June 16, 2024

lasog

let me rest from falling
towards this endless abyss
for i've only been messing
with what i knew was just
meant to be rest, okay?
but none the less, hurt
has always been close.
if it was not meant for me,
let me still overdose
on unmedicines, so i am
always stretched within,
and i'm still going insane.

let me break all bones then
'cause i am all frames,
i am running out of games
to play in my head. maps
i've conquered, shadows
unlit, there may be chests
unbothered but how can
it all be worth it?

let me not be someone else,
i'll be sure to exclude you
from my questionable roles,
often misleading, always
uncaring. oh, but, please,
if you just may,

let me not be anything else,
let me rest from falling
towards this endless abyss.

let me break all bones then,
let me not be someone else.

June 15, 2024

broken typewriters

ang sabik ay napapaltan din
ng pink at turquoise na yanig
upang magpahupa lang saglit
at mamili muna ng isang pack
of cigarettes, pampakalma rin,
kahit ano pa 'yan kung blue,
o red. red? 'wag red dahil
masakit 'yon sa lalamunan,
at hindi naman ako naging ama
ng kung sino man, ano pa man,
inuman.

kung lalakarin, manggagaling
sa gasoline station, yanig muli
ang magkabilang manggas ko,
lalo't pati sa natitirang nakisali
sa pagtira, saglit lamang lalabas,
babalik muli. titingin sa itaas,
at yuyukong muli. kung ang
aking hininga nga'y umuusok
ngunit namumutla, sasabayan
lamang din ng ngingiti, tapyas,
matutulala.

June 14, 2024

storm has come

sa mga singit-singit
ng bawat tabing semento,
mayroong mananatiling
walang nakapapansin.

sa mangugat-ugat
na mga dahong tuklap,
at panandaliang naniyaw
papalibot sa malaharding

sa kung paano'y walang
may alam, at kundi pa
tititiga'y diretso lamang
ang daan. sa kung isiping

sa kaliwa o sa kanan
ang hinging pagtanggi,
matitirang mananatiling
walang nakapapansin.

June 13, 2024

with white paint

the expressest way
to break the mold
is to know exactly
when the next appeal
should be. it would
be best to start 
with beats foreseen
on jeans and a white
shirt. a warm glass
of blue tea mixed
often with instant
noodles has always
been preferred but
really not that ideal.

some trays carry
colored fruits, tasty
enough to make 'em
not pry intently.

everyone just notices
that everyone notices.

'wag lang magkamali.

June 12, 2024

ano ba

palaging hinahanapan ng kabuluhan
ang mga nais na aawayanin, waring
sabik sa mga butas na palalakihin
nang palalakihin, sabik na maging
mas na mas mataas pa dahil lang
sa binusisi pa talagang pagkolekta,
siya lang dapat ang makakita, siya
lang naman talaga ang nakakakita.

o siya, o siya, wala naman talagang
gustong makipag-away sa 'yo. ni
mga kakausap nga siguro'y may
pagkaipunan din ng mga hinaing
nilang mahinaing ka't kuro pa'y
kailang magngangalit sa loob-loob
naman, for a change, for this hate
on just surface has just surfaced
for there's no just surface for just
the surface. roots under bear not
only how the blames should have
started but also really these almost
irreparable consequences of their
palaging paghahanap ng kabuluhan.

sino ba talaga ang may kasalanan?

June 11, 2024

tanawin

hindi ko pa rin binubuksan
ang mga natitirang linya
ng insulto at agam-agam
na makapagpapabalik
sa mga noon pang pagsakay
ng jeep patungong rekta
sa ibang mga sakayan.

kung hindi pa nakakabisa'y
sagli-saglitan pang sisilip
sa magkabilang pasahero,
hindi naman sa pagiging
apurado pero huwag naman
sanang sigurado na ang
pag-aalinlanga'y delikado.

hindi ninyo ito maipapakilo,
maniwala naman sana kayo,
pakiusap. maski pang wala
naman dapat pang ipaalam,
may natitira pa naman siya
na mga hiya at agam-agam.

June 10, 2024

i don't need help

how come you can easily
find these hidden structures
entombed in the deepest
mists and absences, floating
air sacs as the only signs
of life? how come it
never feels just right?

yet it weirdly whispers well
while it touches my soul raw.
somehow i'm sure that it'll
never forget that i had once
been complete, and was just
ready to go.

i am ready to go, but you
can only take me as far
as these hidden figures
of depth. trusting fears
as substitute for lies, one
can only trust death 'cause
when the winds slow down
the path into abyss, a current
isn't was, will never be will be,
and only just is.

June 9, 2024

pre-glances

paagnas nang lumalabo
nang lumalabo natitirang
antas ng pakikinig, titigil
at makikiapid. padahan-
dahan nang nakakalimot
na mabagal ang mga alon,
hindi nagagalit sa atin
ang mga puno, maging
ang lait ng kalangitan,
wala talagang tinamaan.

hindi na ba maisasadya
pangungupad sa lupa?
pangungusap ng kindatala,
iniwan na lang sa parirala,

at siwang-diwa, siyang
kalalagyan ng lahat
ng hindi pa nasisikatan,
nakapanghigit sa sarili.

dahil ano pa nga ba
ang hinihintay kung
sa tawag lang madali,
wala pang atu-atubili?

June 8, 2024

cool 'to

ganito makinig kay bullet dumas
nang live: para ka lang nag-iisang
nanay, first time manganak,  wala
kang ibang manual kundi iyong
mga nadekwat na pangaral mula
sa iba't ibang tsismis at searches;
lahat, sabay-sabay na magsisiinog
papasok sa iyong kalamnan.

hahayaan mong mapaglaruan nila,
wala kang magagawa. hahanapin
nila ang iyong kaluluwa; ibibigay
mo naman, wala kang magagawa.
papaikut-ikutin ka, matutumba ka
na lang, at wala kang magagawa,

at sa iyong pagkalagak, wala kang
muling maalaala 'pagkat sa 'yong
pagbuklat, naipanganak kang muli;

ang unang pagpatak ng 'yong luha,
hudyat na kanya ka nang nakuha.

June 7, 2024

hours, days

there're these long lost bars
na hindi ko naman sinasabing
hindi ko na masasabi, pero
bakit may pinipili lang ako
sa katamaran at pag-iisip,
sa pagtulog at pag-idlip,
na sometimes, inaabot pa ako
ng lima o apat na oras,
which are weirdly distributed
but really mess up with
how i swim in my hours, days.

mamaya-maya lang, saturday
na naman, wala na naman
akong napala. ano pa rin pala
ang mapapala ko kung palarin
ako ng hours, days, which are
repetitions of repetitions, like
how i always recognize art
as rejumbled pieces of nature
and plastic, just getting more
and more malabo miserably
with every iteration. i am
never content with my own
creations.

despite all that, i try not
to wait so much dahil mahirap
maghanap ng nawawalang
puzzle piece, at kahit pa na
in the first place, that is all
what we have ever done
for hours, days.

June 6, 2024

no dust

sneak attacks generally work
sapagkat sa kung kadalasan
ang preoccupation ay natindi,
kaagad na masasambulat
kahit na dinaniw lamang
ang bawat daan, ni hinding
umabot sa tiyaga't concentrate.

hahayaan lang mag-initiate
ang target being. you don't
have to worry, really. letting
them be how they always are
ang makapaghahatid lamang
sa kaniya sa 'yo, saka siya
mapapahanap ng nawawala
na salita habang focused din
sa added na mga sukat.

they'd be forced to think
that everything illogical
be just forced thinking,
thinking of everything
they are, as they should.

at habang parurok na siya
sa pagproklamang siya pa rin
ang the best, it'll only take like
a couple of seconds, and
you already know the rest.

June 5, 2024

what was

bumaba ako sa ulanan
nang makabiling agad
ng cup noodles, pang-
init sa aming tiyan at
pakiramdam—
naulan pa kasi, basa pa
ang kalsada. ipinaalam
sa akin ng kalawang
ang pamamahiyang
isinusuklob, paulit-ulit.

iiwasan ang karampot
na galit. baka kasi sila
ang uminggit na naman
ng cup noodles, pang-
irap sa aming alam at
pakialam—
napagbibigyan pa kasi,
mas malayo sa kalsada,
mas malayang mandaya.

bumalik akong dala na
ang cup noodles namin.
umalis nang may husga,
umuwing may tira-tira.

June 4, 2024

numb shelter

i can always die waiting,
try dying, or wait trying,
'cause this body has been
ready for far too long.

it has, oh, it has been,
for far too fucking long,
and nobody else makes
else for else, and else,
it shouldn't have been
too long. else, it still
would have, no doubt,
and it's only a matter
of time, no clout will
ever be needed. i take
everything, even faded.

i'll let it live inside me,
and for many times,
not just once, i will get
to count nothingness,
oh, pay me less, you
should be grateful,
for i have nothing left.

is it just me craving rest
while i obsess living best
amongst breaking heads?

oh, please. just please.
just... please... don't need
no rioty bleeds, and if
i ever do just carry seeds,
don't mind me, please.

just do whatever else
your momma ceased.

June 3, 2024

softbound

i woke up to one warm,
orange sunrise, the heat
was almost unhateable,
and the reflects it made
as i opened my window
for scum foreign winds
were mellowly melting
my eyes.

i wanted to savor, save
everything that might
not happen any longer.

what happened next
didn't matter anymore,
as seven dead photos
should've never existed,
pictures of peace-prays—
could have been perfect.

June 2, 2024

scratches

nung isang araw pa ako
binobother ng gatuldok
na mga tila nagmantsa
nang anti-constellations
'pagkat wala namang
pag-aya sa akin kundi
pilitin na namang ako'y
magbabanat ng gloves,
sabon, maaaksayang
tubig pampawi, tubig
na pangulit, panlambot,
pampagana sa nauuhaw.

at nang matapos na rin,
ang hindi matapus-tapos,
at tapos pa, patapos na
hanggang sa lapnos na.

June 1, 2024

weightless

naputulan ng kuryente
dito sa amin ngayon.
kagyat akong napaisip
na babalik naman agad,
na sasaglit lang sa phone,
at hindi rin magtatagal,
magbabalik na rin ako.

pero nagkamaling tanga,
mamula-mulang baterya,
naghihintay nga pala 'ko
since when? kanina pa?

kaya nahiga muna ako
sa kama kong naluluto,
pugong limot bantayan,
iniwan at pinabayaan.
unti-unting lumulubog
'di muna pinaalsang patay.
inaakay na 'kong kusog,
hayaan nang mahimlay.

hinihila ako sa tahimik,
with alintanang pawis.
then i start to notice
a pass not too weird.
sa lahat ng de-kuryente,
ako lamang ang gising.
pilit ko mang ipikit
ang aking pantingin,
lumilinaw talagang lalo
huning ibong umiging
pumasok pa sa 'king isip,
ayaw nang 'di mapansin.
ayaw pang sa pagliko'y
dagdag lang kaibiganin.

aba, ay, walang ihahalo
sa seryosong palitan
ng mga nais na bumoses
sa pakitang-gilas lamang.
kaya kung hindi naman
talagang maintindihan,
inilipat aking mga unan,
musika'y 'di maayawan.

May 6, 2024

web of quests

minsan, nalilimutan kong
may sinusundan na pala 'ko.
nawawala na lang talaga
sa isip ko. nagpaplano siya
na matagal para makatakas,
parang ako, hindi iniintindi
ang panganib ng hinaharap.

sanay siyang manghula
ngunit ayaw niya namang
magpaputol. minsan, limot
kong may sinusundan na
pala siyang isip, lampas pa
sa isipan ng iniisip ng isip ko.
isipin mo yun? madalas,
hinahayaan ko na lamang
din siya. sino ba ako
para magreklamo? siya
ang nagdulot sa kanya,
at ako naman ay iwan
sa pamimili ng mga ako.

saka lamang siya babalik,
at sakto, kung kailan
nakaikot na rin ako,
handa nang maghagis
ng lambat na kay tagal na
ring hindi pinapalitan.

lumalampas pa talaga ako
minsan. pero natuto na rin
akong magtimpi. pinahihinga
ko rin sila at inaalalang
sa akin naman sila nanggaling.

maaalala rin kaya nila? o hindi
ko na dapat pang isipin? dahil
kung iniisip man nga nila ako,
kusa sana nila akong kalingain,
o kilalanin man lang, o subukang
maipakilala sa iba, kahit yung
mga simpleng ako na lang muna.

wala namang intense na kapalit.
wala namang nagmamadali.
wala ring nagpapadali kundi
walang katapusang palitan,
alitang walang galit, buhay na
sa kalunus-lunos na kagustuhang
makapanggaya. kapuwa na
nagkakayayaan, kapuwa na may
nais na tapusin.

kung may mauna mang pasalubong
ay maghahanap muna ng lilim.
aaralin ang bawat bato't bituin
sa paligid. makikibalita hanggang
sa gutumin. maghahanap
ng makakain. manghuhuli
kung kinakailangan. huwag lang
may maiiwanan. minsan lang ako
may nalilimutan.

