Wala talaga ako sa mood.
Wala talaga akong maisip.
Kapag may naiisip naman akong great idea na gusto kong itype, tinatamad na rin ako kaagad kapag katapat ko na ung laptop ko.
Sabi nung isa kong prof, kahit sa palad mo, kahit sa bus ticket pa, kapag sobrang ganda ng idea mo, huwag mong kalilimutang isulat.
Hindi naman siguro ako ganooon talaga kaseryoso sa pagsusulat.
Aaminin ko, nage-enjoy ako kapag may naisusulat akong binabasa ng tao hanggang dulo.
Masarap naman talaga sa pakiramdam kapag nahipo mo man lang kahit kaunti ung puso ng mambabasa mo, nagulantang ang kanyang utak at na-inspire sa ginawa mo.
Gusto ko ng ganoong feeling mula sa mga mambabasa ko.
Pero..
tinatamad pa talaga ako mag-type.
Siguro, wala na talaga akong maisip ulit.
Minsan nga naisip kong gawin ung Buhay Masci - uncut, super complete version.
Oo, gusto ko sanang pagbuhusan ng oras yun.
Gusto kong maisulat yon, para naman may babasahin akong sobrang haba kahit ayaw ng mambabasa ko.
Aminin mo, minsan masarap basahin ung feeling mo masterpiece mo na talaga.
Ang sarap balik-balikan ung mga entries mo sa blog na sobrang naaliw ka at nabilib sa sarili mo.
Yung tipong napasabi ka ng 'Syet, ganito pala takbo ng utak ko noon. Haha.'
Kaya kapag ginawa ko ung Buhay Masci uncut, super complete version, sisiguraduhin ko sa sarili kong puro ngiti at kahihiyaan ang mararamdaman ko kapag binasako ulit un after sampung taon siguro matapos kong maipublish.
Pero..
tinatamad pa talaga ako.
Minsan talaga, kapag may gusto akong isulat, tinatamad na agad ako kapag kaharap ko na ung laptop ko.
Ang dami kasing laro e.
May YM pa tapos browser.
Hindi ako nauubusan ng gagawin.
Puwede pa akong manood ng series at movies.
Nawawala agad sa isip ko.
Nakakalimutan ko agad ung bagay na sarap na sarap akong gawin kahit na alam kong wala akong talento.
Kapag pinaplano ko talagang isulat, hindi talaga natutuloy.
Kapag naisulat ko naman ung naiplano ko, kapag sinuwerte siyempre, kulang na kulang ako sa output at hindi ung gusto ko ang kinalalabasan.
Gusto kong makapagsulat ng sobrang gandang piece.
Pero..
tinatamad pa talaga ako.
Gusto kong makabuo talaga ng ganun.
Buti pa 'tong entry na 'to na kung anong lumabas sa utak ko siya ring isinusulat ko.
Mas marami pa akong nailalagay.
Buti pa 'tong hindi ko pinlano.
Ngayong naubusan ako ng gagawin,
saka ako nakapagsusulat nang maayos.
Maayos para sa akin.
Kung kailan inaantok na ako.
Kung kailan ko iniisip na isara na ung laptop ko.
Sabi ko, mabisita nga ung blog ko.
Wala na pala akong naisusulat.
Maraming memories din ung nasayang at makalilimutan kung walang magpapaalala.
Minsan sa blog ka aasa kung gusto mong makita ung mga pinaggagagawa mo noon eh.
Paano kung wala kang dalang camera nung mga panahong yon?
Itatayp mo sa blog mo syempre.
Kaso..
tinatamad ka na talaga.
Minsan, masarap magbasa ng walang kuwentang entry na isinulat ng sobrang antok na tao.
Minsan, masarap magsulat.
No comments:
Post a Comment