October 2, 2012

Phil Games Journal 1


ANG PINAKANAHARASS SI MA’AM
Bihagan
  
Hindi ko na talaga maalala kung sa variation na nga ba iyon nangyari pero sa game na ito talagang napahiga na si Ma’am sa sahig. Pero ang mas malupit pang nangyari e hindi siya nagalit. Hindi nga siya KJ. Nakakakaba yung laro. Hindi ko alam kung mahihila ako, manghihila ako, o magpapahila ako para hilahin ako ng cute kong kateam.

ANG PINAKANAGULAT AKO
KAY MA’AM
Bagbagto
  
Hindi ko na ulit maalala kung bagbagto nga ba iyon. Basta hindi yata nacontrol nang maayos ng group facilitating the game ang mga kaklase ko, kami. Napasigaw si Ma’am tapos sabi ko, OMG, sa sarili ko lang naman. Magulo ang larong ‘to kasi dalawa ang puwedeng gawin, at maaaring pumili. Tumakbo o bumato. Kakaunti lamang ang tumakbo at bumato.

ANG PINAKANAWALA AGAD
ANG EXCITEMENT KO, AGAD
Batuhan-Bola
  
As in napasigaw talaga ako ng WOOHOO! nung sinabi ni Ma’am na ito yung lalaruin. Pero nung naglalaro na kami, napakaanti-climactic nung dating para sa akin kasi hindi pala ganoon kasaya kung hindi mo kakilala pa masyado ang mga babatuhin mo sa mukha o sa ano, sa basta yon.

ANG PINAKAMAGULO ANG VARIATION AS IN DI KO NAGETS
Agawang Panyo
  
Kahit di pa man variation yung tinuturo nila, malayo pa rin ito sa nakagisnan ko nang Agawang Panyo. Hindi rin nangyari yung pinakainabangan kong bahagi kung saan lahat ng players ang aagaw sa panyo at magpapasaha-pasahan ng panyo. Hindi ko maikukuwento yung variation part kasi nga naguluhan ako.

ANG PINAKANAPAGOD AKO
Kabayo-kabayuan
  
Nakapantalon kasi ako noon. Tapos sneakers pa. Edi bonggang nadulas ako tapos dinadala na lang ako ng kagrupo ko habang nakapatong na lang yung puwet ko sa kawayan. Ayaw ko na talaga noon, first round pa lang. Napawalangya talaga ako sa diwa ko noong umabot pa kami ng third round.

No comments: