Uh.
Haha. Maikli lang 'to. Na-miss din kita. :)
~
Dumating ako sa school nang 5:30. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ni Ma'am Carlos e dapat nasa school na ng 7:00 pero alam kong start ng practice ay 8:00. Sulit na rin kasi namiss kong gumising nang sobrang aga kahit na tatlong araw ko pa lamang hindi ginagawa iyon, hindi na nga ako nakapaggigitara e! Ayun, sunod na dumating sina Malou, tapos Mara, tapos Bernadyn tapos Mia tapos ewan ko natulog na ako pagkatapos non. Nagising ako sa ingay ng aming adviser habang pinapaglinis niya kami ng aming classroom. Cleaner nga pala ako ng araw na ito kaya lang inaantok talaga ako kaya pagpasok ko ng classroom, hinintay ko na lamang mag-practice time.
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Hindi ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Pambili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako
Exercise namin kanina. Isang genius na tao o batang na-taichi na ng lobo ang nakakuha agad ng pinagtatapon naming mga kamay at pagbali-bali ng mga buto kanina. Tawa ako nang tawa nang ginawa namin ito kasi.. kasi.. kasi nakakatawa. Anyway, pagkatapos mag-practice ng mga kanta, nag-lunch na kami. Alam kong walang kuwenta ang ikuwento kung anong kinain ko kanina pero nasiyahan naman ako sa Cheeseburger Deluxe na binibili ko kapag short ako at gusto kong kumain ng Quarter Pounder. Isa pang magandang nangyari sa lunch ko ay nakain ko lahat ng fries ko, minsan lang kasing mangyari. Pagkatapos kumain at matulog nang sandali, umakyat na rin ako sa auditorium.
~
Hindi ko alam pero alam kong galit ka sa akin. Feeling ko talaga galit ka sa akin kasi, ewan ko, siguro sa mga tingin mo. Alam mo namang takot akong lumapit sa mga babae kaya ganoon na lang ang nararamdaman ko at naiisip ko sa tuwing nakikita kita at nagkakatinginan tayo. Takot na takot talaga ako sa'yo. Siguro doon sa mga bagay na nakasakit sa kaibigan mo or dahil siguro nalaman mong minsan kong inisip na gawin kang trabahador sa aking restaurant sa Restaurant City. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Paglapit ko sa piano, nakita kong papalapit ka sa akin, nakangiti. Hindi ako sigurado pero alam kong kinabahan ako at napakapit sa isang upuang malapit sa akin. "Mart, galit ka ba sa akin, Uh?" biglang tanong mo sa biglang paglapit mo sa akin, nasa likod mong banda sina Claudette at Justine. Hindi ko sila kaagad napansin at inisip ko kung sasabihin kong "Jemaima, it's not appropriate to say two listeners' names at both ends of your direct speech." Napailing na lang ako dahil hindi naman ako galit sa'yo. Nagpatuloy ang hindi ko pagsasalita at hindi na talaga kita naririnig pero alam kong nalulungkot ka kaya niyakap na lang kita at nagulat naman ako dahil yumakap ka rin. Doon na rin siguro ako nakapagsalita nang tuluy-tuloy at nakapag-usap pa rin naman tayo bago ka pa pagalitan ni Ma'am Carlos. Labas tayo sa Monday, libre ko na naman. Na-miss din kita. :)
No comments:
Post a Comment