BLKD
Mas gugustuhin ko pang maging libag na nabuhay kaysa maging posero na ang mga punch line, walang kabuhay-buhay. At, Anygma, ang corny mo naman. Ang cliché naman nitong aking kalaban. Tingnan niyo nga naman, may Kristo sa sabungan.
Ako'y magsisilbing John the Baptist dahil sa FlipTop, kita'y bibinyagan. Lulunurin kita sa ilog ng iyong kamangmangan. Ako'y magpapakaanti-Kristo, hindi dahil ako'y Satanista kundi dahil aking kokontrahin ang mga banat mong panis na.
Alam mo ba, kahit magpatulong ka sa mga apostol, it won't make a difference. Papaikut-ikutin ko lang kayong parang Trip to Jerusalem, Eraserheads reference. Kaya 'wag kang parang CBCP, huwag ka masyadong mapapel. Yung RH Bill, 'wag niyo nang idiskarel dahil hindi kami pro-abortion, pro-choice ang aming ipinagtatanggol. Magiging pro-abortion lang ako kung 'tong si Romel ang sanggol.
Dahil ang tula ko'y deadly, pumapatay, kumikitil, pumapaslang, three ways. Huwag ka nang umasang magreresurrect ka pa after three days dahil hindi ka na tatalino kahit sa three wise men sumabit. Mga linya mo, nakakaantok, parang three o'clock habit.
Kaya sa mga tulad mong banong rapper, dapat ipako sa krus para wala nang marinig na banong kanta kailanman si Juan dela Cruz.
Round 2
BLKD
'Yang cap mo, pekeng DC, palibhasa, doble cara. Rapper sa gabi, carnapper sa umaga. At tinawag mo 'kong kamukha ni Bentong, wala akong paki. Batangueñong duwag, ang matapang lang sa 'yo, kape. New Yorker ang swag, kung magrap, ala Jay. New Yorker pumorma, kung magsalita, ala ey.
Round 2
BLKD
'Yang cap mo, pekeng DC, palibhasa, doble cara. Rapper sa gabi, carnapper sa umaga. At tinawag mo 'kong kamukha ni Bentong, wala akong paki. Batangueñong duwag, ang matapang lang sa 'yo, kape. New Yorker ang swag, kung magrap, ala Jay. New Yorker pumorma, kung magsalita, ala ey.
At sa Baked mixtape, ikaw lang ang Baked na hindi umalsa. Mga beat sa Batangas, presko, ba't mga kanta mo malansa? At huwag mong ipagyabang na Bisaya ka dahil Bisaya pod ko. 'Di ko kasulti og maayo pero kasabot ko. Ikaw yung tipo ng Bisaya na pangmamata ng madla'y hindi matutulan. Baduy at bakyang stereotype, iyo lamang pinapatunayan dahil imbes na paunlarin ang kulturang sayo'y biyaya, ikaw pa ang isa sa mga dahilan kung ba't naging pang-insulto ang salitang Bisaya.
Kaya parang Poncio Pilato, ang pandarahas sa iyo'y aking maiibigang balisong sa ngalangala, pangkaladkad sa iyo pauwing Iligan. At isusubsob ko sa turbine ng Maria Cristina Falls 'yang pagmumukha mo. Ta's diretso tayo sa Cotabato para barilin ka na ni Zaito.
Round 3
BLKD
Written generic diss, yung pinantalo mo kay Harlem, gagamitin mo pa sa 'kin? Medyo malupit pero kahit kaninong kabattle, puwedeng gamitin? Ilang taon mo 'yong sinulat at sinaulo sa bahay. Nag-iimagine ng kaaway, pinagpapraktisan ang nanay.
Kaya yung mga tula mo, sobrang simple, mistulang rap-rapan. Lampas langit na'ng antas ko, nandiyan ka pa rin sa sabsaban. Kaya yung tala sa taas mo, ibabato ko sa 'yong parang kometa. Hindi ka tagapagligtas ng rap, isa kang bulaang propeta. Dahil kung Kristo ka nga, gumawa ka nga ng himala. Gamutin mo si Righteous One, patayuin mo bigla.
Dahil kung ang hip hop ay Kristiyanismo, Hudas ka, hindi Kristo dahil taksil ka sa kultura, at matagal ko nang nabisto. Ang hip hop ay kultura ng pagkakaisa't kagalingan pero ang tingin mo lang dito'y kultura na iyong pagkakakitaan.
Kaya naman ako ang tunay na malagim, at sa tagumpay, ako'y sakim. Son of God ka lang, ako ang Pinoy na Rakim. At kung hindi mo siya kilala, yung linya, hindi mo nakuha, huwag kang magpakahip hop, ignorante sa kultura.
No comments:
Post a Comment