ang mga nais na aawayanin, waring
sabik sa mga butas na palalakihin
nang palalakihin, sabik na maging
mas na mas mataas pa dahil lang
sa binusisi pa talagang pagkolekta,
siya lang dapat ang makakita, siya
lang naman talaga ang nakakakita.
o siya, o siya, wala naman talagang
gustong makipag-away sa 'yo. ni
mga kakausap nga siguro'y may
pagkaipunan din ng mga hinaing
nilang mahinaing ka't kuro pa'y
kailang magngangalit sa loob-loob
naman, for a change, for this hate
on just surface has just surfaced
for there's no just surface for just
the surface. roots under bear not
only how the blames should have
started but also really these almost
irreparable consequences of their
palaging paghahanap ng kabuluhan.
sino ba talaga ang may kasalanan?
No comments:
Post a Comment