May 3, 2024

make some noise

malayang nagsasabing may bala
sa tinalupan. yakag na ang mga
'di na mabilang pang pagkurot
sa kung sakali. maaga na agad
ang bukas, sira pa rin at lagi
ang kahapon. mananatili kang
antok na lang kung tinitiis
ang pagbangon, ng pagbangon,

'pagkat 'di lang ikaw ang galit
sa mundo. bad trip na rin
ang mundo sa 'yo. sino lang ba
'tong ubod ng handang matakot
sa matagal niya nang kinikilala?

hindi matapus-tapos at
parating napapagod.
ang pagtitiwala sa imbentong
alamat ang hudyat ng pagkasira
ng pag-iintindi sa iniisip ng iba.

meron naman talagang pakialam
ang lahat. tsismosong sumasanib,
nakikianib sa hiyawan, palakpakan,
walang pakundangan. higitan mo
mang may ubaya, may pagbangga
sa sentido, at pag-aabot ng tubig
na malamig, ang mainit
ay mananatili munang mainit
hanggang sa umikot nang muli
ang daigdig. matutong maghintay.

magkakasugat din ang langit.
pipirasuhan ka rin ng panggapi.
manganganak din ang tuwa.
huwag ka nang maiinip pa.

kasya ka na sa kanila.

iba ka sa lungkot ng ibinaon na
nilang mga alaala. ang nag-iisa
ay pagtatakpan, ang malungkot
ay pagbibintangang ganid,
ang tahimik ay ipaaanod sa ragasa
ng kalsada, ang walang kuwenta
ay makakatikim ng hustisya.

kaya't ano 'yang pinagsasasabi mo
na iba ka? hibang ka na!
magbilang ka na dahil kung
hindi ka pa subukang halatain
ng mga pilit mong iwas
na pambubura, alam mong
hindi ka na aabot pa
sa hunos-dili na.

April 21, 2024

folds of folds

ang pagdagok sa nailag
sa kapagkang alas-sais,
sinusubukan nga lang
na magkaroon ng iiyo,
at nalalaman mong ito:

dahilan ay mayroong
sinindihan, wala kang
niliyabang panyabang.

hindi ulanang maaaring
magbukas ng bintana,
at magpapasok-hangin,
walang ibang aatupagin
kundi maghintay, pipikit,
iaasa na lahat sa langit.

pagbalik ay magkasakit,
malayo pang gumaling.
kailangang may minahal,
maging ng mamahalin.

March 29, 2024

lazy lazy

gago, pre, they always seem like
they're hungry. you'll hear 'em
when they hear you. they'll let
you know about something
you never cared about before.

the time is always exact. they
never rush nor slack. sleeping
at any point of a day is always
this piece of reveal na they're
safe being with me, kahit na
minsan e hindi ko sila pansin.

hindi naman siguro ako lugi
but i feel like i'd never win.

March 28, 2024

kailan balik mo

minsan na rin bang tinawag
na pag-uwi ang 'yong akalang
bisita lamang? nakahanda sila
agad-agad, unang padala lang
ng iyong pagsambit. mayroon
laging mas sabik pa kaysa iyo.

mag-aagawan pa kung sino
ang handang malamigan
sa sahig. makikisali ka sa gulo,
at sila'y awang-awa naman
sa iyo. itatanong kung anong
gusto mong ulam kinabukasan.

kahit ano po, kayo po bahala,
iyong tanging ipinamagitan.

March 27, 2024

prototype of a silencer

you should tone down
for a little bit. i feel like
i'm starting to get scared
of what might happen
if this place turns into
its own jungle. i wouldn't
like the hassle of meanings,
intrusions of patience.

don't you already know
how it feels like getting
mobbed by aliens? how they
know things by default, how
they're sure of happenings,
futures we really should not
care about but end up ruining
our cereals. at least you,
of all people, should avoid,
at least, a massacre, a riot
of some sort because if you
don't actually try something,
there'd be of one last resort.

March 26, 2024

not even

hindi ka ba naaalog diyan
sa kinauupuan mo, maski pa
hagisan ka ng kamatis, kutya,
at ng delubyo? anong ilusyon
sa iyong kokote ang patuloy
na umiinog, at patuloy kang
umiirog kahit patuloy kang
kinukuyog?

nahihibang ka na yata.

hinding nagmula sa pahinga
ang magpapakapit sa iyo.
may dahilan kung bakit
nagbubuhos ang tao bago siya
na yumao sa paghigop-hilik
ng hinigitang kainipan. 'wag
ka sanang pagpawisan diyan
sa pinagmumura mong isipan.

dahil kung papakatandaan
ang sa lahat ng nakaraan,
walang ibang kumpara diyan
kundi ingay lang ng bulaan.

