BLKD
Sir, good evening. To be the best, sabi nila, you need to beat the best kaya nga kinalaban ko si Loonie. Makinig kang mabuti. Wala 'kong balak kumalaban ng Mongol, Shooli. Ngayon, tuturuan kita ng leksyon, tutal, ikaw ang nag-umpisa. Gusto mo, tutukan ng magkatropa parang nung kudeta? Puwes, cooldown na lang kita, pampatalas-focus din. Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang, Mokujin.
Rhymes mo, laging layered, pero still, your rapping, lamer. Binabagsakan ng beer, na parang tax evader. Kaya walang ligtas, kahit bigkasin ay gatigdas sa daming prayer. 'Di mo maiiwasan ang mga linya ko, parang piko sa graphing paper.
O 'di ba? Hindi naman gano'n kahirap ang ginagawa ni Dello. Konting jokes na may multis, basic ang disenyo. Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal. Aking asulto, laging may punto, na parang decimal. Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat. Walang paliguy-ligoy, straight to the point, parang sibat. At hasang-hasa ang talim, may lason pa't may sima. Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo pang masira.
Round 2
BLKD
Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.
Round 2
BLKD
Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.
At sa mga natuwa sa rebuttals niya, talasan pang magsuri. Banat ko, bombang nukleyar, ganti niya, basang watusi. Hindi porke't nagantihan, talo na yung unang umattack. Ba't ko iindahin 'yang pitik mo, e kanina ka pa nasapak? Kanina pa kita winasak. Palibhasa, basta rebattle, agad kayong napapahanga kahit simpleng-simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata.
At ikaw naman, sinasamantala mo ang kiliti ng crowd. Mas entertainer ka kaysa artist, 'wag ka masyadong proud. Magparami pa ng fans, 'yan lang ang kanyang hiling. Sobrang dami niya nang view, kaya niya nang bumattle nang nakapiring. Pero para ka lang namang kumanta nang nakaposas, o nagpiano nang nakabusal. May added challenge nga, wala namang katuturan.
Round 3
BLKD
Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. 'Tong contender ko, tender ang bawat satsat. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. Nakita mo yun, umulit? Kasi yung utak ko, makulit.
Marunong ka ngang magmultis, talinghaga na may gasino. May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino. Pagdating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido. Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso. May humor ka nga, pero konti lang ang wit na nakabangko. Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng santo. Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga kagrupo mo, if not all. Pero pa'nong lulusot ang Mongol, kung ang balakid, Great Wall?
Hatak-fans ka lang kasi, basta patok siyang istilo. Ako, 'di baleng 'di sumikat, basta't angat ang lirisismo. Kaya basta't barang BLKD, may deeper meaning 'yan. Tinataas ko ang standard, parang nagkakabit ng ceiling fan. Kaya ako ang mas magiting, manalo-matalo sa 'ting giyera. Parang nahimasmasang direktor, binago ko ang eksena.
No comments:
Post a Comment