February 17, 2010

More Secrets Revealed

Ang mga babaeng itinago ang pangalan sa banong project. Binase ko sa pagkakasunud-sunod na pagkakabanggit sa kuwento. Ikaw na bahalang mag-trace kung saan man siya. Walang tanung-tanong:

1. M_____ T_____
2. P_______ G_______
3. A_____ F_____
4. M_______ F_____
5. J______ N______
6. C________ G_____
7. K_____ S_______
8. M__ D___

February 15, 2010

STFU, Rtard

Rtard.

Ok. Napanood ko na yung Lightning Thief. Ang daming wala. At tatamarin ako sa sobrang dami kung iisa-isahin ko ang mga kulang sa movie. Well, sobrang magagandahan ka kapag pinanood mo yung movie nang hindi pa nababasa yung libro. At mamumura mo yung director kung nabasa mo man yung libro at halos lahat ng in-expect mong makikita mo ay wala. At dahil badtrip ako, babadtripin ko kayo ng pangit kong project sa Filipino. hindi lang basta-bastang project sa Filipino, kundi huling project namin. Ang hirap mag-type srysly (ang pangit kasi pag cinopy). And oh, ang daming typos at ilang sikretong maibubunyag. May medyo mali sa last part, yata.

Go fuck yourself up, donkey.

>>

Manila Science High School
BUHAY-MASCI
Pag-ibig nga Naman

ni

Mart

Inilathala ng

GoPrint Philippines
2010

Paunang Salita

Sanggol pa lamang ay niregaluhan na agad tayo ng kapalaran ng ating unang problema - ang paglalakad. Napakahalaga ng unang hakbang na ito ng ating pagiging bata sapagkat dito malalaman kung paano mamumuhay sa susunod pang mga panahon ang isang sanggol. Natutuwa ang ating magulang kung makuha man natin ang kanilang inaasahang makatayo tayo sa ating sariling mga paa, mga bata pa lamang tayo o malalaki na, tagumpay na sa kanila iyon. Mula sa napakasimpleng problemang ito ay naging sunud-sunod na ang bato ng kapalaran sa atin habang tayo ay natututo nang magsalita, magbasa, pumasok sa paaralan, makipagkaibigan makipag-away, magtanong ng kung anu-ano, managinip, mangarap at umibig. Pag-ibig. Mga letrang bumabalot sa isang pakiramdam na napakamisteryoso. Isang salitang minsan nang nagpasigla at gumulo ng buhay natin. Isang simpleng bugso ng ating pusong kadalasang nagbibigay ng problema sa bawat tao sa mundo.

Kailan nga ba ako tumigil umibig?

Unang tibok.

Nursery pa lamang ay may crush na ako. Iyong tipong gustung-gusto kong nakakasama ang babaeng araw-araw na nakapagpapangiti sa akin sa kahit na anong simpleng paraan.

Hindi ko talaga alam pero alam kong gustung-gusto ko siya. Naging magkaklase kami hanggang ikaapat na baitang at malaman-laman ko lamang na may gusto na rin pala sa akin ang unang babaeng nakapagpatalon ng aking puso sa labis na galak. Pero huli na ang lahat nang malaman ko ang sikreto niya - kailangan niyang magtungo sa Japan para sa kanyang pamilya. Mga kasiyahang binawi, pangarap na bumagsak, isang malungkot na puso ang mga tanging natira sa akin bago siya umalis. Hindi na ako naghintay ng mga susunod pang mangyayari.


Unang Kasintahan

Unang araw ng aking unang taon sa mataas na paaralan. Maraming mga estudyanteng sa tingin ko ay mga kaedad ko. Nagkukumpulan sila sa isang malaking pisara at napansin kong kinokopya nila ang kani-kanilang mga talatakdaan para sa buong linggo at ng kanilang mga pangkat.

Lumapit muli ako sa aking nakatatandang kapatid mula sa ikaapat na taon. Pinaalis niya ako mula sa kanyang tabi at sinabing makisama ako sa aking mga kaantas. Naramdaman ko ang kawalan ng pag-asa sa mga unang problemang aking sasaluhin sa araw na iyon pero napagtanto kong kung natuto si Kuya nang mag-isa sa institusyong ito, ako pa kaya?

Hindi ko hinayaang magmukha akong tanga sa harapan ng aking kuya at ng kanyang mga kaklase kaya naman pinilit ko ang aking sariling makipagsiksikan sa mga estudyanteng parang mamamatay kapag hindi nila nakopya ang kanilang mga talatakdaan.

Nagpatuloy ang aking unang linggo nang tambak ng isang napakahabang talatakdaan, mga komplikadong gawaing-bahay at ubod ng daming mga bagay na kailangan naming dalhin sa bawat asignatura. Pakiramdam ko noon babagsak na ang aking mundo, ang daming gagawin, hanggang sa sumapit ang ikalawang linggo.

Tuwing Biyernes ay kasama sa aming mga kuwartong dapat puntahan ay ang homeroom. Dito nagkakausap ang buong klase kasama ang kanilang tagapayo. Hindi ko alam pero napansin kong may katabi na akong babae. Noong unang linggo ay hindi ko siya napansin, marahil ngayong linggo lamang siya pumasok.

Unang nagkausap kami nang magtanong siya ng oras sa akin. Kinakabahan ko naman siyang sinagot (Nanginginig talaga ako makatabi lamang ang isang babaeng maganda para sa akin, makausap pa kaya?). Hanggang sa sinabi ko sa kanyang ngayong araw ko lamang siyang napansin at sinabi niya namang nakatatamad daw pumasok ng unang linggo, payo ng kanyang ate.

Simula noon, sabik na sabik na akong makapasok sa kuwartong iyon para makatabi at makausap siya kahit na alam kong hindi ko naririnig ang aking sarili habang nagsasalita sa harap niya. Hindi rin nagtagal at nagkaaminan na kami ng nararamdaman namin sa bawat isa ngunit hindi siya ang nakatuluyan ko noong unang taon.

Nabalitaan ko na lamang na may isa pa palang babae ang may gusto sa akin. Alam kong maliit ang pagkakataong may magkagusto sa akin pero naniwala agad ako sa balitang iyon. Katangahan ko namang tinanong agad ang babaeng ito kung pupuwedeng maging 'kami' (Una kong niyaya ang babaeng una kong nakausap sa aming homeroom pero hindi pa raw siya puwede.) at pumayag naman.

Naging masaya naman kaming dalawa at hindi kami nag-aaway. Sa unang taon ko natutunang gumala pagkatapos ng klase tuwing Biyernes kasabay ng una kong pangongopya ng mga takda mula sa aking mga kaklase, unang pakikipagtunggali sa ibang pangkat at unang pagbagsak sa isang maikling pagsusulit.

Maraming una ang nangyari sa aking unang taon. Pati ang unang pakikipaghiwalay ng aking unang kasintahan.


Ikalawang Pagbagsak

Alam kong nagkamali ako kaya kami naghiwalay ng aking unang kasintahan. Hindi ko nirespeto ang kanyang nararamdaman at isa lamang akong baguhan sa mundong iyon. Ngayon, alam ko na ang aking mga dapat gawin.

Nagkahalu-halo mula sa mga pangkat noong unang taon ang pangkat sa ikalawang taon. Maraming bago at lumang mukha ang aking nakasama. Maraming naging mga kaibigan at mga taong may potensyal na hindi ko pansinin ng buong taon. Marami rin ang mga babaeng gusto kong kausapin pero alam kong tratraydurin lamang ako ng aking duwag na dila at nanginginig na katawan sa tuwing may babaeng malapit sa akin.

Hindi ko pa rin napigilan ang aking sariling magkaroon ng panibagong mamahalin. Gusto ko 'yong pakiramdam na nagmamahal at minamahal, na mahalaga ako sa isang taong hindi ko naman kamag-anak at masayang-masaya ako sa tuwing nakakasama ko ang taong iyon.

May isang babaeng hindi ganoon kababae ang kanyang mga kilos ang muling nakaakit sa aking puso. Marunong siyang maggitara, magaling kumanta at higit sa lahat ay matalino at maganda. Hindi malayong nagkagusto ako sa kanya ngunit hindi ko alam ang aking mga unang gagawin para mapalapit sa kanya.

Humingi ako ng tulong sa kanyang malapit na kaibigan. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko pa ang kanyang kaibigang si Justine na babae rin kaysa sa kanya. Kay Justine lamang ako nakapagbabahagi ng aking mga nararamdaman para sa babaeng iyon.

Isang gabi at tinanong ko ang babae kung pupuwedeng maging kami, sinabi niya namang hindi pa siya puwede dahil sa isang dahilan. Hindi ko naman siya pinilit mula ng gabing iyon at nagkakausap pa rin naman kami sa paaralan.

Nang magkaroon muli ng paligsahan sa pagkanta ng mga pam-Paskong awitin ay matiyagang nag-ensayo ang aming pangkat at naglaon ay nakuha namin ang unang gantimpala. Kasabay naman ng kasiyahan at tagumpay na ito ay nabalitaan kong aalis ang babaeng nagpapasaya sa puso ko noong mga panahong iyon. Aalis siya patungong Canada at nag-iwan ng isang liham para sa akin, at ang laman ng kanyang sulat ay maghintay pa raw kami ng takdang panahon at may paghanga rin siya sa akin.


Ikatlong Pag-ibig

Dalawang taon na ang tinapos ko sa Masci at dalawang beses na rin akong nabigo. Hindi pa pala iyon sapat para tumigil ako.

Lalong dumami ang aming mga asignatura sa ikatlong taon at lalong humirap ang aming mga kailangang gawin. Kinakabahan ako para sa taong ito dahil sa ito raw ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa rin ako napigilan ng mga kahinaan kong asignatura sa paghanap ng ikaliligaya ng aking sarili.

Lahat ng guro namin ay mahihigpit at nakaiinis ang kanya-kanyang mga asignatura. Ngunit may isang gawain kaming lubos kong kinasuklaman noong mga panahong iyon - Research.

Ang klase namin ay hinati sa mga maliliit na pangkat at inatasan kaming gumawa ng isang dokumentong makapagpapalabas ng bagong teknolohiya o produkto mula sa aming mga nakuhang impormasyon para makatulong sa ating bansa.

Maniwala ka, halos mamatay na ang aming grupo, lalung-lalo na si Justine na matibay na puno ng aming pangkat dahil sa kakulangan sa pera, katamaran ng buong grupo at pagkabigo nang maraming beses.

Hindi ako gaanong nakatulong sa grupo sapagkat pinoproblema pa ako ng aking puso. Una kasi, may nakausap ako noong bakasyong isang babae at nagkamabutihan kami - sa chat at text nga lang at ngayong taon ay kaklase ko siya. Ikalawa, nalaman kong may gusto sa akin ang isa sa aking mga kagrupo sa research at gusto ko nang hugutin ang pagkakataong maging kami. Problema ko? Kailangan ko lang namang pumili sa dalawa kung sino ang liligawan ko, kung ang babaeng sobrang malapit sa akin sa text at chat lamang o ang babaeng nakakausap ko naman at sigurado akong may gusto ko sa akin.

Hindi nagtagal ay pinili ko rin ang aking kagrupo pero hindi rin kami nagtagal. Iniwan niya ako sapagkat hindi pala siya sigurado sa kanyang nararamdaman. Naiwan akong natambakan ng problemang kung paano namin matatapos ang aming research paper at pagkumbinsi sa sariling hindi pa huli ang lahat. Masyado akong nahirapan sa mga nangyari.

Natuto akong maging responsable sa mga dapat kong gawin at sadyang napakahalaga ng oras, na hindi lahat ng bagay ay nakukuha nang madalian at sa mga simpleng paraan, at sa susunod kong research paper ay hindi ko na ito babalewalain.

Nagkaroon na naman ako ng kasintahan mula sa aming pangkat bago magbakasyon. Naging napakasaya naman namin.


Ikaapat na Pagtangka

Hanggang sa pagpasok ng huling taon ko sa Masci at nagtagal kami ng aking ikatlong kasintahan. Napansin kong mas magagaan na ang aming mga kailangang gawin ngunit magkahiwalay kami ng pangkat ng aking minamahal.

Sa tingin ko ay nakulangan kami sa oras o sadyang umiral na naman ang aking pagiging walang kuwenta at kawalang respeto kaya hiniwalayan na naman ako - pagkatapos ng labing-isang buwan. Ganoon man kasakit ay nagpatuloy pa rin ako sa aking buhay sinyor.

Maraming kompetesyon ang aming sinalihan sa taong ito. Naitatak ko sa aking sariling napakahalaga ng pagkakaisa. Mula sa mga paligsahan sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw, panalung-panalo ang aming pangkat.

Sa mga tagumpay ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang nararamdaman kong kakulangan - gusto ko pang umibig.

Pumili naman ako ng isang dalagang pupuwede kong makasabay sa pag-uwi hanggang sa magkamabutihan kami. Siya na sana ang aking hinahanap.

February 10, 2010

Akala Ko Black Jack, Yun Pala Pusoy

Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakatatabi.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakaka-usap.
Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong palaging nakakasama.
Hindi mo lang alam kung gaano kahigpit kitang gustong niyayakap.
Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong nagtutuluy-tuloy ka sa pakikipag-usap sa akin.
Hindi mo lang siguro pa alam kung gaano kita ayaw mawala sa buhay ko.
Hindi mo lang alam kung gaano kasakit na tumatagos ang bawat akala mong birong binibitawan mo sa harapan ko.
Hindi mo lang alam.

Pasensya na kung mahina ako sa pagbuo ng paksang pag-uusapan.
Pero gustung-gusto ko talaga kapag napapangiti kita nang sandali.
Pasensya na kung makabuo man ako nang paksa ay walang kuwenta.
Nakikita mo naman na kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig ko, marami akong sinasabi, nasasabi, malaman mo lamang na sinasabi ko na lang lahat kung anuman ang maisip ko, may masungkit ka man lang kahit isa para pag-usapan natin.
Pasensya na kung hindi ako tumitingin sa iyo kapag nagsasalita ka.
Handa akong makinig lagi sa'yo. Balewalain mo na lang kahit kumanta ako habang ika'y nagsasalita, pinapakinggan pa rin kita.
Pasensya na kung ang corny-corny ko magbitaw ng joke.
Masayang-masaya na ako sa mga boo mo.
Pasensya na kung wala akong kuwentang kausap.
Pasensya na kung nakakainis ako.
Pasensya na kung wala akong kuwentang tao.
Sa tuwing nasasabihan ako nang ganyan, ang translation agad sa akin ay sana hindi na ako pinanganak.
Ganoon man ako ka-sensitive (?) at kawalang respeto sa mga tao sa paligid ko, iniisip ko rin naman kaagad kung anong maiisp nila sa mga sinasabi ko.

Buti na lang sinabi mong joke lang yun. Paulit-ulit ko na kasi silang naririnig.

February 8, 2010

Half-blood

[WARNING: mmfrgmfmhgh. Maraming mga bagay sa mundo ang maaaring makapang-insulto, lumait, magpasaya at makagalit sa atin ngunit sa kabila ng mga pagkakataong ito, mag-isip na lamang tayo ng mga posibleng dahilan kung bakit naging mas masarap ang cookies & cream sa quezo real.]

"Gising na." Isang nakaiinis na tinig ang dumaloy sa loob ng aking tenga. Iminulat ko ang aking mga mata at itinaas ang aking ulo mula sa pagkakatulog sa aking upuan. Nakita kong bakante na ang mga upuan sa aming classroom at hinihintay na ako ng aking mga kaibigan. Hindi naging mahaba ang gaan sa pakiramdam ng wala masyado maraming tao sa aking paligid, naalala ko na naman ang aking nawalang wallet. 


Mga oras bago mag-unang period bago ko ito inisip, itinulog ko na lamang dahil sa wala ang aming unang guro para sa araw na iyon. Bumaba na ako kasama ang aking mga kaklase at isang makirot na pagsakit ng aking ulo. Pagdating ko sa gusaling sunod na papasukan naming asignatura ay nakita ko pa ang iba kong mga kaklase sa labas. Mabuti na lamang at hindi pa ako nahuli. Pagsimula ng klase, naisip kong kalimutan ang aking problema sa pamamagitan ng pakikisama sa diskusyon kasama ang guro naming si Ma'am Gozo. 

Masaya naman ang naging takbo ng aming pag-uusap sa loob ng klase ngunit sumobra nang tanungin na ko ng nakatatanda tungkol sa aking buhay pag-ibig - itinatanong niya kung paano ko raw malalamang may pag-asa ako sa babaeng aking kinagigiliwan. Sinagot ko naman ang tanong nang walang pag-aalinlangan subalit may kaunting di kasiguraduhan sa aking mga nasabi. Binase ko lamang ang aking naging pahayag sa aking mga nahihinuha, karanasan at madalas na panggugulo sa aking mga kaklaseng babae. 

Matiwasay naman akong nakalusot sa pagpapaikot sa aking guro at nakangiting lumabas ng kuwarto, ngunit hindi pa rin ako nakatakas sa nakasasakit ng ulo na karanasang pinipilit kong iwasan simula unang taon pa lamang sa high school - pesteng wallet, pesteng pera. Iniabot sa akin ni Ong ang The Lightning Thief na natapos na niyang basahin. Na-excite naman akong basahin ang nasabing libro at hindi na naalis ang aking mga mata hanggang sa makaakyat na kami sa aming ikatlong asignatura namin para sa araw na iyon. Nagandahan ako sa daloy ng kuwento at lubhang nakaaaliw ang bawat sinasabi ng narrator. Sobrang gusto kong basahin lahat ng tao ito sa sobrang ganda niya. 

Anyway, paunti-unting sumakit ang ulo ko sa pagbabasa habang paunti-unti ring hinihigop ng utak at imahinasyon ko ng libro. Hindi ko na napapansin ang mga importante at detalyadong nangyayari sa aking kapaligiran, basta ang alam ko masakit ang ngipin ko at naririnig ko ang mga kaklase ko habang ang isang bata ay namromroblema tungkol sa kanyang sariling pagkatao. 

Makaraan ang Humanities ay bumaba na kami at tumambay sa harap ng Maceda dahil sa wala ang teacher namin sa Finite Math. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng luntiang libro. Sa tagal ng pagkakaupo ko sa harap, hindi ko na napansing lumilipat na pala ng puwesto ang aking mga kaklase, binalewala ko. 

Maya-maya na lamang ay inabutan ako ni ___ ng isang pirasong doughnut at isang can ng Mountain Dew, naalala ko na naman ang masakit na problema. Sinabi kong masakit ang ngipin ko at nagpasalamat sa kanya. Gusto ko sana siyang yakapin ng mga panahong iyon pero hindi puwede. Di nagtagal ay lumipat na rin ako ng puwesto kung saan kumakain na ng tanghalian si ___. Ipinatong ko ang doughnut sa lata at dinala sa aking uupuan. Abala lamang silang nagkuwentuhan doon ng mga pambabae [at talagang hindi ko sila naintindihan! girls!] at patuloy lang talaga ako sa pagmamadali kung anong mga mangyayaring susunod kay Perseus. 

Binuksan ko na rin ang Mountain Dew at saka uminom. Hinati-hati ko na rin ang pagkain bago isubo, hindi ako makakagat ng kahit na ano, kahit ice cream. Dumating na nga rin pala ang Nucleus at ang Ubod. Naisara ko ang nakaaadik na aklat at pansamantalang niligid ang aking mga mata sa kapaligiran. May mga napansin akong mga kaklaseng kasama ko pala mula Filipino pa lang, talagang hindi ko sila napansin. Nang binasa ko naman ang mga dyaryo ay may mga napuna agad akong mga pagkakamali. 

Sige, sabihin na nating hindi tayong lahat ay perpekto at ang entry na ito ay ang dami-daming typo at wrong grammar pero hindi ko alam, hello, dyaryo ng school namin iyon, bakit may mga hindi naipi-print na mga phrases, wrong chuchu at maling chuva [Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin pag nabasa ng mga staffers to. Wala na rin akong magagawa, kaysa sa school ako magsalita nang lantad.]. 

Halos buong araw ay wala kaming teacher na na-meet, lalo na ring sumakit ang aking ulo, tutok na tutok na kasi ang aking mga mata sa bawat pahinang susunod. Hindi ko na namalayang hindi ko na pala napapansin si ___, super sorry. 

Hanggang sa uwian ay hindi kami nagpansinan. Himalang hindi niya dinala ang aking filecase, napansin ko agad ito at umakmang huwag nang magbasa sa gitna ng aming biyahe. Nilibre niya ako ng pamasahe hanggang Cavite. 

Hindi pa rin kami nakapag-usap nang matino dahil sa sobrang nababaliw na ako sa 1,500 pesos kong nawala noong araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng isang masiglang talakayan sa pagitan naming dalawa. Sobra akong na-badtrip sa sarili dahil sa pagiging walang kuwenta ko. Nag-sorry pa rin ako bago kami maghiwalay ng sasakyan at nayakap pa siya bago umuwi. 

Nasabi ko naman kaagad sa aking nanay ang nakaka-auti na problema pati na rin ang mga kaibigan kong tumulong sa akin noong araw na iyon, lalo na si ___. Hindi ako pinagalitan. Bago ako matulog ay ipinagdasal kong pumasok sana nang maaga si ___.

> lol. Pasensya na. Nag-start kasi ako kagabi pero sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Tinuloy ko lang siya ngayon. Although medyo fresh pa ang mga memories ko, tinamad na akong ilahad lahat at ilagay na lamang ang buod ng aking entry. Nakakainis.

February 4, 2010

Nakuha Namin ang Kriemhild

Para kang mama mo. 

Paano ko nga ba ito sisimulan. Maikli lang kasi 'to e. ... Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kuwarto. Nagising ako sa pintuan ng aking kuwarto. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang korte ng pagkatao ng aming katulong sa bahay. 

Agad-agad kong tiningnan ang oras sa aking relo - 3:50 na. Hindi ko alam kung magmamadali ako sapagkat kahit magmadali pa ako'y kulang na kulang ako sa oras, sa pagligo pa lang at pag-aayos ng damit. Wala akong ibang nagawa kundi sumakay sa ikatlong ikot ng jeep sa aming subdivision. Pagkarating ko ng Alabang ay 5:30 na. 

Hindi ko alam pero bigla na lamang sumagi sa isipan kong baka maagang pumasok ngayong araw si ___ at ganitong oras siya kadalasang dumating sa aming paaralan. Madali namang binalewala nang maalala ko ang sinabi niya kahapon habang nasa bus kami na hindi siya papasok nang maaga kinabukasan. 

Pagsakay ko ng bus ay natulog na ako matapos makapagbayad ng pamasahe. Paggising ay Taft na at naghintay na lamang akong makarating ng faura ang aking sinakyan. Pagpasok ko pa lamang ng gate, at hindi ko rin alam kung bakit, pero tumingin ako sa second floor at tiniyak ko kung nakabukas ang ilaw sa nasabing palapag - nakabukas. 

Mabilis na bumalik si ___ sa aking isipan at bahagyang kinabahan sapagkat wala pang ibang posibleng magbukas ng ilaw roon. Hindi rin naman ako tumakbo sa pagtitiwala sa sinabi ni ___ na hindi siya papasok nang maaga kinabukasan. 

Pagtapak ko sa second floor ay nakita ko siya at madaling pinunasan ng dalawang kamay ang magkabilang mata. Mabilis akong lumapit at nag-sorry sa kanya. Inuntog ko ang ulo pagkatapos humingi ng tawad at sinabi niyang lumayo ako sa kanya. matapos ang ilang segundo ay humingi muli ako nang tawad at sinabi niyang ok na. Niyakap ko nang mahigpit si ___ at hinalikan nang magaan sa pisngi. Nag-sorry akong muli. 

Muli na naman akong napaisip sa nangyaring ito. Noong Monday lamang (o Tuesday? Syaks. I need Sustagen.) ay alam kong nagsabi siyang papasok siya nang maaga. 5:20 ako nakarating ng paaralan noon at sinulit ang 15 minutes na pag-aayos sa sarili para lamang makahabol sa unang jeep. 

Tuluy-tuloy na paulit-ulit na bumubulong sa isipan ko ang mga sinabi ni ___ sa aking mas maaagahan niya pa ako kinabukasan. 5:45 na siya dumating nang araw na iyon. Wala rin akong magagawa. Basta ok na ang lahat. 

Pero sana, magkatuparan na ng mga sinasabi. Alam na naming dalawang mahirap sa pakiramdam kapag hindi namin natagpuan ang aming hinihintay sa tamang oras. Nakapanghihinayang nang sumubok sa ikalawang pagkakataon.

February 1, 2010

Anong Connect?

Puwede namang kahit ano ilagay dito hindi ba? Nasimulan ko na ang professor ko sa Ragnarok. Dahil sa napakaraming kabanuan at typo ng una kong entry rito sa kadahilanang bunga lamang ang paggawa ko ng account dito ng insomnia at madaling araw ko nang ginawa iyon, sisikapin kong mas maging makabuluhan, maikli at malinis ang aking ikalawang pagsulat. 

Monday. Unang araw ng Pebrero. Malapit na sanang mag-3. Malapit na rin ang birthday ni Master Isay. At malapit na akong mamatay sa kaba. Naiinis ako umaga pa lang ng aking paggising sapagkat hindi ako nabuhayan ng diwa ng 3:15 - ang isinet kong alarm ng aking cellphone. 3:30 na ako ginising ng aming katulong sa bahay. 

Sobrang madali ako sa pagbangon at dire-diretso hanggang hapag-kainan. Matapos mai-ready at gawin lahat-lahat ng kailangang gawin, natapos ako ng 4:00, sakto lamang sa unang ikot ng jeep para sa araw na iyon. Nasa jeep pa lang ay hinding-hindi ko na alam ang una kong sasabihin kay ___. Hindi ko na lamang inisip iyon kaya inisip ko na lamang na galit ako sa kanya kasi iiwan niya raw ako. 

Pagdating ko ng school mula sa pagsakay ng bus ay may naisip akong dalawang posibilidad na mangyari. Una, papasok nang maaga si ___ para mag-sorry nang mag-sorry sa harap ko, bago ko tanggapin ang kanyang paghingi ng tawad ay sisiguraduhin ko muna kung hindi totoo ang sinasabi niyang iiwan niya ako. Ikalawa, hindi papasok nang maaga si ___ at hindi kami makakapag-usap nang buong araw dahil sa hindi ko siya papansinin kasi galit na galit ako sa sinabi niya. Medyo nangyari ang dalawang hula ko. Inisip ko talagang malaki ang posibilidad na pumasok nang maaga si ___, hindi ko alam kung bakit, basta naramdaman ko lang. WTF?!?!?!?!!?? Kung ako nakarating ng 5:30, siya 5:45. 

Hindi na masama. Pero hindi natupad ang ikalawang parte ng hulang magso-sorry nang magso-sorry si ___, kahit na ayaw kong nagtatadtaran kami ng mga sorry kundi siya ay nagkuwento ng kanyang tatlong problema sa buhay simula noong gabi ng Biyernes nang makauwi siya sa Tanauan. Para sa akin ay hindi na tama kung ilalagay ko pa rito ang tatlong mga suliraning iyon. Basta oo na lang ako nang oo sa bawat pariralang medyo tumitigil siya at pupuwedeng sumingit habang siya ay nagkukuwento. 

Sa pagkukuwentong iyon ay hindi man lamang sumagi sa isipan kong kaya niya ako gustong hiwalayan ay dahil sa isa sa mga problema niyang iyon. Dumaan ang buong oras hanggang sa mag-first period na parang wala akong pakialam sa kanya, pero ang totoo ay gustung-gusto ko na siyang yakapin, kausapin at piliting huwag niya akong iwan. 

First period. Wala ang adviser namin. Hindi ko alam kung suwerte, sapagkat wala na namang ituturong kababalaghan sa amin at hindi pa muna kami masisingil sa aming mga utang at kung malas, dahil sa hindi ko maisip kung ano ang aking ibang puwedeng gawin kasi hindi ako maaaring magsaya dahil badtrip pa ako ng mga panahong iyon. 

Nang bandang dulo na ng period ay nilapitan ko si ___ at sinabi sa kanya na tinext niya ako na iiwan niya ako. Tumango naman ang babae at muli akong umatake ng isang tanong sa kanya na kung gagawin niya iyon. Ang sabi ni ___ sa akin ay ewan niya at makailang-ulit pa akong nagtanong at pagsagot niya ng ewan nang maraming beses bago ko siya iwan sa lugar na pinag-usapan namin. 

Alam kong naging bastos ang aking nagawa sa harapan niyang iyon pero hindi ko naman gugustuhing magdabog at sigawan ang taong mahalaga sa akin. Pinili ko na lamang na talikuran muna ang problemang kinakaharap naming dalawa nang umagang iyon at lumayo na muna sa kanya. Alam ko kung paano akong magalit. 

Dumating ang lunch. Pagkagaling namin sa maikling birthday program na inihanda namin para kay Sir Divina ay nagtungo na kami sa Maceda. 20 minutes na ang nakalipas at wala pa rin ang mga babae sa Faraday. Sumagi sa isipan kong may bine-bake nga pala sila kaya ganoon. Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong may dalang tray si ___. 

Bigla na lamang umiwas ang aking mga mata pakaliwa at inisip na sana'y hindi nakita ni ___ ang pagtingin ko sa kanya at biglang paglipat ng atensyon. Lumapit na lamang si ___ sa akin at nagbenta ng pichi-pichi. Ang tangi kong nasabi ay pahingi ng limampiso. Umalis ako nang hindi ako nakatanggap ngunit makalipas ang ilang sandali ay bumalik si ___ at pinapakuha ako ng isang pichi-pichi. 

Muli, hindi ko na naman alam kung matutuwa ako kasi libre at ang sobrang grabeng nasarapan ako sa aking natikman o malulungkot dahil sa hindi ako nakapagpasalamat sa mabuting gawang aking natanggap. Wala rin akong magawa kasi naasar pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang problema namin. 

Pagkatapos nilang mag-ayos sa kanilang HE room ay dumating na si ___ malapit sa aking kinauupuan at may isa pang dalawang pichi-pichi. Hindi ko ito pinansin kahit na laway na laway na ang aking bibig sa pagkuha at paglaspang sa pagkaing inistambay sa harap ko. Wala akong nagawa kundi kainin ang pagkain. 

Nang sumapit ang MAPEH time ay nag-discuss lamang ng mga kaunting requirements si Ma'am Carlos bago umalis nang walang paalam. Nang libre na ang aming klase sa loob ng MAPEH room ay nakita ko na lamang na naghahawakan ng kamay sina ___ at *. Hindi ko alam pero medyo nagselos ako kasi ang alam ko talaga akin lang si ___. XD 

Ikalawa, iniisip ko kung mahahawakan ko mamaya ang kanyang kamay, kung magkakausap pa kami sa mga susunod na oras, kung magkakasabay pa kami mamaya, kung magkakabati kami, kung kami pa rin talagang dalawa, masyadong mabilis ang oras para sa isang taong sobrang nag-iisip kung paano niya lulutasin ang problemang hindi niya alam kung siya o ibang tao ang nagsimula. At ang huling pangungusap ay pawang kabarberuhan lamang. 

Pagbabalik, kinausap ko si ___ pagkauwian at nagkaayos na kami sa pag-uwi. Kung paano? Hindi ko rin ma-explain. Basta ang alam kong ginawa ko ay pinilit ko siyang wag akong iwan sabay yakap sa kanya sa bus. Hindi ko alam kung epektibo ito sa iba ngunit sa tingin ko'y gumana ito, kahit kaunti, for a dollar, ninety-nine. Bago kami maghiwalay sa metropolis ay nagkasabay pa kami ng aming sasabihin sa tuwing magkakaiba na kami ng landas. Ang tagal gawin ng sagering. Enjoy naman e.

January 31, 2010

The Human iPod

Friday. Alam kong hindi papasok si ___, pero gabi bago sumibol ang huling araw ng pagpasok sa school, sinabihan ko siyang sana ay huwag siyang umabsent. Hindi ko alam. Siguro gusto ko siyang makita. Gustung-gusto ko siyang nakikita. Nakikitang nakangiti. Nakikitang masaya. Nakikitang masayang kasama ako. Hindi ko na maalala kung ano ang sagot niya sa sinabi kong iyon. Pagsagot niya sa kahilingan kong iyon ay umalis na siya. Natulog na rin ako at hindi ko alam kung mae-excite akong magising o hindi. 

Unang-una, maaga akong dapat gumising. Ayaw ko sa lahat ay yung nagigising na lang ako nang maaga. Ang sarap-sarap matulog. Pangalawa. Gusto kong pumasok sa school. Ayaw kong nakikipagtitigan sa monitor. Lumalabo mata ko. Isinara ko na ang laptop at humiga na sa aking kama habang nakabalot ng kumot. Nagdasal bago matulog. Hanggang sa... 3:15 am na. Pesteng alarm yan. 

Isinara ko na ang maingay kong cellphone at madaling bumangon sa kama. Hindi ko alam pero iniisip kong papasok pa rin si ___ nang maaga kahit alam kong malaki ang posibilidad na hindi mangyari iyon. Matapos makapag-plurk ay tumayo na ako sa aking kama at naglakad papuntang kusina. kumain ng almusal at kumuha na ng mga damit para sa pagpasok. 

Nang maayos na ang lahat, nagpaalam na akong muli sa aking plurk at madaling lumabas ng bahay para maghintay ng unang jeep na iikot sa aming subdivision. Sobrang aga pa. Wala na akong pakialam. Gusto ko nang makapunta agad ng school. Pagsakay ko ng jeep at makapagbayad, ipinikit ko na agad ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo. Hindi ko alam pero, alam kong mga 30-40 minutes ang biyahe mula sa amin hanggang sa bababaan ko mula sa pagsakay ng jeep pero pagkapikit ko ng aking mga mata at mawalan ng diwa ay parang limang minuto lamang akong nagkulob sa madilim na dimensyon ng lugar na walang panaginip. matapos mainis sa pagtulog na pakiramdam ko'y hindi ako nakatulog ay bumaba na ako ng jeep matapos nitong tumigil sa Metropolis. 

Pagsakay ko ng bus ay muli akong natulog. Nagising ako sa gitna ng aking biyahe dahil sa hindi pa pala ako nakakapagbayad sa bus. Kahit na badtrip na badtrip na ako dahil sa mga natitigil kong mga pagtulog, mahinahon kong sinabi kung saan ako bababa sa konduktor at kinuha na agad ang aking pitaka upang makapagbayad na at mapayapa na akong makatulog. Medyo naging mahaba-haba naman kaysa sa naranasan ko sa jeep ang aking naging pahinga sa bus. Pagdating sa school ay dumeretso na ako sa floor ng aming homeroom sa main building at matiyagang naghintay. 5:30 nasa school na ako. Iniisip ko pa rin na darating si ___ ng 6:00 or 6:15, pero hindi. Pagpatak ng 6:10 ay isinara ko na ang ilaw ng floor na nasabi at lumipat sa harap ng aming homeroom. Natulog muli ako at paggising ko ay marami nang Faraday. 

