October 31, 2012

FlipTop - Sayadd vs BLKD

Round 1

BLKD

Ako ay medyo kabado kaya titira nang kalmado. Ang ganda ng delivery mo, muntik na 'kong mainis kaso lang yung mga linya mo, puro generic diss.

Sayadd na double D? Wala ka namang say bilang battle rapper pero meron kang ADD, attention deficit disorder. Kaya ka lang naman nagrarap, alam mo kung bakit? Ika'y kulang sa pansin. Mga linya ko, sumasabog, sa 'yo, kumakalansing. Dahil pagdating sa wika, ako ang artisano. Garantisado, gisado si Mr. Lizano. Uuwing tinalo at paralisado.

Hindi ka true hip hop, homeboy, wala kang alam, boy. Isa kang wannabe Am-boy na Eminem fanboy. Lumaking mom's boy, at tuwing gabi, callboy. Estudyante ka pala ng accountancy pero katangahan mo sa math ay legendary. Yung rapping skills mo, square root of negative one, imaginary. Feeling guwapo, ipapahiya ko for everyone to see. Mestizong rapper, sino ka? Si Bobby Andrew E? O baka si Carlos Agassi?

Round 2

BLKD

Oo, tama ka, scholar ako. Scholar ako ng UP dahil hindi ako bobo like you. Kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ.

Kapareho ka lang ng ating bagong administrasyon. Adik sa giyera at armas, binalewala ang edukasyon. Kung akala mong mananalo ka sa sindak, utak mo'y pilipit, dahil hindi porke't bayolente ang linya, ito ay malupit. At kung gusto mong magrap nang brutal at patok, magpatutor ka muna kay Plazma't Apoc. At kung puro angas ka lang, better shut your mouth. Magyabang ka sa QC, 'wag dito sa South.

Baka hiwain ko lang ang iyong neck line gamit kalawanging bread knife ta's bubudburan ko yung sugat
ng tinadtad na lamang ng tahong, yung may red tide. Panis ka sa artistang mabangis pa kay Batista. Yung utak ko, makatao pero yung dila ko, pasista. 

Nung 8 Mile ka lang naman kasi naging battle rap fan. Yung obsession mo kay Em, mas masahol pa kay Stan. Si Ralph daw si Marshall, at si Sayadd si Slim. Kahit 'di ka magdye ng buhok, gaya-gaya ka pa rin. Isang buwan kang naghanda, 'yan lang ang kaya mo, pare ko? 'Pag kinain ko kuwaderno mo,
mas malupit pa'ng lirikong itatae ko.

Round 3

BLKD

Aminin mo, Sayadd, erpats ka na. meron ka nang baby. Porke't idol mo si Shady, nagmadali kang gumawa ng Hailie. At hindi ka OG, isa kang padre de pamilya. Hindi ka nagpapaputok ng bala, nagpaputok ka ng semilya. At huwag mo kaming himbilugin na habulin ka ng parak. Hindi ka nagbibitbit ng baril, nagbibitbit ka ng anak. 

Kung dismayado kang talo ka, maghamon ka na lang ulit. Huwag kang maghugas-kamay, tagahugas ka ng puwet. At magpakumbaba ka, huwag yung puro alibi. Kanta niya dito, gangsta rap. Kanta niya sa bahay, lullaby. Wala pang tiyak na hanapbuhay, gumawa na ng supling? Para lang makaraos, nagsasanla ka sa Tambunting? Pagdating sa family planning, marami naman sanang paraan. Huwag lang daw withdrawal, sabi ni misis, dahil mabilis siyang labasan.

Patunay lang ang labang 'to na hindi tayo patas. Umuwi ka na lang nang luhaan, at magtimpla ka na lang ng gatas.

Overtime

BLKD


Sayang, hindi ako naghanda ng OT kasi hindi na kailangan. Puwede pa ba mag-appeal? Hindi na 'to overtime. Ang tawag dito, overkill dahil Round 1 pa lang, tinalo na kita, tanungin mo sila. Ginawa kitang sahig, tinapakan lang kita. Ginawa kitang banig, tinulugan ka nila.

Dahil yung dila ko, si Saiha, matalim at nag-aapoy. Yung istilo mo, hindi ko maatim ang pangangamoy. Dahil yung istilo mong luma at bulok, mas mabaho pa sa burak. 'Pag ako nagrap, flip top, titiwarik ang iyong utak. 

Pagdating sa talino, yung utak natin parehong Rico. Yung sa 'kin puno, kaso yung sa 'yo, blangko. At next Father's Day, remind me if I forget to say, dahil sa araw na 'yan, babatiin kita ng Happy Motherfucker's Day.

Ayan, wala na 'kong masabi dahil wala na 'kong maisip, at wala pa 'kong nakakain kaya kain na lang sa mga kaibigan ko sa Kaingin.

No comments: