Sa simula ng romance novel na Ise Omorfi (You Are Beautiful) ni
Raphaela Kristina, ipinakilala ang bidang lalaki bilang isang successful na
may-ari ng isang beach resort ngunit napapangiti na lamang sa pait ng loveless
niyang buhay. Sa ibang salita, naghahanap ng makakasama o iibigin ang bidang
lalaki. Katulad ng nabanggit sa article ni Soledad Reyes na ang pangunahing
tauhan sa isang romance na panitikan ay mayroong isang quest o misyong maaaring
sumagot sa kanyang hinahanap na kagustuhan, para na rin sa ikapapayapa ng
kanyang loob at pag-ibig, at para na rin sa mas malalim na pag-unawa sa kanyang
sarili at nais na makamit sa proseso ng pagkamit o pagkumpleto ng napiling
misyon. Sa konteksto ng nabanggit na romance novel sa Pilipinas, ang bidang
tauhang si Bryan na isang architect, kahit na siya ay matagumpay na sa career,
hindi pa rin niya nararamdaman ang kaganapan ng kanyang buhay dahil lang sa
walang nagmamahal sa kanyang babaeng kaedad niya. Sa madaling salita,
naghahanap siya ng nobya o mapapangasawa. Tulad na rin ng nabanggit sa article,
nagiging major theme ng isang romance ang pag-ibig; maaaring sa diyos, sa tao o
sa kaligiran. Kung ikakabit ang ganitong pagtingin sa Ise Omorfi, pag-ibig sa
tao ang napiling quest ng pangunahing tauhan. Doon na magsisimulang umikot sa
paghahanap niya ng pag-ibig, at magpapatuloy sa paghahanap at maaaring matapos
sa paghihiwalay o masayang katapusan. Pero dahil na rin sa nabanggit sa article
na madalas na nagkakaroon ng happy endings ang romance novels sa Pilipinas, pasok
na pasok ang ending ng napiling romance novel sapagkat nagkatuluyan ang bidang
tauhan at ang nameet niyang babae sa unang chapter, at ito mababasa sa huling
chapter. Nabanggit din sa article ang pagiging escapist ng isang romance novel
ng Pilipinas. Ibig sabihin, nagkakaroon ng muling pagbuo ng isang mundo, ng
mundong ideal lamang, na pumipilit sa mambabasang iwanan ang totoong mundo
ngunit panandalian lamang para sa kanyang muling pagbalik ay inaasahan niyang
mangyayari sa kanya ang nangyari sa kanyang nabasa. Sa pagdaloy ng kuwento ng
Ise Omorfi, ang bidang babaeng si Sroso ay mapapansing takot umibig muli dahil
sa iniwan siya ng kanyang naging unang boyfriend na si Stefan; kaya noong sa
mga simulang chapter, tinatarayan niya si Bryan na pakiramdam niya e gumagawa
ito ng move sa kanya. Ngunit dahil nga sa napatunayan nang kailangang magkaroon
ng happy ending, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng pagkakataon at sitwasyong
magkakausap ang dalawa nang maayos at magkakaalaman ng nararamdaman sa bawat
isa saka hahantong sa happy ending. Sa ganitong daloy ng plot, nakikita ng
mambabasang kahit na ilang beses pa silang bumagsak at iwan ng taong minahal
nila, kahit na nagkukulang pa rin sila sa kanilang sarili sa dinami-dami ng
tagumpay sa buhay dahil lamang sa pag-ibig, makatatagpo pa rin naman pala sila
ng totoong pag-ibig, ng happy ending. Hindi napapansin ng mamababasa na
talagang pinagtatagpo ng author ang dalawang kanyang pagkakatuluyan para lamang
masundan ang gusto ng marami, ng masa, ang isang happy ending. Pinapaniwala
sila sa destiny, gamit para maging escapist ang mambabasa. Sa pagbabasa,
mukhang madali lang naman, kung maghihintay, kasi darating. Ngunit kung
titindig sa realismo ang mambabasa, inaasahan niyang hindi lamang sa
paghihintay makakamit ang tunay na pag-ibig, hindi madalas, happy ending.
Nariyan din sa article ang pagiging formulaic ng mga romance novel tulad ng
stereotyped characters, na sa Ise Omorfi e parehong sexy at macho at maganda’t
guwapo nina Sroso at Bryan, ng pagkakaroon parati ng eksenang maaapreciate ng
isa ang kagandahan ng isa; sa inconsistency ng point of view na kung iaapply
naman sa Ise Omorfi, nagsimula sa point of view ni Bryan ngunit sa gitna e
mayroong pagkukuwentong part ni Sroso tapos babalik na naman kay Bryan; pati na
rin sa convoluted plot o mukhang pinilit na lamang na pagkasyahin ang mga
karanasan ni Sroso sa kanyang buhay, ang minadaling ending na nagkita na lamang
sila sa Greece at nagkatuluyan at iba pa. Sa ganitong pagsusulat ng panitikang
patok naman sa masa, hindi lamang sa inilalayo ng manunulat ang mambabasa sa
totoo patungo sa ‘totoo’ ngunit pinipigil na silang mag-isip para sa kanilang
sarili at huwag nang gumala pa sa napakalawak na mundong akala nila e
kasimple-simple lang.
No comments:
Post a Comment