March 25, 2024

you got me

alam mo, paminsan-minsan,
napag-iisip-isip ko rin kung
kakayanin ko bang ibsan
ang bigat ng malaking sungay.
kung sa bagay, sino ba naman
ako para magreklamo kung
ang problema ko lang nama'y
hanap ng laman sa gutom ko.

hindi ako tulad mo, kumakatas
ng tone-toneladang natatanging
mahahalaga sa pagiging buhay.

samantalang ako, kinakatasan
ng peke-pekeang pangarapin
sa buhay. parehas tayo lagi
na magsisikap na magsisikap
kahit isa sa atin ay umuuwi
lang din sa pagkukunwaring
mga paghagilap. kung ang oras
ay maiaatras, isa lamang sa atin
ang mang-iirap. isa sa atin ang
mapapanatag na ang buhay
ay punung-puno ng paghihirap.
yayakapin nang lubusan bawat
bitak na hinakbangan dahil
ano pa nga ba ang pagkayod
kung isa lang ang nakinabang?

March 24, 2024

parambula

gumagamit ka ba? hindi ko na
malaman-laman kung may tae
pa ba sa dinadaanan namin.
gumagamit ka 'no? ba't hindi
pa rin napasok sa loob 'tong
mga batang 'to? 'tang 'na mo a.

hindi nga sabi e. ba't hindi
pa rin naniniwala sa 'kin 'tong
kupal na 'to? mas alam mo
na ba agad kahit hindi ikaw
ang nakakita? ha? para kang
mama mo e. putang ina.

weh, 'di nga?

e 'di 'wag kang maniwala.
alam ko ang nakita ko. wala
namang napilit sa 'yo, 'di ba?

ba't ka nagagalet? konti na
lang at sasapakin ko na 'yang
pagmumukha mong panget.
nagtatanong lang e.

nagkukuwento lang din ako.
kuwentong nauwi sa kantsaw,
na nauwi sa ngiwi, ngiwing
may kasamang alinlangan,
tungong 'di mapagkatiwalaan.
ewan ko sa 'yo.

bahala ka sa buhay mo.

matitikman din balang araw
siyang hain ng bathala sa 'yo.

March 23, 2024

bus stop

diyos ko, lord, ikaw na marahil
ang pinakamahalagang kausap
sa bawat nahuhuling tagaktak
ng aking pagpapawis. malapit
na malapit na akong masawi,
at ikaw na lamang ang nasa
aking isip, sa sugod ng aking
bawat kalamnan, sa higpit ng
aking bawat pagkapit, o,
panginoon, akong may-sala
sa iyo, sa aking sarili, sa aking
katabi, patawad na marami.
ako'y—

...night sky, makes city lights
shine like diamonds. our song
plays on the rasumilid na
ang anino ng konduktor, tumabi
na pala siya sa aking sapatos.
kaunting iniusog ang aking bag,
ta's abot ng singkuwenta.
we're living it up...

sa'n 'to? alabang? estudyante?
inagaw ko ang iniabot na papel,
habang kinukumbinsi ang sarili
na wala nang natira pa sa akin.
please, gagawin ko ang lahat,
umabot lang ako. hindi na ako,
kailan man, manghihingi sa 'yo
ng kahit na ano, magpakung
saan man, manggugulo sa 'yo,
ibigay mo lamang sa akin 'tong
kaisa-isang

at biglang pumreno ang bus,
kasunod ang isang malakas
at mahabang busina sa labas.
putang ina mo! 'tang 'na ka!

hindi ba't nangyayari lang 'to
sa palabas? patayin niyo na 'ko.

March 22, 2024

don't you

nakasalampak lang
sa salas, titig sa palabas
ng tv. tutok nang mukha
sa mukha, naghihintayan
kung sino ang may unang
gagawiin. lilipat ng tingin
sa repleksyon sa sahig.

itutulak ang sarili
para makabangon.

mauupo muna't kukuha
ng unan sa sofa. isa. isa pa.
sasalampak muli. aabutin
ang remote. maglilipat,
magpapalit ng ingay. unti-
unting lalaksan— hoy, ang
lakas ng tv mo! unti-unting
hihinaan... sabay sa kunot
ng kilay, ng noo.

akala mo kung sino. tingala
sa kisame. magpapapansin
ang bilog na nag-iiba-iba
ng kulay. red, white, blue.
i never wish to fight you
so just let me be, and maybe
i'll let you, too.

February 29, 2024

adik ka ba

the worries of my subconscious
only remanifest themselves once
i've served enough hallucinatory
plated with blank static trying its
very best to numb my mind. as i
drift into empty space, my body
forgets the comforts hugging my
every zone. i come alone, and i
come along. come what may be.

i only meet them here. we talk,
and then we cry. shouting won't
bother anyone as well. pleadings
with guilt and compassion are
among readings of petty illusions.

my mind has minds of its own.
they curse. they accuse. they will
not even make me refuse. they go
on and on, they do not stop until
a random pop and fizzle kicks me
back up again. i will not remember
why i am angry, albeit i won't stop
serving them enough hallucinatory.