September 4, 2010

Bano Pa Rin



Katawan

Kalimitang masasabi sa isang 'di kilalang tao na walang anumang bagay sa mundong ito ang perpekto. Perpektong taong walang bahid ng kasalanan, may maganda at matinong estado sa buhay at araw-araw nakatatanggap ng masasayang pangitain at pangyayari ni hindi nakatikim ng katiting na tusok ng mapaglarong tadhana. Walang taong ganoon. Sa ideyal ngang kaisipang ito, madali nating masasabing ang kabuuan ng mga nakatira sa ibabaw ng planeta at ang mga taong hindi perpekto, mapang-api ng kapwa at abusado sa taglay na kapangyarihan.

Sa aking pananaw, masasabi kong ang pelikulang Boso ay umiikot sa kakayahan at kalayaan ng isang indibidwal sa kung papaano niyang ipahahayag ang kanyang mga gustong mangyari sa bawat kilos at galaw na kanyang ipakikita sa mga taong nakapalibot sa kanya at base na rin sa sitwasyon at lugar na nakapaloob. Mas pinatindi pa ito ng malaswang konsepto ng katawan na isa sa mga umaangat na mga kasalanan sa palabas, iba pa sa mga maliliit lamang na mga kamalian ng isang nilalang. Ang pangunahing tauhan ay nabigyan ng kapangyarihang makakita ng lahat ng nangyayari sa loob ng isang malaking bahay. Hindi man siya nagkaroon ng kaugnay na mga responsibilidad maliban sa pagpatay sa mga daga, nadiskubre niya at para sa kanya ay napakasarap maging diyos - nakikita ang lahat. Pumapasok din sa paksang ito ang kagustuhan ng isang taong maging malaya sa lahat ng kanyang naisin na hindi man lamang pinipigilan ng anuman, ni sinuman. Pagbabalik-paksa sa usaping katawan, naging malaki ang epekto nito sa bawat tauhan, lalung-lalo na sa mga magkakasamang magkasintahan o mag-asawa sa isang kuwarto.

Ayon sa pangunahing tauhan, hindi naman sa sinasadya at aksidente man lamang, nakita na niya ang mga ginagawa ng mga magkakapares sa kani-kanilang mga silid. Pinapanood pa lamang niya ay naaaliw na siya sa mga nakikita niya, ano pa kaya kung siya mismo ang nasa mga eksenang iyon sa ibabaw ng kama? Makikitang karamihan sa mga pangyayaring ganito ay nagaganap sa paglubog ng araw, iyong tipong walang makakikita sa inyo at madilim. Kung anuman ang maipakita ng mga tao sa labas tuwing maliwanag at may nakakikita sa kanila, maaaring maging iba ito at napakalayo nila sa pagiging maamo at inosenteng mga mukha. Ang kagustuhan sa mga katawan ay lalu't lalong umuusbong sa tuwing walang nakatingin sa inyo, sa isang napakaprobadong lugar at matagal nang hindi nakatikim.


Nang mapag-alaman ang labis-labis na pag-oobserba ng pangunahing aktor sa mga daga, siya ay pinaalis sapagkat sino ba naman ang gustong pinapanood siya kapag may ginagawa siyang hindi kaaya-aya? Sa huli, hindi lang pala nag-iisa ang bida sa kabalastugang kanyang ginagawa. Mag-ingat sa iyong ginagawa sa gabi, o kahit sa ano pa mang oras sa buong araw. Pag-isipan ang dapat at hindi dapat gawin. Masdan nang mabuti ang kapaligiran. Baka may nanonood sa'yo.






Agosto 31, 2010



banong-bano talaga. halu-halo ung naisip ng utak ko. haha. hindi. ako lang pala yung baliw. haha.

No comments: