October 31, 2012

FlipTop - BLKD vs Apekz

Round 1

BLKD

Ito na ang pagbabalik, at pagpapaumanhin kong matino. Ang labang 'to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo. Marami pa 'kong ipagkakamali kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang kasi nga tao lang. Pero hindi ko ipinagluksa, pinag-aralan ko ang kahapon. Wala 'yan sa baba ng pagkadapa kundi sa taas ng pagbangon. Kaya naman sa labang 'to, alam niyong B stays high, parang first five letters lang ng apelido niya, yung C, A die.

Ano, Pekz, kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi 'tong pagbigkas kong banayad, sa kanya, intense na 'to. Kahit magbench press pa, 'di na lalakas 'tong Pekz na 'to. Kung ano ka nung Ahon, ganyan ka pa rin sa battle ring. Ikaw lang ang Pekz, man, na hindi promising. Kaya sa paglalayag ng lirisismo sa FlipTop, ito ang best anchor dahil 'tong ape na 'to, kahit may KZ sa pangalan, walang X-Factor.

Palibhasa, kuntento ka na sa tsismis at kakornihan. Kalidad, hindi tumataas. Ako, kahit pilitin kong magpakacorny, teknikal ang lumalabas. Sample: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman. Pilyo ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo mabanlawan ang mantsa sa relasyon niyo. Ano daw? Ang sabi ko: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang sale ng laman. Naughty ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo marinse ang mantsa sa relasyon niyo. Tamo, hanggang freestyle ka lang, lalim ko, karagatan 'to kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa bar ko. 

Kaya anong lamang ko sa 'yo? Huwag mo nang itanong 'pagkat walang nagbago sa istilo mong dekahon. Kaya pa'no tatama 'yang torpedo mo, e ang slow mo? 'Pag bars ko, nag-overdrive, iwan 'yang jokes mo. Kaya sige, kayo na humusga: Bars over jokes? O jokes over bars? Sa totoo lang, 'di dapat 'yan ang pagbanggain natin. May maganda't panget sa pareho, ang husgahan, pagkamalikhain. Hindi ako kontra sa komedyante, kontra ako sa komedyanteng pabaya. Hindi na nga seryoso ang banat, seryosohin mo naman ang pagkatha.

Dahil oo, ako'y natatawa sa 'stilo mong nakakatawa pero 'di ako natutuwa kasi nakakatanga. Napag-iwanan ka na, sadyang mabagal ang pag-usad. Napag-iwanan ka na, sa pag-angat, napakakupad. Napag-iwanan ka na, tila gumagapang paahon. Ito yata yung nabili ni Abrang kakuwentuhang pagong!

And speaking of Abra, balita ko, nagdevelop na'ng relasyon niyong dal'wa. Dati, contemporaries kayo, ngayon, groupie ka na lang niya? Kung makadikit ka kasi kay Abra, parang Stan lang. Tuloy, kahit 'di siya sharpshooter, natsitsismis na Mark's man. Pero ito, atin-atin lang, bukod sa sustento niya sa 'yong
panghalaman mo, ilang punch lines ang binigay niya sa 'yo para sa labang 'to? Kung sa bagay, quits lang naman. Sa gigs kasi ni Abra, ito ang dakilang hype man. Gan'to siya o: "Itaas ang inyong gamit, sa 'kin niyo na ilapit, at gagawin kong topic. Itaas ang inyong gamit, sa 'kin-" Pwe!
 
Natuto ka lang magfreestyle, feeling mo, singgaling mo na si Supernatural? E freestyle mo, aral, sa kanya, super natural. Ta's haharap ka sa tulad kong ang pagiging super, natural? Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo, 'yon ang supernatural.

Simpleng pangcontest ka lang naman dati na ngayon, sa EOW, nagkampyon. Ang ibig sabihin lang no'n, simpleng pangcontest ka pa rin ngayon. Kaya pasensiya, 'tol. Aking tagong galing, ngayong gabi, sa 'yo naikahon. Mga panira mo'y waring katol na inabo niya ring dragon. Purong gulo, ang dulot ng pagsugod nang lunod sa ethanol. Parang 'pag nag-abot ang hip hopper at rakista no'n sa Megamall. Gan'to ang tagpo 'pag nagpalaliman 'yong balde't balon. Parang nakilaban ng patigasan ang espasol kay Megatron. 

Makapangyarihan at makatuwiran ang aming tahol sa megaphone. Kayang baliktarin ang tatsulok at ibagsak ang Pentagon. Alam kong titirahin niya'ng aktibismo ko, syempre, as if ito'y kapintasan. Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang. Puwes, pasensiya ka na ha, kung hindi ako tulad mo na ang buong buhay, umiikot lang sa laughter at pikunan. Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang kanser ng lipunan. Kaya sa loob at labas ng FlipTop, alam niyo kung sino'ng tunay at palaban. Baon ang utak na mataba sa utak na malaman.

Kaya nga 'yong Panaginip ng Alikabok ay propesiya ni Aklas. Sa gabing 'tong inuunos kita. Kaya saktong dream match mo 'to, at pinupulbos kita. No'ng laban niyo, buong Batch 1, batung-bato sa mga linya mong sinuka. Daig pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa. Ako, mas madalas pa 'kong iquote sa tinitipid na canvass. 'Di ko na kailangang maging sintulin ni Smugglaz 'pagkat sadyang mabigat mga bara ng pantas. Tuwing ako'y nagrarap, nangangalay si Atlas.

Bumaba lang ako sa hanay niyo galing Olympus. Nag-introduce ng apoy, parang si Prometheus. Tapang at lakas, Hercules ang pakikipagbuno. Siniksik ko ang enerhiya ng uniberso sa 'king berso kaya mala-Big Bang ang kulo.

Markado na ang kalendaryo, handa na ang kapilya. Ngayon na ang burol ng ulo mong puno ng Marca PiƱa, at ang mga labi niya, markadong dugo lang sa ground. I made every diss count to bring Mark down. Hands down, ako'y guro na, ika'y mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na Mark ka.

No comments: