Nabanggit sa lecture ni Sir De Chavez na nakapaloob sa isang face-to-face
interaction o karaniwan nang tinatawag sa ngayon na talk ang mga material
na verbal at di verbal, kung saan ang di verbal na bahagi ay nahati pa rin sa
positioning, glances at gestures na maaari pa ring gamitin sa pag-oobserba ng
isang mananaliksik kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita o ng kinakausap na
gumaganap sa tigmalalaking bagay sa daloy ng kanilang pakikipagtalastasan.
Nilinaw na hindi lamang mga salita o verbal na pahayag ang binibigyang pansin
kapag gumagawa ng isang conversational analysis. Pinatindi pa ito na sa pagkuha
ng halimbawa galing sa palabas na Face to Face ng TV 5 kung saan nagkakaroon ng
pagkakataong magsalita ang taong nagsasalita. Mukha mang bastos ang pagpasok ng
isang galit na kapitbahay sa pag-uusap ni Amy at ng isa pang kapitbahay, hindi
pa rin maikakailang mayroon pa ring nagtulak sa kanyang pumasok sa gitna.
Sinabi ni Sir De Chavez, ayon na rin sa kanyang lektura, na ang
meaning ng isang conversation ay nakaembed na sa conversation structure. Ibig
sabihin, nadedevelop ang meaning habang umuusad ang usapan. Dapat din daw ay
natural lamang ang pag-uusap. Doon ko na napansin ang salitang natural. Hindi
ko itinutulak na ako ang tama ngunit ganito talaga ang pagkakaintindi. Kung
bobo man ako o tamad para magtanong sa huling bahagi ng event na pinuntahan,
hindi ko na alam.
Binanggit din pala sa lektura na hindi chaotic ang Face to Face
sapagkat nagkakaroon ng fixed cue kung kailan mangyayari ang mga bagay-bagay,
halimbawa na lamang kung kalian daw magmumurahan ang nag-aaway na kapitbahay,
na kapag tiningnan siya ng kapitbahay e ibig sabihin noon ay ‘Sumabat ka sa
pag-uusap namin ni Amy’ at may mga dagdag pang face-preservation techniques na
kahit nadedehado na ang nagsasalita e pilit pa rin niyang nililinis ang kanyang
sarili sa harap ng libu-libong nanonood sa kanya, kahit na kumakalat pa rin ang
pagiging unchaotic ng kinauupuan niyang stage. Pero wala na siyang pakialam
doon. Kung well-crafted lang din man lamang ang mga sasabihin nila on-stage
para magmukhang natural ang daluyan ng kanilang pag-uusap, sinira pa rin ito ng
mga nabanggit ni Sir De Chavez ng mga napansin niyang ‘cues’ kung kailan
sasabat, sasabay, magmumura o sasabihin ni Amy ang pinaparaphrase lamang na
linya upang magpatigil ng mga nag-aaway sa harapan niya na wala din naman
siyang pakialam.
Yung nasa itaas ang naintindihan ko. Gusto ko sanang balikan yung
binanggit ko tungkol sa natural na pag-uusap. Kung kailangan ko rin lang
tingnan ang kaaway ko habang kinakausap ako ni Amy para sumabat sa aming
pag-uusap e iyon ay dahil iniutos ng set. Pero kung mag-iisip pa ako ng ibang
posibleng dahilan, tulad ng, ewan ko, sabihin na nating gusto ko lang talagang
makita ang reaksyon ng kaaway ko habang nag-uusap kami ni Amy dahil sa gusto ko
lang. Kaaway ko siya e. Mas matagal ko pa rin siyang nakasama kaysa kay Amy.
Tinitingnan ko ang aking kaaway kasi sa loob-loob ko, kahit galit ako sa’yo, si
Amy na sikat ang kumakausap sa akin, gusto kong makita ang reaksyon mo sa
kanyang tanong at kung paano kong aayusin ang aking mga sasabihin para hindi ka
lalong magalit sa akin at mapahiya ka sa maraming nanonood. Mas mapapatotoo
lang naman siguro ito kung mapatutunayang ang nangyayari sa palabas na ito ay
isang take lamang. Pero kung smooth lang din ang magiging daloy ng pangyayari,
kasama na ang pagpapapansin lamang na pag-aaway sa isa-isang pasok ng mga
guest, baka sumang-ayon na lang din ako sa hindi chaotic ang Face to Face.
No comments:
Post a Comment