Nagising ako hindi dahil sa napakaingay ng mga kaklase ko. Nagising ako kasi narinig ko ang boses ni ___. Laking gulat ko na lang at may halong sobrang tuwa noong nakita ko siya. Ang saya-saya ko. Nakita ko sa wakas ang ngiti nitya. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya pag nakangiti. Napalitan na lang bigla ang pagdiriwang na ito ng panghihina at pagkalungkot nang marinig ko ang boses ng aming adviser. Kailangan nang pumasok ng cleaners at Friday ang araw na iyon, dulung-dulo ang apelido ko, Tabilin at kailangan ko nang pumasok ng kuwarto namin. 

Hindi ko talaga alam pero bigla na lamang nawala sa isip kong ako ay isa sa mga cleaners kaya pagpasok ko ng room namin at pagkalagay ko ng aking mga gamit sa tamang lagayan ay dumeretso na ako sa aking upuan. Bigla na lang nagsalita nang malakas ang aming gurong kailangan ng magwawalis at itinatanong kung sino ang mga Friday cleaners. Madali akong tumayo at kinuha ang walis at dustpan sa likod ng kuwarto namin. Winalis ko na ang buong kuwarto pati na rin ang harap na pinapawalis ni Ma'am. 

Maalala ko lang. May mga ibinigay nga pala si Ma'am na mga envelopes sa amin galing sa Ateneo. Ateneo, ACET, yung entrance test na binagsak ko. Ang alam ko talaga ay mas nadalian ako sa ACET kumpara sa UPCAT kaya hindi ko maisip pati na rin ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ko naipasa ang test. Iniisip ko na lamang na mabuti't nagkaganoon sapagkat sobrang grabeng mahal ng tuition sa Ateneo. Pero malungkot pa rin kasi mga kaklase mo pumasa, ikaw hindi. Ano ka tanga? Haha. Palaging yan ang iniisip ko. Hayaan mo na. Bahala na magiging future ko sa UP. Sana maging maayos lahat. 

Yung envelope na natanggap ko ay maliit, kasi bagsak. Pero kung ung envelope na matatanggap ay malaki, pumasa ka. Ayon lang. Ipinakita na rin sa amin ang aming mga class pictures. Apat na magkakaibang mga larawan ng aming section ang ipinakita sa amin. 

Isang magandang pampaalis lungkot ang sumalo sa akin sapagkat may mapagtitripan na naman ako. Si Persis kasi wala sa class pic namin. Haha. Nakakaawa siya kasi biruin mo, fourth year pa ang wala siyang makikitang larawan niya paglaki niya. Nakakatawa rin ang mga mukha ko sa mga larawan namin. Haha. Mukhang ewan lang talaga. Iniisip ko talagang hindi pupuwedeng nasa iisang lugar lang ang iyong emosyon, iikot nang iikot. 

Matapos umorder ng tig-iisang kopya ng apat na larawan ay nagpaalam si ___ sa akin. Aalis siya, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sinabi kong sasama ako pero pinabalik niya na lang ako sa homeroom. Wala akong magawa kasi hindi ko alam kung pupuwede talaga akong sumama. Bumalik na lang nga ako sa aking upuan at naghintay na lamang na matapos ang first period ng araw. 

Pagkatapos ng Physics ay pumunta na kaming French at nag-recheck ng aming mga test papers. Bagsak ako sa French pero hindi ganoon kalayo mula sa kalahating marka. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang French ng parts ng katawan ng isang tao at nakalimutan ko na kung paano mag-past tense. Zut, je ne comprend pas. Damedesu. Umalis kami ng French room at nagtungo na sa Humanities room. Nag-check lang kami ng papel ng Copernicus at Roentgen yata ang isa. 

Masaya na naman kasi, kung bagsak ako sa French ay pumasa naman ako sa test sa Humanities. Yes! Hindi ako nag-aral sa mga subjects na ito pero nakakakuha pa rin ako ng mga sagot. Masaya na ako para sa sarili ko. Wala na kaming ibang ginawa sa Humanities room maliban sa matapos mag-check at pag-usapan yung play at tingnan ang barberong kapalaran namin sa isang magazine. 

Madalas, paglabas ng kuwarto ay sinusundan ko lamang ang aking mga kaklase. Just follow the bouncing ball. Nagtaka na lamang ako nang nasa auditiorium na kami. Tinanong ko si Ong kung anong gagawin doon. Ang sabi niya hindi niya alam, magpupugay. Naghintay naman kami doon at nakatulog ako bago ako tapikin ni Smile para magising. Chineck ko ang aking relo at laking gulat ko na lamang nang malamang 45 minutes kaming naghihintay doon. 

Sulit naman ang paghihintay sapagkat nakabukas ang aircon pagpasok namin. Sulit kasi minsan lang nakabukas ang aircon sa auditorium. Nung turnover namin kasama ang mga juniors, nakasara lang sila, pero nung seminar na ginanap ng araw na ito ay nakabukas ang aircon. Hindi ko makuha kung bakit ganoon. Di bale na. Yung mga representatives na pumunta ay galing UA&P. Tapos si Ate Angel Yulo (?) lang yung pinakapinakinggan ko sa lahat ng mga nagsalita kasi ang galing niyang magsalita. Sobrang natulungan pa siya ng ginawa niyang presentation na masasabi kong kahit simple lang ay makulay, nakaaaliw at malaman. Basta magaling magsalita si Ate at uhm, cute. 

So pagkatapos ng seminar ay saktong tapos na rin ang comsci. Na-delay pa ang balitang matatanggap namin mula sa Comsci teacher namin kung kami ay pumasa sa kanyang asignatura o hindi. Sa tingin ko naman ay papasa ako sa re-take ng exam niya sapagkat naipasa ko ang unang take ng test. Know? Lunch na. Pagkatapos kumain ay kinuha ko ang aking bag at natulog. 

Wala na akong ibang pupuwedeng gawin. Iniisip kong darating din si ___, darating din si ___. Nagising ako, hindi dahil sa ginising na naman ako, kundi dahil sa narinig ko na naman ang boses ni ___. nakita ko na ulit siya. madali akong tumabi sa kanya. umupo. kuwento siya nang kuwento. Nagsinungaling lang pala siya para makabalik ng school, cool. Pinapag-practice pala si ___ sa sayaw. Langya. Walang dalang damit yung tao, pinapunta? WTF. Anyway, ang saya ko nung dumating siya at lalo pang sumaya nang makita ko ang ngiti niya at sobrang grabeng sumasayang-saya pa nang marinig kong wala kaming Social Studies nang araw na iyon, ayos, dalawang subjects na lang. 

