September 28, 2012

Riteam

Sige pa. Sige pa. Paulit-ulit. Ngayon ko lang ulit parang gustong paulit-ulit. Ngayon lang ulit yata ako nahumaling sa paikot, sa pahaba, pataas, pababa. Pabilis nang pabilis. Parang gusto ko na lang parati. Pero sa ganito lang naman. Ayaw ko ng paulit-ulit sa ibang bagay. Nakakasawa. Ito lang yata yung bagay na hinding-hindi ako magsasawa kahit ulit-ulitin ko. Nasa katawan ko e. Ewan ko ba. Gustung-gusto ng katawan ko, edi gustung-gusto ko talaga. Mabilis kasi akong mabagot sa ibang bagay na paulit-ulit na lang. Ang bilis kong magsawa. Kaya sige, sige pa. Sige pa. Bibilisan ko pa, paikot, paulit, ayaw ko na itong matapos. Pero minsan, tatanungin ko yung sarili ko kapag tapos ko nang gawin, “Bakit ko na naman ito ginawa?” Nagmamaktol sa sarili, parang nagsisisi, kahit parang wala ka naman talagang kasalanan. Parang wala naman talaga e. Bakit pa naging ganoon yung pagkakabuo sa akin kung hindi ko rin naman pala gagamitin nang maayos? Totoo ba talagang may tama at may mali? Pero sige, okay lang. Mag-isa lang naman ako sa buhay ko. Kung anong meron ang iba na wala ako, dito ko na lamang idinadaan. Wala nang hiya-hiya, kasi nga, ako lang naman mag-isa. Ako na naman mag-isa. Yes. Ako na lang ulit. PUTANG INA! Naunahan ko na naman kasi ang alarm clock ko. Putragis. Tang ina. Tang ina talaga. Kung kailan magsisimula na ulit ako, saka nambulabog ang pesteng alarm clock. Putang ina ko rin naman. Sinet ko ang alarm para magising ako. Naiinis ako sa kagagawan ko? Ewan. Putang ina.

Sige babangon na ako. Tinatamad na rin ako mag-init ng tubig, hindi naman na madaling araw. Malapit naman na kasing magtanghalian. Sa labas na lang kaya ako kumain? Tinatamad kasi ako. Parati naman akong tinatamad sa mahahalagang bagay. Bayaan mo na. Mag-isa lang naman kasi ako. Sige. Maliligo na ako. Normal pa rin naman akong Pilipino kahit papaano. Naiinitan, nadudumihan, kumukulot, gumagaspang. Ito na, naliligo na ako. Wow, nagkita na naman tayo. Yes. E sa mag-isa lang naman ako. Kailangan ko pa bang manahimik? Hindi na! Ever! Tang ina. Ito na ba? Teka magsasabon na muna ako, para madulas. Yes. Oh yeah. Sige pa. Taas. Baba. Dahan-dahan muna, kasi nga mag-isa lang ako. Ako ang bahala kung kailan ko gusto. Tapos taas-baba ulit. Tapos sa tuktok na. Taas-baba sa tuktok. Tang inaaaa, heaven! Puta. Bibilisan ko na ba? Bibilisan ko na ba? Parang ayaw ko pa na gusto ko na agad. Gusto ko nang enjoyin pa lalo. Gusto ko pang iangat ang excitement. Kaso ayaw ko pa rin talaga matapos agad. Amf. Nakakainis. Bakit ba kasi sandali lang iyon? Bahala na nga. Sige pa. Ipapasok ko na nga rin. Bilang din namang dalawa ang kamay ko. Para mas masaya, mas enjoy. Mas lalo pa akong iingay. Mag-isa lang naman kasi talaga ako.

Naligo na naman ako nang ganon. Naulit na naman. Parang tinamad nga ako pagkatapos e. Parati naman akong nanghihina at nababatugan kapagka tapos na. Pero bakit ko pa rin inuulit? Kahit na alam kong parang may feeling na nagsisisi ako, uulitin ko pa rin. Bakit kaya? Kasi nga siguro ganito ako? E oo e. Bakit ko pa iisipin kung nakakahiya, kung nakapansisisi? E mag-isa lang naman ako. Tapos na ako bihis sa harap ng salamin. Iba talaga ang feeling kapag kaharap ang sarili sa salamin nang nakahubad. Ang laki ng boobs ko. Sabi ng mga katrabaho kong lalaki, asset. Edi asset na. Parati nga nila akong kinakausap e. Parati din nila silang kinakausap. Ako ba ang kausap niyo o sila? E sa kanila lang kayo nakatingin e. Pero hindi lang naman sila yung tumitingin. Ako rin naman, kahit mag-isa lang ako sa bahay, marunong pa rin naman ako tumingin. E di ba nakatingin na sila sa kanila. Ako naman titingin sa baba. Ay! Hindi pala titingin, hindi rin tititig. Masyadong halata kapag ganon di ba? Sabi ko sa’yo medyo marunong naman ako. Edi yun, sisilip na lang ako sa baba. Mabilis silip lang.  Parang ninja. Mga 1 second, tapos sa mata niya ulit. Kaso yung mga mata nila, nasa kanila pa rin. Okay lang. Pareho lang naman tayo. Sa sobrang laki, bumabakat din yung sa’yo, yung sa inyo.

Masaya yon. Isa sa mga inaabangan ko ngayong araw. Nakalabas na nga pala ako ng bahay. Jeep muna. Yaman din lamang na nakapalda ako, para hindi ako pandirihan ng mga babae e sinasara ko ang aking mga hita, kahit alam naman nating lahat na gusto nating may nasisilip tayo. Kunwari pa ang mga putang ina. Sagap nang sagap ng mga kung anu-ano, kapag sila ang sinagapan, nagagalit? Putang ina naman. Pero sige, okay lang ulit. Nilalayo ko na nga ba ang sarili ko sa inyo? Sa inyong may mga tama at mali? Para mag-isa na lang ulit ako. Sana mag-isa na lang ako. Ako lang naman yata ang may gusto ng ganito e. O gusto niyo rin? Nahihiya lang kasi yata kayo. Kunwari pa ang mga gago, gusto rin naman. Ikaw? Alam mo nang nakasara sisilip ka pa rin. Kung sa bagay, hindi rin naman kita masisisi. Kasi nakaugat at nakatatak na rin naman talaga sa iyo iyon. Tao ka e. Bakit ba? May mali ba? E sa iyon ang hinahanap mo, why not? Gusto naman talaga e. Bakit hindi na lang hayaan? Nakatingin lang naman siguro, may nawala ba sa akin? Parang wala naman yata. Dignidad? Respeto sa sarili? Kadalisayan? Putang ina! Pagpipigil lamang yang mga yan. Buti pa ang Sprite tama. Sprite. Oh yes. Sprite. Astig ang Sprite forever. Kung walang Sprite, siguro wala akong back up. Okay pa rin naman yun. Sanay pa rin naman ako nang mag-isa lang ako. Ako lang naman talaga yung ganito. Yung hinahayaan ang sarili. Pigilan niyo pa, sige lang. Para kung wala mang apoy, ulap, linya at pag-uulit sa iba e baka nasayang na lamang ang inilagi rito. Hindi na rin naman yata masama yung YOLO. Nagmukha lang jologs kasi inover use ng mga.. uh.. jologs. Putang ina nila. Pero sige pagbigyan. Hindi lang minsan mabuhay. Mga gago, isang beses lang tayong mabubuhay. Pero sige na nga ulit, hindi pa rin kita pasisilipin, pero okay lang sa aking tumingin ka. Tao ka e.

Ibinababa na kami sa babaan, malamang. Oh yes. MRT na! Wala pala. Excited much? Parang ganun din naman kasi. Kapag malapit na ako sa pupuntahan ko, sinasabi ko pa rin sa sarili kong nandoon na ako. Parang imposible na akong malaglagan ng orange na bus, o masagasaan ng ambulansya, habang papunta na akong escalator paakyat ng MRT. Kaso hindi na rin pala siya escalator. Hagdan na lamang siya. E putang ina hindi gumagana e. Kasama ba iyon sa binabayaran namin sa ticket? Bawasan na lang nila ng piso yung fare kung di rin naman pala nila imemaintain ang mga dapat na nangyayari. OMFG. May sinabi akong parang malayo sa mga pinagsasasabi ko kanina pa. May dapat ba talagang nangyayari? Kung sa bagay, dapat din naman talaga siyang paikut-ikutin, kasi nga gusto ko. Lalo na kapag dalawa na ang nakapasok sa loob. Putang ina. Pero sige, escalator na muna. E sa malaki rin ang puwet ko. Asset daw ulit. Kapag ka nakalingon ako nasa baba nakatingin yung mga nililingon kong lalaki. Halatang silahis kapag sa bag ko nakatingin. Haha. Sorry. Wala naman akong problema sa mga bading o bakla o lesbiana. Hindi ko rin naman pinoproblema yung ginugusto ng mga tite at puke nila. Kung tite din ang gusto ng tite nila, o kung puke man ang gusto ng mga puke nila, why not? Ginusto nila yun e. Okay na akong mag-isa lang ako. Puwede rin naman. Kumekembot, left and right, pabalik-balik, kapag umaakyat ako ng mataas na escalator slash hagdan. Minsan, trip kong lumingon para malaman ko kung may nakatingin sa puwet ko. At hindi naman ako nagkamali, ever. Pero siyempre paglingon ko, biglang punta sa ibang lugar yung mga mata nila. Syempre madalas sa mata ko, para malaman daw nila kung alam ko yung tinitingnan nila. Siyempre, hindi naman ako gago para hindi ko malaman ang inaasam ninyo. Tapos lipat agad sa kanan. Minsan gusto ko silang tugtugan ng Nobela ng Join the Club para lamang mapicture out ko ang comic effect sa utak ko ng malungkot na music video. Ngumiti kahit na napipilitan, kahit na sinasadya mo akong masilipan paminsan-minsan, bawat sandali na lang. Keri lang. Sige tingin pa sa kanan, ang ganda kasi ng view ng mga bus at jeep at iba pang mga kotse sa kalsada kasama ang kani-kanilang mga usok sa tirik ng araw kapag tanghali ano? Bahala ka sa buhay mo. Nakatingin ka na sa ass, lumipat ka pa sa bus. Pero sige, oo nga pala, meron kayong tama at mali. Sige na nga. May tama at mali ring ecalator. Pero sa escalator lang. Sa iyo, sa inyo, ewan ko na lang.

Yes. May stored value na ako. Iba na rin ang mabilis. Iba na talaga kapag nauuna, nangunguna. Nakakainis kaya kapag may sumisingit. Pipila ka tapos ganon? Mali iyon. Ayun, may mali na naman pala. Sige. Nakapasok na ako, naghihintay na ako ng tren. Ito na. Ito na talaga. Ito na naman. Ulit. Ayaw kong sumakay sa bahaging puro babae. Putang ina ang baho don. Marami silang tinatago. Ayoko na ng taguan. Ayokong may hinahanap. Nakakatamad na yun. Ayoko na rin yung tinatago pa, kita rin naman. Kaya may tinatago kasi nga may tinatago. Parang ang labo. Kaya nila ginagawa iyon kasi ayaw nilang may makita ang iba. Yung iba naman, may tinatago kasi ayaw nilang makita sila. Hahahaha! Mga gago. Hindi ninyo ako magagago. Dito ako. Pinili ko rito. Ito ang pinipili ko. Hehehe. E kasi naman. Sinasadista ko ang sarili ko? Aamin na naman ba ako? Kanina pa rin naman ako nandito. Kanina ka pa rin naman nagbabasa. Sige na nga. E sa hindi ko alam kung paano kang umabot dito. Ibig sabihin ba non e natutuwa ka sa akin? Ibig sabihin ba non e gusto mo rin yung gusto ko? Ibig sabihin ba non e tao ka rin? O hindi ka tao? Na tayo pala ang hindi tao? Bahala na no? Kinakausap na kita. Ayos ‘to. Akala ko kanina pa ako nagsasalita. Kanina ka pa nakikinig, kasi nga umabot ka na rito. Kapag umabot ka na rito nang tsambahan lang at hindi nabasa ang nasa itaas nang buo, okay lang din naman. Kaso baka hindi mo talaga ako magets. Baka hindi mo pala gusto yung gusto ko. Yung gusto namin ng kausap ko kanina. At dumating na nga ang tren. Yes. Alam kong hindi mapupuno yung bahaging puro babae, yung nasa harap. Kaya alam kong baka wala naman akong kasamang babae rito. Kahit isa, okay lang. Lalayo ako sa kanya. Dahil sa nakaumbok ang boobs at puwet ko, okay lang sa akin. Actually, hindi lang siya okay. Okay na okay. Super. Gustung-gusto ko. Talaga! Siyempre, marami talagang, oh wait, lahat talaga kayo sasabihin ninyong, “Ano ba ‘tong babaeng ‘to! Kung sinu-sino na lang yung gustong pumatol, bumangga, dumunggol, dumikit, tumalbog, tumingin, tumititig!” E sa ano? Kanina ko pa sinasabi di ba? Mag-isa nga lang ako. Tsaka ginusto kong mag-isa lang ako.

Pero bakit? Talamak naman na rin yung naghahanap ng love life. Gusto nila ng may makakasamang panghabambuhay. Hahaha! Okay lang din naman yun. Tao rin naman siguro yung ganon. Ayoko lang talaga ng mas malaking gastos, siguro? Siguro kasi, pagkakagastusan ko pa siya ng oras, salita, pera at ng lahat-lahat ng meron ako. Pero sige okay! Worth it kasi raw yon! Okay fine! Yung babalik din naman daw kasi sa akin e pagmamahal, e yung sinasabi nilang masarap na feeling. Ito ang masarap na feeling. Siksikan, dilis, kamote fries, sardinas. Banggain mo, alam kong sinasadya mo. Sana alam mong alam kong sinasadya mo ang pagbangga, ang iyong pagbangga, ang inyong pagbangga. Malambot naman yang mga yan, bakit pa kayo nahihiya, nagpipigil? Masarap e! Hay nako. Kung alam niyo lang na alam kong sinasadya ninyo, edi sana sagad na. Pero siguro kung ganoon, hindi lang pagbangga ang mangyayari. Pisil, amoy, pindot, dutdot, sundot, kantot. Hahaha! Ito ang nakakatawa talaga! Nakakatawa kasi nga ako lang ba ang may gusto? O ang gusto niyo, kapag may ganitong intimacy o kapornohan, dapat private? Dapat private? Okay. Okay din naman yung private. Okay yun, kapag ako lang mag-isa. Mamaya pag-uwi ko, mag-isa ulit ako! Pero nakakadismaya itong mga “tao” na ito. Akala ko pa naman gusto ninyo, binabangga niyo e. Kaso may konting hiya. Nahihiya pa e! Binabangga mo, niyo na nga, nahihiya pa rin? Para kayong dumila sa lollipop na hawak ko tapos hindi na uulit. Nagawa mo na, akala mo, niyo hindi ko pa napansin? Naulit-ulit na hindi ko pa rin napansin? Huwag niyo rin akong gaguhin, mga putang ina. Di naman ako galit na galit talaga. Sa katunayan, natatawa nga ako. Kasi nga alam niyo nang alam ko, o minsan lang ganun, pero kahit na, pero ayaw niyo pa rin bonggahan. Baka na naman daw kasi may makakita sa inyo. E putang ina nag-iisa lang akong babae rito. Masikip pa nang bahagya. Galingan niyo. Sige pa. Malapit na akong bumaba. Sige pa. Malambot di ba? Nakakatigas. Tumitigas na rin yung nasa itaas e. Sige. Sige. Ayan tuloy, bumukas na. Paalam, bukas ulit.

No comments: