BLKD
Panget! Sa panget mong 'yan, alam ko, virgin ka pa rin. Kahit kabitan kita ng sidecar, single ka pa rin. Sa mga natuwa sa generic joke kong 'yon, paumanhin sa masasabi kong anghang. Ilan kayo sa mga dahilan kung ba't nakakalusot sa FlipTop ang mga tulad nitong mangmang. Panahon na ng mga tulad kong kung dumura, bara'y halang. Sa lakas ng punch lines ko, 'pag tumama, tanggal bagang.
Kaya kawawa 'tong batak, na hayop sa wack. Kanyang flow, kalat, lababong wasak. Lakas manghamon, ayan nalamon ng katha kong angat. Ako'ng dumurog sa Tectonics, ba't ako matatakot sa Krack? Mga panalo, sarat, walang duda, siya'y tsumamba. Nakinood lang ng patawang battle, nagpluma na't gumay. Aking bara, matalinghaga, para utak ay lumaya. Ikaw, mababaw ka pa sa isang patak na luha ng buwaya.
Ta's babattle, lango sa alak at cannabis sativa para 'pag natalo, palusot, 'pag nanalo, partida. Kawalan sa wisyo, dala ng bisyo, damhin mo ang sting. Ito'y rap match, 'di beer match, kain 'tong crackling. Kunsintidor lang ang crowd, basta't merong lasing, hyped. Wasak na wasak magperform, dapat 'di 'to nainvite. Kalat-kalat ang mga banat, ba't 'di mo gawing tight? Minakinilya ko mga linya mo, at 'di ko pa rin type.
Round 2
BLKD
E ano kung nagsulat? Ito ay modern fight. Hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write. At hindi daw ako taga-Naic, hanggang paratang lang pala. Puwes, papatayin kita sa sindak, bawat bar, bara.
Round 2
BLKD
E ano kung nagsulat? Ito ay modern fight. Hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write. At hindi daw ako taga-Naic, hanggang paratang lang pala. Puwes, papatayin kita sa sindak, bawat bar, bara.
Singkitid ng pilapil ang isip, ngayon, ano'ng napapala mo? Hahalik ka ngayon sa lupa, parang nguso ng araro. Mga tulad mong naghahasik ng katangahang walang humpay, tinutulad ko sa binhi, binabaon ko nang buhay. Ako'y lahing magbubukid, katas-anak-pawis ang katayuan. Buong Pilipinas ang sinasakop pero nasa puso ang kanayunan. Ikaw, social climber, siyudad, sobrang dinadakila. Gustung-gusto maging urban, favorite show niya, Maynila.
Stuck ka dito sa Naic pero obsessed sa city life. Gangster kasi siya sa panaginip niya every night. Pusher 'to ng Coke, hindi yung drugs, yung inumin. Patago pang magdeliver, akala mo titimbugin. Naglalabas ng armas, agad-agad, 'pag napahamak. Patagilid pa 'tong tumira, tirador naman ang hawak. Bente-kuwatro oras magpatrol, nag-aabang lang ng aksyon. Pati bata pinapatulan. Alam mo ba yung reputasyon? Ilusyon mo ng thug life, sagad na sa buto mo. Lahat ng matignan mong salamin, nagkakacrack dahil ayaw mong magpakatotoo.
Round 3
BLKD
Tinalo nga ako ni Loonie at ni Dello. At least, napahanay ako sa mahuhusay. Inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay. At nagchoke ako kay Loonie. Oo, nagchoke akong may paninindigan. Parang Gomburza nung ginarote sa Trece Martires. Ikaw idadagdag kong pangkatorse.
Naic, ito ba tal'ga ang gusto niyong representante ng talento? Salat sa pagkamalikhain, kung magrap, pakuwento? Kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak. Kaya nga Krack pangalan niyan, bawat berso, bitak-bitak.
Pantas na matatas, gan'to dapat ang ehemplo niyo. Mga linya ko, pinag-uusapan, parang kable ng telepono. Mangmang rin ang aaming dapat 'tong hangaan. Nagpapatawa at nagkakalat, hindi naman 'to Bulagaan. Pero hindi ka rin puwede do'n, tanggihan man ang talent fee, dahil iuurong mo lang ang nasimulan nina Master Kiko't Michael V.
Kaya nga sa FlipTop, ikaw lang yata ang matatalino ang hater. At hindi ka pa pumuputi kakadikit mo sa Laser. Kakasipsip mo, itim na gilagid at nguso mo. Bugbugin ka sana ng mga magaling pang magrap sa 'yo na kagrupo mo.
At pagkatapos nito, babaliktad na ang CMD. Kay BLKD papanig 'pagkat ika'y 'di emcee. Ako'y CaviteƱong malago na ang impluwesiyang lirikal. Batang gas ang laway, apoy ng dila'y kritikal. Mala-Rizal at Quezon ang pagmamahal sa wika. Akin ang Calabarzon, wala nang makababawi pa.
No comments:
Post a Comment