Pagsapit ng oras ng Math ay umakyat na kami ngunit bumaba na rin dahil sa pinababa kami ng aming guro matapos kuhanin ang mga estudyanteng may kulang sa kanya. Hindi nga pala ako bumaba agad kasi tinuloy ko yung binalak kong floor plan na gamit ay ballpen. Mukha naman siyang matino para sa akin. Haha. Pagdating ng English time ay pumasok na rin kami sa English room at itinuloy ang panonood ng The Little Prince. Naaasar ako sa mga pinaggagagawa ng mga aktor sapagkat ang dami nilang ikinikilos na hindi naman dapat ikilos. Nakaaasar sapagkat medyo binago na nga nila ang kuwento, papatayin pa nila sa kawalang-kuwentahang mga pangyayari ang kanilang manonood. Kaya lang siguro ipinagpatuloy na ipapanood sa amin ni Ma'am Correa ang palabas dahil sa nacucute-an ang mga babae dun sa prince - yun lang. 

Natapos ang time ng asignaturang nasabi nang hindi pa natatapos ang palabas. Masaya na naman kasi hindi pa kami magdidiskusyon sa Monday sa English. Tapos na ang classrooms, tambay mode na. May pupuntahan kaming fair sa Don Bosco sa Mandaluyong, dating school ni Bobs. 

Noong simula ay nagsabing hihintayin daw namin si Bobs na dumating ng 4:00 sa school bago umalis. Matapos namin ni ___ na mag-calculate kung anong oras siyang makauuwi ng bahay ay napagdesisyunan na namin umalis na ng alas-tres. Pinasabi na lamang namin kay Bobs na dumeretso na lamang siya doon. Matapos kumain ng dos-kwatro sa labas ng school ay sumakay na kami ng jeep patungong Sta. Ana. 

Ang layo! Nadagdagan ng isang tatlumpung minuto ang oras na pagdating ni ___ sa Tanauan. Pero ok lang, go pa rin. Pagdating namin ng nasabing paaralan ay hindi kami pumasok agad sapagkat nahihiya sila. Nagliwaliw na muna kaming sumandali sa... sa... hindi ko maalala ang mall na iyon. Maliit lang siya at bawat floor ay mayroong gumballs dispenser at videoke. 

Pagkatapos ng sampung minutong pagpapakabaliw at magbihis ni Bernadyn ng kanyang Bosconian shirt ay desidido na lang silang biglang pumasok ng paaralan. Dire-diretso sa loob, pinapasok naman kami ng guard at dinala na kami ni Bernadyn sa pinagdarausan ng fair. Twenty pesos ang entrance fee, 'di na masakit. 

Pagpasok ay hindi namin alam ang aming unang gagawin, as in. Nagkalabuan pa nga kami. Ako na ang unang gumalaw, nakahanap ako ng shawarma stall, gaya naman sila. Kasama ko nga pala sina Bernadyn, ___, Smile at Ronel. Hindi na tumuloy sina Ong at Mara kasi bawal gabihin si Mara kaya nanood na lamang sila ni Ong. Sa fair, may ride. Ewan ko pero gusto nilang iride iyon. Ayaw kong sumama kasi hindi mukhang safe. Ayon. Sumakay naman sila. 

Pagbaba nila ng ride ay nagreklamo si ___ at Smile na nauntog sila. Haha. Hindi raw enjoy, pero hilong-hilo silang lahat. Pagkaraan ng ilang minuto sa pag-uusap tungkol sa ride na sinakyan ay dumating na si Bobs. Dinala niya kami sa playground ng lugar. Doon na kami nagpakasaya ng matagal-tagal. Talo pa yung fair. Enjoy na kaming sa ganito lang kami nagkakasiyahan. 

Hindi na baleng maingay at maraming pagkain, basta kasama namin ang isa't isa. Matapos mapagod kaka-seesaw, swing at slide, dinala kami ni Bobier sa isa sa mga courts ng school. Gabi na. Kinakabahan na si ___ kasi dalawang linggo na siyang hindi nakikita ng kanyang aso at sira ang camerang maiiuuwi niya. 

Matapos ang ilang minutong pamimilit ay napagdesisyunang ng grupong iwan na sina Bobs at Bernadyn para sa gusto na nilang panoorin na concert. Umuwi na kami ni ___. Pagdating sa Taft, umihi muna ako sa Wendy's bago kami tumawid sa kabila. Paglabas ko ng restaurant ay hindi ko nakita si ___. 

Hinanap ko siya nang hinanap, mabuti na lamang at nakita ko siya, may dalang softdrinks para sa akin. Alam niya na kasing uhaw na uhaw na ako, ang sweet. Pagsakay namin ng bus ay natulog na kaming dalawa. 

Pagdating namin ng highway bago mag-skyway ay narinig kong kumakanta si ___. Wala sa tono, cute at nakatutuwang pakinggan. Listahan ng mga kanta ng Parokya ni Edgar. Yung ibang lyrics mali at halos lahat ng kinanta niya, bitin. May isang kantang nagsilbing mitsa upang magsalita ako at guluhin ang pagkakanta niya ng mga kanta ng paborito kong banda. Ang kantang iyon ay Telepono. 

Sinimulan niya lamang iyon pero hindi makanta-kanta ang ikalawang linya kaya itinuloy ko na ang kanta. Wala sa tono, hindi cute at nakahihiya. Nagkausap naman kami dahil doon at nakatulog na. Paggising ay Alabang na at nagtungo na kami sa aming mga sasakyan. 

Pagdating ko ng bahay ay nakapaglaro pa kami ng aking kapatid at nakapanood ng Meatballs. Matapos panoorin ang Meatballs ay nag-plurk na ako bago matulog. Inisip kong sana ay hindi pagalitan si ___. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Sabado.