Akala ko napag-usapan na namin yun.
Yung kapag nagseselos ako,
kung ano ung naiisip ko,
kung ano ung nararamdaman ko.
Sabi niya pa nga bakit ko raw siya pinaiiyak.
Akala ko napag-usapan na namin yun,
na kung gaano kabigat kapag nagseselos ako.
Akala ko nasabi kong mahirap talaga,
na kapag nakikita ko yung mga gusto niya,
na kapag naguguwapuhan siya sa iba.
Alam niya na yung mararamdaman ko.
Akala ko talaga.
Akala ko napag-usapan na namin 'to.
Akala ko sinabi niyang hindi na mauulit.
Pero bakit nauulit?
Iniintindi niya ba talaga yung mga pinag-uusapan namin?
O sa tuwing naguwapuhan siya ganon na agad,
na makalilimutan na niya agad,
na hindi niya maaalala ung pinag-usapan namin,
na wala siyang pakialam sa nararamdaman ko,
na hindi niya inisip kung anong mararamdaman ko?
Akala ko naman di niya yun makalilimutan,
na wala akong bilib sa sarili ko,
na lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing nagseselos ako,
na sobrang suwerte ko dahil tinanggap niya ako at hindi ibang lalaki na mas mabuti pa para sa kanya,
na hindi niya alam kung gaano kasakit kapag may pagtingin
o kahit kaunting paghanga pa siya sa iba.
Akala ko talaga nasabi ko na yon.
Akala ko alam niya na.
Akala ko di niya makalilimutan.
Akala ko ako lang.
Akala ko lang yun.
No comments:
Post a Comment