Ganito:
Ito kasi, minsan may mga times na nakatulog na ako.
Tapos bigla ko na lang maimumulat yung mga mata ko.
And I find myself sa lugar kung saan ako nakatulog (kama, sofa, cr.. joke).
Then nakikita ko naman yung nasa paligid ko (take note: nakatulog ako, parang bagong gising ako)
pero blurred.
As in madilim, malabo (kahit hapon or nakabukas yung ilaw) yung nakikita ko.
Tapos ang bigat ng utak ko (Haha), ang hirap.
Ito pa yung weird, pag ginugusto kong tumayo, HINDI AKO MAKAGALAW.
As in, pinipilit ko yung sarili kong gumalaw, pero ayaw talaga.
Hindi ko masasabing panaginip pa rin yun kasi, nakikita ko talaga yung paligid ko.
Alam ko kung nasaan ako, naaalala ko pa ang huli kong ginawa, bakit ako humiga, bakit ako natulog.
Hindi ko maigalaw yung buong katawan ko.
Wala akong magawa, kahit anong pilit ko.
Pero nakikita ko ang kisame (siyempre nakahiga ako, pero pag nakatagilid ako syempre yung nasa harap ko).
Wala akong magawa, hindi ko maiangat katawan ko, sarili ko.
Ramdam ko yung hinigaan ko, yung unang nasa ulo ko, yung kumot na nakapalibot sa buong katawan ko, pero hindi ko maigalaw yung katawan ko.
Paningin lang at kaunting diwa yung gumagana sa akin.
Bahagyang gumagana utak ko kasabay ng paningin ko, pero di man lang ako makabangon kahit kaunti.
Ipinipikit ko na lang ang aking mga mata pag pagod na ako sa mga pilit na pagtayo, pagbangon, paggalaw.
Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko ma-explain.
No comments:
Post a Comment