October 31, 2012

FlipTop - Schizophrenia vs Them Sent (2011)

Round 1

BLKD

At ayoko sanang magyabang pero ang upgrade na naririnig niyo sa mga FlipTop battle emcees, ako ang salarin kaya pustahan ngayong gabi, gagaya na rin mga 'to. Tingnan niyo, ginaya na rin yung salamin. 

Schizophrenia! Ang pinakahambog, feeling bantog na grupo sa ligang 'to. Bakit ba kayo nayayabangan kay Shehyee? E kahit lunukin niya ang bagyong Milenyo, mas mahangin pa rin ang dalawang 'to.

RRRRRRRRRRRRRRR, RRRRRRRRRRRRRRR. Harrrlem, pangalan mo pa lang, himod-tumbong na sa US. Kung kopyang Kano ang istilo, ang pagta-Tagalog mo, useless dahil kung kolonyal pa rin ang utak, ika'y sasamain. Kahit gamitin mo sarili nating wika, malansa ka pa rin. At nung Sabong Sumulong, ang kapal ng apog mong hamunin ng freestyle battle si sKarm. Ang sarap mong tanggalan ng L at E, just to cause you harm. At bago yung laban namin ni Mel Christ, ang lakas mong magparinig. Ako raw ang madadaig. E pa'no ba 'yon? Nilampaso ko yung lumampaso sa 'yo. Mas mababa ka pa sa sahig. 

E 'di ayun na nga, isda ka, pero hindi mo kayang sisirin ang aking lalim. Tawagin niyo 'kong Big L dahil naghari ako sa Harlem.

Round 2

BLKD

Sige, sige, sa crowd ngayon, kayo na ang mas mabenta kasi kami 'pag nagrarap, hindi namin iniisip ang pera.

Kahanga-hanga ang mga aktibista, nakikibaka kahit haggard. Takot lang 'to sa mga raliyista kasi yung ilong, hugis placard. Rizal, Bonifacio, del Pilar, Sakay, mga aktibista ng kanilang panahon. Kung hindi dahil sa mga aktibista, Indio ka pa rin ngayon.

At kahapon, hanap 'to nang hanap ng marijuana. Kung nagkataon, ikaw ang tutugon sa iyong bisyo. Sapilitang pagtatanim ng ganja, polo y servicio. Pagkatapos, sasabihin niyo, kayo ang underdog. E nauna pa kayo sa 'min sa hip hop. Kami ang underdog dito sa ating fight. Kayo ang mga bitches, all bark, no bite.

Round 3

BLKD

Nagtsinelas ako sa laban natin kasi ayokong mamantsahan ang aking sapatos. Madumi ang labang 'to kasi babaha ng dugo niyo pagkatapos. At ang lakas niyong magdeny na kopyang Loonie ang inyong husay. Puwes, sentensyado na kayo ngayon kasi meron kaming patunay. Si Loonie at Juan Lazy, parehong punch line, ginamit.

Saksakan ng panget! At kahit gamitin niyo ang wika niya, hindi kayo magpapantay. Ginasgas niyo yung salitang puta-pete hanggang sa mawalan ng saysay. At huwag mo kaming gamiting palusot sa pagkatalo mo kay Andy G dahil ang pag-uunderestimate ay kasalanan sa kapwa emcee. At matuto kang gumalang ng iba't ibang genre, kahit iba-ibang flavor. At maghugas ka ng vocal cords dahil darating si Mayor.

Oo na, sige na, nauna na kayo, huwag kayo masyadong magmalaki. Kayo ang uuwing wasak dahil sa amin ang gabi.

Overtime

BLKD

Ano ba naman 'yan, judges? Pa'no pa 'tong mga 'to ay nakalusot? Hindi kami nagpaplantsa ng mga linya kasi mga berso namin walang gusot.

Disorganized speech, walang sense magsalita. Disorganized thinking, ang lohika, saliwa. At auditory hallucination, gandang-ganda sa sarili nilang wack na kanta. At delusions? Akala nila blooming yung career nilang lantang-lanta. Mga ulupong, 'wag magmarunong, wala kayong alam sa sikolohiya pero pasado kayo sa lahat ng sintomas, meron nga kayong schizophrenia.

A! E kung gano'n naman pala, mabuti pa, ihatid mo na 'to sa aquarium, o sa beach. Go home! At ang sarap mantiris. Bakit yung pisngi nito tadtad, tadtad ng galis 'to? So prone. 'Pag ako nainis, masusunog ang mga 'to sa diss ko, Ozone!

No comments: