alam mong wala kang kailangan sa kanila at hindi ka pa nila kailangan sa ngayon. kung magkakaroon man ng mga hindi planadong transaksiyon ay doon ka lamang siguro magkakamali na balaking makihalubilo at magkunwaring may pakialam. palpak ang iyong mga ibinibenta, alam mo, ngunit mabuti na para sa iyo iyon kaysa naman ang maipalit lang sa iyo ay pintas na hindi na mabubura pa kailan man.
gayon pa man, ang iniisip mo ay mananatiling iyo habang nakakubli ka munang nakikinig sa mga patalastas ng umaga. tatanungin mo minsan ang iyong mga katabi ng mga tanong na hindi rin nila nalalaman kung ano ang kasagutan. mapapansin ng mga diyablo na mukhang kailangan na nilang kilalanin ang nais na pumalit sa kanila kaya magmamadali silang susugod sa kanilang magarang puwesto. ang organisasyon ay mabubuwag para lamang sa katiting na takot at respeto.