta ka ng canteen huwag na huwag mong isasama si Feliz, at Persis na rin) Si Feliz ay isang masayahing tao kahit na alam kong napakamaunawain niya at pangungurot at paghahampas niya sa kanyang mga mang-aasar.
The Recite
Aleine. Hindi man ganoong kalabis na matalino itong si Aleine, bawing-bawi naman ang klase sa kanyang mga pagtatanggol sa tuwing hindi kami makakapag-recite o wala kaming maisasagot sa aming guro dahil sa hindi kami gumawa ng aming mga asssignment. As in ung tipong lahat kami mukhang natatae na sa sobra-sobrang pagbubutil ng aming pawis kasama na ng nag-iinit na ulo ng aming guro, bigla na lamang may magtataas ng kamay sa loob ng kuwarto at magbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa kasalukuyang pinag-uusapang paksa, kahit na hindi nito lubos na matutumbasan ang tunay na sagot na hinahanap ng aming guro, si Aleine na iyon. Mahilig din siya sa anime at Koreano at Hapon at kahit na ano basta singkit at mga singkit ang gumawa.
The Guitarist
Malou. Ang aming president. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kahit na gustung-gusto niya na ring huwag nang um-attend ng French at Adchem. Alam niyang siya ang babatuhin at bubugahan ng apoy ng aming mga guro kapag ma-late man kami o hindi um-attend ng klase. Isa siya sa mga nagdala sa aming pangkat sa tuktok sa lahat ng paligsahang aming sinalihan. Hindi nawalan ng pag-asa si Malou, binalewala lahat ng mga harang sa daan at buong lakas at tapang na hinila kaming lahat para lamang masabing hindi kami magpapatalo sa iba at alam nilang hindi naging madaling kalaban ang mga nilalang ng Faraday. Isa pang maganda kay Malou ang sobrang galing niya sa paggigitara. Minsan naalala ko noong eliminations namin sa Carol Fest, nasira niya pa ang isang string ng kanyang gitara dahil sa kami ang nakakuha ng pinakamataas na score mula sa judges. Hindi lang basta-bastang nakasisirang mga strum ang kayang gawin ni Malou kundi malulupet na pagp-pluck ng mga kanta at hamak namang napasasabay niya ang mga nakapaligid sa kanya kapag nagwawala na ang kanyang mga daliri at umaalingawngaw na ang kanyang pagkalakas-lakas na boses.
The Pianist
Isay. Pinakamaliit man sa grupo, siya ang pinakamagaling sa amin sa piano, o siya lang ang marunong magpiano. Haha. Lubhang masarap pakinggan si Isay kapag nakaharap na siya sa piano at walang ibang teacher sa paligid. Kasama siya ni Malou na nagdala sa Farad sa Carol Fest. Hindi kami makakakanta ng pagkaganda-ganda kung wala si Master Isay at ng pasensya niya sa aming mga nakababaliw at panget na boses. Obvious na rin siguro na kung may alam kang instrumento ay mahilig ka sa musika. Madalas makita si Isay na nakikinig sa musika kapag walang teacher at hindi siya pinagtritripan ng mga tao.
The Dimples
Joselle. Palagi na lang sumusulpot dimples niya! Patunay lamang na isa siyang masayahing bata, si Joselle, katulad ni Camille ay hindi malalayo sa mga taong kahit na hindi alam ang isasagot sa teacher na nagtatanong ay nakangiti pa rin. Mahilig si Joselle mag-drawing at alam kong gustung-gusto niyang iginuguhit si Detective Conan. minsan na ring nagdala si Joselle, dahil sa kaadikan niya sa nasabing anime, ng DVD ni Detective Conan. Walang kamatayang Detective Conan, minsan na ring naging Detective Conan ang kanyang display image sa YM at may keychain din siyang Detective Conan! Kulang na lang may lumalakas siyang sapatos at nagpapatulog na relo. Detective Conan, Detective Conan, Detective Conan.
The Shy
Michelle. Diya na siguro ang pinakamahiyain sa amin sa klase. Hindi na rin maikakailang mahina ang kanyang boses at hindi gaanong natatawag sa klase. Kapag hindi ko siya binubulabog tuwing math namin, pinagtiyatiyagaan nilang sagutan nina Malou at Isay ang mga practice exercises na pakana ng aming guro habang sila ay nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit kailangan matuwa sila nang ganoon kasaya e alam kong Math ang klase namin. Kailan ka ba natuwa sa pagsagot sa mga quiz ni Ma'am Diaz?
~
Hindi pa lahat iyan, at alam kong ni isa wala kang naintindihan. Gumawa ka na lang ng sarili mo. Gusto ko sanang mag-sorry sa ilang mga katotohanan at kasinungalingang aking mga inilagay. Hindi naman kayo mamamatay niyan e.
No comments:
Post a Comment